/ Romance / I DIVORCED THE MAYOR / Chapter 6 - first day of work

공유

Chapter 6 - first day of work

작가: AshQian19
last update 최신 업데이트: 2025-07-17 21:37:13

Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Inayos ko ang kumot ni Mama na katabi ko sa nakalatag na higaan namin sa sahig at sinalat ang kanyang noo. May sinat pa rin siya. Lumabas ako ng kuwarto at tiningnan ang tulugan ni Lolo. Wala na siya roon. Madalas, kahit madilim pa ay pumupunta na si Lolo sa bukid. Gusto kasi niyang masulit ang trabaho sa umaga bago makaakyat ang araw, lalo pa at masakit na sa balat ang init kahit alas-otso pa lang ng umaga.

Nagsaing ako at sa kabilang kalan ay nagluto ng pakbet para sa agahan. Nakahanda na iyon kagabi pa. Ini-ref ko lang. Nilabas ko rin ang natirang frozen na bisugo mula sa freezer at ibinabad sa tubig sa maliit na planggana. Pi-prituhin ko iyon para sa tanghalian nina Mama at Lolo.

Luto na ang sinaing at ang pakbet nang magising si Mama at lumabas ng silid namin. Kasalukuyan kong binubudburan ng asin ang isda habang nagpapakulo ng mantika sa kawaling nakasalang sa apoy.

"Ako na ang tatapos niyan, maligo ka na," apura niya sa akin.

"Opo," maliksi kong tango at sumaglit sa may lababo. Naghugas ako ng mga kamay.

Kinuha ko sa loob ng kuwarto ang tuwalya. Hiwalay sa kubo namin ang palikuran na may kaugnay na banyo. Pumasok ako at sinilip ang drum kung may tubig. Deep well ang source ng tubig namin. Wala na sa kalahati ang tubig sa drum. Dinampot ko ang balde at dinala sa poso. Naghakot muna ako ng tubig at pinuno ang drum.

Dapat alas-siyete ng umaga ay naroon na ako sa munisipyo. Binilisan kong maligo. Naghahain na si Mama sa hapag nang matapos ako at nagbihis na agad sa loob ng silid. Light brown na pantalon ang isinuot ko. Hindi naman iyon masikip sa akin pero masyadong hapit sa pang-upo ko pababa sa aking mga hita at binti. Tenernuhan ko ng powder blue fitting blouse.

"Ace, magbabaon ka ba ng tanghalian?" tanong ni Mama pagdulog ko sa mesa.

"Mas tipid po, Ma, kung magbaon ako." Naupo ako sa silya at nagsandok ng kanin, nilagay ko sa aking pinggan.

"Kapag sumahod ka na, bumili ka ng bagong sapatos. Luma na iyang isinuot mo, baka matanggal ang talampakan niyan at maiwan sa daan habang naglalakad ka."

Humagikgik ako dahil sa sinabi ni Mama. "Shoes glue is the key, Ma."

Tumawa rin si Mama habang nagtitimpla ng tsokolate sa dalawang tasa. Pagkatapos kong kumain ay nilagyan ko ng kanin ang lunchbox ko at pinatungan ng piniritong isda. Itinabi ko iyon sa thumbler ko at nagtoothbrush na ako.

"Ma, mag-iiwan ako ng note rito sa mesa. Huwag n'yo po kalimutang uminom ng gamot mamaya!" bilin ko kay Mama habang nagsusulat ako ng note.

"Oo na," sagot ni Mama mula sa loob ng silid.

Sinipat ko pa sa compact mirror ang mukha ko at sinuri ang laman ng bag ko para tiyaking wala akong makalimutan. Dinala ko pa rin ang credentials ko.

"Aalis na po ako, Ma!" Nagpaalam na ako kay Mama.

Lumabas siya ng kuwarto namin at pinagmano ako. "Mag-ingat ka."

Tumango ako. Hindi ko sinabi sa kanya ang aksidente kahapon. Mag-alala lang kasi siya at hindi iyon makatutulong sa mahina niyang kalusugan.

Mahamog ang paligid habang naglalakad ako patungong mainroad. Tanaw ko ang bukirin ni Lolo. Ang malawak na palayan at taniman ng Japanese sweetcorn. Sa susunod na buwan ay aanihin na iyon. Sana magiging maayos ang klima at walang bagyong darating kung hindi mapipilitan na naman kaming anihin iyon ng mas maaga kahit kulang pa sa edad 'yong mais.

May traysikel agad pagdating ko ng mainroad. Pinara ko iyon. May bakante pa sa loob ng sidecar. Konsehal ng barangay namin ang kasama kong pasahero. Si Ma'am Lota. Isa siyang retired teacher. Mukhang mamalengke siya ng maaga. Nagpalitan kami ng ngiti.

Si Ma'am Fretchie at ang tatlong utility workers na abala sa paglilinis ang nadatnan ko sa Mayor's Office.

"Good morning po, Ma'am," bati ko sa kanya.

Tumango siya pero hindi man lang ako sinulyapan. Nakatuon siya sa mga papeles sa ibabaw ng kanyang table. Mukhang wala siya sa mood. May kunting simangot kasi sa kanyang mukha.

"Hindi ba sabi ko pumasok ka ng maaga? Ako pa talaga ang pinaghintay mo?" Nasa tono niya ang pagkadismaya.

"Sorry po," sabi ko na lang at yumuko. Bukas gigising na ako ng alas kuwatro.

Tumayo siya. "Sumunod ka sa akin." Nagpatiuna siya patungo sa main office ni Mayor kung saan naroon ang coffee machine. Tahimik akong bumuntot sa kanya.

Wala siyang sinasabi habang ino-operate niya ang machine. Basta may pinagpipindot lang siya. Tinandaan ko na lang nang mabuti. Maya't maya pa ay dumaloy na ang kape mula sa dalawang maliit na nozzle papunta sa tasa sa ilalim niyon. Naaamoy ko ang matalas na aroma ng umuusok na kape.

"Ganoon lang, nakuha mo?"

"Saan po nakalagay ang beans, Ma'am?" maingat kong tanong.

"Nasa pinaka-ibabang drawer nitong cabinet. Mag-explore ka muna diyan habang wala pa si Mayor. Alas nueve ay nandito na siya at gusto niyang may nakahanda nang kape sa desk niya."

Napahabol na lang ako ng tingin kay Ma'am Fretchie na naglakad palabas. Wala akong mapapala kung tutunganga ako roon at malilito. Pinag-aralan ko ang coffee machine. Hinanap ko kung aling part niyon ang lagayan ng beans at tubig para hindi ako mangangapa mamaya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Emma Saludes Amorin-Notarte
ang arte ng secretarya ni Mayor
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
pag aralan maige ang paligid,ng hindi pagalitan ni Ms Fretchie.
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • I DIVORCED THE MAYOR   B2 - Chapter 1 Kizaya Lyn

    Hindi ko siya kilala. Kahit pangalan niya ay hindi ko matandaan o kung nagpakilala ba siya sa akin pero sa mga bisig niya naramdaman kong ligtas ako. Ang takot na gumising sa akin mula sa pagkakatulog ay unti-unting humuhupa. Hindi ko alam kung bakit. Ano bang ipinagkaiba niya sa mga lalaking umabuso sa akin? The shaking of my senses slowly subsided. I looked up, trying to have a quick view o f his face. Nakatitig siya sa akin. His earth-brown eyes re-assured me once again that I am safe like how his arms made me feel there's no more dangers that can break me here as long as he is holding me."Irland, okay lang ba siya?" Saglit na nag-freeze ang utak ko nang marinig ang boses ng isang babae. May ibang tao roon? Lumingon ako. Hindi lang iisa, apat ang naroon at nakamasid sa amin. Dalawang babae, buntis ang isa at mas bata. Dalawang lalaking parehas na matangkad at marahil ay matanda lang sa akin ng ilang taon. Nang kumilos ang lalaki at akmang bibitiwan ako, mabilis akong kumapit

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 007

    "Ginagawa nilang baboy ang mga babae? Ginagawang breeder? Ang kapal ng mukha nila!" Hiningal ako sa hindi birong galit na nagpasikip sa aking dibdib. Sobra na talaga ang kasamaan ng mga tao. "Narinig ko na ang illegal industry ng internal organs. May iilan na sadyang ibinibenta ang laman-loob nila para magkapera. Pero ang pilitin ang isang babae na magkaanak para sa ganoong layunin, mas masahol pa sa hayop ang mga taong iyon."Hinawakan ni Irland ang kamay ko at minasahe ang bahagi na itinuro rito ni Yanixx dati para mapakalma ako. "Ano'ng plano ninyo ni Yanixx? Hindi pwedeng si Kizaya lang ang ililigtas ninyo mula sa sindikato. Humingi na kayo ng tulong sa national office." "Yanixx is working on it. But we can't do it openly. Oras na malaman ng grupo na kumikilos kami, baka tulad ni Kizaya ay ide-despose rin nila ang ibang mga babaeng hawak nila. Sa ngayon, nakiusap ako sa hospital na ipakalat na tumakas si Kizaya para mawalan sila ng lead. The hospital also took the initiative to d

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 006

    Alas-singko pa lang ng umaga'y maingay na ang buong kabahayan. May pasok ang mga bata at inaasikaso ni Yanixx sa loob ng banyo, habang ako ay naghahanda ng maisusuot nila. Natatawa na lang ako habang pinapakinggan ang kulitan ng mag-aama at ang matinis na hiyaw ng mga bata. Iniwan ko na sa kama ang mga damit at binalingan ko naman ang school bags nila. Sinilip ko ang mga gamit sa loob at kung walang kulang. "Careful," paalala ni Yanixx habang palabas silang tatlo sa banyo. "Mama!" Yumapos sa akin si Vince at sinadyang isubsob ang mukha sa aking tiyan. "Doon muna kayo at magpatuyo ng buhok," itinuro ko ang gawi ng dresser. Tinangay sila roon ni Yanixx at binlow-dry ang buhok ng dalawa. Pagkatapos mapatuyo ang buhok ay tinulungan ko silang magbihis. Lumabas kaming apat ng kuwarto at nagtungo sa dining area. Nakapaghain na ng breakfast si Mama. May naka-ready na ring lunch box para sa mga bata. "Sit down now and behave while taking your food, alright?" Yanixx pulled chairs for the

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 005

    Matiwasay naming nailagak si Lolo sa kaniyang huling hantungan. Halos buong ka-baryo namin ang naghatid sa kaniya. Sobra akong na-touch sa pagmamahal ng mga tao. Inabot kami ng dilim sa sementeryo kasi hinintay pa namin na mai-puwesto ang lapida niya. Nakapaloob ang puntod ni Lolo sa museleo na pinagawa ni Yanixx para sa pamilya namin. Doon din nilipat ang mga buto at abo ni Bella pero nasa kabilang side siya. "Mama, where's Lolo going?" inosenteng tanong ni Vince."Pupunta siya sa kinaroroonan ni Mommy Bella. May kasama na si Mommy Bella ni Ate Sofhie.""Okay, and to do that you will sleep inside that long box?" Itinuro ni Vince ang puntod.Nagkatinginan na lang kami ni Yanixx. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag nang mas simple ang tungkol sa kamatayan ng tao para maintindihan ng mga anak namin. Ang alam lang kasi nila'y hindi na nila muling makikita ang mga mahal namin sa buhay pero 'yong konsepto ng kamatayan ay isang hiwaga pa rin para sa kanila na para bang mahabang pagtulog la

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 004

    Gabi na nang makabalik si Yanixx. Kasama niya si Engr. Irland at halata sa mga mukha nila ang pagod kaya hindi na muna ako nagtanong at hinayaan silang makapagpahinga pagkatapos ng dinner. Bumalik ako sa burol ni Lolo at tinulungan doon si Mama. Katatapos lamang ng misa at kasalukuyan siyang nagliligpit kasama ang mga kapitbahay at ang dalawang katulong namin. Huling gabi na ngayon ng lamay at parami nang parami ang mga tao. Nagdagdag na kami ng mga upuan. Buti na lang may extra pa sa barangay. Naglibot ako at nagpasalamat sa mga tao. "Babe," si Yanixx na sumunod sa akin doon. Hinawakan niya ang kamay ko. Natanaw ko rin si Engr. Irland na pumasok ng kapilya."Do not overdo it, baka magka-cramps ka mamaya," remind ni Yanixx sa akin."Okay lang ako, kumusta ang lakad n'yo kanina? 'Yong babaeng natagpuan ninyo, kumusta siya?""Ligtas na siya. May bantay siya roon sa hospital. Hinihintay ko pa ang resulta ng investigation ng PNP. But initially, she is kidnapped, raped and thrown out aft

  • I DIVORCED THE MAYOR   Denouement 003

    On-going ang padasal sa burol ni Lolo, isang linggo ang schedule ng kaniyang lamay bago siya ihahatid sa huling hantungan. Salitan ang mga kapitbahay at mga kaibigan ng pamilya sa pagpupuyat. Kung dati ay may sugal, ngayon ay nagbaba ng ordinansa ang lungsod, sa utos na rin ni Yanixx. Pinagbabawal ang pagsusugal sa mga lamay dahil isa iyon sa nakitang medium ng bentahan ng illegal drugs. "Ace, hindi ka pa ba magpapahinga? Hatinggabi na." Lumapit sa akin si Mama."Mamayang kunti, Ma. Tatapusin ko lang po ito." Nag-crochet kasi ako, pinagkaabalahan ko para hindi antukin habang nakabantay sa burol ni Lolo. Gumawa ako ng peepad para sa baby ko. "Ang asawa mo?" "Kasama po niya ang barangay officials, may project yata siya rito sa barangay na gustong i-follow up. Hihintayin ko rin po siya, Ma, bago ako matulog."Tumango si Mama at lumabas ng kapilya. Itinuloy ko naman ang crochet. Maya-maya pa ay natanaw ko si Yanixx na parating. Kausap pa rin niya ang kapitan ng baryo. Napansin ko agad

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status