Share

Chapter 5

Author: Light_Star
last update Last Updated: 2026-01-03 09:29:24

Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.

At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa mga araw na halos wala na akong lakas—pisikal man o emosyonal.

“Hello, Ma’am. What can I help you?” tanong ng assistant sa kabilang linya.

“Nandiyan ba si Mr. Cardinal?” maayos kong tanong.

“Oh yes, Ma’am. He’s here. Wait a second,” magalang nitong tugon.

“Oh, hello. Mr. Cardinal speaking. Who’s this?”

Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa kung sino ako. Hindi ko na rin nakontrol ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.

“Harold… thank you sa lahat ng tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sa Daddy ko.”

Saglit siyang natahimik bago ako marinig na muling magsalita.

“Hanna… ikaw pala ’yan,” ani niya. Ramdam ko ang saya sa tono ng kanyang boses.

“Basta para sa’yo, gagawin ko ang lahat.”

Matapos kong ibaba ang tawag, biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ng Daddy. Takbong lumabas si Jordan.

“Ate! Ate! Gising na si Daddy!”

Halo-halo ang emosyon na bumalot sa akin.

Dalawang araw pa lamang ang nakalipas mula nang maoperahan siya—at ngayon, muling nagbukas ang kanyang mga mata.

“Doc, gising na po ang Daddy ko,” agad kong tawag.

Mabilis na lumapit ang doktor upang suriin siya.

Kahit hindi pa siya ganoon kalakas, malinaw sa kanyang mga mata ang pasasalamat at saya—dahil nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon sa buhay.

At sa araw ding iyon, nalaman ko ang buong katotohanan.

Si Harold pala ang nasa likod ng maagang operasyon ng Daddy. Siya rin pala ang may-ari ng ospital na iyon.

Hindi lang niya ako tinulungan. Hindi lang niya ako inalalayan. Hindi niya rin ako pinaramdam na nag-iisa ako sa laban.

Dahil doon, napagdesisyunan kong bumalik na sa trabaho. Ilang buwan na rin akong naka-leave, at higit sa lahat—gusto ko nang makasama ang anak ko.

Ngunit saan-saan ako naghanap, wala sila.

“Hello, Manang… Manang?”

Ngunit naputol ang tawag. Kahit si Manang Lucy ay hindi ko rin makontak. Nagsimulang bumigat ang dibdib ko sa pag-aalala. Pumasok sa isip ko ang pinakakinatatakutan ko—baka inilayo na nila sa akin ang anak ko.

Hindi ko alam na sa paghahanap ko, ako mismo ang mapapahamak.

“Manong… sino po kayo?” nanginginig kong tanong. Takot na takot ako sa mga sandaling iyon. Ramdam kong may masamang balak sila.

“Huwag nang makulit. Sumakay ka na. Bilis,” mariing utos ng isa sa kanila.

Pumiglas ako nang pumiglas.

“Ayoko! Pakawalan n’yo ako!”

Umiiyak na ako habang iniisip—kung mawawala ako, ano na ang mangyayari sa anak ko?

Ngunit nang itutok nila ang baril sa akin, wala nag akong nagawa kundi sumunod.

Ilang oras din akong nagtiis. Pagod. Takot. Nanginginig.

Ngunit laking gulat ko nang ibaba na lamang nila ako sa isang lugar at bigla na lang umalis. Nang tuluyan kong mapunasan ang luha sa aking mga mata, doon ko nakita—

Isang sorpresa ang naghihintay sa akin.

“Hija, itong bulaklak na ito ay para sa’yo.”

Nagulat ako at bago pa ako makapagtanong, tumalikod na siya. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng makukulay na ilaw—walang kaalam-alam sa nangyayari.

“Hi, Miss Beautiful.”

Nang marinig ko ang boses na iyon, bigla akong kinabahan.

Paglingon ko, si Harold ang nasa harapan ko.

“Hanna… I’m not the type of person who does things like this. But for you, I will do everything,” ani niya habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak.

“Oy… tumayo ka nga diyan. Ano ba ’yan,” sabi ko, halatang nag-aalala.

“Can I dance with you?” tanong niya.

Natigilan ako.

“Oo naman,” sagot ko kahit nagdadalawang-isip.

“This is our second dance,” dagdag ko. Totoo—ikalawang beses niya akong isinayaw.

“Mahal kita, Hanna. I don’t know what to do without you."

Hindi agad nag-register sa utak ko ang mga sinabi niya.

“Please give me a chance to rebuild our family. Mahalaga kayo sa akin—ikaw at ang anak natin.”

Parang nasa isang K-drama ako sa mga sandaling iyon.

“Huh? What do you mean?” lutang kong tanong.

Tumitig siya sa akin.

“Buoin na natin ang pamilya natin. Hindi lang para sa atin—kundi para kay Rafael. Gusto kong maranasan niya ang isang kumpletong pamilya.”

Hindi ko napigilang umiyak. Hindi ko akalaing ang isang maling desisyon noon ay mauuwi sa ganitong sitwasyon. Hindi ko rin inakalang ang isang one-night stand ay magiging bahagi ng buong buhay ko.

“Hanna, alam kong biglaan ito. Pero matanda na ako. Kayo ni Rafael ang gusto kong makasama habang buhay.”

Lumuhod siya sa harap ko.

“Hanna Portugal, will you marry me?”

Lumabas ang Mommy ko, pati ang buong pamilya.

“Anak, sige na. Kung mahal mo talaga siya,” ani ni Mommy."

“Hinding-hindi ako tatayo rito hangga’t hindi ka pumapayag,” seryoso niyang sabi.

Wala na akong nagawa kundi ngumiti sa gitna ng luha.

“Yes… yes,” sagot ko.

Tumalon siya sa tuwa at niyakap ako nang mahigpit.

“I love you, Hanna.”

Sumunod ang malakas na palakpakan. Ramdam kong buong pamilya ko ay tanggap siya.

Parang mabilis lang ang lahat. Makalipas ang dalawang buwan—araw na ng kasal namin.

“Hanna, tinatanggap mo ba si Harold Cardinal bilang iyong asawa?”

“Yes, I do.”

“Harold, tinatanggap mo ba si Hanna Portugal bilang iyong kabiyak?”

“Yes, I do, Father.”

Mabilis lumipas ang oras.

“You may now kiss the bride.”

Nagtilian ang lahat. Hinalikan niya ako—marahan, puno ng pag-iingat at pagmamahal.

Ngunit matapos ang kasal, dumating ang isang hindi inaasahan.

“Sino siya?” bulong kong tanong. “Parang hinihintay ka.”

“Sino?” tanong niya, ngunit natigilan nang ituro ko ang babae.

“Don’t go anywhere. Stay here. I’ll handle this,” sabi niya bago halikan ang noo ko.

Ramdam kong may kakaiba sa kilos ng babae. Mukha siyang kasing-edad ni Harold.

Nang bumalik siya, iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kahit pilitin niyang itago, ramdam kong may bumabagabag sa kanya.

Gano’n ata talaga kapag mahal mo ang isang tao…

Kahit kaunting pagbabago, ramdam mo agad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 5

    Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa mga araw na halos wala na akong lakas—pisikal man o emosyonal.“Hello, Ma’am. What can I help you?” tanong ng assistant sa kabilang linya.“Nandiyan ba si Mr. Cardinal?” maayos kong tanong.“Oh yes, Ma’am. He’s here. Wait a second,” magalang nitong tugon.“Oh, hello. Mr. Cardinal speaking. Who’s this?”Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa kung sino ako. Hindi ko na rin nakontrol ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.“Harold… thank you sa lahat ng tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sa Daddy ko.”Saglit siyang natahimik bago ako marinig na muling magsalita.“Hanna… ikaw pala ’yan,” ani niya. Ramdam ko ang saya sa tono ng kanyang boses.“Basta para sa’yo, gag

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 4

    “Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, let’s go. It’s a family picture.”Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya.“Rafael, kami naman ng Mommy mo,” sabi niya.Wala akong masabi.“Yes, Daddy,” masayang tugon ni Rafael.Dumikit si Harold sa akin, at ramdam ko ang kamay niyang marahang nakahawak sa aking bewang. Mabuti na lang at sanay akong magtago ng nararamdaman—kung hindi, siguradong halata na ang kabog ng dibdib ko.“Oh, hija,” sambit ni Manang Lucy, “bakit hindi ka mag-enjoy kasama ang dalawa?”“Hayaan na po muna, Manang. Matagal din silang hindi nagkasama,” sagot ko.Tumingin siya sa akin, tila may binabasa sa aking mga mata.“Ikaw ba, Hanna? Hindi ka ba nasasabik na muli sa asawa mo?”“Manang naman…” mahina kong tugon.Bumunto

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 3

    Harold's POV:“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”“Hindi pa rin tayo sigurado kung akin nga ang bata,” tugon ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga ebidensya.”“Opo, sir.”“At kung kailangan mong magbayad para sa ebidensya, huwag kang mag-alala sa pera. Ako ang bahala.”“Yes, sir.”“Sir,” maingat na tanong ng driver ko, “pwede ko lang po bang itanong… bakit parang sobrang obsessed kayo kay Miss Hanna? Eh ngayon lang naman po kayo muling nagkakilala?”Naputol ang tanong niya nang tumingin ako sa kanya. “Basta. May kinalaman iyon sa nakaraan. Sige na, may gagawin pa ako.”Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip kong muli kaming magtatagpo ni Hanna. Para bang bumalik ang mga multo ng nak

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 2

    “Good morning, Mommy,” bungad sa akin ni Rafael habang inaantok pang nakatayo sa pintuan ng kusina.Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning din, baby ko. Anong gusto mong breakfast?” Ngumiti siya nang matamis, ‘yong ngiting kayang magpagaan ng kahit gaano kabigat na pagod.“Syempre, Mommy, ‘yong favorite ko po.”Sabay talikod at takbo papunta sa kwarto niya.Naiwan akong mag-isa sa kusina, tahimik, habang sinisimulan kong ihanda ang almusal naming mag-ina.Habang naghihiwa ng mga sangkap, saglit akong napatingin sa orasan—maaga pa, pero parang laging kapos ang oras kapag mag-isa kang may pasan sa mundo.“Mommy, please come over! Tita Faith is calling!” sigaw ni Rafael mula sa sala.“Baby, sandali lang. May ginagawa pa si Mommy,” sagot ko habang patuloy sa pagluluto.“Mommy, hurry up,” mariin niyang tawag.Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang kamay bago sagutin ang tawag.“Oh, napatawag ka?” bungad ko.“Syempre! May good news at bad news ako sa’yo,” masiglang sabi

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 1

    Hanna’s POV:“Hanna! Si Leo, andito na!” Tumagos sa tenga ko ang sigaw ni Manang Eden mula sa kusina. Hindi ako agad gumalaw. Para bang may mabigat sa dibdib ko na ayaw akong patayuin mula sa hagdan.Huminga muna ako nang malalim bago bumaba.Pagdating ko sa sala, nandoon siya—si Leo. Nakaupo sa sofa, diretso ang tingin sa cellphone, tahimik. Para bang bisita sa sariling bahay. Parang estrangherong napadaan lang.Nang magtama ang mga mata namin, saka lamang siya tumayo at lumapit. Yumakap.“I miss you,” bulong ko, kusang ngumiti kahit may kirot na agad sa loob ng dibdib ko.Hindi siya tumagal sa yakap. Maingat niya akong inalis—hindi marahas, pero malinaw ang distansya. Parang may iniingatan… o may iniiwasan.“Bakit?” tanong ko, hindi na itinago ang pagtataka.“Pagod lang ako, love. Pasensya na,” sagot niya, sabay iwas ng tingin.Doon pa lang, alam ko na. May mali.“Ah… gano’n ba,” maikli kong tugon. Malamig. Hindi dahil gusto kong manakit—kundi dahil wala na akong lakas para magpang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status