Share

CHAPTER 1

THEA AMARRILE’S P.O.V

“Asa’n ka na ba?”

“Ba’t ang tagal mo?”

“Dalian mo na please, kanina pa ‘ko naghihintay dito. Gutom na gutom na po ako.”

Sunod-sunod na text sa’kin ng bestfriend kong si Krizha na kanina pa raw kuno naghihintay sa’kin sa airport.

“Pababa na ‘ko, wait ka lang muna r’yan. Marami pa kasing ibang pasaherong bumababa, ayoko lang makipag siksikan.” Pag text ko pabalik kay Krizha.

Mainipin pa naman ‘yong babaeng ‘yon, baka mamaya umuwi ‘yon bigla, marami pa naman akong dalang bagahe.

Nang mapansin kong pakunti na ng pakunti ‘yong mga pasahero’y tumayo na ‘ko at sumabay na sa ibang pasahero na pababa na rin.

Pagkababa ko ay agad na bumungad sa’kin ang napakadaming mga tao sa paligid, ‘yong iba’y may hinihintay din atang pasaherong mga kamag-anak nila.

Wala na ‘kong inaksayang oras at agad nang kinuha ang mga bagahe ko, tsaka tinawagan si Krizha.

(Ringing)

“Hi Krizha, nakababa na ‘ko. Sa’n ka banda?” Bungad na tanong ko kay Krizha nang sagotin nito ang phone n’ya.

“Nasa may mga tao ako, basta diretso ka lang dito sa mga maraming tao na nag-aabang din. Basta, pumunta ka na lang kasi tatawagin naman kita pag nakita na kita.” Saad nito.

Bitbit ang mga gamit ko’y sinunod ko ang sinabi ni Krizha na pumunta raw sa maraming tao na nag-aabang din.

Mabagal lang akong naglalakad at palingon-lingon sa kung saan- hinahanap kung asa’n si Krizha.

Sa kakalingon ko para hanapin si Krizha ay iba ‘yung nahanap ng mata ko- isang lalaking kamukhang-kamukha ng nasa panaginip ko, nakaupo s’ya at parang may hinihintay.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ‘di alam ang gagawin. Sobrang gwapo n’ya pala talaga at yayamanin si Kuya, dahil may kasama s’yang body guard.

Nanatili lang akong nakatayo ro’n ng ilang minuto-5 minutes to be exact at hindi parin talaga ‘ko makapaniwala na nakita ko s’ya, dahil kamukhang-kamukha n’ya talaga ‘yong lalaki sa panaginip ko.

Pinagmasdan ko lang s’ya, mula rito sa kinatatayuan ko, ng may biglang lumapit na napakagandang babae sa kan’ya.

Tumayo s’ya sa kinauupoan n’ya at hinalikan ‘yong babae sa labi nito. Pagkatapos ay kinuha n’ya na ang dalang bagahe nung babae at magka holding hands silang umalis.

Well, may nanalo na..........

Nanatili parin akong nakatayo at ‘di parin makapaniwala- honestly, masasabi kong nagka crush ako ro’n sa lalaki, but when i see the girl na lumapit sa kan’ya, i think, hanggang do’n na lang ‘yun- i mean, hanggang crush lang naman kasi talaga ‘yun, kasi ni ‘di nga ako kilala nung lalaki, so, what do i expect, ‘di ba? Hello, wala rin naman akong laban do’n sa girl. But still, i have a part on me that i’m still glad na i got the chance to see that man.

“Thea!” Rinig kong sigaw ni Krizha at pagtingin ko’y kumakaway-kaway pa ito at may dalang tarpaper.

Bitbit ang mga bagaheng dala ko’y naglakad na ‘ko papunta sa kung nasa’n si Krizha.

“Welcome back, Thea Amarrile!” Pagbasa ko sa nakasulat na tarpaper na dala ng best friend ko.

“Welcome back, mi amore!” Saad ni Krizha at niyakap ako ng mahigpit.

“I missed you, so much.” Saad ni Krizha, habang yakap parin ako.

“Nukaba, almost 1 month lang akong nawala..... But, i missed you, too.” Saad ko at kumalas na sa mahigpit na pagkakayakap sa’kin ni Krizha.

“So, sa’n tayo?” Pagtatanong ko, ngunit ngumiti lang s’ya sa’kin.

Bago kami umalis ay kinuha n’ya muna ang ibang bagaheng dala ko at tinanong ko s’ya ulit kung sa’n ba talaga kami pupunta.

“Kalma okay? Pupunta tayo sa favorite resto mo and my treat.” Saad nito.

“Whoaahh, prank ba ‘to? Seryuso ka ba?” Hindi makapaniwalang tanong ko, pa’no ba naman kasi, sobrang kuripot ni Krizha, ni piso nga pinagdadamot n’ya pa eh, tas manlilibre? Unbelievable!

“Hoyy, grabi ka naman! Sige ka, baka magbago isip ko, hindi ko babayaran ‘yung pagkain na kakainin mo.” Pananakot nito sa’kin.

“Ito naman si bff, nag jojoke lang eh.” Saad ko at napa ngiti na lang, i feel blessed to have this girl in my life.

Pinauna na naming ipahatid sa bahay ‘yung mga bagaheng dala ko sa boyfriend ni Krizha, habang kami naman ni Krizha ay dumiretso na sa favorite resto ko.

“Hmmm, i missed this place.” Saad ko, pagkapasok namin ni Krizha.

Agad kaming umupo ni Krizha pagkapasok namin sa favorite seat ko na malapit sa may pinto, ewan ko ba kung bakit gustong-gusto kong malapit sa pinto- siguro kasi naaaliw ako sa mga taong nakikita ko kapag pumapasok tsaka lumalabas.

“Hi ma'am, what's your order po?” Saad ni kuyang waiter, sabay abot sa’min ng menu.

“I want to have adobrow po, tsaka chicken sandwich, sa drinks naman po is lemonade.” Saad ko, kinuha na rin ni kuyang waiter ang order ni Krizha, tsaka umalis na.

Habang naghihintay sa order nami’y nagkukwentohan lang muna kami ni Krizha ng mga kung ano-ano, like you know, bonding.

Maya-maya pa’y dumating na ang order namin at dahil pareho na kaming gutom ni Krizha ay wala nang nagsalita, ng magsimula na kaming kumain.

“Hayss, ang sarap. Thank you bessy, nabusog ako, sobra.” Saad ko, pagkatapos kong kumain.

“Welcome bessy, ikaw pa ba, ‘di ba?” Saad n’ya at ngumiti.

Aalis na sana kami, ngunit ang sabi ni Krizha ay mag stay daw muna kami ng kahit 10 minutes lang, kasi busog pa raw s’ya, kaya pumayag naman ako.

Wala na kaming imikan ni Krizha, dahil busy na s’ya sa pagkalikot ng phone n’ya, may tinatanong lang daw ‘yung boss n’ya, habang ako nama’y nakatingin lang sa pinto- tinitingnan ang mga taong pumapasok at lumalabas.

Nakatingin lang ako sa mga taong pumapasok at lumabas ng pinto, ngunit nagulat ako ng biglang niluwa ng pinto ‘yong lalaking nakita ko kanina sa airport na palaging nasa panaginip ko..... kasama n’ya ‘yong babaeng kasama n’ya rin kanina, na ang hula ko’y girlfriend n’ya- or maybe, it’s his wife?

Sinusubokan ko ng malala na hindi sila tignan, ngunit hindi ko maiwasan.

Pagkapasok nila’y, pumwesto sila sa kabilang side at nang uupo na ‘yong babae ay inalalayaan n’ya munang makaupo, bago s’ya umupo. He even asked the girl kung komportable na raw ba ito. Well, i can say that this man is such a gentleman one.

“Hoyy, Thea! Sino tinitingnan mo?” Biglang tanong ni Krizha na kinagulat ko.

“Jusko naman, nanggugulat ka naman Krizha. Wala akong tinitingnan, sino naman titingnan ko?” Pagsisinungaling ko, tsaka bumitaw ng tingin do’n sa lalaking tinitingnan ko.

“Suss, nahiya ka pa. Sino nga?” Pangungulit nito.

“Wala nga, ang kulit mo naman. Sa pinto lang ako nakatingin.” Saad ko.

“Ayaw mo sabihin ha, palit nga tayo ng upoan.” Saad nito na ikinakaba ko.

“Ih, ba’t pa kasi magpapalit? Wala nga sabi eh, alam mo, umuwi na tayo.” Saad ko at tumayo na, akala ko’y nauto ko si Krizha na uuwi na kami, dahil tumayo na rin ito, ngunit nang makahakbang na ‘ko ay bigla itong umupo sa inupoan ko kanina.

“Wait lang, mga 5 minutes hihi.” Nakangiting saad nito, wala na ‘kong nagawa pa at padabog na umupo sa inupoan n’ya kanina.

Habang nakaupo sa inupoan ni Krizha kanina’y hindi ko maiwasang kabahan, hindi ko kasi alam kung anong pwedeng gawin ni Krizha- Krizha is the type of girl that full of surprises, and i’m just really hoping na hindi n’ya malaman na ‘yung tinitingnan ko ay lalaki.

“Oh, do you like that man?” Tanong ni Krizha na nagpakaba sa’kin.

“No, sino bang lalaki tinutukoy mo? Sa pinto nga ako nakatingin.” Pagpapalusot ko, hoping na mauuto ko s’ya.

“Come on, girl. Sa’kin ka pa talaga magsisinungaling, eh kabisado na kita.” Saad nito, pero hindi na ‘ko umimik.

“Pero ikaw ha, i don't know that you have a very good taste at man- i mean, ang tagal na nating magkasama, pero ngayon lang ata kita nakitang titig na titig sa isang lalaki.......... You know, i think we should introduce ourselves to him.” Saad nito at tumayo, agad ko s’yang pinigilan at hinila palabas ng resto na dapat kanina ko pa ginawa.

Tawang-tawa s’ya pagkalabas namin, habang ako’y ‘di maipinta ang mukha- hindi ko alam kung magagalit ba ‘ko or what.

“Ang lt mo, nag jojoke lang naman ako tas ‘yung mukha mo napaka seryuso.” Saad nito at patuloy parin sa pagtawa.

Maya-maya pa’y pumara na ‘ko ng taxi at sumakay na, si Krizha naman ay agad na ring sumunod sa’kin.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan, hanggang sa magsalita na si Krizha.

“Uyy, galit ka ba?” Pagtatanong nito.

“Hindi ah.” Maikiling sagot ko.

“Pero seryuso, gusto kong malaman. May gusto ka ba ro’n sa lalaki?” Seryusong tanong nito.

“Siguro? I’m not really sure, naalala mo ba ‘yong lalaking na kwento ko sa’yo na palaging nasa panaginip ko?” Tanong ko.

“Oo, ‘yong lalaking na kwento mong palagi kang nakikipag sex sa panaginip mo?” Curious na tanong nito, hinarap ko muna s’ya, tsaka sumagot.

“Oo bessy, ‘yong lalaki kasing palaging nasa panaginip ko at ‘yong lalaking nakita natin kanina ay magkamukhang-magkamukha, that’s why hindi ko maiwasan na mapatingin sa kan’ya kanina.” Pagpapaliwanag ko.

“Kaya naman pala, now i know. Pero, alam mo ba proud ako sa’yo.” Nakangiting saad n’ya.

“Huh? For what?” Agad na tanong ko.

“Kanina kasing pinagmamasdan kita, i saw the way you looked at that man and i can say that you’re inlove..... for the first time.” Nakangiting saad n’ya at niyakap ako. “I’m super proud.” She whispered.

Hindi nagtagal ay finally, nakarating na rin kami sa bahay. Wala na ‘kong sinayang pang oras at agad nang bumaba at pumasok sa bahay, habang si Krizha ay nagbayad muna ng pamasahe sa taxi, tsaka sumunod sa’kin sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso ako kaagad sa cr para maligo, nanlalagkit na kasi ako, dahil hindi ako nakaligo kanina sa sobrang pagmamadali.

Ilang minuto lang ang tinagal ko sa pagligo, dahil madaliang ligo lang naman ang ginawa ko, dahil gabi na.

Pagkalabas ko ng cr ay nagulat na lang ako, dahil nasa higaan ko na si Krizha nakahiga, may dalang pagkain at laptop- well, i think alam ko na kung anong ginagawa ng babaeng ‘to rito.

Agad kong tinabihan si Krizha sa kama ko at tsaka na nag start na i play ‘yung movie na napili n’yang panuorin.

Pareho lang kaming tutok na tutok sa movie na pinapanuod namin ni Krizha at ni isa sa’min ay hindi umiimik, ng biglang magsalita si Krizha.

“I’m really proud to you, this is the very first time that i saw you inlove. There’s something different in your eyes, when i saw the way you looked at that man, and i can confidently say that you’re inlove. But, sadly.......... we both know that you can't, because of the girl. But, i want you to know that i will always love you bessy, and i won’t leave you. You don’t need a man, ok?” Mahabang litanya nito na kinangiti ko.

“You’re so dramatic, nukaba! Lalaki lang naman ‘yon, duh! You know, hayaan na natin ‘yon, i don’t even care to that man.” Saad ko.

Niyakap ako ni Krizha, kaya niyakap ko rin s’ya pabalik.

Maya-maya pa’y unti-unti na ‘kong inantok at tuloyan nang bumigay ang mata ko’t nakatulog na, hindi ko na rin natapos ang pinapanuod naming movie, dahil hindi na kinaya ng mata ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status