Share

Chapter 4

Author: Light_Star
last update Last Updated: 2026-01-03 09:28:38

“Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.

“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.

Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.

“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, let’s go. It’s a family picture.”

Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya.

“Rafael, kami naman ng Mommy mo,” sabi niya.

Wala akong masabi.

“Yes, Daddy,” masayang tugon ni Rafael.

Dumikit si Harold sa akin, at ramdam ko ang kamay niyang marahang nakahawak sa aking bewang. Mabuti na lang at sanay akong magtago ng nararamdaman—kung hindi, siguradong halata na ang kabog ng dibdib ko.

“Oh, hija,” sambit ni Manang Lucy, “bakit hindi ka mag-enjoy kasama ang dalawa?”

“Hayaan na po muna, Manang. Matagal din silang hindi nagkasama,” sagot ko.

Tumingin siya sa akin, tila may binabasa sa aking mga mata.

“Ikaw ba, Hanna? Hindi ka ba nasasabik na muli sa asawa mo?”

“Manang naman…” mahina kong tugon.

Bumuntong-hininga siya.

“Alam kong sabik ka rin kay Harold. Ramdam ko rin na sabik na sabik siya sa’yo.”

“Hanna, halika,” tawag ni Harold.

Umiling ako, hindi dahil ayaw ko—kundi dahil naguguluhan ako.

“Nak, ayaw ng Mommy mo oh,” biro niya.

“Hanna, halika na.”

“Hija, ulam na ang lumalapit sa’yo,” sabat ni Manang Lucy, natatawa.

Napangiti na lang ako.

“Iwan ko po muna sa inyo, Manang,” sabi ko.

Buong maghapon, wala kaming ginawa kundi sulitin ang oras naming tatlo. Tama si Manang—mukhang sabik na rin ako kay Harold. Pilit ko lang tinatanggihan.

“Oh, mag-meryenda muna tayo,” aya ni Manang.

“Manang, nasaan po ang juice?” tanong ko. Sobrang uhaw ko na yata.

“Hala, hindi pala ako nakabili,” sagot niya.

“Anong problema n’yo diyan?” tanong ni Harold, sabay tingin sa amin.

“Sir, nakalimutan ko pong bumili ng juice,” paliwanag ni Manang.

Wala siyang sinabi. Inabot niya kay Manang ang pera.

“O ito po. Manang, bumili muna kayo. Nak, anong gusto mo?”

“Wafer, Daddy!”

“O sige. Samahan mo si Manang. Bilisan n’yo lang,” bilin niya.

Nagkatinginan na lang sila na parang may binabalak.

“Nauuhaw ka na?” tanong niya sa akin.

“Oo,” sagot ko.

“Here, drink this,” sabi niya, iniabot ang bote.

“How about you?” kunot-noo kong tanong.

“Relax. Hindi pa naman ako uhaw. Sige na, inumin mo na,” ngumiti siya at titig na titig sa akin, na parang may dumi sa mukha ko.

“Sir, may dumi po ba mukha ko? Kung makatitig kasi kayo,” biro ko.

Ngumisi siya.

“Don’t call me ‘Sir.’ Wala tayo sa kumpanya. Unless gusto mo akong tawaging ‘honey,’ okay lang din.”

Napatawa ako.

“Why? Kinikilig ka lang na namumula ka na agad.”

“Ho! Ako? Kinikilig? Hindi kaya,” sabi niya sabay lapit.

“Hindi ba?”

Wala akong naisagot.

Habang nasa biyahe kami, napakarami naming napag-usapan—tungkol sa nakaraan, sa mga simpleng bagay, at sa mga salitang matagal nang hindi nasasabi.

Nang gabing iyon, panatag na ang loob ko.

“May sasabihin sana ako,” bigla kong sambit.

Napalingon siya sa akin.

“Ano ’yon? Feel free to say it.”

“Harold, I didn’t imagine that—”

Ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Si Kiara, ang bunso kong kapatid.

“Ate… si Daddy. Umuwi ka dito. Nasa ospital siya.”

Nawala sa isip ko ang sasabihin ko. Hindi ko na ma-proseso ang lahat.

Bigla niyang hininto ang sasakyan.

“Saang ospital dinala ang Daddy mo?”

Agad kong sinabi.

Habang binabaybay namin ang highway papunta sa ospital, tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Mabilis siyang magmaneho, pero ramdam ko ang pag-iingat niya.

Pagdating namin, agad akong bumaba.

“Manang, wake up,” bulong ko.

“Oh, bakit? Dahan-dahan ka lang, baka magising si Rafael,” sabi niya.

“Manang, kayo na po muna bahala sa anak ko. Aakyat lang po ako, pupuntahan ko si Daddy,” pakiusap ko.

Tumango lang siya.

Sumunod sa akin si Harold.

Pagdating namin sa second floor, agad kong nakita ang ER. Bigla akong kinabahan.

“Don’t worry,” mahinahon niyang sabi, sabay hawak sa kamay ko.

“Magiging maayos din ang lahat.”

Hindi ko binitawan ang kamay niya.

“Anak, nasa loob ang papa mo,” sabi ni Mommy.

Mahigpit ko siyang niyakap.

“Mommy, lakasan po natin ang loob natin,” pilit kong sabi kahit ako’y halos gumuho na rin.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang doktor.

“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?” tanong niya.

“Opo, Doc. Ako po ang asawa,” sagot ni Mommy.

“Misis, ang mister ninyo ay may malubhang karamdaman. He has stage 1 colon cancer.”

Parang gumuho ang mundo ko. Mabuti na lang at nasa likod ko si Harold. Inalalayan niya akong maupo habang kinakausap ng doktor si Mommy.

“’Wag kang mag-alala. May awa ang Diyos,” bulong niya habang pinupunasan ang luha ko.

“Salamat,” mahinang sabi ko.

“Shh… tahan na,” aniya sabay yakap.

Doon ko unang naramdaman ang pag-aarugang hindi ko kailanman naranasan noon—ang pagmamahal na hindi ko kailangang ipaglaban o ipagpilitan.

Nang medyo kumalma na ako, bigla siyang lumuhod sa harap ko.

“Samahan mo muna rito ang Mommy mo. Kailangan ka niya,” sabi niya.

“Ngh? Paano si—” hindi ko na natapos.

Hinawakan niya ang parehong kamay ko.

“Don’t worry about our son. Ako na ang bahala sa kanya. Andiyan naman si Manang Lucy.”

Hinalikan niya ang kamay ko.

“Magpakatatag ka.”

Niyakap ko siya nang mahigpit.

“I don’t know what to do without you.”

Kinabukasan, maaga akong nagising sa ospital. Nandoon ang driver niya.

“Ma’am, pinapabigay po ni Sir,” sabi nito.

Ngumiti lang ako.

“Salamat."

Nabigla ako nang ilipat si Daddy sa private room. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pambayad—hanggang sa nalaman kong si Harold na ang sumagot ng lahat ng gastos.

Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko para pagkalooban ng lalaking handang manindigan at magsakripisyo hindi lang para sa akin, kundi pati sa mga mahal ko sa buhay.

Hindi niya ako iniwan. Sa halip, lagi siyang nakaalalay.

Walang ibang tao sa loob ng kwarto kundi ako at si Daddy. Ngunit nagulat ako nang magising—nasa tabi ko si Harold.

“Gising ka na pala,” sabi niya, may ngiti sa labi.

“Kanina ka pa ba?” tanong ko.

Umiling siya.

“Hindi. Kakadating ko lang. Naabutan kitang tulog kaya umupo muna ako sa tabi mo.”

“May dala akong pagkain. Kumain ka na.”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Thank you for everything… I love you.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Mahal ko na siya.

Matagal na.

Tinatanggihan ko lang noon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 5

    Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa mga araw na halos wala na akong lakas—pisikal man o emosyonal.“Hello, Ma’am. What can I help you?” tanong ng assistant sa kabilang linya.“Nandiyan ba si Mr. Cardinal?” maayos kong tanong.“Oh yes, Ma’am. He’s here. Wait a second,” magalang nitong tugon.“Oh, hello. Mr. Cardinal speaking. Who’s this?”Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa kung sino ako. Hindi ko na rin nakontrol ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.“Harold… thank you sa lahat ng tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sa Daddy ko.”Saglit siyang natahimik bago ako marinig na muling magsalita.“Hanna… ikaw pala ’yan,” ani niya. Ramdam ko ang saya sa tono ng kanyang boses.“Basta para sa’yo, gag

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 4

    “Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, let’s go. It’s a family picture.”Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya.“Rafael, kami naman ng Mommy mo,” sabi niya.Wala akong masabi.“Yes, Daddy,” masayang tugon ni Rafael.Dumikit si Harold sa akin, at ramdam ko ang kamay niyang marahang nakahawak sa aking bewang. Mabuti na lang at sanay akong magtago ng nararamdaman—kung hindi, siguradong halata na ang kabog ng dibdib ko.“Oh, hija,” sambit ni Manang Lucy, “bakit hindi ka mag-enjoy kasama ang dalawa?”“Hayaan na po muna, Manang. Matagal din silang hindi nagkasama,” sagot ko.Tumingin siya sa akin, tila may binabasa sa aking mga mata.“Ikaw ba, Hanna? Hindi ka ba nasasabik na muli sa asawa mo?”“Manang naman…” mahina kong tugon.Bumunto

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 3

    Harold's POV:“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”“Hindi pa rin tayo sigurado kung akin nga ang bata,” tugon ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga ebidensya.”“Opo, sir.”“At kung kailangan mong magbayad para sa ebidensya, huwag kang mag-alala sa pera. Ako ang bahala.”“Yes, sir.”“Sir,” maingat na tanong ng driver ko, “pwede ko lang po bang itanong… bakit parang sobrang obsessed kayo kay Miss Hanna? Eh ngayon lang naman po kayo muling nagkakilala?”Naputol ang tanong niya nang tumingin ako sa kanya. “Basta. May kinalaman iyon sa nakaraan. Sige na, may gagawin pa ako.”Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip kong muli kaming magtatagpo ni Hanna. Para bang bumalik ang mga multo ng nak

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 2

    “Good morning, Mommy,” bungad sa akin ni Rafael habang inaantok pang nakatayo sa pintuan ng kusina.Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning din, baby ko. Anong gusto mong breakfast?” Ngumiti siya nang matamis, ‘yong ngiting kayang magpagaan ng kahit gaano kabigat na pagod.“Syempre, Mommy, ‘yong favorite ko po.”Sabay talikod at takbo papunta sa kwarto niya.Naiwan akong mag-isa sa kusina, tahimik, habang sinisimulan kong ihanda ang almusal naming mag-ina.Habang naghihiwa ng mga sangkap, saglit akong napatingin sa orasan—maaga pa, pero parang laging kapos ang oras kapag mag-isa kang may pasan sa mundo.“Mommy, please come over! Tita Faith is calling!” sigaw ni Rafael mula sa sala.“Baby, sandali lang. May ginagawa pa si Mommy,” sagot ko habang patuloy sa pagluluto.“Mommy, hurry up,” mariin niyang tawag.Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang kamay bago sagutin ang tawag.“Oh, napatawag ka?” bungad ko.“Syempre! May good news at bad news ako sa’yo,” masiglang sabi

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 1

    Hanna’s POV:“Hanna! Si Leo, andito na!” Tumagos sa tenga ko ang sigaw ni Manang Eden mula sa kusina. Hindi ako agad gumalaw. Para bang may mabigat sa dibdib ko na ayaw akong patayuin mula sa hagdan.Huminga muna ako nang malalim bago bumaba.Pagdating ko sa sala, nandoon siya—si Leo. Nakaupo sa sofa, diretso ang tingin sa cellphone, tahimik. Para bang bisita sa sariling bahay. Parang estrangherong napadaan lang.Nang magtama ang mga mata namin, saka lamang siya tumayo at lumapit. Yumakap.“I miss you,” bulong ko, kusang ngumiti kahit may kirot na agad sa loob ng dibdib ko.Hindi siya tumagal sa yakap. Maingat niya akong inalis—hindi marahas, pero malinaw ang distansya. Parang may iniingatan… o may iniiwasan.“Bakit?” tanong ko, hindi na itinago ang pagtataka.“Pagod lang ako, love. Pasensya na,” sagot niya, sabay iwas ng tingin.Doon pa lang, alam ko na. May mali.“Ah… gano’n ba,” maikli kong tugon. Malamig. Hindi dahil gusto kong manakit—kundi dahil wala na akong lakas para magpang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status