Home / Romance / I DIVORCED THE MAYOR / Chapter 5 - hired

Share

Chapter 5 - hired

Author: AshQian19
last update Last Updated: 2025-07-17 21:36:13

Umuuga pa rin ang mga tuhod ko sa nerbiyos, tapos dinagdagan pa ng sinabi ni Engineer. Huminto muna ako sa paglalakad at kinapa ang thumbler sa loob ng aking bag. Uminom ako ng tubig. Hindi ko dapat iniisip iyong sinabi niya. Opinyon lang niya iyon. Masungit lang talaga siya.

Maraming bisita si Mayor sa opisina pagpasok ko ng executive building. May mga kausap siya at may mga naghihintay pa sa waiting area. Punuan ang apat na mahahabang couch at mga single chairs. Baka hindi niya ako ma-estima. Dapat talaga maaga kung pupunta rito. Babalik na lang siguro ako bukas. Pero magtatanong muna ako sa staff kung ano'ng requirements para sa summer job at nang hindi na ako magpapabalik-balik pa. Sayang din ang pamasahe.

Lumapit ako sa help desk. "Excuse me po, pwede ba akong makahingi ng requirements para sa summer job?" polite kong sabi sa babaeng staff na nasa loob ng cubicle.

"Hintay ka lang saglit, upo ka muna diyan. May client pa kasi ang in-charge."

Naupo ako sa easy chair at pinukol ng tanaw ang separate office ni Mayor na may mga dingding na salamin. Nakikita ko siya sa loob at ang mga kausap niyang sa palagay ko ay mga kapitan ng barangay.

"Ms. Graciela?" Lumapit sa akin ang isang staff na lumabas mula sa opisina ni Mayor.

"Yes po?"

"Doon tayo sa conference room." Iminuwestra niya sa akin ang malaking pintong kulay dark chocolate na nasa gilid.

Tumayo ako at sumama sa kaniya. Bumati sa akin ang lamig ng aircon at air freshener sa loob. Hugis oval at chocolate brown ang mahabang table na tinamaan ng aking paningin. May built-in microphones at napapaligiran ng high-backed swivel chairs na genuine leather ang upholstery.

"Maupo ka," alok ng staff. Maganda siya. Maputi at blonde ang rebonded na buhok. Palagay ko ay kasing-edad lang niya si Mayor.

Naupo ako. Mahigpit na hawak ang aking bag sa aking kandungan. Magtatanong na sana ako nang bumukas ang isa pang pintuan sa right corner at mula roon ay pumasok si Mayor. Sumenyas siya sa staff na lumabas muna.

"I can't accommodate you in there, I have a meeting with the coastal barangay captains." Habang nagsasalita ay nai-imagine ko siyang nasa cover ng magazine sa suot niyang dark blue polo shirt at white pants.

"Okay lang naman po, babalik na lang ako bukas." Pinilipit ko ang mga kamay. Gusto kong suminghap pero wala akong mahugot na hangin mula sa aking baga. Dahil ba sa aircon?

"Hindi, nandito ka na. You might as well work on your purpose. I had a talk with the head of PESO office this morning. You can start reporting here in my office anytime. Requirements of course are to be followed, you can process on those while on duty." Lumapit siya sa akin at bahagyang umuklo. "I don't usually like morena girls but you made me change my mind."

"M-Mayor-"

"That is a compliment." Kumindat siya at bumaling sa may pintuan. Kinatok iyon.

Pumasok ang staff niya. "Yes, Mayor?"

"Ace here will be working with us. Teach her how to operate the xerox machine."

"Yes, Mayor." Tumingin sa akin ang staff at ngumiti.

Tinugon ko siya nang tipid na ngiti at sinulyapan ko ang ID niya. Private secretary pala siya at Fretchie ang pangalan.

"Hm, what else...ah, the coffee machine too. She will be making my coffee starting tomorrow, right, Ace?"

Tameme akong tumango na lang. Sumama ako kay Fretchie palabas. Dinala niya ako sa kinaroroonan ng xerox machine at itinuro niya sa akin paano mag-photocopy ng mga dokumento.

"Bukas ko na ituturo sa iyo ang paggawa ng kape ni Mayor. Pumasok ka nang maaga bukas ha?" instruct ni Fretchie sa akin.

"Opo, Ma'am."

Iniwan niya ako roon habang sumusubok akong mag-photocopy ng mga memorandum na kailangang i-route sa iba' ibang offices. Nagawa ko naman. Siguradong matutuwa si Mama mamaya pag-uwi ko.

Sumulyap ako sa kambal na pintuang salamin. Saktong binuksan iyon ng back-up ni Mayor at pumasok si Engineer Irlan. Nagtagpo ang mga mata namin at kumunot agad ang mga kilay niya. Pero imbis na tumuloy siya sa opisina ni Mayor ay tumalikod siya at muling lumabas. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya kanina na minamalas siya tuwing nakikita niya ako.

"Tingnan mo iyon, parang nakakita ng ex niyang naghahabol." Pabirong nagsalita si Mayor mula sa likod ko.

Saglit akong nanigas. Pakiramdam ko na-magnet palabas ang puso ko at bumara sa aking lalamunan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 007

    "Ginagawa nilang baboy ang mga babae? Ginagawang breeder? Ang kapal ng mukha nila!" Hiningal ako sa hindi birong galit na nagpasikip sa aking dibdib. Sobra na talaga ang kasamaan ng mga tao. "Narinig ko na ang illegal industry ng internal organs. May iilan na sadyang ibinibenta ang laman-loob nila para magkapera. Pero ang pilitin ang isang babae na magkaanak para sa ganoong layunin, mas masahol pa sa hayop ang mga taong iyon."Hinawakan ni Irland ang kamay ko at minasahe ang bahagi na itinuro rito ni Yanixx dati para mapakalma ako. "Ano'ng plano ninyo ni Yanixx? Hindi pwedeng si Kizaya lang ang ililigtas ninyo mula sa sindikato. Humingi na kayo ng tulong sa national office." "Yanixx is working on it. But we can't do it openly. Oras na malaman ng grupo na kumikilos kami, baka tulad ni Kizaya ay ide-despose rin nila ang ibang mga babaeng hawak nila. Sa ngayon, nakiusap ako sa hospital na ipakalat na tumakas si Kizaya para mawalan sila ng lead. The hospital also took the initiative to

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 006

    Alas-singko pa lang ng umaga'y maingay na ang buong kabahayan. May pasok ang mga bata at inaasikaso ni Yanixx sa loob ng banyo, habang ako ay naghahanda ng maisusuot nila. Natatawa na lang ako habang pinapakinggan ang kulitan ng mag-aama at ang matinis na hiyaw ng mga bata. Iniwan ko na sa kama ang mga damit at binalingan ko naman ang school bags nila. Sinilip ko ang mga gamit sa loob at kung walang kulang. "Careful," paalala ni Yanixx habang palabas silang tatlo sa banyo. "Mama!" Yumapos sa akin si Vince at sinadyang isubsob ang mukha sa aking tiyan. "Doon muna kayo at magpatuyo ng buhok," itinuro ko ang gawi ng dresser. Tinangay sila roon ni Yanixx at binlow-dry ang buhok ng dalawa. Pagkatapos mapatuyo ang buhok ay tinulungan ko silang magbihis. Lumabas kaming apat ng kuwarto at nagtungo sa dining area. Nakapaghain na ng breakfast si Mama. May naka-ready na ring lunch box para sa mga bata. "Sit down now and behave while taking your food, alright?" Yanixx pulled chairs for the

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 005

    Matiwasay naming nailagak si Lolo sa kaniyang huling hantungan. Halos buong ka-baryo namin ang naghatid sa kaniya. Sobra akong na-touch sa pagmamahal ng mga tao. Inabot kami ng dilim sa sementeryo kasi hinintay pa namin na mai-puwesto ang lapida niya. Nakapaloob ang puntod ni Lolo sa museleo na pinagawa ni Yanixx para sa pamilya namin. Doon din nilipat ang mga buto at abo ni Bella pero nasa kabilang side siya. "Mama, where's Lolo going?" inosenteng tanong ni Vince."Pupunta siya sa kinaroroonan ni Mommy Bella. May kasama na si Mommy Bella ni Ate Sofhie.""Okay, and to do that you will sleep inside that long box?" Itinuro ni Vince ang puntod.Nagkatinginan na lang kami ni Yanixx. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag nang mas simple ang tungkol sa kamatayan ng tao para maintindihan ng mga anak namin. Ang alam lang kasi nila'y hindi na nila muling makikita ang mga mahal namin sa buhay pero 'yong konsepto ng kamatayan ay isang hiwaga pa rin para sa kanila na para bang mahabang pagtulog la

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 004

    Gabi na nang makabalik si Yanixx. Kasama niya si Engr. Irland at halata sa mga mukha nila ang pagod kaya hindi na muna ako nagtanong at hinayaan silang makapagpahinga pagkatapos ng dinner. Bumalik ako sa burol ni Lolo at tinulungan doon si Mama. Katatapos lamang ng misa at kasalukuyan siyang nagliligpit kasama ang mga kapitbahay at ang dalawang katulong namin. Huling gabi na ngayon ng lamay at parami nang parami ang mga tao. Nagdagdag na kami ng mga upuan. Buti na lang may extra pa sa barangay. Naglibot ako at nagpasalamat sa mga tao. "Babe," si Yanixx na sumunod sa akin doon. Hinawakan niya ang kamay ko. Natanaw ko rin si Engr. Irland na pumasok ng kapilya."Do not overdo it, baka magka-cramps ka mamaya," remind ni Yanixx sa akin."Okay lang ako, kumusta ang lakad n'yo kanina? 'Yong babaeng natagpuan ninyo, kumusta siya?""Ligtas na siya. May bantay siya roon sa hospital. Hinihintay ko pa ang resulta ng investigation ng PNP. But initially, she is kidnapped, raped and thrown out aft

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 003

    On-going ang padasal sa burol ni Lolo, isang linggo ang schedule ng kaniyang lamay bago siya ihahatid sa huling hantungan. Salitan ang mga kapitbahay at mga kaibigan ng pamilya sa pagpupuyat. Kung dati ay may sugal, ngayon ay nagbaba ng ordinansa ang lungsod, sa utos na rin ni Yanixx. Pinagbabawal ang pagsusugal sa mga lamay dahil isa iyon sa nakitang medium ng bentahan ng illegal drugs. "Ace, hindi ka pa ba magpapahinga? Hatinggabi na." Lumapit sa akin si Mama."Mamayang kunti, Ma. Tatapusin ko lang po ito." Nag-crochet kasi ako, pinagkaabalahan ko para hindi antukin habang nakabantay sa burol ni Lolo. Gumawa ako ng peepad para sa baby ko. "Ang asawa mo?" "Kasama po niya ang barangay officials, may project yata siya rito sa barangay na gustong i-follow up. Hihintayin ko rin po siya, Ma, bago ako matulog."Tumango si Mama at lumabas ng kapilya. Itinuloy ko naman ang crochet. Maya-maya pa ay natanaw ko si Yanixx na parating. Kausap pa rin niya ang kapitan ng baryo. Napansin ko agad

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 002

    Hindi ko pa rin ma-internalize na wala na sa amin si Lolo. Nahihirapang mag-adjust ang sistema ko. Naroon lang ako sa ibaba ng bed sa may emergency, yakap ni Yanixx. Ni hindi na umagos ang mga luha ko. Para bang biglang natuyo. Tulala ako. Nakatitig sa bulto ni Lolo na para bang natutulog lang. Hindi ko makita sa mukha niya na nasaktan siya bago binawian ng buhay. Payapa ang kaniyang anyo, kahit nawawala na ang kulay. Si Mama ay nakadakma sa bed, nagpapalahaw ng iyak. Inaalo siya ni Papa. Pero hindi pinapatahan dahil alam ni Papa na imposibleng gawin iyon. May mga hospital orderlies na pumasok para asikasuhin na ang bangkay ni Lolo at dalhin sa morgue sa ibaba. Napilitang bumitiw si Mama. "Let's wait outside,"maingat na sabi ni Yanixx sa akin. Nang subukan kong gumalaw, para bang may napatid sa loob ng puso ko. Kasunod doon ang pagsaklob sa akin ng lahat ng emosyong kanina ay tila nakakandado. Kailangan ko nang humagulgol dahil hindi ako makahinga. "Ang baby natin, hindi matutuwa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status