Share

Chapter 118

Author: summer
last update publish date: 2026-06-23 22:23:39

CHAPTER 118

“Hindi! Hindi totoo!” Humagulgol si Gisselle. “Niloloko niyo lang ako.”

“I don’t care if you believe it or not,” wika ni Zacharias at p inatay ang sindi ng sigarilyo nang dumating na ang mga pulis.

Nagpaalam si Jillian sa boss niya na sasama siya sa police station para magbigay ng statement. Magkasama sila ni Zacharias nang pumunta sa presinto. Dahil kilala ang pamilyang Wolfgang at may mga koneksyon sa matataas na opisyal ng gobyerno ay agad inasikaso ng mga pulis ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 192

    CHAPTER 192[JILLIAN] SA HAPAGKAINAN, rinig na rinig ang away sa labas. Kalmadong kumakain si Zacharias sa tabi niya ngunit alam niyang apektado ito kaya marahan niyang hinaplos ang braso para kumalma. Tuloy ang pagkain ng mga natira sa mesa—si Madam Imelda, Uncle Nathan, Uncle Apollo, at ang mag-ama niya. Wala man lang lumabas para awatin si Auntie Zeya. “Nakakatakot magalit si Ate Zey,” bulong ni Uncle Nathan sabay halakhak. “Kaya huwag mong kukulitin. Palagi mo pa naman inaasar,” sabi naman ni Chairman Apollo sa kapatid. “Naalala ko noong buntis siya sa kambal. Kawawa si Kuya Ellion sa kanya.” “Ang swerte ni Zeya kay Ellion,” wika naman ni Madam Imelda. “Kaya ikaw Nathan, kapag ikinasal ka siguraduhin mo na mabuting tao. Ayos lang kung m aldita pero mabuti naman ang puso. Hindi iyong nagpapanggap na mabait pero nasa loob ang kulo. Kilalanin mo ng mabuti.” “Ma, wala na ngang magkakagusto sa akin.”

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 191

    CHAPTER 191 “Zeya, wala ka bang delikadesa. Bakit ganyan ka kumilos ay magsalita.” “Ay, matapang!” “Pwede ba, Zeya. Nandito ako para kina Zacharias at Apollo, hindi para sa ‘yo kaya huwag kang makialam.” Humalakhak si Zeya sabay tulak sa balikat ng makapal ang mukha. “Bakit hindi ako makikialam, huh? Kahit nagpakasal na ako, mananatili pa rin akong Wolfgang. Kapatid ko pa rin si Kuya Apollo at tiyahin pa rin ako ni Zacharias. Eh ikaw?” Tinulak niya sa balikat. “Ang tagal niyo ng hiwalay ni Kuya di ba? Ibig sabihin, hindi ka na Wolfgang kaya kung meron man sa atin na hindi pwedeng makialam sa pamamahay na ito, ikaw iyong bitchesa. Bakit? Akala mo ba nang nag-divorce kayo ni Kuya, mananatili ka pa rin na daughter in law ng pamilyang ‘to. Kungsabagay, no’ng daughter in law ka pa pala, ang daming benefits ang nakukuha mo. Kaya ngayon, ang kapal ng mukha mo na pumunta sa opisina ni Kuya para makipagbalikan.”

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me    Chapter 190

    CHAPTER 190 “Nasaan na ba siya?” inis niyang tanong sa sarili. Bagot na bagot na siya roon kanina pa. Ni-dial niya ang numero ni Lilia. “Bakit wala pa siya hanggang ngayon? Kanina pa ako rito.” “Ikaw na ang tumawag sa kanya.” “Hindi nga sinasgaot ang tawag ko. Tawagan mo na siya at papuntahin dito!” Mabilis niyang pinutol ang linya bago pa makipagmatigasan si Lilia. Ilang sandali lang ay tumawag si Lilia sa kanya. “Anong sabi?” “Ayaw niyang pumunta.” “Ano? Hindi pwede. Pilitin mo!” Umahon ang galit na kanina niya pa pinipigilan. Ilang oras na siyang naghihintay pero iyon lang ang sasabihin sa kanya? “Di ba ang sabi mo darating siya?!” “Nabanggit ko na kanina na hindi ako sigurado kung darating siya. Ang tigas-tigas na ng ulo ng baabeng iyon kaya hindi ko alam kung bakit umaasa ka pa na kikitain ka niya,” singhal din nito pabalik sa kanya."Kasalanan mo ito. Kung tinrato mo siya ng maayos noon, hindi na

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 189

    CHAPTER 189 “Yes.” Tumikhim ito sabay ayos ng necktie. “Bakit sa tingin mo tutulungan kita?” “Hindi ko na papalakihin ang isyu tungkol sa kung paano mo ginastos ang pera. Papalampasin ko na iyon basta tulungan mo ako na maka-dinner man lang si Jillian.” M alditang umikot ulit ang mga mata ni Lilia. “Kahit tawagan ko siya at sabihin na kumain sa labas kasama mo, hindi ako sigurado kung susunod siya sa akin. Ang tigas-tigas ng ulo ng babaeng iyon ngayon.” “It’s your fault why she’s like that!” “T angina ka pala, e!” sikmat niya, nangigigil na naman. “Ang ibig kong sabihin, ikaw Nanay niya kaya kahit papano ay makikinig siya sa ‘yo. Subukan mo lang.” Sa huli, kinuha ni Lilia ang cellphone niya. Hindi niya maalala ang numero ni Jillian kaya inabot siya ng ilang minutong paghahanap sa call history niya. Bakit niya naman ise-save ang numero ng babaeng iyon sa phonebook niya kung si Jillian ang ma

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 188

    CHAPTER 188 Hindi sumagot si Lilia. Nang pumayag siya na umalis sa Maynila, binigyan siya ni Jestonu ng milyones para bumalikl siya sa Cagayan. Ilang taon siyang hindi nagtrabaho dahil nasanay sa komportableng pamumuhay na ibinigay sa kanya ni Jestoni noong kabit siya nito.Hindi naman mahal ang pang-araw-araw na gastos dahil probinsya. Subalit, may mga pinagkagastusan kasi siya katulad ng pag-aaral ni Jander sa high school at college na private. Nang nagpakasal ang anak niya ay nagbigay rin sila ng dowry sa pamilya ng babae dahil iyon ang nakaugalian. Bukod pa roon, ay naglabas din siya ng pera para sa engrandeng kasal at binilhan niya ng bahay ang mag-asawa.Ngunit nang magdivorce ang dalawa ay ipinagbili ang bahay ayon sa utos ng korte. Nasa hospital siya sa Maynila nang mangyari iyon kaya hindi niya napigilan na kalahati ng lahat ng pag-aari ni Jander ay nakuha ng dating asawa nito. Kung naroon lang siya, kahit papaano ay hindi niya papayagang basta-basta makuha ng bab

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 187

    CHAPTER 187 Limang minuto ang pinalipas niya bago siya sumunod palabas. Mabuti na lang, walang tao sa elevator kaya diretso pindot siya papunta sa parking space na nakatalaga sa mga executives. Pagdating sa basement parking, palingon-lingon pa siya para siguraduhin na wala talagang ibang tao sa paligid. Maya-maya pa ay kumaripas na siya ng takbo papunta sa kotse ni Xander."Drive na, bilis! Alis na tayo!" utos niya sa boss niya. Bumuga naman ng hangin si Xander, inis pa rin sa ideyang tinatago niya ito. Nang makalabas ang kotse sa basement ay mabilis na yumuko si Bella nang madadaanan nila ang ilang katrabaho. “Tinted ang salamin. Hindi ka nila makikita,” wika ni Xander. Inabot nito ang kanyang oo gamit ang libreng kamay para itulak siya upang umupo ng maayos. “Baka may laser eyes sila o kaya baka kaya nilang makakita ng lampasan,” dahilan niya naman at saka bumalik sa pagkakayuko hanggang hindi pa sila nakakalabas ng sa Maya Internation

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 6

    CHAPTER 6 Kahit paulit-ulit nang sinabi ni Jillian a sarili na huwag siyang papaapekto, ay parang sasabog pa rin ang dibd ib niya. Nanuyo ang kanyang lalamunan at uminit ang gilid ng kanyang mga mata. “G-Good day, Sir. I-I’m,” huminga siya ng malalim para payapai

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 5

    CHAPTER 5 Sa sobrang pagka-palikero ng boss niya, pati siya ay hindi pinatawad sa kalandian nito. Sinubukan siyang h alikan at akit-akitin nang minsang nalasing. Sa inis ni Jillian ay pinatikim niya tuloy ng kamao ang pisngi nito at saka dinagukan ng matindi. Nagdadasal na s

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 4

    CHAPTER 4 “Puyat ka pa, huwag mo na kaming ihatid,” wika ni Jillian sa kaibigan nang nagsabi ito na hintayin nila ni Kai, kukunin lang ang kotse sa garahe. “Okay. Kiss na nga lang si Mama-Ninang, Kai.” Umuklo ang kaibigan niya para maabot ito ng bata. Yumakap nam

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 3

    CHAPTER 3 Inaasahan niya na magtatanong ito kaya kagabi pa lang ay nakahanda na ang sagot ni Jillian. “Wala, Boss. Magkatrabaho kami noon sa TICP sa Cagayan. Sandali lang naman ‘yon kasi nga di ba training niya ‘yon? Wala na po kaming balita noong umalis siya. Hindi rin nami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status