"Boys, start moving!" apura ni Mayor kina Nicolo at Keth. "Manong Paul, samahan n'yo kami rito!" Kinambatan niya si Lolo. Hindi ako nakakilos nang lapagan niya ako ng paper plate sa kandungan ko. "Ang Mama mo, Ace?" tanong niya.
"Ah...eh...nasa loob po, Mayor. Naglalaga po ng mani." "Puntahan mo, Nico. Yayain mong kumain," utos niya kay Nicolo. Mabilis na tumalima si Nicolo at pumasok sa loob ng kubo. Si Keth naman ay sinalubong si Lolo at binigyan ng paper plate. Pinag-urong din ng silya. Lumapit na rin sa amin si Engineer Irlan at pumuwesto sa tabi ni Lolo. "Keth, tone down the music," utos ni Mayor kay Keth. Agad binalingan ni Keth ang sound system at binawasan ang volume ng tugtog. Nagsimula nang kumain sina Lolo at Engineer Irlan, habang ako ay hawak lang ang paper plate at hindi makapagpasya kung ano'ng dadamputin. May hanging rice, lechon, barbeque na alam kong hindi iyong nakagawian na binibili ko sa lungsod. Mas special iyon. Mayroon ding crabs. Hipon na inihaw, pusit at isda. "Kumain ka, bawas ganda points ang magpalipas ng gutom." Napakurap na lang ako nang lagyan ni Mayor ng rice ang pinggan ko. Naglatag pa siya ng mga paper plate at nilagyan ng mga ulam para hindi ko na kailangang tumayo pa. Saka lang siya kumain matapos niya akong asikasuhin. Lumabas ng kubo sina Nicolo at Mama at humabol sa amin doon sa hapag. Hindi ko malunok nang maayos ang kinakain ko. Pakiramdam ko'y busog na busog ako dahil sa lumalaki kong puso na tila sinakop na pati ang aking sikmura. Pagkatapos ng hapunan ay bumuhos ang mamahaling wine. Nilakasan na rin ulit ni Keth ang music at pinalitan na ng disco. Ang ilaw ay nagsimula na ring maglikot at humahagis sa iba't ibang direksiyon. Ako na ang nag-volunteer na magligpit. "Anak, ang mani kunin mo," paalala ni Mama. "Opo, Ma." Pumasok ako ng kubo. Habang nililipat ko sa isa pang bowl ang nilagang mani, nasulyapan ko ang pagpasok ni Mayor. Kailangan na niyang yumuko dahil mauuntog siya sa mababang pintuan namin. "Ace, ipasok mo na rito 'yong mga natitirang pagkain." "Sige po, Mayor." Tumango ako. Nalipat sa mani ang paningin niya. "Masarap na partner iyan ng wine," komento niyang kumuha ng isang piraso at kinain. "May summer job ang munisipyo para sa mga estudyante. Pumunta ka sa opisina ko bukas kung gusto mong mag-apply. Bibigyan kita ng endorsement para sa PESO office." Ngumiti ako. "Thank you po, Mayor. Iyong tungkol nga pala sa nabasag na salamin ng sasakyan, I'm sorry po." "No, forget about it. We're being reckless and you made me realize that part of the road needs some attention." "Maayos po ang kalsada roon, 'yong tubo ng tubig po ang may butas. Narinig ko po na idinulog na sa waterworks ang problema pero hindi pa rin na-aksiyunan." Umiling siya. Banaag ang pagkadismaya. "I will call them out immediately, thank you for the info. By the way, congratulations on your honors. Nagkuwento sina Nico at Keth." Dinampot niya ang bowl na naglalaman ng nilagang mani. "Let's go back outside." Tumango ako at dinakma na rin ang bowl na puno ng hilaw na mani. Magkasama kaming lumabas ng kubo. Nagpaalam si Mama at nauna nang nagpahinga. Si Lolo naman ay sinamahang uminom sina Mayor at Engineer Irlan. Ang sabi ni Keth ay customized ball daw iyon kaya dapat isasayaw nila ako ni Nico. Pinagbigyan ko na lang din. Salitan iyong dalawa na isayaw ako. Pero ang puso ko ay lihim na nagtatanong kung kailan ko kaya mararanasang isayaw ni Mayor Yanixx? "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko, Ace?" tanong ni Keth. "Ha?" Kumurap ako. Hindi ako nakikinig. Abala kasi ako sa masiglang tibok ng puso ko dahil tuwing sinusulyapan ko si Mayor ay nahuhuli ko siyang nakatitig din sa akin. "I said, manliligaw ako sa iyo." Inilapit ni Keth ang bibig nito sa tainga ko. "Saka na lang kapag 18 na ako," sagot kong ngumuso. Lumungkot naman ang mukha ni Keth. Apurado masyado, hindi makapaghintay. "Three years pa lang akong dalaga. Gusto ko muna masulit at mag-focus sa pag-aaral ko sa senior high." Kahit hindi naman kailangang magpaliwanag, nagkusa na ako para matigil ang kakulitan niya. "Pinagbawalan ka ba ng Mama mong magkaroon ng boyfriend?" "Hindi, pero ayaw ko munang mag-boyfriend. Sige, ligawan mo ako tapos babastedin kita." Mula sa likuran namin ay narinig kong humagalpak ng tawa si Nicolo. Nanunubok yata ang isang ito sa pag-uusap namin ni Keth. Kunwari lang kumuha ng mani pero tsismoso naman. Inirapan ko ito. "Kung si Nico ba-" "Basted din siya," agaw ko. Si Keth naman ang humalakhak. "Oh, sige, sinabi mo na rin lang, seseryosohin ko na. Walang iyakan kung ako ang sasagutin ni Ace," babala ni Nicolo. Advance lang? Sasagutin agad? "Bakit, manliligaw ka rin ba?" pabiro kong ungot. "Ako naman ang original na may planong manligaw sa iyo, eh. Nakikigaya lang iyang si Keth. Ako ang unang nakakita sa iyo sa school noong nag-transfer kami. Noong nakita kita sabi ko akin ka," nakabungisngis na pahayag ni Nicolo. Natigil na kami ni Keth sa pagsayaw dahil nasira na ang mood nito. "Tigil-tigilan n'yo akong dalawa, wala na kayong ibang ginawa kundi pagtripan ako." Tinalakan ko na sila. "Kapag talaga sinagot mo si Nico hindi ko kayo patatahimikin, tandaan mo iyan," banta ni Keth, seryosong-seryoso. "Oo, kasi ikaw ang patatahimikin ko!" Humalakhak si Nicolo. Napapansin kong tuwang-tuwa ito kapag naba-bad trip ang pamangkin nito. Kung isa sa kanila ang magiging boyfriend ko malamang mabilis akong tatanda dahil sa kakulitan nila. Kaya mas gusto ko 'yong mas may edad kaysa sa akin. 'Yong matured na. Pinukol ko nang tingin si Mayor. Nakasulyap na naman siya sa amin. Oo, mas gusto ko 'yong tulad ni Mayor."Ginagawa nilang baboy ang mga babae? Ginagawang breeder? Ang kapal ng mukha nila!" Hiningal ako sa hindi birong galit na nagpasikip sa aking dibdib. Sobra na talaga ang kasamaan ng mga tao. "Narinig ko na ang illegal industry ng internal organs. May iilan na sadyang ibinibenta ang laman-loob nila para magkapera. Pero ang pilitin ang isang babae na magkaanak para sa ganoong layunin, mas masahol pa sa hayop ang mga taong iyon."Hinawakan ni Irland ang kamay ko at minasahe ang bahagi na itinuro rito ni Yanixx dati para mapakalma ako. "Ano'ng plano ninyo ni Yanixx? Hindi pwedeng si Kizaya lang ang ililigtas ninyo mula sa sindikato. Humingi na kayo ng tulong sa national office." "Yanixx is working on it. But we can't do it openly. Oras na malaman ng grupo na kumikilos kami, baka tulad ni Kizaya ay ide-despose rin nila ang ibang mga babaeng hawak nila. Sa ngayon, nakiusap ako sa hospital na ipakalat na tumakas si Kizaya para mawalan sila ng lead. The hospital also took the initiative to
Alas-singko pa lang ng umaga'y maingay na ang buong kabahayan. May pasok ang mga bata at inaasikaso ni Yanixx sa loob ng banyo, habang ako ay naghahanda ng maisusuot nila. Natatawa na lang ako habang pinapakinggan ang kulitan ng mag-aama at ang matinis na hiyaw ng mga bata. Iniwan ko na sa kama ang mga damit at binalingan ko naman ang school bags nila. Sinilip ko ang mga gamit sa loob at kung walang kulang. "Careful," paalala ni Yanixx habang palabas silang tatlo sa banyo. "Mama!" Yumapos sa akin si Vince at sinadyang isubsob ang mukha sa aking tiyan. "Doon muna kayo at magpatuyo ng buhok," itinuro ko ang gawi ng dresser. Tinangay sila roon ni Yanixx at binlow-dry ang buhok ng dalawa. Pagkatapos mapatuyo ang buhok ay tinulungan ko silang magbihis. Lumabas kaming apat ng kuwarto at nagtungo sa dining area. Nakapaghain na ng breakfast si Mama. May naka-ready na ring lunch box para sa mga bata. "Sit down now and behave while taking your food, alright?" Yanixx pulled chairs for the
Matiwasay naming nailagak si Lolo sa kaniyang huling hantungan. Halos buong ka-baryo namin ang naghatid sa kaniya. Sobra akong na-touch sa pagmamahal ng mga tao. Inabot kami ng dilim sa sementeryo kasi hinintay pa namin na mai-puwesto ang lapida niya. Nakapaloob ang puntod ni Lolo sa museleo na pinagawa ni Yanixx para sa pamilya namin. Doon din nilipat ang mga buto at abo ni Bella pero nasa kabilang side siya. "Mama, where's Lolo going?" inosenteng tanong ni Vince."Pupunta siya sa kinaroroonan ni Mommy Bella. May kasama na si Mommy Bella ni Ate Sofhie.""Okay, and to do that you will sleep inside that long box?" Itinuro ni Vince ang puntod.Nagkatinginan na lang kami ni Yanixx. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag nang mas simple ang tungkol sa kamatayan ng tao para maintindihan ng mga anak namin. Ang alam lang kasi nila'y hindi na nila muling makikita ang mga mahal namin sa buhay pero 'yong konsepto ng kamatayan ay isang hiwaga pa rin para sa kanila na para bang mahabang pagtulog la
Gabi na nang makabalik si Yanixx. Kasama niya si Engr. Irland at halata sa mga mukha nila ang pagod kaya hindi na muna ako nagtanong at hinayaan silang makapagpahinga pagkatapos ng dinner. Bumalik ako sa burol ni Lolo at tinulungan doon si Mama. Katatapos lamang ng misa at kasalukuyan siyang nagliligpit kasama ang mga kapitbahay at ang dalawang katulong namin. Huling gabi na ngayon ng lamay at parami nang parami ang mga tao. Nagdagdag na kami ng mga upuan. Buti na lang may extra pa sa barangay. Naglibot ako at nagpasalamat sa mga tao. "Babe," si Yanixx na sumunod sa akin doon. Hinawakan niya ang kamay ko. Natanaw ko rin si Engr. Irland na pumasok ng kapilya."Do not overdo it, baka magka-cramps ka mamaya," remind ni Yanixx sa akin."Okay lang ako, kumusta ang lakad n'yo kanina? 'Yong babaeng natagpuan ninyo, kumusta siya?""Ligtas na siya. May bantay siya roon sa hospital. Hinihintay ko pa ang resulta ng investigation ng PNP. But initially, she is kidnapped, raped and thrown out aft
On-going ang padasal sa burol ni Lolo, isang linggo ang schedule ng kaniyang lamay bago siya ihahatid sa huling hantungan. Salitan ang mga kapitbahay at mga kaibigan ng pamilya sa pagpupuyat. Kung dati ay may sugal, ngayon ay nagbaba ng ordinansa ang lungsod, sa utos na rin ni Yanixx. Pinagbabawal ang pagsusugal sa mga lamay dahil isa iyon sa nakitang medium ng bentahan ng illegal drugs. "Ace, hindi ka pa ba magpapahinga? Hatinggabi na." Lumapit sa akin si Mama."Mamayang kunti, Ma. Tatapusin ko lang po ito." Nag-crochet kasi ako, pinagkaabalahan ko para hindi antukin habang nakabantay sa burol ni Lolo. Gumawa ako ng peepad para sa baby ko. "Ang asawa mo?" "Kasama po niya ang barangay officials, may project yata siya rito sa barangay na gustong i-follow up. Hihintayin ko rin po siya, Ma, bago ako matulog."Tumango si Mama at lumabas ng kapilya. Itinuloy ko naman ang crochet. Maya-maya pa ay natanaw ko si Yanixx na parating. Kausap pa rin niya ang kapitan ng baryo. Napansin ko agad
Hindi ko pa rin ma-internalize na wala na sa amin si Lolo. Nahihirapang mag-adjust ang sistema ko. Naroon lang ako sa ibaba ng bed sa may emergency, yakap ni Yanixx. Ni hindi na umagos ang mga luha ko. Para bang biglang natuyo. Tulala ako. Nakatitig sa bulto ni Lolo na para bang natutulog lang. Hindi ko makita sa mukha niya na nasaktan siya bago binawian ng buhay. Payapa ang kaniyang anyo, kahit nawawala na ang kulay. Si Mama ay nakadakma sa bed, nagpapalahaw ng iyak. Inaalo siya ni Papa. Pero hindi pinapatahan dahil alam ni Papa na imposibleng gawin iyon. May mga hospital orderlies na pumasok para asikasuhin na ang bangkay ni Lolo at dalhin sa morgue sa ibaba. Napilitang bumitiw si Mama. "Let's wait outside,"maingat na sabi ni Yanixx sa akin. Nang subukan kong gumalaw, para bang may napatid sa loob ng puso ko. Kasunod doon ang pagsaklob sa akin ng lahat ng emosyong kanina ay tila nakakandado. Kailangan ko nang humagulgol dahil hindi ako makahinga. "Ang baby natin, hindi matutuwa