LOGIN“Aria! Huwag!”
Napabalikwas si Alessia Escalante sa kama. Hinihingal siya at basang-basa ng pawis ang kanyang noo.
Napahawak siya sa dibdib.
Buhay siya?
Malinaw pa sa kanyang alaala ang pagkakahulog nila ni Aria mula sa rooftop. Naramdaman pa niya ang malamig na hanging humahampas sa kanyang mukha bago tuluyang magdilim ang paligid.
Ngunit bakit wala siyang sugat?
Napatingin siya sa paligid.
Ang puting kurtina, kulay cream na dingding, at malaking salamin sa tapat ng kama.
Pamilyar ang lahat.
Hindi ito ang kuwarto nila ni Damian sa Villacorta mansion.
Ito ang dati niyang silid sa mansyon ng mga Escalante!
“Paano nangyari ito?”
Dinampot niya ang cellphone sa bedside table.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang petsa.
Nasa limang taong nakalipas siya!
Ilang ulit niyang tiningnan ang screen, umaasang mali lamang ang nabasa niya.
Ngunit hindi nagbago ang petsa.
Biglang bumalik sa alaala niya ang araw na iyon.
Ito ang araw na iniwan ni Aria si Damian upang ipagpatuloy ang modeling career nito sa ibang bansa.
Ang araw ding nakatakdang mamamanhikan ang pamilya Villacorta para kay Aria.
At ang araw na nagsimula ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay.
“Hindi maaari...”
Bumangon siya at humarap sa salamin.
Nakita niya ang mas batang bersiyon ng sarili. Wala ang pagod sa kanyang mukha na dulot ng limang taong pag-iyak at paghihintay sa pagmamahal ni Damian.
Hinawakan niya ang sariling pisngi.
Totoo ba ito?
Binigyan ba talaga siya ng pangalawang pagkakataon?
Napapikit siya nang maalala ang sinapit sa piling ni Damian.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa.
Hindi na.
Hindi na niya hahayaang maulit ang lahat.
Sunod-sunod na katok ang nagpatigil sa kanyang pag-iisip.
“Alessia! Buksan mo ang p***o!”
Boses iyon ng kanyang amang si Don Rafael.
Binuksan niya ang p***o at nakita ang ama kasama ang kanyang madrasta.
“Nasaan si Aria?” galit na tanong ng lalaki.
“Hindi ko alam, Papa.”
“Umalis siya!” sigaw ni Monica na humahangos palapit sa kanyang ama. “Nag-iwan ng sulat. Pupunta raw siya sa ibang bansa para sa modeling career niya! Humihingi siya ng tawad. My poor daughter.”
Hindi na nagulat si Alessia.
Eksaktong ganito ang nangyari sa unang buhay.
“Darating ang mga Villacorta ngayong umaga,” dagdag ng ama. “Hindi puwedeng mapahiya ang pamilya natin.” Kita niya ang pagkatuliro sa mukha ng ama.
“Ano ang gusto ninyong gawin ko?”
“Ikaw ang papalit kay Aria,” mariing sagot nito.
Napatingin siya sa ama.
“Hindi ako papayag.”
“Ano?” sabay na tanong ng mag-asawa.
“Hindi ko gustong pakasalan si Damian.”
“Alessia, huwag kang mag-inarte!” sita ng madrasta. “Matagal mo nang gusto ang lalaking iyon kaso ay si Aria ang niligawan. Ngayon ka pa tatanggi?”
“Hindi ibig sabihin na mahal ko siya, kailangan ko siyang pakasalan.”
“Walang ibang pagpipilian!” giit ng ama. “Nakasalalay sa kasalang ito ang negosyo natin!”
Bago pa siya makasagot, may kumatok sa nakabukas na p***o.
“Sir, dumating na po ang pamilya Villacorta,” balita ng katulong.
Huminga nang malalim ang ama.
“Mag-ayos ka at bumaba. Ikaw ang ipapakilala naming papalit kay Aria.”
Hindi na ito naghintay ng sagot.
Naiwang nakatayo si Alessia habang papalayo ang dalawa.
Sa unang buhay, halos lumipad siya sa tuwa nang marinig ang desisyong iyon.
Ngayon, pakiramdam niya ay muli siyang itinutulak sa isang bangin.
Ngunit hindi na siya ang dating Alessia.
Makalipas ang ilang minuto, bumaba siya sa sala.
At doon niya muling nakita si Damian Villacorta.
Nakaupo ito sa mahabang sofa, suot ang mamahaling dark suit. Ganoon pa rin kaguwapo ang mukha nito, ang matangos na ilong at mga matang minsan niyang hinangaan.
Sandaling bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, bumalik ang alaala lahat ng kawalanghiyaan na ginawa nito sa kanya.
“Alessia, maupo ka,” utos ng ama.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ni Damian.
“Dahil biglang umalis si Aria,” panimula ng kanyang ama, “iminumungkahi naming si Alessia na lamang ang pakasalan ni Damian. Mahalaga ang kasunduang ito sa negosyo ng dalawang pamilya.”
Napatingin sa kanya ang mga magulang ni Damian.
“Alessia is a good choice,” komento ng ama nitong si Don Fernando.
Sa unang buhay, halos maiyak siya sa kaligayahan nang marinig iyon.
Ngunit ngayon, iba ang kanyang sagot.
“I'm sorry, but I can't marry Damian.”
Natahimik ang sala.
“Alessia!” mariing tawag ng kanyang ama.
“Papa, ayokong pumasok sa kasal na alam kong hindi ako mamahalin ng magiging asawa ko.”
“Since when did you care about that?”
Napalingon siya kay Damian.
Nakatingin ito sa kanya nang walang ngiti.
“Ilang beses mong ipinagtapat na mahal mo ako, Alessia. Ilang beses mo rin akong sinubukang akitin.”
Nag-init ang kanyang mga pisngi.
“You want me to believe na bigla ka na lang ayaw magpakasal?”
“Wala akong kailangang patunayan sa iyo.”
“Unfortunately, I don't love you,” malamig nitong sinabi. “Si Aria ang mahal ko. Pero dahil wala siya, ikaw ang papalit sa kanya.”
Napakuyom ang mga kamay ni Alessia.
Dati, tiniis niya ang ganoong pananalita dahil umaasa siyang magbabago ito.
Ngayon, wala na siyang dahilan para magtiis.
“Kung si Aria ang mahal mo, hintayin mo siyang bumalik.”
Tumigas ang panga ni Damian.
“Hindi ganoon kasimple iyon. May business agreement na kailangang tuparin.”
“Kung ganoon, humanap kayo ng ibang paraan. Hindi ako ang sagot sa problema ninyo.”
“Alessia, tama na!” sigaw ng ama.
Tumayo siya at humarap sa kanilang mga magulang.
“Pasensiya na po, pero hindi magbabago ang desisyon ko.”
Humakbang siya palayo.
“Alessia.”
Napahinto siya sa malamig na boses ni Damian.
Tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya.
“I'm not marrying you, Damian,” mariin niyang sabi.
Tinitigan siya nito.
“Then why the hell have you been begging me to love you since we were kids?”
Hindi umiwas ng tingin si Alessia.
“Because I was stupid enough to believe you were worth loving.”
At sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang kumpiyansa sa mukha ni Damian Villacorta.
“Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe
“Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“
“Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang
“Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa
“Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael
“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s







