Home / Romance / I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart / Kabanata 4 The Man I Know Too Well

Share

Kabanata 4 The Man I Know Too Well

last update publish date: 2026-11-09 10:59:28

“Paano mo nalaman ang kakayahan ko sa kama?”

Nanigas si Alessia Escalante sa tanong ni Damian Villacorta.

Damn! Ano ba ang pumasok sa isip niya at nasabi niya iyon?

Sa unang buhay, limang taon silang nagsama bilang mag-asawa. Alam niya ang mga bagay na gusto at ayaw nito sa kama. Ginawa niya ang lahat upang mapaligaya ito.

Ngunit sa kasalukuyan, hindi pa sila kasal.

“Alessia, I'm asking you.”

“Hinulaan ko lang.”

“Hinulaan mo?”

“Oo. Sa sobrang taas ng tingin mo sa sarili, sigurado akong pati sa kama, akala mo ikaw na ang pinakamagaling kahit hindi naman. Tsaka ngayon ko lang na-realize, hindi ka naman kagwapuhan. Mamahalin lang ang damit at gamit mo.”

Tumaas ang kilay ni Damian.

“That's a very specific accusation. At ako? Hindi gwapo? High school ka pa lang, nililigawan mo na ako.”

“That’s my biggest mistake. Oo, magaling ka sa business pero hindi sa lahat ng bagay.”

Tinitigan siya nito. Pinilit ni Alessia na panatilihing kalmado ang kanyang ekspresyon.

Pagkatapos, napangisi ang lalaki.

“Are you challenging me?”

“Hindi.”

“Then why don't you find out for yourself?” Yumuko ito nang kaunti upang mapantayan ang kanyang mukha. “Wanna try?”

Nag-init ang mga pisngi ni Alessia.

Napakakapal talaga ng mukha nito!

“Pass. Wala akong balak subukan ang kahit ano sa'yo.”

“Five minutes ago, you sounded pretty confident.”

“Damian, hindi lahat ng sinasabi ko kailangan mong patunayan.”

“Especially when you're wrong?”

“Especially when I don't care.”

Nawala ang ngisi nito.

“Kung ang problema mo ay ang kasal, puwede pa nating pag-usapan.”

“Wala nang dapat pag-usapan. Hindi pa tayo kasal, at wala akong balak maging asawa mo.”

“May kasunduan ang mga pamilya natin.”

“Hindi ibig sabihin noon ay maaari ka nang magdesisyon para sa akin.”

Hinawakan ni Alessia ang p***o upang isara iyon.

Ngunit inilapat ni Damian ang palad sa gilid nito.

“Just one more minute.”

Napilitan siyang huminto.

Sa pagkakalapit nila, naamoy niya ang pamilyar nitong pabango. Naalala niya ang isang gabing niyakap siya ni Damian habang natutulog. Noon, halos hindi siya makatulog sa tuwa dahil inakala niyang nagsisimula na itong mahalin siya.

Ngunit pangalan ni Aria ang unang binanggit nito sa panaginip o reyalidad man.

“Please, Damian. Alisin mo ang kamay mo.”

Tiningnan siya nito bago binitawan ang p***o.

“Kung tungkol sa negosyo ang problema mo, kausapin mo si Papa. Huwag mo na akong idamay.”

“Hindi pa tapos ang usapan tungkol sa kasal.”

“Para sa akin, tapos na.”

Ilang segundo siyang tinitigan nito bago tumalikod.

Nang mawala si Damian sa pasilyo, isinara ni Alessia ang p***o.

Napahawak siya sa dibdib.

Muntik na niyang mabunyag ang katotohanang bumalik siya mula sa hinaharap dahil sa isang hindi pinag-isipang salita.

Tumunog ang kanyang cellphone.

Si Adrian Escalante, ampon ito ng kanyang mommy.

Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag.

“Hello, Kuya.”

“What the hell did you do, Alessia?”

Hindi man lamang siya kinumusta nito.

“Kung tungkol sa kasal, ayoko nang pag-usapan.”

“Tinawagan ako ni Papa. Ipinahiya mo raw ang pamilya sa harap ng mga Villacorta!”

“Sinabi ko lang na ayokong magpakasal.”

“Si Aria ang girlfriend ni Damian. Hindi mo dapat sinasamantala ang pag-alis niya para magpapansin!”

Napapikit si Alessia.

Pati ngayon, si Aria pa rin ang ipinagtatanggol nito.

“Kuya, ako nga ang tumatanggi sa kasal.”

“Then stop creating drama! Hindi lahat ng bagay tungkol sa'yo.”

“Bakit kapag may problema, ako palagi ang sinisisi mo?”

“Because you never know when to stop! Palibhasa spoiled ka kay Mama.”

Napatingin siya sa larawan ng kanyang ina sa bedside table.

“Magkasama tayong lumaki, Adrian. Pero kahit minsan, hindi ko naramdamang may kuya akong kakampi.”

“Don't start acting like a victim.”

“Hindi ako biktima sa pagkakataong ito. At hindi ko kailangan ang pahintulot mo para magdesisyon.”

Tinapos niya ang tawag.

Masakit pa rin, ngunit hindi na siya iiyak para sa kapatid na matagal nang pumili kay Aria.

Kinuha niya ang larawan ni Isabella.

“Mommy, hindi ko na hahayaang mawala sa akin ang lahat ng iniwan mo.”

Dalawampu't apat na taong gulang na siya. Wala nang isang taon bago niya makuha ang karapatang pamunuan ang Meridian Logistics & Infrastructure Corporation (MLIC).

Sa unang buhay, pagdating niya sa edad na bente singko, kusang-loob siyang pumirma sa kasunduang nagbigay kay Rafael ng patuloy na kapangyarihang pamahalaan ang kumpanya at gamitin ang kanyang voting rights.

Wala siyang interes noon sa negosyo. Ang mahalaga lamang sa kanya ay maging mabuting asawa ni Damian.

Ngayon, hindi na niya uulitin ang pagkakamaling iyon.

Naalala niya ang mga dokumentong ipinakita noon ng abogado ni Isabella. Kailangan niyang malaman kung nasaan ang mga orihinal na kopya at kung anong mga desisyon ang ginawa ng kanyang ama habang ito ang namamahala.

Ngunit higit sa lahat, kailangan niyang malaman kung totoo ang sinabi ni Aria tungkol sa pagkamatay ni Isabella.

Hindi niya maaaring basta akusahan si Monica nang walang ebidensiya.

Nagpasya siyang magsimulang mag-imbestiga.

Maya-maya, nauhaw siya at lumabas ng silid upang bumaba sa kusina.

Habang papalapit sa hagdan, may narinig siyang nagtatalo sa sala.

Boses nina Rafael at Monica.

Huminto siya sa itaas ng hagdan nang marinig ang pangalan ng kanyang ina.

“Hindi mo dapat hayaang si Alessia ang hahawak sa kumpanyang iniwan ni Isabella,” mariing sabi ni Monica.

“Ano'ng gusto mong gawin ko?” tanong ni Rafael.

“Papirmahin mo siya ng kasunduang magbibigay sa'yo ng karapatang magpatuloy sa pamamahala.”

Kumapit si Alessia sa hawakan ng hagdan.

Iyon mismo ang kasunduang pinirmahan niya sa unang buhay.

At ngayon, hindi na niya iyon pipirmahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 13 Her First Investment

    “Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 12 This Time, She Chooses Herself

    “Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 11 The Billionaire's Hidden Intentions

    “Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 10 His Unexpected Invitation

    “Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 9 The Heir They Underestimated

    “Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 8 A Bride Against Her Will

    “Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status