로그인CHAPTER 3
Inaasahan niya na magtatanong ito kaya kagabi pa lang ay nakahanda na ang sagot ni Jillian.
“Wala, Boss. Magkatrabaho kami noon sa TICP sa Cagayan. Sandali lang naman ‘yon kasi nga di ba training niya ‘yon? Wala na po kaming balita noong umalis siya. Hindi rin namin alam na galing pala siya mayamang pamilya. Ang ordinaryo niya noon, promise!”
“Really?” usisa pa ni Jensen.
“Opo.”
Humalukipkip ito, tila tinatanya kung nagsasabi siya ng totoo. “Then why does it seem to me like your son looks a lot like him?”
“Hindi po kaya,” tanggi niya na may kasamang iling. “At saka baka may makarinig sa ‘yo. Ano na lang pong iisipin ni Mr. Wolfgang kapag nakarating sa kanya. Baka sabihin no’n, asumera ako.”
Nakilala na ni Jensen ang baby boy niya noong nasa Cagayan pa sila. Kagagaling pa lang noon sa sakit ni Kai at ayaw bumitaw sa kanya nang iiwan niya sana sa day care center. Wala siyang pinagpilian kundi dalhin ito sa opisina.
Mabuti na lang mabait ang boss niya. Nilaro nito ang bata habang nagtatrabaho siya. Kaya siguro, natitigan nito si Kai ng matagal.
Sa unang tingin kasi ay mas kamukha ni Jillian ang bata.
“Sino ang ama ni Kai?” Hindi talaga papaawat ang boss niyang ito. Alam kasi na hindi siya kasal.
“Sir, ang personal naman na tanong ‘yan.”
“Fine, I won’t ask for the name. Is Kai’s father dead or alive.”
Ilang sandali ang nakalipas bago siya nakasagot. “Dead.”
Totoo naman. Walang pinagkaiba sa patay si Zacharias dahil hindi na ito magiging parte ng buhay nila ng anak niya. Wala na siyang balak na ipakilala si Kai kay Zacharias. Balang-araw ay magkakaroon ng asawa at mga anak ang lalaking iyon.
Mas makakabuti na sa kanya lang si Kai.
“You can go,” tango ni Jensen.
Bumalik na siya sa sariling mesa. Sa ceiling to floor na glass wall ay kita ni Jillian ang pagdilim ng langit. Kaya hindi na siya nagtaka nang pagdating ng uwian ay bumuhos ang malakas na ulan.
Napakamot-ulo siya nang walang tumatanggap ng booking niya sa Grab. Wala pa naman siyang dalang payong.
Lakas-loob na tinakbo niya ang bus stop mula sa entrance ng building. Nang makarating ay basang-basa na ang suot niyang blazer jacket kaya hinubad niya, natira ang puting blouse.
May pumaradang Maybach na kotse sa kanyang harapan. “Get in!”
Jillian waved her hand. “Hindi na po, Sir. Magba-buss na lang ako. Thank you.”
Ang lakas ng ulan at saka rush hour. Mamaya pa ang bus, baka abutan ka ng gabi,” malakas na wika ni Jensen.
Naisip niya na kailangan niya pang sunduin si Kai sa bahay ni Bella kaya pumayag na siya. Mabilis niyang kinuha ang bag at agad pumasok sa kotse bago pa makalabas si Jenses para pagbuksan siya ng pinto.
Hindi pa siya nakakaayos ng upo nang sabay silang nagulat dahil sa sunod-sunod na malalakas na busina sa likuran nila kahit hindi naman sila nakaharang sa daan.
May kotse na limited edition ng Bently sa likod nila. Iilan lang ang meron niyon sa Pilipinas. Tanging mga mapapera at malalakas ang koneksyon sa mga car dealer abroad ang may kakayahang magkaroon.
“Huwag mo na pong patulan, Sir. Baka makagawa pa tayo ng traffic,” sabi niya dahil mukhang lalabasin nito ang kung sinumang gago na nasa kotse.
Sa kabutihang palad ay tumango si Jensen.
Inayos naman ni Jillian ang seatbelt. “Sir, pwede pong magpababa ako sa may Bel-Air?”
“You live there?”
“Hindi po. Yong friend ko po. Iniwan ko po kasi sa kanya si Kai.”
“Alright.”
Dahil malakas ang buhos ng ulan ay mabagal na pinausad ni Jensen ang kotse. Subalit, gulat napamura ito nang sumagitsit ang gulong ng Bently at biglang nag-iba ng linya. Muntik pa silang mahagip kung hindi lang maagap na nakabig nito ang manibela.
“What’s wrong with this person? Does he even know how to drive?” inis na bulalas ni Jensen nang tuluyang humarabas ang kotseng iyon sa kalsada.
[ZACHARIAS]
Zacharias felt he was going crazy!
Limang taon na ang nakalilipas at akala niya ang pagkamuhi niya kay Jillian ay nawala na. Pero putangina!, nang makita niya ulit ito ay parang inisang pitik na nagkandagulo na naman ang puso’t isip niya.
Shit! Shit talaga!
Sira yata talaga ang ulo niya dahil kahit umaapoy ang lagnat niya ay nagdrive siya papunta sa pinagtatrabahuhan ni Jillian para mag-abang.
Kahapon ay wala ito. Ngayon, ay pumasok ngunit nabwisit lang siya dahil kasama nito si Jensen Chase.
What the fuck was their relationship? Hindi siya naniniwala na sekretarya lang si Jillian dahil walang boss na personal na naghahatid ng empleyada pauwi.
Are they dating? Fucking? Kailan pa? At anong pakialam niya. Dapat wala siyang pakialam!
Sa kanyang kabwisitan ay sunod-sunod niyang binusinahan ang mga ito at muntik pang banggain ang piptsuging kotse ng Jensen Chase na iyon.
“F uck!” Muli niyang tinampal ang manibela.
Materialistic at mapagpanggap si Jillian. Ito ang klase ng babaeng pinaglalaruan lang, hindi dapat sineseryoso. Mas lalong hindi dapat binibigyan ng atensyon.
Kaya bakit nawawalan siya ng kontrol ngayon?
Ipinarada ni Zacharias ang kotse sa tabi ng kalasda at nagsindi ng sigarilyo. Salubong ang mga kilay na pinanood niya ang malalaking patak ng ulan sa labas.
“Jillian Aguillar, you’re wicked witch!” he murmured under his breath and blew a smoke.
[JILLIAN]
Sa bukana na lang sana ng subdivision magpapahatid si Jillian ngunit nagpumilit si Jensen na sa mismong tapat ng bahay ni Bella siya ibababa nito.
Agad naman silang pinapasok ng gwardiya sa may subdivision gate nang masilip siya sa loob ng kotse.
“Sir, dito na po,” wika niya habang kinakalas ang seatbelt. “Salamat po ng marami.”
“I only gave you a ride because the rain was so heavy.”
Sandali siyang natigilan bago ngumiti. “Opo, salamat talaga, Sir. Kung hindi po dahil sa inyo, baka nasa bus stop pa ako hanggang ngayon. Ingat po kayo.”
Tumango ito. “Baba na. Baka abutan pa ako ng grabeng traffic.”
Mabilis naman siyang bumaba at nanakbo papasok sa bahay ni Bella. Sinalubong siya ng kaibigan. “Basang-basa ka. Maligo ka na bago ka pa magkasakit.”
Sumunod naman agad siya. “Ang lakas ng ulan sa labas. Baka hindi kami makauwi ni Kai. Pwede bang makitulog ulit kami?”
“I love that! Kung hindi mo lang ako inungatan sa paglipat niyo, hindi ako papayag na umalis kayo ni Kai. Ang sarap niyo kayang kasama sa bahay. Teka lang, kukunan kita ng damit.”
Pagkatapos niyang maligo ay nagpresenta si Jillian na siya na ang magluluto ng dinner nila. Kaya inuto na naman siya ni Bella na doon na lang sila ni Kai sa bahay nito.
Habang kumakain ay nagkukulitan ang mag-Ninang.
Napatitig si Jillian sa masayang bukas ng mukha ni Kai. Nangako siya rito noon na hahanapin niya ang Daddy nito.
Nababasag ang puso niya para sa anak dahil hindi na mangyayari ang bagay na iyon
CHAPTER 4 “Puyat ka pa, huwag mo na kaming ihatid,” wika ni Jillian sa kaibigan nang nagsabi ito na hintayin nila ni Kai, kukunin lang ang kotse sa garahe. “Okay. Kiss na nga lang si Mama-Ninang, Kai.” Umuklo ang kaibigan niya para maabot ito ng bata. Yumakap naman ang bibi boy nila at matunog itong h inalikan sa pisngi. Maaliwalas na ang langit at sumilip na rin ang araw nang naglakad sila ni Kai palabas sa subdivision. Nang makauwi, ay pakamot na lang sa ulo si Jillian nang makitang binaha ang maliit na balcony nila. Ang bintana ay hindi niya pala nasara kaya basa ang mga gamit na malapit. “Baby, manood ka muna ng video sa youtube. Maglilinis muna si Mommy.” “Gusto ko po help kita, Mommy ko.” “Ang bait naman. Sige, ikaw magpupunas ng basang sahig.” “Opo!” Maliksing sumunod ito sa kanya para kumuha ng basahan. Napangiti si Jillian habang pinapanood ang bulilit niya
CHAPTER 3 Inaasahan niya na magtatanong ito kaya kagabi pa lang ay nakahanda na ang sagot ni Jillian. “Wala, Boss. Magkatrabaho kami noon sa TICP sa Cagayan. Sandali lang naman ‘yon kasi nga di ba training niya ‘yon? Wala na po kaming balita noong umalis siya. Hindi rin namin alam na galing pala siya mayamang pamilya. Ang ordinaryo niya noon, promise!” “Really?” usisa pa ni Jensen. “Opo.” Humalukipkip ito, tila tinatanya kung nagsasabi siya ng totoo. “Then why does it seem to me like your son looks a lot like him?” “Hindi po kaya,” tanggi niya na may kasamang iling. “At saka baka may makarinig sa ‘yo. Ano na lang pong iisipin ni Mr. Wolfgang kapag nakarating sa kanya. Baka sabihin no’n, asumera ako.” Nakilala na ni Jensen ang baby boy niya noong nasa Cagayan pa sila. Kagagaling pa lang noon sa sakit ni Kai at ayaw bumitaw sa kanya nang iiwan niya sana sa day care center. Wala siyang pinagpilian kundi d
CHAPTER 2 Nang matapos ang dinner party ay umalis agad si Jillian. Hindi na niya nagawang makapagpaalam sa amo niya. Basta na lang siya lumabas sa VIP room at tumawag ng Taxi bago pa siya tuluyang mapahagulgol sa harap ng lahat. Pasado alas-dyes na nang gabi nang pumarada ang Taxi sa harap ng bahay ng kaibigan niyang si Bella. Kaluluwas pa lang nila ng baby niya sa Maynila mula sa Cagayan, kaya pansamantalang doon muna sila tumutuloy. “Nakatulog na si Baby Kai,” salubong sa kanya ni Bella nang pinagbuksan siya nito ng pinto.Kare-resign pa lang nito sa trabaho kaya nababantayan ang apat na taong gulang niyang bibi boy.“Nagpasaway ba?”“Hindi. Ang bait-bait nga. Siya na ang nag-half bath sa sarili niya at hindi na rin nagpabasa ng story book para makatulog.”Napangiti si Jillian. “Thank you talaga, ha. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka rito.”Niyakap niya ang kaibigan na grabe ang naitulong sa kanya. Kakasimula niya pa lang sa Main Company d
CHAPTER 1 Tahimik lamang si Jillian habang pinapanood ang kanyang boss, si Jensen, na nakikipag-usap sa kaibigan nito. Nasa isa sa mga high-end restaurant sila sa BGC para sa pribadong dinner party na inorganisa ng kaibigan ng boss niya Sinamahan niya ito dahil alam niyang gusto nito mapalawak ang koneksyon sa mga bigating negosyante. “Mr. Wolfgang is finally here!” Agad siyang napatayo nang marinig ang anunsyo ng manager ng restaurant dahil ang taong binanggit ay ang pinaka-target na makilala ng kanyang boss. She heard that this man was extremely capable, low-key and mysterious, and very few people could get him to come out. Gusto ni Jillian na tulungan ang boss niya na magkarooon ng magandang impresyon kaya malaki ang ngiti at handa sanang salubungin si Mr. Wolfgang. Subalit, nang bumukas ang pinto ng VIP room ay natulos siya sa kinatatayuan. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa matangk







