Mag-log in“Because I was stupid enough to believe you were worth loving.”
Natahimik ang sala matapos sabihin iyon ni Alessia Escalante.
Nakatitig sa kanya si Damian Villacorta, mahigpit ang pagkakakuyom ng panga. Hindi niya babawiin ang sinabi. Limang taon niyang tiniis ang pagiging kapalit ni Aria. Hindi na siya magpapakumbaba para sa lalaking iyon.
“Alessia!” Lumapit ang ama niyang si Rafael. “Nakakahiya ang asal mo! Humingi ka ng tawad kay Damian.”
“Wala akong sinabing hindi totoo, Papa.”
“Hindi ito tungkol sa gusto mo. May kasunduan ang dalawang pamilya.”
“Kung ganoon, kayo ang maghanap ng solusyon. Bakit ako ang pipilitin ninyo?”
“Ang kapal naman ng mukha mo,” singit ni Monica, ang kanyang madrasta. “Wala kang ambag sa pamilyang ito, pero ikaw pa ang nagpapahirap sa negosyo natin.”
Napalingon si Alessia rito. Sa unang buhay, tatahimik na lamang siya upang hindi lumaki ang gulo. Ngunit ngayong alam na niya ang paratang ni Aria tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina, hindi siya titigil hangga't hindi nalalaman ang katotohanan.
“Ako pa ang walang ambag? Kaninong kumpanya ba ang pinagtatrabahuhan ninyo? Hindi ba pag-aari iyon ng mommy ko?”
Nagbago ang ekspresyon ni Rafael.
“Alessia, sumasagot ka pa!”
“Pagdating ko sa edad na bente singko, magkakaroon ako ng karapatang pamunuan iyon, ayon sa iniwang kasunduan ni Mommy. Kaya huwag ninyo akong tratuhing parang wala akong karapatan dito. Matagal na akong nagtitiis sa inyong lahat!”
“Hindi mo pa hawak ang kumpanya, napakayabang mo na,” malamig na sagot ng ama.
Naalala ni Alessia ang mga dokumentong ipinakita noon ng abogado ng kanyang ina. Hanggang sa ikadalawampu't limang kaarawan niya, si Rafael ang mamamahala sa kumpanyang iniwan ni Isabella. Pagkatapos, siya na ang may karapatang mamuno. Ngunit binalewala niya ang lahat noon dahil abala siya sa paghahabol kay Damian.
“Alam kong hindi ko pa hawak ang kumpanya, Papa. Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari ninyo akong ipakasal kung kanino ninyo gusto. At kung ambag ang pag-uusapan, ang kabit ninyo at anak niya ang walang ambag!”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
Napalingon ang mukha ni Alessia sa lakas ng pagkakatama, ngunit nanatili siyang nakatayo.
“Wala kang utang na loob!” galit na sabi ni Rafael.
“Sa ating dalawa, ikaw ang mas walang utang na loob. Bago pa mamatay si Mommy, may relasyon na kayo ng assistant mo!”
Muling itinaas ng ama ang kamay, ngunit nahawakan iyon ni Damian bago pa siya masampal.
“Don Rafael, don't hit my bride. Ayokong may galos siya bago pa man ang kasal.”
“Hindi mo ako kailangang ipagtanggol,” angil ni Alessia.
Binitawan ni Damian ang braso ni Rafael.
“Is this another game, Alessia? Matagal mo nang sinasabing mahal mo ako. Ngayon, bigla kang umaayaw?”
“Hindi na kita hahabulin. Iyon lang ang kailangan mong maintindihan. Never. Not in this lifetime!”
“Enough.” Tumayo si Fernando Villacorta, ang ama ni Damian. “May mga kasunduang maaapektuhan kapag hindi natuloy ang kasal. Hindi natin puwedeng balewalain iyon.”
“May respeto po ako sa inyo, Sir Fernando,” sagot ni Alessia. “Pero bakit kailangang ako ang ipalit? Si Aria ang orihinal na pakakasalan ni Damian.”
Nagpalitan ng tingin ang dalawang ama. Si Celeste Villacorta ay nanatiling tahimik sa tabi ng asawa.
“Babalik na lamang kami para mabigyan kayo ng pagkakataong mag-usap,” sabi ni Fernando.
“Hindi na kailangan. Hindi po ako magpapakasal kay Damian.”
Walang sumagot.
Inayos ni Monica ang kuwintas nito at umiwas ng tingin.
Hinarap ni Alessia si Damian. “Kung si Aria ang mahal mo, hintayin mo siyang bumalik. Ayokong maging pangalawang pagpipilian mo.”
“I never asked you to love me,” sagot nito.
“Exactly. Kaya hindi mo rin maaaring hinging maging asawa mo ako.”
“Alessia!” muling saway ni Monica.
Huminga siya nang malalim. “Pasensiya na po sa abala, pero hindi magbabago ang desisyon ko. At kay Aria kayo magalit, hindi sa akin.”
Tumalikod siya at umakyat sa hagdan.
“Bumalik ka rito!” sigaw ni Rafael.
Hindi siya lumingon.
Pagdating sa silid, isinara niya ang p***o at naupo sa gilid ng kama. Doon lamang niya napansing nanginginig ang kanyang mga daliri.
Sa unang buhay, sa sala ring iyon siya pumayag na maging asawa ni Damian. Wala siyang ideyang limang taong pagdurusa ang kapalit niyon.
Naalala niya ang mga gabing lumalamig ang hapunang inihahanda sa Villacorta mansion. Ang kaarawang naghintay siya sa restaurant habang nasa ospital si Damian upang samahan si Aria, na nagkunwaring naaksidente. Ang huling anibersaryo nila, nang makita niyang suot ng stepsister ang kuwintas na akala niya ay para sa kanya.
At ang pagkakahulog nilang dalawa mula sa rooftop.
Hindi pa rin niya alam kung paano siya nakabalik. Hindi niya rin kayang ipaliwanag iyon sa amang mas iniintindi ang negosyo. Itatago muna niya ang kanyang nalalaman, lalo na ang mga ibinunyag ni Aria tungkol kay Monica.
Hinawakan niya ang sariling mga braso. Buhay siya. May pagkakataon pa siyang piliin ang buhay na gusto niya.
May kumatok sa p***o.
“Papa, sinabi ko nang—”
Natigilan siya nang buksan iyon.
Si Damian ang nakatayo sa pasilyo.
“Can we talk? Without your parents listening?”
Tumingin siya sa hagdang nasa dulo ng pasilyo. Wala siyang nakitang ibang tao.
“Dito na lang. Five minutes.”
Hindi pumasok si Damian. Nanatili itong ilang hakbang mula sa kanya.
Noon, ilang beses niyang pinangarap na kusang puntahan siya ng lalaki. Ngayon, ang tanging gusto niya ay matapos ang usapan bago pa muling bumalik ang mga alaalang pilit niyang iniiwan.
“Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Kahapon, nangungulit ka at sinabing may sorpresa ka sa akin. Ngayon, parang hindi mo na ako kilala.”
Para rito, isang araw lang ang lumipas. Para kay Alessia, limang taon ng pagdurusa ang nakapagitan.
“Pagod na akong umasa sa hindi mo kayang ibigay.”
“Since when do you give up so easily?”
Ayaw na niyang pahabain ang usapan.
“Heto na ang sorpresa ko sa'yo. Nagustuhan mo ba?”
Tiningnan nito ang kanyang mukha sa halip na sumagot.
“May iba ka na bang gusto?”
“Wala.”
“Then why are you suddenly giving up?”
“Hindi ko kailangan ng ibang lalaki para malaman na hindi tayo bagay. At isa pa, hindi ka naman magaling sa kama. Makaraos ka lang, sapat na sa'yo. Samantalang ako, palaging bitin!”
Huli na para bawiin ang sinabi.
Totoo naman iyon sa unang buhay. Siya ang laging nagsisikap na mapasaya ang asawa, kahit sa kama. Ngunit hindi pa nangyayari ang lahat ng iyon sa panahong ito.
Lumapit si Damian nang isang hakbang. Pamilyar ang amoy ng pabango nito, at kinailangang pigilan ni Alessia ang pag-atras.
Kumunot ang noo ng lalaki.
“Paano mo nalaman ang kakayahan ko sa kama?”
“Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe
“Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“
“Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang
“Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa
“Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael
“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s







