LOGINIbinuhos ko sa lababo ang natirang tubig sa baso at hinugasan iyon. Katatapos ko lang painumin ng gamot sa lagnat si Mama. Buti na lang umuwi ako agad pagkatapos kong makuha ang report card ko. Pupunta ako ngayon sa munisipyo para mag-apply sa summer job na sinabi ni Mayor.
"Ace, nadala mo ba ang birth certificate mo? Baka kailangan iyan doon," sabi ni Mama mula sa kuwarto namin. Ibinalik ko sa tray ang malinis na baso. "Dala ko po, Ma." Siniguro ko nang magdala ng iilang importanteng papel para sa requirements. "Magdala ka rin ng biscuits, baka magutom ka roon. Tubig, huwag mong kalimutan," paalala ni Mama. "Opo," tango ko naman at sinipat ang suot kong itim na pantalon at pulang hanging blouse na may print 'this day is great.' Regalo iyon sa akin ni Lolo noong 16th birthday ko. Kumuha ako ng biscuits sa loob ng baldeng itim at nilagyan ng tubig ang thumbler ko. Ipinasok ko ang mga iyon sa sling bag. Sinuri ko muna ang pulang rubber shoes na nabili ko lang ng isang daan sa ukay-ukay noong pista sa lungsod. Mukhang maayos pa naman ang punit sa talampakan na idinikit ko ng shoes glue. Isinuot ko na iyon at isinabit ang bag sa aking balikat. "Ma, aalis na po ako!" Sinilip ko si Mama sa kuwarto. Nagtutupi siya ng mga tuyong damit na nilabhan ko kahapon. "Ingat ka," tumingin siya sa gawi ko. Halata ang pagod sa mga mata niya. Kapag nakapasok ako sa summer job at maka-sweldo talagang papatingnan ko siya sa doctor. Ngayon kasi ay hindi ko siya mapilit dahil kapos na kapos kami. Magkano kaya ang magiging sahod ko kungsakali? Sabi ni Mama, hindi magandang magbilang ng sisiw na hindi pa napipisa ang itlog. Pero mabuti nang may planong nakahanda. Naglakad ako hanggang sa main road at nag-abang doon ng traysikel. Walong kilometro ang layo ng barangay namin sa poblacion. Traysikel at motor na single ang pangunahing transportasyon. Fifteen pesos ang pamasahe sa traysikel at twenty pesos naman sa motor. Kinuha ko ang pitaka ko at naghanda ng barya para pamasahe. Pinara ko agad ang parating na traysikel. May dalawang sakay na iyon sa loob kaya sa backride na ako pumuwesto. May bahagi sa mainroad na iyon na accident prone area. Mabagal lang naman ang takbo namin pero biglang sumabog ang isa sa mga gulong ng sidecar at umekis ang traysikel papunta sa kabilang lane. Tumili ako dahil sasalpok sa amin ang puting Ford Ranger. Pumikit na lang ako at kumapit nang husto sa maliit na kabilyang hawakan sa itaas. Halos mabingi ako sa malakas na busina ng sasakyan. Napunta kami sa bakuran ng water refilling station at doon tuluyang dumapa ang gulong ng traysikel. Buti na lang hindi namin tinamaan ang gabundok na mga galon ng tubig. Ang Ford ay humambalang sa gitna ng daan. Halos magmarka sa kalsadang semento ang mga gulong niyon dahil sa pagkakadiin ng preno. "Ayos lang ba ang lahat? May nasaktan ba?" Nag-aalalang usisa ng driver sa aming mga pasahero. "O-okay lang po ako." Atubili kong tango. Hindi ko maigalaw ang mga binti at tuhod kong nanginginig. Pati ang dalawang pasahero sa loob ng sidecar ay hindi makakilos. Umusad ang Ford papunta sa tabi at bumaba ang driver. Lalo akong natilihan. Si Engineer Irlan? Malalaki ang hakbang niya habang papalapit sa amin. "May nasaktan ba sa inyo? Dalhin natin ng hospital," sa akin naglanding ang mga mata niya at nakita kong pumiksi ang kanan niyang kilay. "Maayos kami, Sir. Pasensya na, sumabog ang isa sa mga gulong ko." Nagpaliwanag ang driver ng traysikel. Tumango lang si Engineer, hindi bumitaw ang titig sa akin. "Okay ka lang ba?" tanong niyang hindi ko inasahan. "Okay lang po ako," mahina kong sagot at pinilit kong makababa mula sa backride ng motor. "Kuya, heto po ang bayad ko." Umibis na rin ang dalawa pang pasahero at nagbayad din ng pamasahe. "Doon na kayo sa sasakyan ko," alok ni Engineer Irlan at hinugot ang wallet niya. Kumuha ng lilibuhing papel. "Ituloy mo na sa talyer iyan para mapalitan ang gulong." Ibinigay niya sa driver ang pera. "Naku, Sir, sobra-sobra po iyan!" bulalas ni Kuyang driver. Pero ipinilit iyon ni Engineer. Kumalat na ang mga tao sa paligid namin, nakiusyuso sa nangyari. Tanong dito, tanong doon. Ilang saglit pa ay mistula na kaming nasa gitna ng maingay na palengke. "Maraming salamat po, Engineer!" Kulang maiyak ang driver. "Tara na." Hinawakan ako ni Engineer sa siko at inakay patungo sa sasakyan niya. Sumunod sa amin ang dalawang pasaherong kasama ko. Binuksan niya ang pinto sa may front seat. "Bakit ba tuwing nakikita kita ay minamalas ako?" pabulong niyang sabi at pinasampa ako sa loob ng sasakyan. Nanlamig ang mga palad ko. Para na rin niyang sinabi na kasalanan ko ang muntikan nang disgrasya kanina dahil malas ako. Pumuwesto siya sa likod ng manibela at hinintay na makasampa ang dalawa pang babaeng pasahero. Nakasiksik ako sa pinto at umiwas na sulyapan siya habang matulin na tumatakbo ang sasakyan. Hinatid niya kami sa may plaza ng poblacion. Malapit lang doon ang munisipyo. "Salamat po," piyok ang boses na sabi ko at bumaba.Nagulat na lang ako nang ibalot ni Irland sa akin ang kumot at pinangko ako. Tinangay ako sa loob ng banyo at ibinaba sa likod ng pinto. "Stay here and don't come out whatever happens, okay?" bulong niya at hinablot ang pantalon na nasa hanging bar. Mabilisan niyang isinuot iyon at lumabas ng banyo. Ni-lock niya ang pinto mula roon sa room at hindi ko naririnig kung ano ang mayroon sa labas. Sobra ang takot at bilis ng pintig ng puso ko. Nahihirapan na akong huminga pero hindi ako gumalaw roon. Niyakap ko ang sarili at pikit-matang nagdadasal para sa kaligtasan ng aking asawa. Lalo akong nabaghan nang maulinigan ko ang malakas na kalabog. Tila ba may mabigat na bagay na hinambalos sa dingding. Pero ilang segundo lang iyon at tumahimik ulit. Nang bumukas ang pinto'y dinakma ko si Irlang. "A-ano'ng nangyari sa iyo?" natitilihan kong tanong nang makita ang pasa sa mukha niya at ang putok niyang labi.The back of his right hand is bleeding and he has a cut of knife in his left arm. D
Nakailang ikot na ako sa harap ng salamin pero hindi ako makontento. Hapit na maong pantas ang suot ko saka hanging blouse na button down at mahaba ang manggas. Nakapaloob sa itim na snicker shoes ang aking mga paa. Lalabas kami ni Engr. Irland. May titingnan daw kami sa bayan. Excited ako. First time kong makapunta sa bayan mula nang dumating ako rito. "Not ready yet?" Sumilip doon si Engineer. "Okay lang ba itong suot ko?" tanong ko sa kaniya.Pumasada ang titig niya sa akin, mula ulo hanggang paa. "You look stunning." Kumindat siya at nag-thumbs up. "Hindi ka ba komportable?""Ahm..." Umiling ako at nilingon ang mga bestida sa cabinet. "Gusto kong magsuot ng isa sa mga iyon. "You can wear those if you want." Saglit akong napaisip. Kailangan ko rin i-consider ang pupuntahan namin. Baka hindi proper kung bestida ang isusuot ko. "Okay lang, ito na lang." Umikot pa ako at natawa siya. Kumapit ako sa braso niya habang palabas kami ng bahay at deretso na sa kaniyang sasakyan. Pagsam
Nagsimulang manginig ang buong katawan ko nang bumuhos sa akin ang alaala ng pang-aabusong sinapit ko sa tatlong lalaki. Ang haplos na halos ikamatay ko. Ang pag-angkin sa katawan ko at pagsira sa aking katawan na halos isumpa ko na ang sarili ko at kaluluwa. Kumislot ako. Pero hinawakan ni Engineer ang aking kamay."Kizaya, tumingin ka sa akin. Sa mukha ko, sa mga mata ko. Huwag kang pumikit," sabi niyang nanunuot sa aking tainga.Unti-unti akong natangay pabalik sa aking sarili at tumitig sa mga mata niya. Hindi siya sila, asawa ko siya. Hindi siya ang mga demonyong iyon. Hindi niya ako sasaktan. "Engineer...""I am going in, okay lang ba?" paalam niya.Nasipat ko ang ibabang parte ng katawan naming dalawa. Nakabuka na ang mga hita ko at siya naman ay handa na, handa nang pumasok ang pagkalalaki niya sa lagusan ko. Napalunok ako at tumango. "H-Hindi na ako virgin," ninerbiyos kong utas. Paano kung madi-discourage siya? Paano kung aayaw na siya sa akin pagkatapos nito? Natatakot a
Lutang pa rin ako hanggang sa pagtatapos ng wedding rites. Ginagaya ko lang ang mga sinabi kanina ni Engr. Irland sa vows. Iniisip kong hindi siguro seryoso iyon. Na baka bahagi lang ng plano at iyon siguro ang magiging ambag ko. Pero habang binabasa ko ang draft ng marriage contract namin, unti-unti ring nag-sink in sa akin na ikinasal nga ako at hindi na ako single. Wala pang registration number ang marriage contract, isang linggo pa bago namin makukuha ang PSA original copy. Ang narito sa akin na draft ay para ma-review ko ang mga detalye at kung may mali sa personal information ay ma-correct agad. Itinabi ko muna ang dokumento at sinilip ang laman ng paper bag na ibinigay ni Engineer sa akin kanina. Wedding gift niya iyon para sa akin. Isa-isa kong kinuha ang laman. May cellphone. Latest model ng mamahaling brand. May jewelry box na naglalaman ng set diamond jewels. Necklace, bracelet, earrings. Brand new compact SUV at house and lot na nakapangalan na sa akin. Kailan niya inasik
"Hindi ba sobrang mapanganib para sa iyo ang gagawin mo, Irl?""It is more than dangerous but there is no other way. Hindi matitigil ang sistemang umiikot ngayon sa Montaña kung hindi mapapalitan ang liderato ng LGU. Hangga't sila ang nasa kapangyarihan kontrolado nila ang pwersa ng PNP at ibang law enforcement agencies na augmented sa local government. Magiging limitado ang tulong na magagawa namin ni Yanixx," paliwanag ni IrlandKagigising ko lang at naririnig ko ang pag-uusap nilang dalawa ni Ace. Dumilat ako at nasumpungan ko ang pagsulyap ni Engineer sa akin. I saw something sparkled in his eyes. Kaagad niya akong nilapitan at hinaplos ang aking noo."Engineer," mahina kong sambit. Hinawakan ang kamay niya. His hand on my forehead feels good. "May sinat ka pa rin," sabi niyang binalingan ang mga gamot sa sidetable at ang tubig. "Here, take this." Pinainom niya ako ng isang tableta."Ki, gusto mo bang kumain? Kaluluto lang ni Mama ng lugaw," tanong ni Ace na lumapit din sa amin.
Gang rape. Iyon ang report na nabasa ko sa resulta ng post mortem na binigay ng NBI. Sa kanila ako dumulog imbis na sa PNP kasi nawalan na ako ng tiwala sa polisya pagkatapos ng sinabi ng ilang witness na nakausap ko. Kinompirma nilang tatlong police officers ang sumundo kay Lulu. "Magsasampa ka ng kaso?" tanong ni tatay. Umiling ako. May mangyayari ba sa kaso ng alleged drug users ngayon sa kasagsagan ng war on drugs? Pinagbintangang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Lulu para makalusot ang mga suspek sa krimen na ginawa dahil sa lipunan ngayon, ang drug addict ang itinuturing na pinakamasang elemento na kailangang ubusin, ayon sa batas ng PNP. Mahahanap ko ba ang katarungan kung mismong ang nagpatupad ang lumabag sa batas nila? Umiyak na lang ako nang umiyak habang dakma ang kabaong ng aking kapatid. Wala rin naman akong maisumbat sa kaniya. Kahit nagsakripisyo ako at tumigil sa pag-aaral para siya ang magpatuloy. Tiniis ko ang pagod sa call center, nakikipaghabulan sa ora







