Se connecter“What?” tanong niya ulit, bahagyang nakakunot ang noo.
“Hon, sabi ko kinakabahan ako,” ulit ko, pilit tinatago ang panginginig ng boses ko. “Honey, don’t worry. Andito naman ako,” tugon niya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko, parang doon niya ibinubuhos ang lahat ng pangakong kaya niyang ibigay. Umiling na lang ako. Hindi basta kaba ang nararamdaman ko—takot iyon. Takot na baka hindi ako tanggapin. Takot na baka mali ang lahat ng pinasok ko. “Don’t worry,” mahina niyang dagdag, “hindi kita pababayaan.” “Hon, bakit hindi na lang tayo magbukod? Yung tayong tatlo lang… ikaw, ako, at ang anak mo?” lakas-loob kong suhestiyon. Huminto siya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. “I told you what’s the reason I don’t want to—” Hindi na niya natapos. “I know,” putol ko, kahit masakit. Wala akong nagawa kundi sumunod. Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa mismong lagusan ng bahay nila, iba na ang pakiramdam ko. Parang may bumibigat sa hangin. Parang may nagbabantang unos. “Sino ’yang kasama mo?” malamig na tanong ng isang babae. Mas matanda siya ng kaunti kay Harold, at halatang hindi natutuwa sa nakikita. “Hon,” sabi ni Harold, pilit pinipigil ang tensyon, “this is Queenie, ate ko. Ate, this is Hanna—my wife. And this is my son, Rafael.” Doon ko mas naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Oo, ngayon pa lang talaga niya kami ipinapakilala sa pamilya niya. Pinakiusapan niya ako. Nagtiwala ako. Ngunit tila hindi sapat iyon. “Oh?” may panunuyang ngiti ang babae. “Sigurado ka bang sa’yo ’yang bata? At saan mo naman napulot ang babaeng ’yan?” Nanlamig ako. Para akong nawalan ng tinig, parang may pumigil sa paghinga ko. “Ate!” biglang tumaas ang boses ni Harold. “They are my world. At hindi ko kailangang magpaliwanag sa’yo tungkol sa amin.” May lamig sa boses niya—yung klase ng lamig na bihirang marinig, pero kapag lumabas, alam mong seryoso. Pagdating namin sa kuwarto, agad siyang humarap sa akin. “Hon, pasensiya ka na kanina.” “It’s okay,” pilit kong ngiti. “Baka mainit lang talaga ang ulo ng ate mo.” Akala ko gano’n lang. Mali ako. “Harold,” sigaw mula sa labas, “kasama ba natin ’yang mga ’yan sa pagkain?” Para akong sinampal ng mga salita niya. Mas malinaw pa sa sikat ng araw kung gaano kami kababa sa paningin niya. “Stop it,” matigas na sagot ni Harold. “Pamilya ko sila. Kaya kasama ko sila.” Tumayo ako, handang umiwas. “Hon—” “No,” mabilis niyang pigil. “Stay.” Wala akong nagawa. “Hays,” irap ng ate niya. “Wala na akong gana. Bahala na nga kayo riyan.” Nang tuluyang mawala ang yabag nito, napabuntong-hininga ako. “Hon,” tanong ko, pilit binabago ang paksa, “nasaan ang daddy mo?” Natigilan siya. Saglit bago sumagot. “Darating siya mamaya.” Nanlaki ang mga mata ko. “Kailangan pala nating maghanda.” Umiling siya. “No need. He’s not a guest.” “Pero—” Hindi ko na natuloy. Isang halik ang pumigil sa lahat ng sasabihin ko. Hindi iyon minadali—parang sinadya niyang ipaalala sa akin na sa gitna ng lahat ng gulo, may kami. “Hon…” mahina kong protesta, kalahating pakiusap. “Why?” tanong niya, noo’y halos magkadikit na. “Ayaw mo ba?” “Hindi naman sa—” Hindi na niya ako pinatapos. Sa pagitan ng pintig ng dibdib ko at ng bigat ng katahimikan sa labas ng silid, unti-unting naglaho ang ingay ng mundo. May init, may lambing, at may pangakong kahit saglit, kami lang muna. “Hon,” bulong ko, “ang aga pa…” “I don’t care,” sagot niya, may halong ngiting alam kong delikado sa tibok ng puso ko. Mula sa labas, may kumatok. “Harold, tanghalian na.” Nataranta ako at bahagyang itinulak siya. Ngunit sa halip na bumitaw, mas hinigpitan niya ang yakap—isang tahimik na desisyong huwag munang harapin ang mundo. Sa likod ng nakasarang pinto, pinili naming magtago sa sandaling kami lang ang nakakaalam. Walang salita, puro pakiramdam. At sa pagitan ng mga hininga, unti-unting nagdilim ang eksena—parang ilaw na kusang pinatay upang igalang ang lihim ng dalawang pusong pagod nang lumaban. Mula sa labas, narinig ko pa ang boses ng ate niya. Pero sa sandaling iyon, wala na akong pakialam. Dahil sa unang pagkakataon mula nang dumating kami, naramdaman kong may kakampi ako—buo at walang alinlangan. At iyon ang mas mahalaga kaysa sa anumang pagtanggap.Harold’s POV : Dahil sa tagal niyang bumalik hindi ko napansin na nauna na akong nakatulog. Ngunit dahil late na kami naka uwi mga apat na oras na lamang ang natitirang tulog namin. “Mommy… Mom.. Please wag niyo akong iwan! Please.” “Hon… Wake up! gising anong nangyayari sayo.” dahil sa pag alog niya sa braso ko dito na ako tuluyang nagising. “Hon pawis na pawis kana ano ba kasing nangyayari sayo? At ano ‘yong sinasabi mo?” halos nanlamig ang buong katawan ko dahil sa panaginip kong iyon. Buti nalang pinainom niya ako ng tubig. “Nanaginip lang ako,” pawisan parin ako pero hindi ko alam bakit nitong mga nakaraang mga araw lagi nalang akong nanaginip ng ganito kasama. Parang naalala ko yong nakaraan, iniwan ako ng aking ina. Halos hindi ako makakain noon dahil sa namimiss ko siya, pero hindi siya bumalik. Subalit kong kailan naman kami nag kasama muli ito naman pala ang huling gabi na magkasama kami. Masisilayan ko ang kanyang mukha habang tinatawag ang pangalan ko. “Bakit? Ano ba
Third person POV : Kinabukasan ay araw ng lunes kaya maagang nagising si Hanna, dahil ngayon ang kanyang final altrasound bago manganak. Kadalsan na mag-isa lang siyang pumupunta sa OB niya para magpa check-up pero ngayon parang nagiba ang ihip ng hangin. Kong noon ayaw niyang magpasama sa kanyang OB ngayon parang plot twist pinuntahan niya ang anak niyang si Rafael. “Anak! Si Mommy ito!” agad namang binuksan ng bata, “Ano po ba iyon Mommy napaka early papo? Anong oras naba?” pagkatingin ng bata sa relo niya sa gilid ng kama bigla itong napakunot ang nuo,”Mommy ang aga niyo naman po gumisig, wala po akong pasok now!” pagrereklamo ng anak halatang grabi pa angitutulog niya. Pero nanatili paring kalmado si Hanna bago sumagot sa anak. “Uutusan lang kasi kita, gisingin mo ang Daddy mo sabihin mong ngayon ang araw ng OB check-up ni Mommy, and ask him if he’s busy ok? At puwede kanang matulog ulit.” Tumango lang ang bata at nagmadaling puntahan ang Daddy niya. Samantalang si Hanna bumalik
Harold’s POV:Pasakay na sana ako ng Elevator ng mapansin ko na naiwan pala ang maliit kong bag sa kotse kaya dali-dali ko itong binalikan, hindi pa naman ako gaanong late at tsaka ngayon lang naman ako malelate.Pagkakuha ko ng bag na naiwan ko dali-dali na akong bunalik para sumakay ng elevator papunta sa meeting place. Kasamaang-palad lang dahil pagbalik ko may naka paskil na agad sa labas na ‘Under Probvision’ kaya pala wala nang mga tao sa labas, wala akong nagawa kundi humanap nalang ng hagdan mabuti naman at nahanap ko rin yong stair way. Alam kong nakakapagod pero wala naman akong magawa dahil business naman pinunta ko rito. Ngunit sa kalagitnaan palang ng aking pag-akyat natauhan agad ako sa ingay sa loob ng dala kong bag. Nang tingnan ko ito binaliwala ko lang dahil si Manang lang naman. Pero kinabahan na agad ako! Hindi si Manang yong tipo ng tao na mangungulit tunawag. Pero wala sinagot ko parin.“Hello” Ngunit sandali pa akong naghintay ng response pero nanatili parin
Manang Shie POV:Mag aalas nuwebe na ng umaga, ng magising ang asawa ni Sir Harold. “Ohh hija good morning sa iyo, mu-lingkod kana diri kay mu-handa na ko sa imohang breakfast.” Ngumiti lang ito at naupo, napansin kong palingon-lingon ito. “Hanna ano ba? May hinahanap kaba?” “Wala h—!” Umighim muna ako, “Don't worry umalis na siya.” Pagkasabi ko palang no'n natamimi siya bigla. “Alam ko… iniiwasan mo siya! Pero hanggang kailan.” “Ho? Ano po ba ibig niyong sabihin?” Tinitigan ko siya ng maiigi. “Sakin kapa ba maglilihim? Parehas tayo babae!” Tatayo na sana siya, pero alam kong umiiwas lang siya dahil alam ko naman talaga ang tinutukoy ko. “Total wala na man na dito si Jane, bakit dipa kayo mag-usap? Alam mo hija, ang asawa hindi naman yan kanin na pagnapaso ka iluluwa mo na agad. At tsaka kasal na kayo alalahanin mo.” Nang makita ko na tumutulo na ang mga luha niya, inabutan kona agad ng tissue kahit pigil
Harold’s POVNang maihatid na ako ni Mark sa pupuntahan kong conference meeting kasama ang iba pang mga investor ng aking kompanya, agad ko siyang pinauwi at ako nalang ang mag isang dumating sa meeting, pero ng tignan ko ang cellphone ko ni isang paramdam mula sa isang tao wala, na dismaya lang ako ng wala sa oras. Kaya nawala din sa isip ko ang umuwi sa mansion ni hindi ko man lang natawagan ang anak kong si Rafael kong kumusta naba siya, kong nakauwi ba siya galing school ng ligtas. Ni hindi ko nga natawagan si Ate Quenie kong maayos bang nakatulog ang anak ko. Parang naging invisible lang ako sa painingin ng anak ko lately, ni hindi ko na nga siya naihahatid sa school o nakakasabay man lang kumain sa umaga. Kasalanan ko talaga ang lahat kong kelan pa nabuo kuna ang pamilya na noon kolang pinapangarap tsaka pa talaga ako magkakaproblema ng ganto kalala. Minsan iniisip ko nalang na baka may nagawan ako ng masama kaya masamang pangitain din ang dumating sa akin.Wala na rin siguro
Hanna's POV "Oh hija hanggang ngayon ba wala ka paring sagot?" Lumapit ito sa tabi ko at na upo. "Diba napaka simpling tanong ngunit wala kang maisagot! Sa totoo lang may sagot ka naman subalit pride ang pinapairal mo!" Hindi ko alam kong ano ba ang nais niyang ipaintindi sakin, blangko talaga ang isip ko sa ngayon ni kumain wala pa akong gana. "Paparusahan mo ba ang sarili mo dahil sa problema niyong mag-asawa?" Dagdag pa niya. "Manang ano po ba gagawin ko?" Habang tumatagal unti-unti nanamang umuulos ang mga luha ko, aaminin ko hindi ako sanay sa gantong sitwasyon namin ngayon ng asawa ko. "Sa bagay na iyan, wala akong masabi..... Ikaw ang may solusyon diyan alam ko kaso natatakot kalang. Tama ba ako?" Wala na akong naging sagot sa kanya. Tama siya nauunahan lang talaga ako ng takot parang bumalik kasi ako sa nakaraan ko, sa taong binigyan ko ng lahat ng sa akin kulang nalang pati katawan ko ibigay kopa. Pero sa lahat ng sakripisyo ko sa kanya nagawa parin niya akong iwan at ip
Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa
“Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, le
Harold's POV:“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”“Hindi p
“Good morning, Mommy,” bungad sa akin ni Rafael habang inaantok pang nakatayo sa pintuan ng kusina.Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning din, baby ko. Anong gusto mong breakfast?” Ngumiti siya nang matamis, ‘yong ngiting kayang magpagaan ng kahit gaano kabigat na pagod.“Syempr







