Kinse minutos bago mag-alas-nueve ng umaga ay dumating na si Mayor Yanixx. Tarantang gumawa ako ng kape. Pero hindi ako sigurado kung tama ang pagkaka-operate ko ng coffee machine. Kulang-kulang ay lumundag ako sa nerbiyos nang bumukas ang private door na direkta roon sa opisina at pumasok si Mayor.
"Good morning po, Mayor," bati ko sa kanya. "Morning, Ace." Umangat ang sulok ng labi niya sa seksing ngiti. Parang hinila ng daan-daang kabayo ang tibok ng puso ko. "You're making coffee for me?" Lumapit siya sa akin. Binalingan ko ang coffee machine at nakahinga ng maluwag nang umagos ang kape mula sa nozzles at sinalo ng mug na nasa tapat. "Let me taste that." Dinampot niya ang tasa. "Mayor, good morning!" Pumasok doon si Ma'am Fretchie kaya naudlot ang pagtikim ni Mayor Yanixx sa kape. "Good morning, Fretch." "Ace, nilinis mo ba muna ang machine bago mo ginawan ng kape si Mayor?" Napakurap ako. Nilinis? Pero wala naman siyang sinabi kanina na linisin muna. "Hindi po, Ma'am, wala po-" "Hindi mo nilinis at paiinumin mo si Mayor ng kapeng iyan?" "Sorry po, Mayor, Ma'am." Initiative na dapat iyon. Unang araw ko pa lang sa trabaho tapos palpak agad at kay Mayor pa talaga. "It's alright, Fretch. Chill, okay? Ang binigay ko lang na trabaho kay Ace ay gawan ako ng kape, hindi ang linisin ang coffee machine. Trabaho iyan ng utility." Nagsalita si Mayor at dinala sa desk niya ang mug. Balak pa rin ba niyang inumin ang kapeng ginawa ko? Nahuli ko si Ma'am Fretchie na umirap sa akin. "What is my schedule for today?" tanong ni Mayor, sa akin pa rin nakatingin. "Meeting with the Engineering, Mayor, mamayang ten o'clock and one-thirty, meeting with the CSWD for the livelihood project." "First day ni Ace ngayon, I'm in the mood to treat everyone to a lunch. Arrange an order with the nearest restaurant, Fretchie." "Yes, Sir." Naglakad palabas si Ma'am Fretchie. Pero pumasok naman ang dalawa pang staff, tangay ang bundle ng mga dokumento na pipirmahan ni Mayor. Dinampot niya ang kanyang cellphone at dinala sa tapat ng tainga. Lumambot pa lalo ang puso ko. Ang bait naman ni Mayor. Ganito pala siya. Kapag may bagong trabahante sa kanyang opisina iti-treat niya lahat ng lunch. Kaya siguro mahal siya ng mga residente rito sa Fuego Amore. Napangiti ako at lalabas na sana nang magsalita siya. "That smile just made my day. Did you bring your requirements? It's necessary for your payroll soon." Nahinto ako at muling napatingin sa kanya habang pinirmahan niya ang mga papeles. May kausap ba talaga siya sa cellphone? Bakit pakiramdam ko ako ang kinausap niya? O, baka imahinasyon ko lang. Saglit niyang binitiwan ang ballpen at dinampot ang mug, tinikman ang kape. Suminghap na lang ako. Ininom niya pa rin ang kapeng ginawa ko. "I've stopped drinking coffee in the mornings but this one you made gives me all the energy I need for today. A bit bland. Yes, I am talking to you, so stay there and wait 'til I'm done fixing my signature on these documents." Kinagat ko ang labi at malikot na pumasada ang paningin sa ibang mga staff. Ang dalawa na nakatayo sa gilid ng desk at naghihintay sa mga papeles ay halatang walang ideya na ako ang kinakausap ni Mayor kahit mukhang may katawagan lang siya. Pasimple akong bumalik sa kinaroroonan ng coffee machine at kunwari ay tiningnan kung may natira pang beans at tubig. "I wish you're older so I don't have to do this or if not, I wish I'm younger like Nicolo and Keth." Parang may invisible na mga daliring kumiliti sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naisip na may ganitong cheesy side si Mayor Yanixx. Likas talaga siguro sa kaniya na mahusay magpakilig. Sa conference room itinuloy ang lunch na hinatid doon ng kilalang restaurant dito sa lungsod namin. Tumulong ako sa pag-aayos. "Scholar ka ba ni Mayor?" tanong ni Ma'am Fretchie. "Hindi po, sa public school po ako nag-aaral." Tumango siya at hinagod ako ng tingin. From head to foot. Para bang may gusto siyang palabasin dahil iba ang naging sagot ko sa inaasahan niyang marinig. Saktong alas dose ng tanghali ay nagyaya na si Mayor na kumain kaming lahat. Hindi ako maka-get over sa mga sulyap niya sa akin habang abala kaming lahat sa pag-asikaso sa kaniya. Naiilang na ako kasi sa akin lang nakasunod ang titig niya at wala yata siyang pakialam na napapansin na iyon ng iba. Hirap tuloy akong lunukin ang pagkain ko."Ginagawa nilang baboy ang mga babae? Ginagawang breeder? Ang kapal ng mukha nila!" Hiningal ako sa hindi birong galit na nagpasikip sa aking dibdib. Sobra na talaga ang kasamaan ng mga tao. "Narinig ko na ang illegal industry ng internal organs. May iilan na sadyang ibinibenta ang laman-loob nila para magkapera. Pero ang pilitin ang isang babae na magkaanak para sa ganoong layunin, mas masahol pa sa hayop ang mga taong iyon."Hinawakan ni Irland ang kamay ko at minasahe ang bahagi na itinuro rito ni Yanixx dati para mapakalma ako. "Ano'ng plano ninyo ni Yanixx? Hindi pwedeng si Kizaya lang ang ililigtas ninyo mula sa sindikato. Humingi na kayo ng tulong sa national office." "Yanixx is working on it. But we can't do it openly. Oras na malaman ng grupo na kumikilos kami, baka tulad ni Kizaya ay ide-despose rin nila ang ibang mga babaeng hawak nila. Sa ngayon, nakiusap ako sa hospital na ipakalat na tumakas si Kizaya para mawalan sila ng lead. The hospital also took the initiative to
Alas-singko pa lang ng umaga'y maingay na ang buong kabahayan. May pasok ang mga bata at inaasikaso ni Yanixx sa loob ng banyo, habang ako ay naghahanda ng maisusuot nila. Natatawa na lang ako habang pinapakinggan ang kulitan ng mag-aama at ang matinis na hiyaw ng mga bata. Iniwan ko na sa kama ang mga damit at binalingan ko naman ang school bags nila. Sinilip ko ang mga gamit sa loob at kung walang kulang. "Careful," paalala ni Yanixx habang palabas silang tatlo sa banyo. "Mama!" Yumapos sa akin si Vince at sinadyang isubsob ang mukha sa aking tiyan. "Doon muna kayo at magpatuyo ng buhok," itinuro ko ang gawi ng dresser. Tinangay sila roon ni Yanixx at binlow-dry ang buhok ng dalawa. Pagkatapos mapatuyo ang buhok ay tinulungan ko silang magbihis. Lumabas kaming apat ng kuwarto at nagtungo sa dining area. Nakapaghain na ng breakfast si Mama. May naka-ready na ring lunch box para sa mga bata. "Sit down now and behave while taking your food, alright?" Yanixx pulled chairs for the
Matiwasay naming nailagak si Lolo sa kaniyang huling hantungan. Halos buong ka-baryo namin ang naghatid sa kaniya. Sobra akong na-touch sa pagmamahal ng mga tao. Inabot kami ng dilim sa sementeryo kasi hinintay pa namin na mai-puwesto ang lapida niya. Nakapaloob ang puntod ni Lolo sa museleo na pinagawa ni Yanixx para sa pamilya namin. Doon din nilipat ang mga buto at abo ni Bella pero nasa kabilang side siya. "Mama, where's Lolo going?" inosenteng tanong ni Vince."Pupunta siya sa kinaroroonan ni Mommy Bella. May kasama na si Mommy Bella ni Ate Sofhie.""Okay, and to do that you will sleep inside that long box?" Itinuro ni Vince ang puntod.Nagkatinginan na lang kami ni Yanixx. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag nang mas simple ang tungkol sa kamatayan ng tao para maintindihan ng mga anak namin. Ang alam lang kasi nila'y hindi na nila muling makikita ang mga mahal namin sa buhay pero 'yong konsepto ng kamatayan ay isang hiwaga pa rin para sa kanila na para bang mahabang pagtulog la
Gabi na nang makabalik si Yanixx. Kasama niya si Engr. Irland at halata sa mga mukha nila ang pagod kaya hindi na muna ako nagtanong at hinayaan silang makapagpahinga pagkatapos ng dinner. Bumalik ako sa burol ni Lolo at tinulungan doon si Mama. Katatapos lamang ng misa at kasalukuyan siyang nagliligpit kasama ang mga kapitbahay at ang dalawang katulong namin. Huling gabi na ngayon ng lamay at parami nang parami ang mga tao. Nagdagdag na kami ng mga upuan. Buti na lang may extra pa sa barangay. Naglibot ako at nagpasalamat sa mga tao. "Babe," si Yanixx na sumunod sa akin doon. Hinawakan niya ang kamay ko. Natanaw ko rin si Engr. Irland na pumasok ng kapilya."Do not overdo it, baka magka-cramps ka mamaya," remind ni Yanixx sa akin."Okay lang ako, kumusta ang lakad n'yo kanina? 'Yong babaeng natagpuan ninyo, kumusta siya?""Ligtas na siya. May bantay siya roon sa hospital. Hinihintay ko pa ang resulta ng investigation ng PNP. But initially, she is kidnapped, raped and thrown out aft
On-going ang padasal sa burol ni Lolo, isang linggo ang schedule ng kaniyang lamay bago siya ihahatid sa huling hantungan. Salitan ang mga kapitbahay at mga kaibigan ng pamilya sa pagpupuyat. Kung dati ay may sugal, ngayon ay nagbaba ng ordinansa ang lungsod, sa utos na rin ni Yanixx. Pinagbabawal ang pagsusugal sa mga lamay dahil isa iyon sa nakitang medium ng bentahan ng illegal drugs. "Ace, hindi ka pa ba magpapahinga? Hatinggabi na." Lumapit sa akin si Mama."Mamayang kunti, Ma. Tatapusin ko lang po ito." Nag-crochet kasi ako, pinagkaabalahan ko para hindi antukin habang nakabantay sa burol ni Lolo. Gumawa ako ng peepad para sa baby ko. "Ang asawa mo?" "Kasama po niya ang barangay officials, may project yata siya rito sa barangay na gustong i-follow up. Hihintayin ko rin po siya, Ma, bago ako matulog."Tumango si Mama at lumabas ng kapilya. Itinuloy ko naman ang crochet. Maya-maya pa ay natanaw ko si Yanixx na parating. Kausap pa rin niya ang kapitan ng baryo. Napansin ko agad
Hindi ko pa rin ma-internalize na wala na sa amin si Lolo. Nahihirapang mag-adjust ang sistema ko. Naroon lang ako sa ibaba ng bed sa may emergency, yakap ni Yanixx. Ni hindi na umagos ang mga luha ko. Para bang biglang natuyo. Tulala ako. Nakatitig sa bulto ni Lolo na para bang natutulog lang. Hindi ko makita sa mukha niya na nasaktan siya bago binawian ng buhay. Payapa ang kaniyang anyo, kahit nawawala na ang kulay. Si Mama ay nakadakma sa bed, nagpapalahaw ng iyak. Inaalo siya ni Papa. Pero hindi pinapatahan dahil alam ni Papa na imposibleng gawin iyon. May mga hospital orderlies na pumasok para asikasuhin na ang bangkay ni Lolo at dalhin sa morgue sa ibaba. Napilitang bumitiw si Mama. "Let's wait outside,"maingat na sabi ni Yanixx sa akin. Nang subukan kong gumalaw, para bang may napatid sa loob ng puso ko. Kasunod doon ang pagsaklob sa akin ng lahat ng emosyong kanina ay tila nakakandado. Kailangan ko nang humagulgol dahil hindi ako makahinga. "Ang baby natin, hindi matutuwa