로그인CHAPTER 4
“Puyat ka pa, huwag mo na kaming ihatid,” wika ni Jillian sa kaibigan nang nagsabi ito na hintayin nila ni Kai, kukunin lang ang kotse sa garahe.
“Okay. Kiss na nga lang si Mama-Ninang, Kai.” Umuklo ang kaibigan niya para maabot ito ng bata.
Yumakap naman ang bibi boy nila at matunog itong h inalikan sa pisngi.
Maaliwalas na ang langit at sumilip na rin ang araw nang naglakad sila ni Kai palabas sa subdivision.
Nang makauwi, ay pakamot na lang sa ulo si Jillian nang makitang binaha ang maliit na balcony nila. Ang bintana ay hindi niya pala nasara kaya basa ang mga gamit na malapit.
“Baby, manood ka muna ng video sa youtube. Maglilinis muna si Mommy.”
“Gusto ko po help kita, Mommy ko.”
“Ang bait naman. Sige, ikaw magpupunas ng basang sahig.”
“Opo!”
Maliksing sumunod ito sa kanya para kumuha ng basahan. Napangiti si Jillian habang pinapanood ang bulilit niya na pokus na pokus at talagang pursigido sa ginagawa. Bahagyang nakakunot pa ang noo na parang nagco- concentrate.
Her wonderful Kai was remarkably sensible and mature for his age. He’d been really considerate at her too and always would take initiative to help her with house chores.
Kapag nagtatrabaho siya, ay behave lang ito kaya nga wala siyang nagiging problema kapag dinadala niya ito sa opisina noong nasa Cagayan pa sila dahil umuupo lang sa sulok para magdrawing o kaya magsulat.
Matalino ang beybi niya. Sa edad na dalawa ay nasa Day Care na ito. Hindi siya nakatanggi dahil halos araw-araw siyang inuungutan ni Kai noon. Nag-aalala kasi siya ng lubos na baka mabully ito ng mga batang mas matanda rito o kaya hindi makasabay. Subalit, ang sabi sa kanya ng teacher nito ay behave palagi si Kai at kaibigan din ang mga kaklase.
Malapit ng mag-alas onse ng tanghali nang matapos sila. Binitbit niya si Kai sa pinakamalapit na Supermarket para mag-grocery.
Mabilis lang din silang nakauwi at nagluto ng pananghalian. Kahit pagod ay walang reklamo si Jillian dahil maliban sa gusto niya ang pag-aalaga kay Kai ay matanggal na niyang tanggap na ang buhay ng single mother ay walang katuwang at tuloy-tuloy ang gawain.
Pagsapit ng ala-una ay binuksan niya ang laptop para mag-organize ng mga files.
Ang anak niya naman ay umupo lang sa tabi niya at tahimik nagbasa ng libro. Marunong na itong magbasa kaya lang kapag matutulog na ay naglalambing palagi na basahan niya ng story book.
Ilang sandali pa lang ang nakalipas ay nakatanggap siya ng text galing sa principal ng Montesorri School na malapit sa kanila.
“Baby Kai, sa Monday papasok ka na sa school,” masayang balita niya sa anak.”
Tiningnan lang siya ni Kai bago kikibot-kibot ang labi nang ibinalik ang atensyon sa binabasa.
“Why? You don’t want to go to school?”
“Its boring, Mommy.”
“Pero love mo ang school di ba?”
“Dati iyon po. Ayaw ko ng mag-aral ng alphabet. I know that already. And numbers too. Teachers’ games are boring. My classmates are noisy at makulit pa po. Cry cry pa sila ng marami.” Sumimangot na ang bata.
Bumuntong-hininga si Jillian.
Ayaw niya naman kasi na ipasok na agad si Kai sa grade school dahil masyado pa itong bata. Gusto niya ay maging normal at masaya ang childhood nito.
“Kai, makinig ka sa akin…”
“I’ll go to school na po,” biglang bawi nito. Nang nag-angat ng tingin sa kanya ay puno ng pag-intindi ang mga mata nito. “I’ll go to school so you wouldn’t worry about me.”
Naluluhang kinandong niya ang bata. Masyado itong mature mag-isip katulad kahapon na nagsabi ito sa kanya na ayos lang dito na mag-isa at hindi niya na kailangan na ihatid ito sa bahay ng Mama-Ninang.
“Gusto mo ba, punta tayo bukas sa amusement park pagkatapos natin magsimba, hmnn,” malambing niyang wika rito. Palagi siyang busy sa trabaho na hindi niya na ito nabibigyan ng oras.
“Ayaw ko po doon, Mommy. Sa Museum na lang.”
Hindi nakasagot si Jillian sa pagkamangha. Apat na taon pa lang anak niya, anong gagawin nito sa nakaka-boring na Museum?
Bahala na nga.
Kinaukabukasan, kabaliktaran sa inaasahan niya ang ekspresyon ni Kai. Tanong ito ng tanong sa mga bagay na naroroon. Siya naman na kakarampot ang alam sa mga artifacts at paintings, ay mga basic lang ang naisagot sa anak.
“Hindi ko po naiintindihan sinasabi mo, Mommy. Doon na lang po sa youtube. D******d ka po Mommy ko.”
Napanganga siya. Walanghiyang bata!
Pero totoo naman ang sinasabi nito kaya wala siyang nagawa kundi magdowload ng mga video na may paliwanag tungkol sa mga item na narooon. Kapagkuwan ay bitbit nito ang cellphone niya nang isa-isang nilapitan ang mga artifacts habang siya ay napaupo na lang sa bench na narooron.
[ZACHARIAS]
Mabagal na inihinto ni Zacharias ang kotse nang naging pula ang traffic light.
Nag-angat siya ng tingin at namalik-mata yata dahil akala niya nakita niya si Jillian na may kahawak-kamay na bata. Subalit, nang ibinalik niya ang mata kung saan niya nakita, ay wala naman.
Nahilot niya ang sariling sintido.
He hadn’t rested well these past days. No wonder he’s damn hallucinating now.
Simula nang magkita ulit sila ni Jillian matapos ang napakaraming taon, ay hindi na napirmi ang utak niya. Palagi na lang sumasagi ang maganda nitong mukha.
Kahit nga sa panaginip niya ay ayaw siyang tantanan!
Lalo na ang sinabi nito sa nakaraan na parang sirang-plaka na pinapaalala sa kanya. Ang lamig sa mga mata nito ay hindi niya makalimutan.
“Zacharias, hindi tayo bagay kaya maghiwalay na tayo. Gusto kong mayaman magiging asawa ko para hindi na ako palaging namomroblema palagi sa pera. Alam mo naman na hirap ako sa buhay. Maganda ako, hindi ko sasayangin ang sarili ko kung magpapakasal ako sa katulad mo na walang pera.”
Matagal na nang huling beses niyang napanaginipan iyon.
When they just had a breakup, he’d wake up in the middle of the nght because of it and couldn’t fall back to sleep.
Tapos ngayon, bumalik na naman. Sinong hindi maiirita kung hindi siya nakakatulog?
Kumbinsido siya na mangkukulam talaga si Jillian kaya siya nagkakaganito. Pagbabayarin niya ang babaeng iyon!
[JILLIAN]
Pagkatapos nila sa museum ay dinala ni Jillian ang anak sa restaurant para doon kumain ng hapunan. Dala ng pagod ay nakatulog ang baby niya sa Taxi kaya karga niya ito papasok sa apartment. Kaya binigyan niya na lang ng towel bath bago binihisan ng preskong damit.
Inayos niya muna ang mga gamit nito sa maliit na backpack bago siya natulog na rin.
Kahit alas-onse na siya nahiga nang nagdaang gabi ay maaga pa rin siyang nagising. Nagluluto na siya ng agahan nang pumasok sa maliit nilang kusina si Kai.
“Morning, Mommy ko po.”
“Good morning Baby Kai. Kain na, may school ka pa.”
Inilapag niya ang mga pagkain sa mesa bago binuhat si Kai. Naglalambing naman na ikiniskis nito ang ilong sa pisngi niya.
Kai insisted to bath and wore his uniform himself.
Proud naman si Jillian na pinapanood lang ito. Palagi nitong pinapagaan ang pagiging single mother niya. Siguro ito ang baby angel na ipinadala ng langit para hindi siya tatandang mag-isa.
“Tara na po, Mommy?” yaya nito.
Isinukbit niya naman ang bag sa balikat, ni-lock ang gate at saka hawak-kamay na naglakad sila papuntang Montesorri.
Nang maihatid ito sa classroom, ay naglakad siya ulit papuntang LRT. Ang totoo, ay lihim na nag-aalala siya kay Kai. Baka hindi agad ito makapag-adjust sa bagong eskwelahan. Subalit, anong magagawa niya kung kailangan nilang manatili sa Maynila para sa trabaho niya.
Dahil rush hour, nakipagsiksikan si Jillian sa istasyon ng tren. Iba-iba ang amoy ng mga nakapaligid sa kanya kaya nagkwenta siya isip kung magkano ba ang matitira sa bangko niya kung bibili siya ng second hand na kotse.
Mas mapapadali ang byahe niya papuntang trabaho. Isa pa, sa mga darating na araw ay maaring may mga sasalihang contest o kaya field trip ang anak niya. Having a car for pick up and drop off would surely give them convenience.
Agad siyang nasubsob sa trabaho nang makarating sa opisina.
Nauna sa kanya si Jensen na seryosong nakatuon din ang buong atensyon sa trabaho.
That made Jillian realized, since they went to Manila, her boss had been much less troublesome. Seryoso at kalmado na ito sa trabaho, malayo sa nakilalang boss niya sa Cagayan.
Playboy si Jensen Chase!
Kung magpalit ito ng babae ay parang nagpapalit lang ng damit. Kaya naman palagi siyang nape-perwisyo noon dahil palaging may pumupuntang babae sa opisina.
Nagtatago ang magaling niyang boss at siya ang binabala para siya ang magpalayas. Ganon ang ginagawa nito sa mga nagdaan pang sekretarya kaya hindi makatagal.
Resign agad kapag nasasabunutan ng mga babaeng naikama ng palikero!
She was his last secretary that didn’t resigned when the woman slapped her. Wala siyang lakas ng loob para layasan ang kompanya dahil iyon lang ang trabahong tumanggap sa kanya matapos siyang magkaroon ng 2-year gap sa resume.
In those two years, she gave birth and take care of little Kai.
Sa kabutihang palad, nang mga panahong paubos na talaga ang pera niya ay tumawag ang HR. They would hire her if she agreed whatever Jensen demand her to do!
Desperado, tinanggap niya ang alok kahit palaging masakit ang anit niya dahil sa pananabunot ng mga babaeng selosa!
CHAPTER 85"Ang batang 'yon, kadugo natin. Malinaw ang isip ko, Zeya kaya huwag na huwag mong pagdudahan ang aking apo sa tuhod.""Okay, sige!,” ayaw pa rin tumigil ng babaeng anak niyang ito. "Kalimutan muna natin ang bata. Ma, papakasalan ba ni Zacharias ang babaeng 'yun?""Gusto ko nga sana pero ayaw ni Jillian.”"Imposible! Nagpapanggap lang 'yun. May hinihingi ba siya? Kilala ko ang mga babaeng 'yan. Gagamitin ang anak para makakuha ng malaking halaga. Ma, sabihin niyo, pera ba ang gusto? Bahay? Shares sa Wolfgang Empire?"Nag-init ang ulo ni Madame Imelda. "Saan ba nanggaling ang pagiging matapobre mo?! Pera, pera, pera! Hindi lahat ng tao ay ganyan mag-isip. Walang hinihingi si Jillian at kung meron man ibibibigay ko ang gusto niya.”"Tignan niyo, Ma. Nakuha na kayo ni Jillian. Hinihintay lang niyang kayo mismo ang mag-alok."Hinawakan ni Madame Imelda ang dibdib. "Ayaw na kitang kausapin. Pinapataas mo ang presyon ko." Akmang magsasalita pa si Zeya ay hinawakan na
CHAPTER 84Napatulala ang dalawa kaya padaskol na binitawan niya si Ruiz. Bumalik siya sa execcutive chair niya, salubong pa rin ang mga kilay habang masama ang tingin. Si Xander ang unang nakabawi sa pagkagulat.“Kaya pala parang pamilyar sa akin ang bata nang una kong makita. Kahawig mo siya noong mga bata pa tayo.”"Zach, sigurado ka ba? Nagpa-DNA test na kayo?" Hindi pa rin talaga titigil si Ruiz.“Say one more nasty word about Jil and my son, Ruiz. One more f ucking word and see what happens,” mapanganib niyang banta rito."Man, I’m just concern and—” “Sa tingin mo ba hindi ko kilala ang sarili kong anak?” “Hindi mo rin alam noon,” sabi pa nito kaya natahimik siya. “Better shut your mouth, Dude,” saway ni Xander kay Ruiz bago nito kinuha ang mga dokumentong nasa mesa niya. Pagkatapos, ay mabigat na huminga ito at saka ibinigay kay Ruix. “Read it, Dude. Sa tingin ko, wala na sa lugar ang panghuhusga mo kay Jillian. Kawawa naman pala siya. Walan
CHAPTER 83[BELLA] NAGULAT SI BELLA nang matanaw si Zacharias sa lobby ng Maya International pag-out niya sa trabaho. Alas-dos pa lang pero pauwi na siya dahil birthday ngayon ni Chairman Chang. Maaga itong umalis para sa bakasyon kasama ang Misis nito. Nakaupo si Zacharias sa isa sa malalaking sofa roon, nakatulala sa kawalan. “Ako ba ang hinahanap mo?” tanong niya nang makalapit dito. Inaasahan na niya na kakausapin siya nito sa mga darating na araw dahil kay Jil at Kai. Hindi niya lang inaasahan ngayong hapon mismo gayong kaninang umaga lang pumutok ang balita. "Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari kay Jillian sa loob ng limang taon,” mahinang wika nito na ikinatikwas ng isang kilay niya."Tama ang pinuntahan mo. Bestfriend ako, eh. Kaya may karapatan akong murahin ka.” Lumingon muna siya sa paligid para siguruhin na walang ibang makakarinig. Nang ibinalik niya ang tingin dito, ay nagngangalit ang ngipin na minura niya nga. “T angina ka! Ang
CHAPTER 82 Nagkukulong si Gisselle sa maliit na kwartong inuupahan niya. Walang hilamos, walang sipilyo at buhaghag ang buhok. Buong umaga, nakatutok siya sa cellphone. Nasa dosenang dummay account ang ginawa niya para ipang-comment ng masasamang salita tungkol kay Jillian. Mabuti na lang mga b obo ang mga netizen, naniniwala agad sa mga pinagsasabi niya at galit din kahit wala naman kinalaman sa mga ito si Jillian. ‘Oo, malandi kasi ang babaeng ‘yan’ ‘Itinatago niya malamang ang anak niya kasi sino ba namang lalaki ang magkakagusto sa may sabit na?’ Tuwang-tuwa si Gisselle sa mga nauuto niya. Lahat ng post at comments ay sinusulsulan niya. Subalit, maya-maya pa ay biglang nawala ang post ng tsismosang blogger tungkol kay Jillian. Naghanap ulit siya ng iba pang post ngunit ganon din. Napabangon siya mula sa pagkakahiga dahil pati sa G oogle ay hindi niya na mahanap ang mga balita. Nagpost siya sa fake account niy
CHAPTER 81[INTERCHAPTER] “MAGPADALA KAYO ng tao sa bahay ni Gisselle. Kunin niyo ang mga ebidensya. Kung kinakailangan gumamit ng pwersa gawin niyo,” utos ni Zacharias kay Rafael. “Yes, Sir.” “Hindi na ililipat si Gisselle sa Iloilo. She’s fired immediately. Sabihan mo ang HR na wala siyang makukuha kahit isang sintemo bilang separation pay. What she did grounds for legalities.” “Noted, Sir. Tumawag po pala si Chairman, hindi ka raw po makontak. Maging sina Ma’am Zeya ay panay ang tawag dito sa opisina.” “Tell them I’m in the middle of very important thing right now. I-cancel mo rin pala ang executive meeting mamaya. Walang manggugulo sa akin ngayong araw maliban na lang kung pa-bankrupt na ang Empire.” “But Sir—” “Am I clear, Rafael?” putol niya rito, handang singhalan kung iistorbohin siya nito. Sa mag-ina niya ang araw ngayon. “Crystal Clear, Sir.” “Good,” wika niya sabay b
CHAPTER 80Nang nagkita sila ni Zacharias matapos ang limang taon at nalaman niya ang tunay nitong pagkatao, tumatak agad kay Jillian na sa mga nakalipas na taon na nag-iisa siya, ay hindi siya kailanman hinanap ni Zacharias. Dahil hindi siya nito kailangan. Makakahanap ito ng ibang babaeng papakasalan at bubuo ng sariling pamilya.Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Humugot ng malalim na hininga at tumayo bago pinunasan ang basang pisngi.“Hindi kita pagbabawalan na makasama si Kai,” pormal niyang wika. “Gusto ko mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko mararaming magmamahal at magpapahalaga sa kanya. Sana iparamdam mo sa kanya ang masayang buhay. Kahit kapos kami sa pera, sa mga materyal na bagay, ginagawa ko ang lahat para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanya.”Tumayo na rin si Zacharias subalit, nakayuko pa rin ito, habang bagsak ang mga balikat."Si Kai sa akin pa rin siya titira. Pwedeng-pwede kang pumunta rito para makasama siya pero sa a







