LOGIN
CHAPTER 1
Tahimik lamang si Jillian habang pinapanood ang kanyang boss, si Jensen, na nakikipag-usap sa kaibigan nito. Nasa isa sa mga high-end restaurant sila sa BGC para sa pribadong dinner party na inorganisa ng kaibigan ng boss niya
Sinamahan niya ito dahil alam niyang gusto nito mapalawak ang koneksyon sa mga bigating negosyante.
“Mr. Wolfgang is finally here!”
Agad siyang napatayo nang marinig ang anunsyo ng manager ng restaurant dahil ang taong binanggit ay ang pinaka-target na makilala ng kanyang boss. She heard that this man was extremely capable, low-key and mysterious, and very few people could get him to come out.
Gusto ni Jillian na tulungan ang boss niya na magkarooon ng magandang impresyon kaya malaki ang ngiti at handa sanang salubungin si Mr. Wolfgang.
Subalit, nang bumukas ang pinto ng VIP room ay natulos siya sa kinatatayuan.
Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa matangkad na lalaking pumasok. How could she forget that black wavy curl hair and piercing brown eyes of the man she loved the most?
Si Zacharias, ang ex-boyfriend niya na limang taon na niyang hinahanap.
Gusto niyang matawa. Kaya pala kahit anong gawin niyang paghahanap ay walang makapagturo sa kanya dahil hindi naman pala nila ka-lebel ang buhay na meron ito.
Oh, how naïve she was?!
Bakit hindi niya naisip na kasinungalingan lang ang katauhan nito noon? Anong alam niya sa mga bigating tao sa Metro Manila kung halos buong buhay niya ay nasa Cagayan siya?
Anong alam niya sa mga Wolfgang kung halos walang larawan ang pamilyang iyon sa TV man o social media. Lalo na ang tungkol sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang iyon
Gusto niyang kaltukan ang sarili dahil hindi niya man lang tinanong sa boss niya kung anong pangalan ng importanteng taong iyon. Pero masisisi niya ba ang sarili kung ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang posibilidad na galing si Zacharias sa mayamang pamilya?
Napalunok si Jillian nang magtama ang tingin nila ni Zacharias. Bumadha ang sandaling pagkagulat sa mga mata nito bago naging walang kasinglamig iyon.
Ilang segundo lang, ay nag-iwas ito ng tingin at nakipag-usap sa mga negosyanteng naroroon na para bang hindi siya nito kilala, na para bang ni minsan ay hindi niya ibinigay ang buong sarili rito.
Nakalimutan na ba siya ni Zacharias?
Wala sa sariling umupo siya nang nagsimulang i-serve ang mga pagkain at inumin. Kapagkuwan, ay nabalot na ang VIP room ng usapan tungkol sa stocks, economic trends and investment…
Nasa sulok lang si Jillian, nanliliit at walang imik habang tinitigan ang lalaking nasa dulong bahagi ng mesa.
Zacharias sounds intelligent talking about his insights on global economic status with his well-fitted black suit and tie. Bawat galaw nito ay pulido at sigurado.
Nakakaintimida!
Especially, there’s no warm on his eyes. It was brown cold eyes, colder than Jillian could remember five years ago.
Nakakapangliit…
Napasimsim si Jillian ng tubig nang marinig mula sa mga kasama na nag-training pala si Zacharias sa isa sa mga kompanyang nasa ilalim ng Wolfgang Empire. Nahulaan niya agad na iyon ang TIPC, ang maliit na kompanya na nag-hire sa kanya noong kaka-graduate pa lamang niya.
Doon sila nagkakakilala ni Zacharias at nagkaroon ng relasyon sa loob ng isang taon. Ni minsan ay wala itong binanggit na kahit ano tungkol sa tunay nitong pagkatao.
Cliché may it sounds but he must have wanted to test her.
And unfortunately, what she did dissapointed him. Bumagsak siya sa pagsubok kuno nito kaya umalis at hindi na nagpakita muli sa kanya.
“Mr. Wolfgang, this is Jensen Chase. He’s a friend of mine,” pakilala ng kaibigan ng boss niya.
Agad naman naglahad ng palad si Jensen. “Mr. Wolfgang, I’m Jensen. I’ve long admired your reputation in bussiness circle.”
Pormal na tinanggap ni Zacharias ang pakikipagkamay ni Jensen. Alam ni Jillian na hindi desperado ang boss niya kaya nang simpleng tango lang ang ibinigay ni Zacharias ay handa na itong alisin ang atensyon dito.
Subalit, dumako ang tingin ni Zacharias sa kanya na pormal na nakatayo sa likod ng kanyang boss.
“Mr. Chase, Ms. Aguillar is your…” Zacharias trailed and looked back at her boss.
“She’s my secretary,” sagot ni Jensen matapos makabawi sa pagkagulat. Alam niya na gulat na gulat ito na magkakilala sila ng lalaking ang hirap hagilapin sa publiko.
“Did she offend you in anyway, Mr. Wolfgang?” tanong ng kaibigan ng kanyang boss. “O may ipaguutos ka ba sa kanya?”
Tumaas ang sulok ng labi ni Zacharias sa paraang nang-iinsulto. “No need. I don't give orders to people I can't trust.”
Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga mata. Lalo na nang ikiniling ni Zacharias ang ulo, tila pinag-aaralan ang katayuan niya sa buhay.
“Miss Aguillar, didn’t you said you want to marry a rich man? Nakahanap ka ba?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi, walang maapuhap sa isagot. Uminit ang buong mukha niya sa pagkapahiya.
Lalo na nang mapansin na nakatingin sa kanya ang mga taong naroroon. Kahit walang nagsasalita, ay ramdam niya ang panghuhusga sa mata ng mga ito.
Na sino ba siya para banggain ang katulad ni Zacharias Wolfgang?!
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng boss niya at akmang ipagtatanggol siya nang mabilis niyang pinigilan.
Ayaw niyang mapahiya rin ito kaya ngumiti siya kay Zacharias. “Thank you for your concern, Sir. I almost marry a rich man.”
Umigting ang panga ni Zacharias. Hindi na sumagot bagkus mariin na tinitigan lamang siya gamit ang malalamig na mga mata.
Gusto na lang ni Jillian na bumuka ang lupa at lamunin siya. Fortunately, her boss saved her ass, again!
“Jillian, pwede mo bang kunin ang naiwan kong dokumento sa kotse?”
Agad siyang tumango sa boss niya. Hindi niya na muling tinapunan man lang ng tingin si Zacharias nang lumabas sa VIP room kahit ramdam niya pa rin ang titig ng mga ito.
Nang makalayo ay napasandal siya sa pader. Her heart was beating rapidly; she was overwhelmed with everything happened in just span of two hours.
Good God!, ano pa kaya ang mangyayari sa mga susunod pang oras? Mahaba pa ang gabi para umuwi agad. Pagkakuha niya ng folder sa kotse ng boss niya ay hindi muna siya bumalik sa VIP room. Bagkus ay pumasok siya Comfort Room para payapain at ayusin ang sarili.
“Act professional, Jillian. Huwag kang paapekto,” kausap niya sa sariling repleksyon sa salamin. Humugot siya ng malalim na hininga bago lumabas ng comfort room.
Subalit, natigilan siya nang makita si Zacharias na nakasandal sa hallway.
He looked damn hot with cigarette dangling between his lips. Nakadagdag pa ang mga hibla ng buhok na nakalaylay sa noo nito.
Atubili si Jillian na lapitan ito ngunit humakbang pa rin matapos paalalahan ang sarili na huwag magpapaapekto sa nakaraan nilang dalawa.
“Zacharias…” Nang tuluyang makalapit si Jillian ay napagtanto niya na mas tumangkad ito, mas lumaki ang katawan at mas nakakaintimida.
Nagbaba ito ng tingin sa kanya, bumuga ng usok ngunit nanatiling tahimik.
“Zacharias, ang tagal kitang hinahanap. Hindi ko alam kung—” naputol ang kanyang sinasabi nang muling bumuga ito ng usok, diretso sa mukha niya, “…galit ka pa ba sa akin?”
Dinalaan nito ang pang-ibabang labi at itinapon ang hawak na sigarilyo sa malapit na trash can. Kapagkuwan ay humarap sa kanya na may pang-insultong ekspresyon.
“Trying to be innocent and pitiful to get close to me?” Mapang-insultong humalakhak ito. “Now that you know my identity, you suddenly became pitiful and regret everything?”
Inilapiat nito ang sarili sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang pagitan nila.
“You’re overthinking, Aguillar. That little past between us was just a small episode in my life. If you hadn't shown up, I wouldn't even remember someone like you existed." Humagod ang tingin nito mula ulo niya hanggang paa, puno ng pangmamaliit ang ekspresyon. “Experience ka lang.”
Pakiramdam niya ay dinagukan siya. Nagkumpol ang mga luha sa kanyang mga mata.
Gusto niyang magpaliwanag kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon at saka sabihin na rin na may…anak sila.
Paano niya gagawin iyon kung ‘experience’ lang siya rito? Durog ang kanyang puso nang humakbang paatras at pilit na ngumiti.
“I-I’m sorry, Mr. Wolfgang. I was being assuming.” Bahagya siyang yumuko bago ito nilampasan para bumalik sa VIP room.
Ilang minuto lang ay bumalik na rin si Zacharias.
Nanahimik ng husto si Jillian nang mga sumunod na oras. Halos ayaw niya ng mag-angat ng tingin para huwag lang makita si Zacharias. Lihim niyang dalangin na sana matapos na ang dinner na iyon.
She looked for Zacharias for five long painful years. Ngunit ngayong natagpuan niya na ito ay wala siyang ibang gusto kundi makalayo.
CHAPTER 165[INTERCHAPTER] SABAY NA PUMUNTA si Zacharias at Apollo sa hotel kung saan makikipagmeeting sila sa ilang Chairman at CEO ng ibang kompanya. Ginagawa iyon upang mapanatili ang koneksyonsa isa’t isa kahit pa magkakakompetisyon sa negosyo. Nang matapos ang halos tatlong oras na pagkain, inumin at pag-uusap usap ay isa-isa na rin nagsialisan ang mga ito hanggang natira na lang si Zacharias, Apollo at ang kausap nito na si Jestoni Ibarra na siyang. Kaklase ni Apollo si Jestoni sa bussiness school at medyo matagal na rin na magkaibigan. Ang totoo, ay gusto ni Jestoni na mag-invest si Zacharias sa malaking real estate project pero tinanggihan ng Wolfgang Empire sa ilang resonableng dahilan. Nagtitipa si Zacharias sa kanyang cellphone subalit ang kanyang pandinig ay nasa dalawang nag-uusap. Hindi pa nababanggit ni Jestoni ang tungkol sa real estate na iyon kaya medyo nagtataka siya. “Si Aria ko ay nasa tamang edad na para kay Zachar
CHAPTER 164“Iniisip ko lang naman ang kapakanan. Hindi niyo pa napapa-DNA ang bata.”“Get out,” malamig niyang wika.“Nanay mo pa rin ako.”“Umalis ka na bago pa masagad ang pasensya ko at ipakaladkad kita palabas. Wala akong pakialam kung pag-usapan pa ako ng mga empleyado ko na masamang anak. Lalabas ang baho mo sa publiko.”Walang nagawa si Yannie kundi nagdadabog na lumayas sa opisina niya. Kung noon siguro bumalik ang Nanay niya, baka habol pa siya nang habol dito at magmakaawa ng pagmamahal. Pero magte-trenta na siya kaya mas naiintindihan niya na hindi niya kailangan ng pekeng pagmamahal.Hindi naman t anga si Zacharias para hindi mahulaan kung bakit bumabalik ang Nanay sa buhay nila.[APOLLO] “Apollo, mag-usap tayo!” Napaangat ng tingin si Apollo nang bigla na lang pumasok si Yannie sa kanyang opisina. Sa likod nito ay ang head secretary niya na pilit itong pinipigilan.“Bitawan mo nga ako. Hindi mo ba ako kilala? I’m Wolfgang’s daughter in law!” sing
CHAPTER 163 Naabutan niya ang bata nasa pinto ng kusina. Bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit wala doon ang Mommy nito. Sinilip pa ang likuran niya na parang inaakusahan siya na itinago niya si Jillian. “Daddy, where’s Mommy? Magse-seven na. May sakit ba siya po?” “Meron kaya huwag mong iisturbuhin.” “Puntahan ko siya Daddy.” Akmang lalampasan siya nito nang hinila niya sa kwelyo para ibalik sa harapan niya. “Bawal nga.” “Baket? Siguro, may nitatago ka sa aken pu. Anong ginawa mo kay Mommy ko?” nagsasalubong na ang mga kilay nito. “Wala akong ginawa! May sakit nga siya, gusto mo bang mahawaan? Kapag nahawaan ka, makokonsensya ang Mommy mo.” Kumibot-kibot ang bibig ni Kai pero hindi naman nagpumilit. “Gutom ka na ba? Ipagtitimpla kita ng gatas.” “Okay. Pero hindi na ako baby. Umiinom lang ako ng gatas kasi iyon ang sabi ni Mommy ko.” “Talaga bang h
CHAPTER 162Walang sagot si Zacharias kaya napaangat ng tingin si Jillian. Umawang ang kanyang mga labi nang makita ang luhaan nitong mga mata.“A-Ayaw mo—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang sapuhin nito ang kanyang pisngi at siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Nang ipinaghiwalay nito ang kanilang mga labi ay idinikit naman ang kanilang mga noo. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. “Jil, tell me this is just a dream. Kung panaginip lang ito, huwag mo muna akong gisinging,” namimiyok ang boses ni Zacharias. Nakangiting hinaplos ni Jillian ang pisngi nito at h inalikan sa labi. “Hindi ito panaginip. Iwan na natin ang nakaraan. Ayaw ko ng mabuhay sa nakaraan, Zacharias. Gusto ko ng bigyan ng buong pamilya si Kai. Gusto ko ng maging masaya ulit.” Suminghap ito na parang nauubusan ng hangin sa labis na pagkabigla. Umalon ang lalamunan at mas napaluha saka siya mahigpit na niyakap. Madiin na hinalikan ang kanyang noo bago buong
CHAPTER 161 “Wala naman na akong magagawa dahil hindi na talaga kami magkasundo,” tuloy pa ni Jander sa kabilang linya. “Kaya mas mabuti na rin na naghiwalay na kami. Pero si Mama, hindi niya matanggap kaya tawagan mo siya at kausapin. Mas mabuting aliwin dahil kalalabas niya pa lang hospital.” Good God! Saan ba kumukuha ng kapal ng mukha ang kapatid niyang ito para utusan siya ng ganon? Hindi naman ito bobo para hindi maintindihan na hindi nga sila magkasundo ng Mama nila. Mas lalo naman na hindi ito t anga para hindi maintindihan na tapos na siyang isiksik ang sarili sa taong hindi naman siya gusto. Napaka-entitled! “Ano naman ang magagawa ko kung tatawagan ko nga siya? Magpakasal ka na lang ulit para masaya siya ulit.” “Ang daling sabihin para sa ‘yo. Ayaw ko na sa kasal! Jillian, hindi ako ang anak ni Mama kaya dapat mo rin siya alalahanin at alagaan.” Galing, ah! Dinidiktahan siya sa mga dapat niyang gawin."Jillian, na
CHAPTER 160Stress si Bella buong araw kaya pagkatapos ng trabaho ay dumiretso siya sa bahay ni Jillian. “Jil, sinadya ba ito ni Xander?”Tumawa si Jillian. “Obyus naman. Sabi mo nga ang tagal-tagal ng pinapapasok ni Chairman Chang si Xander, binantaan pa na aalisan ng mana pero hindi man lang natinag. Hindi nagkataon lang na nagbago ang isip niya. Lalo pa’t alam niya na ayaw mo sa kanya dahil anak siya ng boss mo.”"Ano bang gagawin ko?" problemado niyang wika habang ngumunguya ng pagkain na niluto ng bestfriend niya."Bel, bakit ka ba natatakot?""Hindi naman ako natatakot."“Sige na, hindi na. Pero wala ka naman dapat ikatakot. Mukha namang hindi ang tipo ni Xander ang gagawa ng masama dahil lang tinanggihan siya.”"Paano kung malaman ng Chairman na may something kami? Siguradong tanggal ako sa trabaho.”"Hindi naman siguro. Baka naman katulad siya nina Chairman Apollo na hindi pinapakialaman ang lovelife nga anak.”“Paano kung may say pala siya pati ang asawa niya?” Mas lalo yata
CHAPTER 5 Sa sobrang pagka-palikero ng boss niya, pati siya ay hindi pinatawad sa kalandian nito. Sinubukan siyang h alikan at akit-akitin nang minsang nalasing. Sa inis ni Jillian ay pinatikim niya tuloy ng kamao ang pisngi nito at saka dinagukan ng matindi. Nagdadasal na s
CHAPTER 4 “Puyat ka pa, huwag mo na kaming ihatid,” wika ni Jillian sa kaibigan nang nagsabi ito na hintayin nila ni Kai, kukunin lang ang kotse sa garahe. “Okay. Kiss na nga lang si Mama-Ninang, Kai.” Umuklo ang kaibigan niya para maabot ito ng bata. Yumakap nam
CHAPTER 7[JILLIAN] Pagod na naglakad si Jillian patungong bus station. Alas-kwatro pa lang kanina nang makabalik siya sa Chase & Co., galing sa terirtoryo ni Zacharias kaya naghabol siya mga kailangan gawin para hindi siya matambakan bukas. Pamilyar na busina ng kotse ni S
CHAPTER 6 Kahit paulit-ulit nang sinabi ni Jillian a sarili na huwag siyang papaapekto, ay parang sasabog pa rin ang dibd ib niya. Nanuyo ang kanyang lalamunan at uminit ang gilid ng kanyang mga mata. “G-Good day, Sir. I-I’m,” huminga siya ng malalim para payapai







