LOGIN
“ Milagros! Napaka pabaya mo talagang babae!! ano na lamang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin nakakahiya ka na talagang bata ka!” sigaw ng nanay ko. Hindi naman ako natinag dahil gulong gulo ang isip ko kung bakit ako nabuntis e wala nga akong jowa, ni hindi ko nga alam kung bakit bigla na lamang lumaki ang tiyan ko at sabi ng doctor ay apat pa na bata ang nasa loob. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat kahit nanay ko ay di makapaniwala... dahil sabi ng albularyo ay inggit lamang daw sakin ang babaeng duwende na nakatira sa punong Mangga na malapit sa bahay namin kaya niya pina lobo ang tiyan ko.
“Teka teka muna Mendreng wag mo muna pagalitan ang bata dahil tingnan mo nga oh, natutulala na ’yan hindi niya alam kung anong gagawin... alam naman natin na wala ’yang nobyo, hindi niya naranasan mag ka nobyo” wika naman ni itang, bigla naman akong napa iyak dahil sa sobrang takot at pangamba. May lalabas na apat na bata sa kumukinang kong perlas!
“Mila, iha wag ka ng umiyak. Andito kami, kami ang iire para sa’yo” nag aalala namang wika ng lola lourdes ko.
“Kapabayaan niyo talaga itong dalawa! Tingnan niyo naaksidente ng rumaragasang t*te itong apo ko! Nag iisa na nga lang siya di niyo pa mabantayan ng maayos!” sigaw naman ng lolo Minsitar ko.
Only child si Nanay ganun din naman ang itang ko, kaya nung nanganak sila inaasahan ng lolo at lola ko na pararamihin nila ang pamilya namin ngunit ako lang din ang tanging na iluwal ng nanay ko dahil muntikan na siyang makipag kita kay san pedro, kaya naman napaka lungkot ng childhood ko dahil wala akong mga pinsan at tita na matatawag, kaya nag rerebelde ako noong kabataan lagi akong napapa barangay, sumasali ako sa mga gang at iyong pinaka malala ay pumasok ako sa isang napaka delikadong grupo at naging boss pa. Hindi ko naman alam na kilala pala sila sa buong mundo aksidente ko kasing napatay ang boss nila dahil nainis ako pinitik ba naman sa noo ang boy best friend ko.
“Mila, mila okay ka lang?” bumalik naman ako sa wisyo at tiningnan sa mata si lola Goreng ang nanay ni itang di ko namalayan na nakarating na sila dito.
“Ayos lang po, anong magagawa ko e andito na ito palalakihin ko na lamang sila wag kayong mag aalala dahil hindi na ako mag rerebelde simula ngayon ay magiging maayos na ako” tumango tango naman silang lahat.
Naka upo sila sa harapan ko, si Lola goreng ang nanay ni Itang, si Lola Lourdes nanay naman ng Nanay ko, Si lolo Minsitar ang tatay ni nanay, Si Lolo pedro ang Tatay ni Itang, kumpleto sila ngayon dahil tuwang tuwa sila ng malaman nila na apat na tao ang nasa loob ng tiyan ko.
“Apo wag kang mag aalala andito kaming lahat, kami ang mag aalaga sa mga bata wag kang mag aalala sa gastusin kami na din ang bahala basta iluwal mo ang mga batang iyan” nakangiti namang wika ni Lola lourdes sakin.
Hindi ko naman siya sinagot at nakatingin lang ako sa tiyan ko, napabuntong hininga naman ako at inalala kung saan ako huling nag punta.
Bigla ko namang hinampas ang lamesa na nasa gilid ko dahilan upang masira ito ng tuluyan at tumayo naman agad ako.
“Alam ko na!” wika ko.
Napatayo din naman sila at lumapit sakin, hinawakan naman ni Lola Lourdes ang kamay ko at pina upo ako.
“Apo wag mong sayangin ang lakas mo, kailangan mo iyan” sambit naman niya sakin.
Hindi ko naman siya sinagot dahil alam ko na kung saan ko nakuha ang mga batang ito, mag sasalita na sana ako ng bigla namang pumasok ang dalawang doctor.
“P-pasensya na Mr. and Mrs Opiazon sa pag punta namin dito ng walang pahintulot” malumanay na wika ni Doc Harry. Napangiti naman ako at tumayo, agad naman akong nag tungo sa gilid niya at hinawakan ng nahigpit ang braso niya dahilan upang mapasigaw siya.
“Ay pasensya na doc natuwa lang” nakangiti ko namang wika.
“Doc kunin niyo ang mga bata na ito, sa clinic niyo ito nannggaling dahil doon ako huling pumunta” Pag mamakaawa ko naman Bumuntong hininga naman kaagad si Doc Harry at napakamot naman sa uli si Doc Javy.
“Kaya kami andito dahil pag uusapan natin ang tungkol sa pagbubuntis mo” bumuntong hininga naman ako at kinakabahan, alam ko na hindi ko ikakatuwa ang malalaman ko ngayon pero wala akong magagawa dahil andito na sa loob ng tiyan ko ang mga bata.
“ Ano ba kasing nangyayari doc Harry, alam niyo naman na binayaran namin kayo para mapanatili ang kagandahan ng clinic pero bakit bigla na lamang nabuntis itong si Milagros” wika ng nanay ko, mainit talaga ang ulo nitong nanay ko mabuti nalang talaga ay kalmado ang itang.
“Nag kamali ng naiturok iyong nurse, bago palang kasi ang nurse na iyon at walang experience. Ang sperm na iyon ay aksidente ring naibigay sa clinic na iyon.” pag papaliwanag ni Doc Harry.
“Kilala niyo ba ang may ari ng Sperm na iyon? Masamang tao ba siya? pangit ba?” tanong naman ni itang.
“Ay naku, kung pangit yan kailangan namin mag bayad ng malaki pera para sa retoke ng mga magiging apo namin sana naman makuha nila ang magandang lahi mula sa pamilya namin!” sambit naman ng lola Goreng ko. Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang inis.
“Ay teka po muna meron akong litrato ng lalaki na may ari ng sperm na aksidenteng naiturok kay Milagros” wika naman ni Doc Javy pinakita naman niya agad ang litrato, kumunot naman ang noo ko dahil mukhang Photoshop naman ang nasa litrato masyadong gwapo parang inedit na ang mukha dahil sa sobrang kagwapohan.
“Anak ng! ang gwapo naman niyan” nakangiti namang wika ng Lola Lourdes ko.
“Bukas ay pupunta dito ang ama ng batang dinadala ni Mila, Hindi namin sasabihin ang pangalan niya dahil iyon ang bilin ng babae na tumawag samin” tumango tango naman ang pamilya ko.
“Mabuti naman at pananagutan nila ang anak ko, sabihin niyo sakanila na mag hihintay kami dito at wag nila kaming susubukan dahil makikipag patayan kami pag di nila pananagutan itong si mila!” wika naman ng nanay ko.
Umiling iling na lamang ako at bumuntong hininga. Di na umimik ang mga Doctor dahil natakot sila sa banta ng nanay ko.
“B-bago kami umalis” natatarantang wika ni Doc Javy dahil masama ang tingin ni nanay sakaniya, napalunok pa ito ng laway.
“ Mali pala iyong sinabi namin na Apat ang batang dinadala mo mila—” nanlaki naman ang mga mata ko at napahigpit ang hawak ko sa inuupuan ko. Hinintay ko naman na mag salita ulit si Doc Javy ganun din naman ang pamilya ko.
“Anim pala lahat”
Anim....
Anim pala lahat
Anim pala lahat
Anim pala lahat
Pabalik balik ang salitang iyon sa tenga ko, bigla na lamang akong nahilo at nakaramdam ng kakaibang tunog sa tenga ko...umitim naman ang paligid at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
“MILA POV”NAKARATING naman kami ng safe kahit sobrang lilikot ng mga anak ko, ng bumaba kami ay tatalon talon naman sila dahil sa tuwa na makita ang Cruise ship na nirentahan namin.“Good day Miss, Nakahanda na po lahat ng gusto niyong mangyari. Andito na din ang mga entertainer na gusto niyong makita para sa birthday ng mga anak niyo” nakangiti naman ako habang nakikinig sa organizer ko. Package na kasi ang lahat ng ito.Maya maya pa ay nag tungo na din kami sa loob ng Yate, napangiti naman ako na napapikit.“Ang ganda” wika naman ni Jammy at nag selfie naman kaagad siya.“Ate tingin ka dito, mas gumanda ka ngayon ah hindi kana mukhang tomboy” natatawa namang wika niya. Iiling iling na lamang ako dahil sa kapilyahan ng batang ito.“Tama na iyan, tayo na at pumasok na sa loob dahil ang mga bata ay parang mga aso at pusa na naman” sambit ko habang napakamot sa ulo, hindi ko talaga minsan alam kung anong nakain ng mga anak ko kapag hyper sila. Parang sampong bata ang nasa loob ng kataw
“MILA POV”5 YEARS PAST..........“HAPPY BIRTHDAY MGA APO!” sigaw ni Daddy habang may dala dalang gitara. Napangiti naman ako dahil excited na excited ang anim na bata, nag promise kasi ako sakanila na sa Cruise ship idadaos ang kanilang kaarawan.Doble din ang saya ko dahil pupunta dito ang mga kaibigan ko.“Happy birthday babies” nakangiti naman ako at agad ko naman silang hinalikan isa isa.Namana ni Uno ang pagiging cold ng kaniyang ama, Si dos naman ay sobrang lambing, si Tres ay siya din ang pinaka goofy sakanila at sobrang sakit sa ulo. Si fourth at Cinqo ay sobrang mahilig sa academic at iyong babae ay nag mana saakin, wag niyo ng tanungin kung ano ang naging ugali niya ang alam ko ay katulad ko siya at nakikita din nila Tatay at inang ang kabataan ko kay Seyra.“Mommy, can i burn my clothes?” napakamot naman ako ng dahil sa tanong ni Seyra.“No baby, behave. Wag kang mag kakamali dahil kapag nagkamali ka ay hindi ko talaga kayo dadalhin sa Cruise ship na gusto niyo” wika ko
“MILA POV” HINDI ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit hindi parin lumalabas sila Inang at Tatay. “Ahhh!!” nakarinig naman ako ng mga yabag papasok sa loob ng kwarto ko. “Anong nangyayari sa'yo, lea tawagin mo sila Ma'am at sir manganganak na si Mila” taranta na wika ni kuya joey na parang siya ang tatay ng mga anak ko. Napakuyom naman ako ng kamao at agad naman akong tumayo,hinanap ko naman ang mga damit at gagamitin ng mga anak ko. “Kuya paki lagay po ito sa loob ng sasakiyan ko”kalmado ko namang wika. NAKITA ko naman ang mata niya na namamangha. “Akala ko kung napano ka na Mila, bigla ka nalang sumigaw tapos ngayon ay ayos ka na ulit” Bumuga naman ako ng hangin at tumingin naman ako sa mga mata ni kuya joey habang hindi pinapahalata na nasasakatan ako. Bala nga ay kaya kung tiisin itong panganganak pa kaya. “Ayos lang po ako kuya” wika ko naman at agad ng umupo sa upuan. Maya maya pa ay agad namang pumasok sa loob ng kwarto ko sila inang at
“THUNDER’S POV” 1 MONTH ANG NAKALIPAS.... UMIIYAK na naman ako, on a random day naalala ko ang bawat ala ala namin. Araw araw akong nag te-text sakaniya, umaabot na ako sa mga social media na alam ko namang hindi niya bubuksan, ang main account niya ay deactivated. “Anong Kailangan mo?” agad naman akong napatingin kay Boboy, ibang iba na siya sa Boboy na kilala ko, mas maganda na siya manamit ngayon at mukhang masaya siya sa buhay niya. “para kang kapre ang haba na ng buhok mo, kung makikita ka ni mila ngayon siguro mandidiri iyon sa iyo. ” wika nito, hindi ko alam kung iniinsulto ba ako ng lalaki na ito o binibiro niya ako, gusto ko tuloy siyang sapakin sa mukha niya. “Alam ko na may connection kayo ni Mila—” “Aba malamang, Pabayaan mo na kasi iyon. Masaya na siya, malaya na siya iyon lang ang hangad niya. Babalik rin naman sa'yo iyon kapag hindi na siya nasasaktan sa lahat ng mga pinang gagawa mo, alagaan mo muna ang sarili mo baka kapag babalik siya dito papangit ka na at hi
“THUNDER’S POV”MAS LALO naging magulo ang pamilya namin ng malaman ni Mommy na nakaalis na ng bansa si Mila, para itong nawawalan ng bait dahil sa kaniyang pag iyak at pag sigaw. Ako naman ay parang nalalantang gulay, hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat.“Thunder, wag kang maging ganiyan. Ikaw ang Heir ng pamilya mo” napatingin naman ako kay Danica, agad ko namang hinawakan ng mahigpit ang kaniyang mga kamay.“Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito, ikaw ang dahilan kung bakit kami nag kakaganito ngayon!” Sigaw ko dito at pabato ko naman siyang binitawan.Nakita ko naman siya na nasasaktan, bumuntong hininga naman ako. I know she doesn't want me to be like this, kaya lang naman siya naging ganito because she love me but she hurting me too and mas lalo niyang sinasaktan ang kaniyang sarili.“Danica, just show mercy with yourself. I know you're not kind of a woman na isiksik ang sarili sa isang lalaki lamang. Mahalin mo rin ang sarili mo, you can't force me to love you back,
“MILA’S POV”NAPANGITI naman ako dahil sa wakas ay nakarating na din kami sa ibang bansa, hindi ko inakala na ganito lang kadali ang lahat. Buti na lang talaga na hindi nag sumbong si Elora sa pamilya nila baka hindi kami nakarating dito sa Australia.“Tatawagan ko muna iyong care taker ng bahay namin” nakangiti na wika ni Lola Minsitar.Matagal na panahon din silang naninirahan dito sa Australia, kakauwi lang nila sa pilipinas ng malaman nila na buntis ako hindi ko nga alam bakit sobrang big deal ng pagka buntis ko at inuwian talaga nila.Ilang minuto lamang ay nakarating na din ang caretaker nila lolo, kababayan din naman ito kaya hindi na kami mahihirapan kaka Ingles. “Magandang umaga po, tara sumakay na kayo dito nag hihintay na po ang masarap na pagkain doon sa bahay ninyo lolo minsitar” wika naman niya habang nakangiti ng malapad.Pumasok naman kami sa loob ng sasakiyan at gan’on din naman siya.“Ako pala si Joey, pinatira ako ni Lolo Minsitar dahil naawa siya sa pamilya ko. Ma
NANG makababa ako nang tuluyan sa hagdan ay agad namang napatingin sa gawi ko Ang babae. “ and who's this woman ?” tanong niya naman habang nakaturo saakin. kunot noo ko naman siyang pinasadahan ng tingin, maganda at parang galing sa isang magazine ang babae na ito iyong mga nakikita kong modelo
NAGISING naman ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko, hindi pa man ako inabotan ng isang araw dito ay para na akong mababaliw dahil sa tindi ng ingay ni Lora. Hindi ko alam kung paano nakakayanan ng pamilya niya ang napakadaldal na nilalang na kagaya niya, pambihira!“Goodmorning Miss Mi
HABANG nasa labas kami ay gulat na gulat naman ako dahil sa daming sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin, dalawang tao lamang ang andito pero bakit ang dami naman atang sasakiyan? Iiling iling na lamang ako dahil kakaiba talaga ang topak ng mga mayayaman. May pera din naman kami pero hind
Nagising naman ako sa tindi ng ingay na naririnig ko, hindi ko alam kung saan galing ang ingay na iyon kaya binuksan ko na ang mga mata ko.“Ay Mendreng! bilis gising na si mila” sigaw naman ni lola Goreng. Tinulungan naman niya agad akong umupo, wala akong lakas dahil ata sa sobrang pagka gulat k







