LOGINCHAPTER 2
Nang matapos ang dinner party ay umalis agad si Jillian. Hindi na niya nagawang makapagpaalam sa amo niya. Basta na lang siya lumabas sa VIP room at tumawag ng Taxi bago pa siya tuluyang mapahagulgol sa harap ng lahat.
Pasado alas-dyes na nang gabi nang pumarada ang Taxi sa harap ng bahay ng kaibigan niyang si Bella. Kaluluwas pa lang nila ng baby niya sa Maynila mula sa Cagayan, kaya pansamantalang doon muna sila tumutuloy.
“Nakatulog na si Baby Kai,” salubong sa kanya ni Bella nang pinagbuksan siya nito ng pinto.
Kare-resign pa lang nito sa trabaho kaya nababantayan ang apat na taong gulang niyang bibi boy.
“Nagpasaway ba?”
“Hindi. Ang bait-bait nga. Siya na ang nag-half bath sa sarili niya at hindi na rin nagpabasa ng story book para makatulog.”
Napangiti si Jillian. “Thank you talaga, ha. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka rito.”
Niyakap niya ang kaibigan na grabe ang naitulong sa kanya. Kakasimula niya pa lang sa Main Company dito sa Maynila kaya maraming trabaho. Laking pasasalamat niya na nasa tabi niya si Bella para bantayan si Kai.
“Ano ka ba? Ang bait-bait kaya ni Kai. Wala naman akong ginagawa kundi bantayan siya. At saka, para ko na rin siyang anak. Sino pa ba ang magbabantay sa kanya, di ang ninang-ganda?” Kumindat pa sa kanya ang kaibigan at yumakap na rin.
Walang obligasyon si Bella na alagaan ang anak niya, Mabait lang talaga ito at talagang may malasakit sa kanya.
“Umiyak ka ba?” tanong nito nang masilip ang kanyang mukha.
“Huh?”
“Namamaga ang mga mata mo.” Bumitaw ito sa pagkakayakap. “Anong nangyari?”
Lumabi si Jillian. Noon pa mang magkaklase sila ng high school sa Cagayan ay talagang nababasa na nito ang nararamdaman niya.
“May nambu-bully ba sa ‘yo sa trabaho? Sabihin mo sa akin, susungalngalin ko.”
Humagikhik siya at ibinagsak ang sarili sa couch. “Wala.”
“Kung ganon, bakit namamaga ‘yang mga mata mo?”
Bumuntong-hininga si Jillian at isinandig ang sarili kay Bella nang maupo ito sa tabi niya. Tonight’s dinner had drained every ounce of her energy.
“Nagkita na kami ni Zacharias.”
“Ano?!” bulalas ni Bella at biglang humarap kaya napahiga siya sa mga hita nito.
“Oo nga.”
“Oh my God! Sigurado ka bang hindi multo ang nakita mo? Baka napagkamalan mo lang?”
“Siya talaga iyon. Nakausap ko pa,” walang buhay niyang sabi.
Nasapo nito ang magkaibilang pisngi, namimilog ang mga mata. Kapagkuwan ay natahimik sandali at kumurap-kurap.
“Naipaliwanag mo ba ang mga nangyari sa kanya? Nasabi mo ba ang tungkol kay Kai. Anong sabi niya? Ano—” Natigilan ito nang makita na nagkukumpulan na naman ang mga luha sa kanyang mga mata.
Alam nito kung gaano niya katagal hinanap si Zacharias. Na nitong mga nakalipas na taon ay dalawa lang ang dahilan niya para huwag sumuko; ang pagpapalaki kay Kai at ang paghahanap sa ama nito.
“Kasal na ba siya?” maingat nitong hula.
Umiling si Jillian, suminghot at bumangon para maupo. Narinig niya kanina na hindi pa kasal si Zacharias.
“May girlfriend?”
“H-Hindi ko alam. Hindi ko naitanong. Ayaw kong itanong…” gumaralgal ang kanyang tinig. “Wala akong karapatang itanong kasi…kasi sino ba naman ako kumpara sa kanya?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Galing pala siya sa bilyonaryong pamilya. Wolfgang Empire.” Tuluyan siyang napaluha.
“Oh my God!” usal nito. “Di ba ang sabi niya sa ‘yo dati, may maliit na negosyo ang pamilya niya?”
Tumango si Jillian.
“Bakit siya nagsinungalin sa ‘yo?!”
“Hindi ko rin alam. Basta, itinago niya kung sino talaga siya tapos iyong kompanyang pinapasukan ko noon ay pag-aari pala ng pamilya niya.”
“Pero girlfriend ka niya. Isang taon kayong magkarelasyon, paanong nagawa niyang itago ang bagay na iyon sa ‘yo.”
“To test me? To see if I’m opurtunist, to…hindi ko alam.”
“Gago! Sira-ulo pala siya, eh. Anong akala niya, nasa teleserye kayo?”
Napatayo na ito sa pagkabwisit.
“Na ang plot ng storya ay ite-test ka niya para malaman kung iibigin mo lang siya dahil sa pera niya? Para naman sinabi niya na hindi ka niya kilala at wala siyang katiwa-tiwala sa ‘yo sa loob ng isang taon niyong magkarelasyon! Kapag nakita ko ang Zacharias na ‘yan babayagan ko siya!”
Nabitin ang luha ni Jillian at natawa na. Hindi niya masisi ang bestfriend niya kung bakit mas galit pa ito kaysa sa kanya.
Alam ni Bella ang mga paghihirap na pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na taon.
Nang nalaman niyang buntis siya, ay lumuwas siya sa Maynila para hanapin si Zacharias dahil nabanggit nito noon na ang pamilya nito ay naninirahan sa siyudad.
Naiinis pa sa kanya si Bella dahil kahit bilog na bilog na ang tiyan niya, ay kung saan-saan pa siya pumupunta. Nagbabakasali na may nakakilala kay Zacharias o kaya magkadaupang palad sila sa kalakhan ng Maynila.
Ang tanga pala talaga niya noon. Dapat naisip niya na kaya hindi niya mahanap si Zacharias ay dahil nasa mali siyang lugar, mali ang napagtatanungan niya.
Natigil lang si Jillian sa kahibangan nang dinugo siya at na-ospital.
“Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi mo nahahanap si Zacharias dahil ayaw niyang magpahanap! Buntis ka tapos naglalakad ka sa initan? Nahihibang ka na ba?!” galit ngunit naluluha na sermon sa kanya ni Bella noon.
“Kailangan ko siyang makita.”
“Hindi! Hindi mo na siya hahanapin,” galit nitong tutol. “Kung talagang para kayo sa isa’t isa, magtatagpo ang mga landas niyo kahit hindi mo siya hanapin! Gusto mo bang mawala ang baby mo? Magpalaglag ka na lang kung ganon!”
Ginising siya ng mga salitang iyon ng kaibigan. Sa takot na mawala ang kaisa-isang alaala ni Zacharias ay sinunod niya ang payo nito na bumalik na lang siya sa Cagayan. Gayupaman, alam din nito na umaasa pa rin siya.
Bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya si Bella, tapos ng mag-alburuto. “Anong gusto niya ngayon?”
“Tapos na kami,” iling ni Jillian at napayuko. “Wala lang daw sa kanya ang lahat. Experience lang ako.”
Muling rumatatat ang bibig ng kaibigan. Ngunit, kahit anong sabihin nito ay alam ni Jillian na wala na talaga silang pag-asa ni Zacharias,
Bukod sa kinamumuhian siya nito, ay hindi siya kailanman babagay sa katulad nitong bilyonaryo. Isa itong langit na kailanman ay hindi maabot ng lupa na katulad niya…
Tanggap niya naman…
Ngunit hindi niya lang maiwasan na ipagluksa ang ideyang iyon. Tinakpan niya ang bibig nang humagulgol siya. Kahit nasa ilalim siya ng shower, ay ayaw niyang marinig ni Kai o kahit ni Bella ang iyak niya.
Sa nakalipas na taon, palagi niyang ini-imagine ang mga senaryo kapag nagkita na sila ni Zacharias. Sa dami niyon, ay wala kahit isa katulad ng reyalidad ngayon.
Kahit magpaliwanag siya, kahit sabihin niya ang tungkol sa anak nila, alam ni Jillian na walang magbabago.
Baka nga isipin pa nito na ginagamit niya ang anak nila para mapabilang sa mundo nito.
Hindi na babalik sa kanya si Zacharias dahil siguradong may girlfriend na iyon.
Pagkalabas ni Jillian sa shower ay nakita niya si Bella na nakaupo sa tabi ng natutulog na si Kai. Malungkot na nginitian siya nito at inilahad ang kamay.
Agad iyong inabot ni Jillian at umupo sa tabi nito. Jillian decided one thing: Bella and their baby Kai are enough! They don’t need Zacharias!
KINABUKASAN, umabsent si Jillian para maghanap ng apartment. Maagang pinuntahan niya ang nakita sa online na for rent na may dalawang kwarto. Malapit iyon sa preschool, may mga karinderya at palengke.
Medyo luma na ngunit malinis, maaliwalas at pasok sa kanyang budget.
Nang makabalik siya sa bahay ni Bella ay nadatnan niya itong natutulog sa mahabang sofa habang si Kai ay nanonood ng TV.
“Mommy ko po!”
Ang bulilit niyang pogi ay nanakbo nang makita siya. Agad niya itong kinarga at malambing na hinalikan ang butchog na pisngi.
“Good morning, Baby ko. Nakatulog ka ba ng maayos?”
“Opo. Samahan ako ni Mama-Ninang ko po magwash ng face ko tapos sabi niya hintayin ka namin po kasi bumili ka ng pandesal.”
“Ang galing naman ng beybi boy ko na ‘yan. Kiss ko?”
Matunog siya nitong h inalikan sa pisngi ng maraming beses kaya napahalakhak siya. Binaba niya ito kapagkuwan at inutusan na gisingin ang Mama-Ninang nito.
“Mama-Ninang. Mama-Ninang, dito na si Mommy ko po.” Bigla nitong dinaganan si Bella sa likuran kaya napaungol ang kaibigan niya.
Dumiretso naman siya sa kusina para ihanda ang biniling agahan.
“Areku! Ikaw ha, iniistorbo mo si Mama-Ninang. Halika dito, kiliti ka sa akin.”
“Nooo!” Kandatakbo ang bubuwit patakas. Nagtago pa sa likod niya nang hinabol ito ng Mama-Ninang.
“Ikaw ha,” tukso pa ni Bella na sabog-sabog ang buhok.
Tumawa naman si Kai at isinubsob pa ang mukha sa mga hita niya na para bang makakatakas ito sa paraang iyon.
“Tama na ‘yan,” saway niya naman. “Baby, maghugas ka na ng kamay mo.”
Sumunod naman ito agad. Nang makaupo ay nagningning ang mga mata nang makita ang paboritong pancake.
Agad itong sumubo habang siya naman ay nagsalin ng mainit na gatas sa baso.
“Anong oras ka nagising?”
“Six.”
“Ang aga naman,” kamot nito sa pisngi.
“Ilang apartment kasi ang tiningnan ko. Pagkatapos pala namin mag-agahan, pwede bang tulungan mo kami sa mga gamit namin?”
“Huh? Anong gagawin?”
“Lilipat na kami?”
“Ang bilis!” bulalas nito. “Pwede naman kasi na dito na lang kayo.”
“Bel, hindi pwede. Hindi mo kami obligasyon. Isa pa, paano ka magkaka-boyfriend niyan kung nasa bahay mo kami?”
Umingos ito. “I’m not looking for a boyfriend. At saka, goal ko na ngayon ay maging rich single tita.”
Napangiti na lang si Jillian sa halip na magpumilit pa sa opinyon niya. Ang totoo, ay nag-aalala siya para sa kaibigan dahil sanay na sanay itong mag-isa.
Siya ay hindi rin naghahanap ng mapapangasawa pero may Kai kasi siya…
“Fine,” lumabi ito, “Sige na, ihahatid ko kayo. Kung hindi lang talaga kita mahal at cute na cute sa baby natin…hmp!”
Pabirong inirapan siya nito.
“Thank you, Rich Tita.”
Pagkatapos nilang malinis at maayos ang apartment, ay bumalik na si Jillian sa trabaho kinabukasan.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa opisina ay nakaabang na si Jensen. Sinalubong siya agad nito ng tanong.
“Anong meron sa inyo ni Zacharias Wolfgang?”
CHAPTER 165[INTERCHAPTER] SABAY NA PUMUNTA si Zacharias at Apollo sa hotel kung saan makikipagmeeting sila sa ilang Chairman at CEO ng ibang kompanya. Ginagawa iyon upang mapanatili ang koneksyonsa isa’t isa kahit pa magkakakompetisyon sa negosyo. Nang matapos ang halos tatlong oras na pagkain, inumin at pag-uusap usap ay isa-isa na rin nagsialisan ang mga ito hanggang natira na lang si Zacharias, Apollo at ang kausap nito na si Jestoni Ibarra na siyang. Kaklase ni Apollo si Jestoni sa bussiness school at medyo matagal na rin na magkaibigan. Ang totoo, ay gusto ni Jestoni na mag-invest si Zacharias sa malaking real estate project pero tinanggihan ng Wolfgang Empire sa ilang resonableng dahilan. Nagtitipa si Zacharias sa kanyang cellphone subalit ang kanyang pandinig ay nasa dalawang nag-uusap. Hindi pa nababanggit ni Jestoni ang tungkol sa real estate na iyon kaya medyo nagtataka siya. “Si Aria ko ay nasa tamang edad na para kay Zachar
CHAPTER 164“Iniisip ko lang naman ang kapakanan. Hindi niyo pa napapa-DNA ang bata.”“Get out,” malamig niyang wika.“Nanay mo pa rin ako.”“Umalis ka na bago pa masagad ang pasensya ko at ipakaladkad kita palabas. Wala akong pakialam kung pag-usapan pa ako ng mga empleyado ko na masamang anak. Lalabas ang baho mo sa publiko.”Walang nagawa si Yannie kundi nagdadabog na lumayas sa opisina niya. Kung noon siguro bumalik ang Nanay niya, baka habol pa siya nang habol dito at magmakaawa ng pagmamahal. Pero magte-trenta na siya kaya mas naiintindihan niya na hindi niya kailangan ng pekeng pagmamahal.Hindi naman t anga si Zacharias para hindi mahulaan kung bakit bumabalik ang Nanay sa buhay nila.[APOLLO] “Apollo, mag-usap tayo!” Napaangat ng tingin si Apollo nang bigla na lang pumasok si Yannie sa kanyang opisina. Sa likod nito ay ang head secretary niya na pilit itong pinipigilan.“Bitawan mo nga ako. Hindi mo ba ako kilala? I’m Wolfgang’s daughter in law!” sing
CHAPTER 163 Naabutan niya ang bata nasa pinto ng kusina. Bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit wala doon ang Mommy nito. Sinilip pa ang likuran niya na parang inaakusahan siya na itinago niya si Jillian. “Daddy, where’s Mommy? Magse-seven na. May sakit ba siya po?” “Meron kaya huwag mong iisturbuhin.” “Puntahan ko siya Daddy.” Akmang lalampasan siya nito nang hinila niya sa kwelyo para ibalik sa harapan niya. “Bawal nga.” “Baket? Siguro, may nitatago ka sa aken pu. Anong ginawa mo kay Mommy ko?” nagsasalubong na ang mga kilay nito. “Wala akong ginawa! May sakit nga siya, gusto mo bang mahawaan? Kapag nahawaan ka, makokonsensya ang Mommy mo.” Kumibot-kibot ang bibig ni Kai pero hindi naman nagpumilit. “Gutom ka na ba? Ipagtitimpla kita ng gatas.” “Okay. Pero hindi na ako baby. Umiinom lang ako ng gatas kasi iyon ang sabi ni Mommy ko.” “Talaga bang h
CHAPTER 162Walang sagot si Zacharias kaya napaangat ng tingin si Jillian. Umawang ang kanyang mga labi nang makita ang luhaan nitong mga mata.“A-Ayaw mo—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang sapuhin nito ang kanyang pisngi at siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Nang ipinaghiwalay nito ang kanilang mga labi ay idinikit naman ang kanilang mga noo. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. “Jil, tell me this is just a dream. Kung panaginip lang ito, huwag mo muna akong gisinging,” namimiyok ang boses ni Zacharias. Nakangiting hinaplos ni Jillian ang pisngi nito at h inalikan sa labi. “Hindi ito panaginip. Iwan na natin ang nakaraan. Ayaw ko ng mabuhay sa nakaraan, Zacharias. Gusto ko ng bigyan ng buong pamilya si Kai. Gusto ko ng maging masaya ulit.” Suminghap ito na parang nauubusan ng hangin sa labis na pagkabigla. Umalon ang lalamunan at mas napaluha saka siya mahigpit na niyakap. Madiin na hinalikan ang kanyang noo bago buong
CHAPTER 161 “Wala naman na akong magagawa dahil hindi na talaga kami magkasundo,” tuloy pa ni Jander sa kabilang linya. “Kaya mas mabuti na rin na naghiwalay na kami. Pero si Mama, hindi niya matanggap kaya tawagan mo siya at kausapin. Mas mabuting aliwin dahil kalalabas niya pa lang hospital.” Good God! Saan ba kumukuha ng kapal ng mukha ang kapatid niyang ito para utusan siya ng ganon? Hindi naman ito bobo para hindi maintindihan na hindi nga sila magkasundo ng Mama nila. Mas lalo naman na hindi ito t anga para hindi maintindihan na tapos na siyang isiksik ang sarili sa taong hindi naman siya gusto. Napaka-entitled! “Ano naman ang magagawa ko kung tatawagan ko nga siya? Magpakasal ka na lang ulit para masaya siya ulit.” “Ang daling sabihin para sa ‘yo. Ayaw ko na sa kasal! Jillian, hindi ako ang anak ni Mama kaya dapat mo rin siya alalahanin at alagaan.” Galing, ah! Dinidiktahan siya sa mga dapat niyang gawin."Jillian, na
CHAPTER 160Stress si Bella buong araw kaya pagkatapos ng trabaho ay dumiretso siya sa bahay ni Jillian. “Jil, sinadya ba ito ni Xander?”Tumawa si Jillian. “Obyus naman. Sabi mo nga ang tagal-tagal ng pinapapasok ni Chairman Chang si Xander, binantaan pa na aalisan ng mana pero hindi man lang natinag. Hindi nagkataon lang na nagbago ang isip niya. Lalo pa’t alam niya na ayaw mo sa kanya dahil anak siya ng boss mo.”"Ano bang gagawin ko?" problemado niyang wika habang ngumunguya ng pagkain na niluto ng bestfriend niya."Bel, bakit ka ba natatakot?""Hindi naman ako natatakot."“Sige na, hindi na. Pero wala ka naman dapat ikatakot. Mukha namang hindi ang tipo ni Xander ang gagawa ng masama dahil lang tinanggihan siya.”"Paano kung malaman ng Chairman na may something kami? Siguradong tanggal ako sa trabaho.”"Hindi naman siguro. Baka naman katulad siya nina Chairman Apollo na hindi pinapakialaman ang lovelife nga anak.”“Paano kung may say pala siya pati ang asawa niya?” Mas lalo yata
CHAPTER 7[JILLIAN] Pagod na naglakad si Jillian patungong bus station. Alas-kwatro pa lang kanina nang makabalik siya sa Chase & Co., galing sa terirtoryo ni Zacharias kaya naghabol siya mga kailangan gawin para hindi siya matambakan bukas. Pamilyar na busina ng kotse ni S
CHAPTER 6 Kahit paulit-ulit nang sinabi ni Jillian a sarili na huwag siyang papaapekto, ay parang sasabog pa rin ang dibd ib niya. Nanuyo ang kanyang lalamunan at uminit ang gilid ng kanyang mga mata. “G-Good day, Sir. I-I’m,” huminga siya ng malalim para payapai
CHAPTER 5 Sa sobrang pagka-palikero ng boss niya, pati siya ay hindi pinatawad sa kalandian nito. Sinubukan siyang h alikan at akit-akitin nang minsang nalasing. Sa inis ni Jillian ay pinatikim niya tuloy ng kamao ang pisngi nito at saka dinagukan ng matindi. Nagdadasal na s
CHAPTER 4 “Puyat ka pa, huwag mo na kaming ihatid,” wika ni Jillian sa kaibigan nang nagsabi ito na hintayin nila ni Kai, kukunin lang ang kotse sa garahe. “Okay. Kiss na nga lang si Mama-Ninang, Kai.” Umuklo ang kaibigan niya para maabot ito ng bata. Yumakap nam







