LOGINCHAPTER 7
[JILLIAN]
Pagod na naglakad si Jillian patungong bus station. Alas-kwatro pa lang kanina nang makabalik siya sa Chase & Co., galing sa terirtoryo ni Zacharias kaya naghabol siya mga kailangan gawin para hindi siya matambakan bukas.
Pamilyar na busina ng kotse ni Sir Jensen ang narinig niya sa likuran.
“Get in!” wika nito nang ibinaba ang salamin.
“Hindi na po, Sir. Kailangan ko pa kasing daanan si Kai sa Montesorri. Baka may lakad pa po kayo,” tanggi niya.
“It’s fine. Let’s pick him up.”
“Huwag na po!” tanggi niya ulit dahil baka may sasabihin pa ang teacher ni Kai at medyo matagalan sila. Nakakahiya naman dito.
Isang beses niya lang nilunok ang hiya noong nagpahatid siya dahil matindi ang ulan. Ayaw niya ng umulit dahil baka maging pulutan siya ng tsismis sa kompanya.
“Kailangan ko pa bang bumaba para buhatin ka papasok ng kotse. Come on, get in! I need to tell you something too.”
Wala siyang nagawa kundi pumasok sa kotse nito dahil baka tungkol sa trabaho.
“Address?”
Sinabi niya naman ang Monterssori na pinapasukan ni Kai. “Ano po pala ang sasabihin mo, Sir?”
Sinulyapan siya ni Jensen bago muling ibinalik ang tingin sa harap. “Pinahirapan ka ba ni CEO Wolfgang kanina?”
Bahagya lang ang pagkagulat ni Jillian sa tanong nito. Alam ng boss niya ang ugali ni Zacharias. Kahapon nga, ay walang modo ang lalaking iyon na harap-harapan na nagpakita ng kawalan ng interes sa proposal ng Chase & Co.,
“Sir Jensen, pwede po ba na sa susunod hindi na ako ang magdala ng kahit anong ipapahatid niyo kay CEO Wolfgang?” maingat niyang wika.
Nagtatanong na tumaas ang makakapal nitong kilay.
“Ano po kasi…ahm, may pangit po kasi kaming history ni CEO Wolfgang noong nasa Cagayan pa siya.”
“History?” gagad ni Jensen, mukhang naintiriga kaya mabilis siyang umiling.
“Sa trabaho po ‘yon. Sa promotion. Sa kanya napunta tapos minalditaha ko siya tapos lumaki tapos…” panghahabi niya ng kwento. “Mukhang hindi pa siya naka-move on kasi parang ayaw niya akong makita kasi pinalayas niya ako kanina.”
Napangiwi siya nang makitang kunot na ang noo nito. Hala!, baka demanding na siya. Akmang babawiin niya na sana nang magsalita ito.
“Okay. Si Shane ang uutusan ko sa susunod.”
“Thank you, Sir!” Pinagdaop niya pa ang mga palad at ngiting-ngiti na. Ambait talaga ng boss niya na ‘to kahit babaero!
Bumagal ang takbo ng kotse nang makarating sila sa may Montessori.
“Dito na lang po ako bababa, Sir. Maraming tao sa may gate, mahihirapan po kayong mag-park,” wika niya.
Itinabi naman ni Jensen ang kotse. Muli siyang nagpasalamat bago nagmamadaling pumunta sa gate.
Akala ni Jillian, ay tapos na ang pinoproblema niya kay Zacharias. Hindi pa pala dahil tumawag mismo ang sekretaryo ng Chairman ng Chase &Co., para utusan siya na ihatid ang karagdagang dokumento sa Wolfgang Empire.
Utang na loob! Ano bang nangyayari sa mundo?
Wala kasi si Sir Jensen ngayong araw. Pinadala yata ng mismong ama sa kung saang meeting, wala tuloy siyang kakampi.
Kahit ayaw ni Jillian ay kinaladkad niya ang sarili papuntang Wolfgang Empire. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang utos daghil siguradong papatalsikin agad siya sa trabaho.
Sa lobby pa lang ay nakaabang na ang sekretaryo ni Zacharias na si Rafael. Parang gwardiya na sinamahan pa talaga siya hanggang sa mismong pinto ng opisina ng CEO.
“Good day, Sir. Inutusan po ako ulit na ihatid ang mga dokumentong ito,” pormal ang kalkulado niyang tinig at saka inilapag iyon sa mesa.
Ang hudyong Zacharias, hindi man lang sinulyapan bagkus ay tuloy-tuloy lang ito sa pagpirma ng mga papeles.
“Sir, naihatid ko na po. Kung wala na po kayong concern babalik na po ako sa kompanya.”
Wala pa rin sagot kaya naisip niya na baka utusan na naman siya nito na ipaliwanag ang nasa dokumento. Babasahan niya talaga ito na parang nagho-homily.
“Sige po. Good day!” sabi niya para makaalis na.
Saka naman nagtaas ng tingin si Zacharias at itinuro ang couch. “Sit over there.”
“Po?”
Sa halip na sagutin siya, ay muli itong nagbaba ng tingin sa mga papeles. Kakamot-kamot sa ulo si Jillian ngunit sumunod na lang dahil baka may importanteng sasabihin ito at tinatapos lang ang trabaho. Subalit, kinse minuto na yata ang nakalipas ay hindi man lang nag-angat ng tingin sa kanya si Zacharias.
Sa lamig ng opisina nito, hinihila siya ng antok. Pasimple siyang sumandig sa couch para ipahinga lang ang mga mata ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Nang magising siya, ay namulatan ni Jillian ang mukha ni Zacharias na gahibla ang lapit sa kanya. Napatili siya sa gulat at muntik pang mahulog sa sahig kung hindi lang sinalo ng matitpunong braso ang kanyang baywang.
“Miss Aguillar, hindi hotel ang opisina ko para tulugan mo,” baritono nitong wika.
Nagpapanik na inalis niya ang braso nito sa kanyang baywang at agad na umayos ng upo.
“P-Pasensya na po, Sir. Hindi po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang lamig kasi ng opisina niyo. Pasensya na po talaga,” mangiyak-ngiyak na siya sa pagkapahiya.
Baka humihilik siya o kaya nakanganga o may laway pa!
Gusto na lang niyang maglaho ngayon din! Tumuwid ng tayo si Zacharias, mapanuri ang tingin nito sa kanya habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng suot na slacks.
“Why didn’t you sleep well? What were you doing last night?”
“W-Wala po. Hindi lang talaga ako makatulog.”
“Went fooling around with some man?” akusa nito.
“Ha?!” bulalas niya sabay turo sa sarili.
Napagbintangan pa nga!
Nakahiga lang naman siya sa kama kagabi mulat na mulat kahit alas-dos nang madaling araw dahil sinabi ng teacher ni Kai na hindi raw nakikihalubilo ang anak niya sa ibang bata. Palaging nasa sulok at nagbabasa. Natatakot siya na baka dahil palaging mag-isa at walang kaibigan ay ma-bully.
Ikiniling ni Zacharias ang ulo, hinahamon siya na itanggi niya. Dahil patolera siya, taas-noo si Jillian.
“CEO Wolfgang, kung may kasama man po akong lalaki, wala po dapat kayong pakialam. Sasamahan ko ang kahit sinong gusto ko. Alam mo na, dagdag ‘experience’ din,” sabi niya, hindi naitago ang panunuya sa boses.
Dumilim ang mukha ni Zacharias at umigting ang panga.
Tatanong-tanong tapos mapipikon?
Dudugtungan niya pa sana ang sinasabi nang may kumatok sa pinto.
“Come in,” malamig na wika ni Zacharias.
“S-Sir, excuse me…” sumilip sa pinto ang mukhang sekretarya din ni Zacharias.
“Say it.”
Kumunot ang noo ni Jillian dahil hindi man lang nilingon ni Zacharias bagkus ay kanina pa tila pinaparusahan siya ng mariin nitong titig.
“Tumawag…tumawag po si Miss Kate. Dinner daw po mamaya? Tiningnan ko po ang schedule niyo, wala naman po kayong—”
“I have no time for that!” angil ni Zacharias.
“Sige po. Sasabihin ko.”
Kandadapa pa na lumabas ng opisina. Takot talaga ang mga empleyado sa lalaking ito. Ilang taon lang, ang laki ng pinagbago. Wala na ang dating mabait na Zacharias.
Ang lalaking nasa harap niya ngayon ay maiksi ang pasenysa, malamig at matalim ang dila. At nalulungko si Jillian sa ideyang iyon.
Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita na naluluha na naman siya. Kapagkuwan ay tumikhim at pormal na nagsalita.
“Sir, alam kong kalabisan ito pero pwede bang kalimutan na natin ang nakaraan at maging propesyonal na lang tayong dalawa? Ayaw ko po kasing maapektuhan ang trabaho dahil sa nakaraan.”
“Are you saying I can’t seprate work from personal matters?” nagsasalubong na ang mga kilay ni Zacharias.
Gusto niya sanang prangkahin ito na: ‘oo, para ka kasing bata na nagta-tantrums kapag nakikita mo ako’. Subalit, bago niya pa maibuka ang bibig ay tumunog na ang cellphone niya.
Agad niya naman iyong sinagot nang makitang si Jensen ang tumatawag.
CHAPTER 19 Akmang papasok na rin si Jillain sa backseat nang binuksan ni Zacharias ang pinto ng passenger seat. “I’m not your driver, Miss.” Napanguso siya sa kasupladuhan nito at umupo sa tabi ng driver seat. Ilang sandali lang ay binabaybay na nila ang daan. “Do you want music?” tanong ni Zacharias matapos ang mahabang katahimikan. Sasabihin niya sana na hindi na nang inunahan siya ni Kai. “I want po, Uncle.” Napalingon si Jillian sa bata. Kailan pa naging Uncle ang tawag nito kay Zacharias gayong no’ng nakaraan lang ay Mister Stranger. “What do you want to listen?” “Hmn…kahit ano po.” “Alright,” simpleng wika ni Zacharias at naghanap sa screen habang ang isang kamay ay nanatili sa manibela. Ilang sandali lang ay tumutugtog na ang kanya. Sumasabay pa si Kai. Kailan pa nagustuhan ng anak niya ang mga ganon tugtog? Mas lalong napalabi si Jillian dahil par
CHAPTER 18 [ZACHARIAS] WHAT THE FUCK?! “D amn you, Man! Shit you!” mura niya sa sarili at mariin na napapikit. Ano bang pumasok sa kukote niya at bigla na lang niyang h inalikan si Jillian? Para siyang sinapian kanina, nabwisit ng todo dahil sa sinabi nitong hindi sila bagay. Nagrebelde ang kaloob-looban niya nang marinig na hindi ito kabilang sa mundo niya. Kailan niya sigurong magshower ulit para mahimasmasan. Ngunit, paglabas niya naman sa kusina ay hila-hila na ng abuela niya si Jillian. Parang naka-jackpot ang matanda sa klase ng kislap ng mata nito. Christ! Mukhang alam niya na ang iniisip nito. Pagkaalis ni Jillian, ay abot-tainga agad ang ngiti nito nang hinarap siya. “Sino ang magandang babaeng iyon, Apo?!” “Lola, anong ginagawa mo rito?” “Huwag kang umiwas sa tanong ko. Sino ‘yon? Ang ganda-ganda! Umamin ka, anong relasyon niyo?” “I’m not telling you anyth
CHAPTER 17 Iwinaksi niya ang ulo para maalis ang pagkakahawak nito at saka inirapan. “Sir, nandito lang po ako para kunin ang sasakyan ko,” simangot niya. Tinalikuran siya nito at lumabas kaya napasunod naman siya. Bubuntot-buntot si Jillian hanggang sa marangyang kusina. “Iyong kotse ko po. Nasaan?” Sa halip na sumagot ay kumuha si Zacharias ng tubig sa refrigerator. Nakasunod ang mga mata ni Jillian nang inilapit nito ang baso sa mamula-mulang labi. Pucha! Bakit ang sexy nito uminom? Umaalon ang adams apple, may ilang patak pa ng tubig na tumulo sa dibd ib.. Ang lakas pa rin talaga ng karisma! Unang kita niya pa lang noon kay Zacharias sa TICP ay talagang crush niya. Ang tangkad kasi at saka gwapo naman talaga. Kaya kahit medyo may pagkamahiyain siya noon ay nagpapansin siya ng husto. Sinusungitan pa nga siya pero malakas talaga ang fighting spirit niya. Hinabol-habol niya at
CHAPTER 16 Dahil nasa talyer pang sasakyan niya, balik-sakay sa LRT na naman si Jillian papasok ng opisina kaya medyo na-late siya. Nginitian niya lang sina Maria at Shane kahit alam niyang binabantayan ng mga ito ang galaw niya, lalo na ang galaw ni Sir Jensen. Naiintindihan niya naman dahil ‘mata’ ang dalawa ni Chairman Joseph. Lihim siyang naaawa kay Sir Jensen dahil nang mga panahon na wala pa itong napapatunayan, ay basta na lang ipinatapon ng sariling ama sa Cagayan. Kung wala pang nangyari sa panganay nitong anak na si Kalix, ay duda siya na maalala at pababalikin nito si Sir Jensen sa Manila. Dumagdag pa ang legal na pamilya ng Chairman na palaging minamaliit si Sir Jensen. Ang gulo-gulo ng buhay ng mayayaman. Mas lalo tuloy na ayaw niyang mapabilang sa mundo ng kahit sinong nasa Elite Family. Bago sumapit ang tanghalian ay sumama siya kay Sir Jensen sa conference room. Mahalagang meeting iyon
CHAPTER 15 Nang mahimasmasan ay agad niyang nilingon ang anak. “Kau, are you okay?!” “Okay lang po, Mommy.” May takot sa boses nito. Agad ininspeksyon ni Jillian ang anak nang mapansin na nakahawak ito sa braso. Sa kabutihang palad, ay hindi naman seryosong nasaktan. Kumatok ang traffdic enforcer sa bintana ng kanyang kotse kaya lumabas siya. Halos sasabog ang dibd ib niya sa kaba at pagkalito. Sunod-sunod ang mga busina at galit na mga boses ng ibang driver dahil nakaabala sila sa daan. Hindi alam ni Jillian ang gagawin. Gusto niyang maluha lalo pa’t para siyang basang-sisiw roon. “Ma’am, ayos lang po kayo?” tanong ng enforcer. Muntik na siyang humagulgol kung hindi lang dahil sa kamay na biglang humila sa kanyang baywang kasunod ay pinayungan siya. Nangatal ang mga labi ni Jillian nang makilala si Zacharias. Sa ilang sandali, ay gusto niyang umatungal
CHAPTER 14 Kahit napipilitan, pumunta si Zacharias sa blind date nang dumating ang sabado. Na hindi na sana niya ginawa nang makita kung ilang babae ang naghihintay sa kanya. Hindi lang isa o dalawa. Walo! What was his grandmother doing?! Jesus! Nanakit yata ang batok niya habang tinatawagan ang abuela. “La, what the f uck are these women doing here?!” “Kasalanan mo naman kasi. Ang hirap-hirap mong mapapayag sa blind date kaya nilubos ko na. You should be thankful na hindi ko na pinupunta ang iba pang anak ng amiga ko. Nasa sampu sila, apo.” “God!” Napatingala si Zacharias dala ng frustration. “Huwag ka ng magreklamo, Apo ko. Sa susunod mas marami kang pagpipilian.” “There’s no next!” “Oh siya! Pero pumili ka ng gusto mo. Matatalino ang mga ‘yan, sexy, magaganda—” “Ibaba ko na, La.” Humagikhik ang abuela sa kabilang linya. “Naku!, mukhang e







