LOGINHABANG nasa labas kami ay gulat na gulat naman ako dahil sa daming sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin, dalawang tao lamang ang andito pero bakit ang dami naman atang sasakiyan?
Iiling iling na lamang ako dahil kakaiba talaga ang topak ng mga mayayaman. May pera din naman kami pero hindi kami ganito ka yaman katulad nila Ma'am Fey, nag uumapaw na siguro ang pera nila kaya bumili na sila ng kung ano anong sasakiyan.
“Ang swerte naman ni Milagros, kahit siga sa barangay na ito nagawa niya parin makapangasawa ng mas higit pa ang yaman kesa sakanila” rinig ko namang wika ng isang kapitbahay namin.
Tumingin naman ako sa gawi nila at tiningnan sila ng masama dahil sa mga nonsense nilang sinasabi, itong mga kapitbahay namin ay hindi na talaga marunong itikom ang kanilang mga bibig.
“Tara na iha, dito ka na sa tabi ko sumakay” Ngumiti naman ako ng malapad at pumasok na sa loob ng sasakiyan at ganun din naman si Ma'am Fey at Thunder , napagitnaan naman nila ako kaya medyo nahihiya at hindi ako komportable.
Nang pinaandar na ng driver nila ang sasakiyan ay hindi naman ako umimik, nag uusap naman silang mag ina ngunit wala akong maintindihan dahil iniisip ko baka nag papakitang tao lamang sila sa pamilya ko dahil alam nilang magagalit ang nanay ko.
Hindi ko namalayan na ilang oras na pala kaming nasa byahe at nakarating naman kami sa isang lugar na may nakaparking na Helicopter, kunot noo naman akong nakatingin dito.
“B-bakit may helicopter?” ngumiti naman ng pilit sakin si Ma'am Fey at agad naman siyang bumuntong hininga.
“Sasakiyan natin patungo sa mansion, masyadong mabagal kong mag kokotse tayo patungo doon buntis ka pa naman” hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko, sobrang yaman talaga siguro ng pamilyang ito nakakahiya naman iapak itong tsenilas na gawa ng Lola Lourdes ko.
Bumaba naman kami at inalalayan naman ako ni Ma'am Fey si thunder naman ay walang pakealam, gusto ko tuloy siyang sipain dahil anak niya din naman itong nasa tiyan ko pero parang mas tatay pang umasta itong Nanay niya.
“Are you alright Mila?” agad naman akong napatingin sa gawi ni Ma'am Fey at ngumiti naman ako ng pilit dahil nakakahiya naman kapag sasabihin ko na galit ako sa anak niya.
“It’s okay, wag mong isipin ang kahihiyan you're my daughter-in-law!now wala kang dapat ikahiya” Sambit nito na may halong assurance sa kaniyang boses. Ngumiti lang naman ako dahil masyado sigurong halata na nahihiya ako, pati isip ko ay nababasa niya.
Maya maya pa ay pumasok naman kami sa loob ng helicopter at umandar naman kaagad ito, mula sa himpapawid ay kita ko ang buong lungsod namin. Malaki pala talaga ang lugar namin ngunit dahil medyo malayo nga ito sa siyudad ay walang masyadong pumupunta dito.
Naaaliw naman ako habang nakatingin sa mga tanawin hanggang sa hindi ko na ito makita, napagpasyahan ko naman na ipikit na lamang ang mga mata ko dahil ayukong kausapin ang dalawang mayaman na nasa gilid ko wala din naman akong maintindihan.
Maya maya pa ay naramdaman ko naman na pababa na ang sinasakyan naming helicopter, nanlaki naman ang mga mata ko dahil may helipad sila sa pamamahay nila.
Nang buksan na ang helicopter ay pinababa naman agad ako, gulat naman ako dahil maraming naka abang samin sa baba.
“Magandang pag dating Miss” Nanlaki naman ang mga mata ko dahil pabigla bigla ang mga ito, hindi ko alam bakit nakayuko sila sa harapan ko ordinaryong tao lang naman ako.
“Welcome to our mansion Mila, All of these people around you is mga Butler namin sila pero pag may iuutos ka sabihin mo lang kay Jericho, siya na ang bahala sa'yo ” bumuntong hininga naman ako at Tumango na lamang bilang tugon.
Agad namang hinawakan ni ma'am fey ang kamay ko at inalalayan ako patungo sa malaking pinto, kinakabahan tuloy akong iapak itong mura at home made na tsenilas ko. Ang buong paligid ng mansion na ito ay sumisigaw ng Kapangyarihan, kayamanan at karangyaan.
Nang makarating na kami sa harap ng malaking pinto ay may pinindot naman si Ma'am fey sa gilid at binuksan ang pintuan, nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko ang loob halos kita na Ang reflection ko sa buong sahig dahil sa sobrang kinis at linis nito.
“Ang laki naman ng bahay niyo ma'am, sure kayong hindi kayo mawawala dito?” namamangha ko namang wika. Rinig ko naman ang bahagyang pag tawa niya kaya kinain naman ako ng hiya at di na ulit nakapag salita pa.
“Masasanay ka rin sa pamamahay namin na ito, for now rest ka muna at doon ka matulog sa kwarto ng asawa mo” nanlaki naman ang nga mata ko ng dahil sa narinig ko.
“A-ah e, Ma'am kasi ano...” napakamot naman ako ng ulo habang nakatingin sakin si Ma'am Fey.
“Ano po kasi hindi ako sanay na may kasama kaya ayos lang ba kung ihanap mo na lang ako ng sarili kong kwarto siguro naman ay marami pang bakante sa itaas” Natawa naman siya ng bahagya dahil sa request ko.
Mag sasalita pa sana siya ng bigla namang may bumaba mula sa itaas, Napatigil naman ako dahil nakatitig ako sa taglay niyang kagandahan. Hindi ko alam na ganito pala ang lahi ng lalaking ito para silang mga anghel na bumaba sa lupa dahil sa natatangi nilang ganda.
“Ang ganda” Bulong ko naman.
“That’s my youngest daughter Lora” Nakangiti namang wika ni Ma'am Fey.
“Hi Mommy” nakangiti nitong wika at agad naman siyang tumakbo patungo sa Nanay niya, mag kasing edad siguro kami ng babae na ito pero kung umasta siya ay parang kinse lamang.
Bigla naman siyang tumingin sa gawi ko at pinasadahan ako ng tingin, agad namang kumunot ang noo ko.
“Bakit?” wika ko dito habang nakataas ang kilay.
“Who are you?” tanong nito at tumayo lumapit naman siya sakin at inikotan ako.
“Elora Fey! stop it” maawtoridad namang wika ni Ma'am Fey kaya naman umupo kaagad si Lora.
“She’s Mila, She's carrying your brothers Children wag mo siyang papahirapan dahil anim na bata ang nasa loob ng tiyan niya. Malilintikan ka sakin pag may kalokohan kang gagawin kay Mila” Wika nito habang binabantaan ang anak niya, naka nguso naman si Elora at lumapit sakin tiyaka naman niya hinawakan ang kamay ko.
“Sorry Mila, Promise i will be good to you from now on i will be your sister” tatango tango naman ako at di na umimik.
“MILA POV” HINDI ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko habang papunta ako sa party, hindi ko alam bakit kinakabahan ako ng husto.“ayos ka lang ba anak, gusto mo bamg uuwi na tayo para maganda na ang pakiramdam mo?” umiling naman agad ako. Ayuko namang mag hintay sa wala si Ma'am Fey, kinakabahan ako sa isipin na makikita ko ulit si Thunder pero wala akong magagawa dahil parte siya ng pamilya sigurado ako na nandoon ang lalaki na iyon.Kanina pa kaming 6 a.m nakaalis at mga 8 a.m ay nakarating na din kami sa bahay nila, malayo pa sana ito ngunit binilisan ni tatay ang takbo. Ayaw niya kasing matagalan pa akong uupo sa loob ng sasakiyan. Nang makarating na kami ay agad naman akong inalalayan ni Boboy.“Dahan dahan lang” tumango lang ako, Dress lang ang suot ko ngayon at may nakapatong na blazer para sa lamig. Nakasuot lang din ako ng flat shoes para hindi ako madapa.“Tara na” sambit ko naman sakanilang dalawa, napatango lang naman si Tatay at sumunod naman siya kaagad saamin ni Bo
“ DANICA POV” NAPANGITI naman ako ng malamya ng malaman ko na pupunta pala dito ang babae na iyon, buong akala ko ay nakaalis na siya sa pilipinas.“Told ya, she's the Rohpe’s favorite anong magagawa mo doon?” bumuntong hininga naman ako ng dahil sa sinabi saakin ni Daphne.“Hindi din naman natin masasabi” wika ko habang umiinom ng alak, hawak hawak ko ng mahigpit ang kopita. Iniisip ko kung bakit humantong lahat sa ganito, umalis ako dito at nasaktan ko nga naman si Thunder pero I give him explanation, i talk to him properly bago ako umalis papuntang spain.“Move on girl, ginawa ko na lahat ng tricks para mapaalis ang babae na iyon doon. In the end ako pa ang napahamak. Nag babanta pa lang ako may sagot na agad sila para saakin, that's why i told you she's the Rohpe’s favorite”natatawang wika ni Daphne. Hindi ko alam kung sino ang kinakampihan ng babaeng ito, She's my half sister and hindi namin sinasabi ito in public because dad is obsessed with his status and power. “I will give
“MILA POV”NANG makarating kami sa bahay namin ay inalalayan naman ako nila inang at tatay para maka pasok sa loob, walang niisang nag tangka na mag tanong saakin kung bakit ako babalik doon sa bahay ng mga Rohpe.“Boboy pakisamahan ako bukas” nag aalangan naman siya na tumango ngunit wala siyang magagawa dahil mabilis akong gumawa ng desisyon.“A-anak bakit ka pupunta doon?” napatingin naman ako kay inang, alam ko kanina pa niya ako gustong sapakin sa mukha ngunit wala siyang magagawa dahil buntis ako at ayaw niya naman akong mapahamak.“Para makita sa huling pag kakataon ang pamilya nila, Makita sa huling pagkakataon si Thunder” seryuso at walang emosyon ko namang wika, hindi ko alam bakit kumikirot ang dibdib ko sa tuwing sinasambit ko ang pangalan ng lalaki iyon, Naalala ko na naman ang mga araw na nalaman kong may iba siyang mahal.Hindi ko lubos maisip na ang unang lalaking mamahalin ko ay ang lalaking sisira at mag bibigay saakin ng masakit na karanasan tungkol sa pag ibig.“Ma
“MILA’S POV”NAKITA ko naman na nahihirapan sila inang, hindi ko naman sila matulungan dahil wala akong gana na mag salita.“ Ano ito?” tanong naman ni lola Goreng.“Steak po” sagot naman ng waiter sakaniya tatango tango naman si lola.“ Iyan na lang saakin” nakangiti nitong wika.“How do you like your steak ma'am? Medium rare po ba?” tanong naman ng waiter sa lola ko, nakikinig lang ako at nag hihintay ng sasabihin niya.“ Small lang, hindi kasi ako palakain ng karne” nag pipigil naman ng tawa ang waiter.Sinulat na lamang niya na medium rare kaya nakahinga naman ako ng maluwag umiinom naman ako ng tubig na sinerve saakin.“ for your viand sir?” tanong ng isang waiter kay tatay.“ Ay wala, hindi kami mag babayad niyan. Nilibre lang kami dito” sagot naman ni lolo minsitar.“Bakit kami pag babayarin, sana hindi na lamang kami sumama.” inis naman na wika ni lola lourdes.“Hindi Bayad, Viand iyon tay” wika naman ni Tatay kay Lolo Minsitar, natawa na lamang ako.Pumili naman si tatay ng k
“ MILA POV” NANLAKI naman ang mga mata ko ng makita ko si Ma'am Fey kasama ang kaniyang dalawang tauhan.“Anong ginagawa mo dito! matapos niyong saktan ang anak ko!” galit na wika ni Inang. Tumayo na din si Tatay para kumuha ng itak ngunit pinigilan ko naman siya.Expected ko na namangyayari ito, Sa daming koneksyon, tauhan at pera nila alam ko na mahahanap at mahahanap nila ako.“Mila, iha. I am very sorry. Alam kung hindi ka pa handa na makita ako at kami ng pamilya ko lalong lalo na si Thunder, but iha you misunderstood us” bumuntong hininga naman ako, masyadong maraming katanungan ang utak ko hindi rin ako handa na tanggapin lahat ng sasabihin nila saakin.“Ma’am Fey, malinaw po saakin lahat. Ayaw ng pamilya niyo saakin, napipilitan lang din naman si Thunder at itong mga bata lang ang habol niyo” umiling naman agad siya at para ng maiiyak.“H-hindi, hindi gan’on mila. Danica and Thunder didn't get a chance na mag usap at iklaro ang mga nararamdaman nila. Mas nauna mo pang nakita
“THUNDER’ POV”NANG makababa na ako ng tuluyan ay agad ko namang nakita si Danica na naka upo sa sofa , hindi ko alam kung hinihintay niya ba ako.“ you are so busy, stop pushing yourself too hard” Hindi naman ako sumagot sa Sinabi niya saakin. Umupo naman ako at agad naman akong tumingin ng diretso sakaniya.“ Let's formally end everything, hindi kita Mahal. All of those yearning that I did is because everything is not clear to me, I am so confused of my own feelings that's why I think I am still waiting for you...but the truth is I already have someone I love ”Ngumiti Naman siya ng pilit at tumayo.“ I can tell either that you fall for her, but that doesn't mean I will gave up on you.” bumuntong hininga naman ako dahil sa frustration ko.“There is no us, tanggapin mo na lang na hindi na tayo, It's sudden and confusing but that's the fact at hindi mo na mababago Ang isip ko.” nakita ko naman ang pag patak ng kaniyang mga luha.“ It's better that we will be friends and I hope that yo
Nagising naman ako sa tindi ng ingay na naririnig ko, hindi ko alam kung saan galing ang ingay na iyon kaya binuksan ko na ang mga mata ko.“Ay Mendreng! bilis gising na si mila” sigaw naman ni lola Goreng. Tinulungan naman niya agad akong umupo, wala akong lakas dahil ata sa sobrang pagka gulat k
“ Milagros! Napaka pabaya mo talagang babae!! ano na lamang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin nakakahiya ka na talagang bata ka!” sigaw ng nanay ko. Hindi naman ako natinag dahil gulong gulo ang isip ko kung bakit ako nabuntis e wala nga akong jowa, ni hindi ko nga alam kung bakit bigla na lama
NANG makababa ako nang tuluyan sa hagdan ay agad namang napatingin sa gawi ko Ang babae. “ and who's this woman ?” tanong niya naman habang nakaturo saakin. kunot noo ko naman siyang pinasadahan ng tingin, maganda at parang galing sa isang magazine ang babae na ito iyong mga nakikita kong modelo
NAGISING naman ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko, hindi pa man ako inabotan ng isang araw dito ay para na akong mababaliw dahil sa tindi ng ingay ni Lora. Hindi ko alam kung paano nakakayanan ng pamilya niya ang napakadaldal na nilalang na kagaya niya, pambihira!“Goodmorning Miss Mi







