Share

I Love My Stepbrother
I Love My Stepbrother
Author: Ms_Abby03

Chapter 1: Stepfather

“Sophia, gumising kana. Malalate ka na.” Naramdaman kong may yumuyogyog sakin. Araw-araw si mama lagi ang alarm ko. May alarm naman ako ang kaso ang advance niya manggising sakin. Anong oras na kasi ako natapos sa pagrereview kagabi para sa exam mamaya. Hindi ko na lang pinansin si Mama at tinuloy muna ang pagtulog.

“Nak, anong oras na oh. Wag kang tatamad-tamad, Isabella.” Ngayon naman second name ko binanggit. Ano ba trip ni mama at dalawang pangalan ang binigay niya sakin?

“5 more minutes” inaantok na sabi ko. Makakatulog na sana ako ulit hanggang sa….

“SOPHIA ISABELLA SANCHEZ!”

“SUNOG!” Gulat akong napabangon dahil sa sigaw ni mama. Nakakaumay naman ‘tong si mama binuo pa talaga ang name ko. “Ma naman, ang aga aga pa eh.” Reklamo ko at inis na napakamot sa ulo ko.

“Wag mo kong maarte-arte dyan. Mas mabuti na ‘yung maaga ka kaysa sa late. Oh siya, bumangon ka na at kumain ka na dun sa kusina habang mainit pa ang mga niluto ko.” Naglakad na siya at lumabas sa room ko.

Napangiti ako sa wakas umalis na rin sila, 5 minutes lang hinihila talaga ako ng higaan ko eh. Hihiga na sana ako nang marinig ko ang sigaw niya mula sa kusina. “WAG MO NANG BALAKIN HUMIGA DYAN! MALIGO KA NA!”

“Opo!” Napakamot na lang ako at pumunta na sa banyo upang maligo. By the way, I am Sophia Isabella Sanchez at ang babae namang gumising sakin ay si Emma Sanchez, ang aking ina.

Kung tinatanong niyo saan ang tatay ko? Well, iniwan na niya kami ni mama at ipinagpalit sa ibang babae. Mga lalaki nga naman hindi makuntento sa isa at kailangan pa nilang maghanap ng iba.

Wala na akong tiwala sa mga lalaki na yan kaya hanggang ngayon NBSB pa rin ako. Ayos lang maging single, mas masarap sa pakiramdam na malaya ka at walang nagbabawal sayo saka iwas na rin sa stress.

Ayoko mangyari sakin ang nangyari kay mama. Kung sakin mangyari iyon baka mapatay ko iyong lalaki, joke! Never akong magpapauto sa mga lalaki na yan. Sa simula lang sila magaling.

Paano kaya nila naaatim mambabae at manloko sa kanilang asawa? Bakit pa nila papakasalan kung lolokohin lang naman nila?

Sa Pampanga kami nakatira noon pero dahil nambabae si papa ay umalis kami sa bahay na iyon at pumunta dito sa Laguna. Simula noon namuhay na kami ni mama ng kami lang dalawa.

Si mama lang ang nagtaguyod sakin kaya’t malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung wala siya hindi ako mabubuhay sa mundong ‘to. Mahirap lang kami at hindi hadlang yun para di ako makapag-aral. Nagtitinda lang si mama ng mga isda at gulay sa bayan. ‘Yan ang bumubuhay saming mag ina.

Natapos ko na ang routine ko, nakapaligo na ako at nakabihis na ng uniform. By the way, ang uniform namin ay purong puti. Syempre doctor ang tinake kong kurso.

Pumunta na ako sa kusina at nakita ko si mama na katatapos lang maglagay ng babaunin ko at nakapagbihis na rin siya upang magtinda sa bayan kaya walang natitirang tao dito sa bahay.

Umupo na ako upang makakain na rin. Dumaan sa ilong ko ang amoy ng tuyo, may ham rin at sinangag na kanin. “Nakapagreview ka ba nak?” bigla akong napatingin kay mama habang ngumunguya. Nilunok ko muna ang kinakain ko saka ako nagsalita. “Opo.”

“Goodluck! Alam kong kayang-kaya mo yan. Ang talino mo kaya, manang-mana ka sakin.” Natawa ako sa sinabi ni mama. Ganto ang ugali na gusto ko kay mama, supportive siya sakin. Lahat ng gusto ko ay sinusuportahan niya ako at sa ugali nila parang kaibigan mo lang dahil pang millennial pa kung kumilos at magsalita si mama.

Well, hindi naman masyadong matanda si mama, mahahalata mo pa rin ang kagandahan at kabatahan sa mukha nito. Para nga lang kaming magkapatid sabi ng iba kung wala lang mga ilang puting buhok si mama, mahahalata mo talagang bata pa ito para magkaroon ng anak kaya hindi ko alam kung bakit niloko pa siya ni papa.

“Tara na at isasarado ko itong bahay” natapos na akong kumain at nilagay lang sa lababo ang pinagkainan ko. Mamaya na huhugasan yan kapag nakauwi na si mama. Nagmamadali kasi si mama akala mo kasi malalate na ako. May 1 hour pa naman bago magsimula ang klase.

“Mamaya, umuwi ka ng maaga. May ipapakilala ako sayo.” Nakunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Sino naman ipapakilala niya sakin?

“Sino po?”

Ngumiti lang siya sakin at hindi na nagsalita pa. Owkay? Pasuspense pa.

Pagkarating ko sa campus ay nasa 6:20 pa lang. 7 pa klase namin kaya pupunta muna ako sa library at magrereview ako. Di ko natapos kagabi eh. Mas tahimik kasi sa library kaysa sa room kaya dito ang unang naisip kong puntahan.

Nang makapasok ako ay agad akong nag-sign doon sa logbook at agad na umupo sa bandang likod. Tumunog ang cellphone ko at binasa ang chat ni Nanna.

[“Asan ka bell?”]

Siya si Nanna Lee, ang bestfriend ko. Hindi siya purong Pilipino dahil may dugo siyang Koreana. Simula pagkabata ay kaibigan ko na ‘yan. Maganda, sexy, at mayaman. Sa aming dalawa siya ang mas bata kung mag-isip. Kung hindi ako papasok, hindi rin ‘yan papasok.

[“Hindi ako pumasok.”] sent.

[“Gaga ka! May exam tayo! Pero kaibigan kita di na rin ako papasok.”]

See? Natawa ako sa kanya, uto-uto rin pala ‘to eh.

[“Gaga ka rin! Anong akala mo papalampasin kong hindi makapag-exam? Nasa library ako.”] sent.

Nagreply pa siya sa sinabi ko pero di ko na pinansin pa. Sayang ang oras ng pagrereview. Matapos kong basahin handouts ko ay agad na akong pumunta sa room dahil 6:55 na.

Halos kasabayan ko lang si Ms. Santos pagpasok sa room ngunit nauna pa ako kasunod ko lang siya. Ang subject namin sa kanya ay biochemistry. May dala-dala itong test paper, malamang sa malamang ay iyon ang sasagutan naming exam. Ang kaninang magulo ay biglang nagsi-ayos nang makita nilang papasok si Ms. Santos.

Agad na kinausap ako ni Nanna nang makaupo ako. “Nakareview ka?” umiling ako at nagkukunwaring malungkot dahil di ako nakareview kahit gusto ko ng tumawa. “Di ako naniniwala sayong babaita ka. Lagi mong sinasabi sakin di ka nakareview pero lagi naman na mataas score mo, halos maperfect mo na nga eh.”

She rolled her eyes when I laugh at her. “Stock knowledge” maikling sagot ko. Nagsimula na siyang magreview sa notes niya.

“Okay class, put your notes, reviewers and cellphones in your bag then bring your bags at the back.” Agad na nagsi-ingay at nagreklamo ang mga classmates ko. Halatang di sila nagreview.

“Ma’am, 5 minutes review po”

Napailing na lang ako kay Nanna nagrequest pa ang gaga na 5 minutes review daw.

“No, it’s your responsibility as a student to review. Pinaalam ko naman na sa inyo na may exam tayo today di ba? Hindi naman ako nagpapasurprise exam sa inyo so it’s not my fault if you failed this exam.”

Natapos ang klase namin at puro discussion lang ginawa buong maghapon. Ngayon ay papauwi na kami. Naglalakad kami ni Nanna papuntang gate. Nagrereklamo siya hanggang ngayon dahil mababa na naman nakuha niya sa exam sa biochemistry.

“Ano ba sekreto mo bell? Bakit ang tali-talino mo?”

“Wala”

Napanguso siya sa sinabi ko. “Makinig ka kasi sa prof para di ka magkanda-ugaga sa pagrereview kapag dumating ang mga quizzes at exams.” Hindi ko alam sa babaeng ito kung bakit kinuha niya same course sakin, eh di naman siya mahilig sa science.

“Eh kasi naman nakakaantok kaya kapag nagdidiscuss sila.”

“Edi wag ka magreklamo if bagsak ka” sabi ko tapos ay sumakay na sa tricycle na nakaparada sa may waiting shed na katapat lang ng gate ng Campus. Siya naman ay hihintayin pa niya sundo niya. “Sama mo” napanguso pa siya at nagpaalam na sakin. Kailangan ko na kasing umuwi agad dahil may ipapakilala raw sakin si mama. Hanggang ngayon iniisip ko kung sino iyon.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko agad ang nakaparadang kotse sa tapat ng gate namin. Nagtaka ako kung sino siya kaya pumasok na ako sa loob at doon ay nakita ko siyang nakaupo sa may mini sala namin. Masayang nakikipagkwentuhan pa siya kay mama.

Nakabusiness suit siya at mukhang mamahalin ang relo niya. Matikas ang katawan at ang tindig nito ay karespe-respetong tao pero maamo naman ang mukha. I think nasa 40’s na ang edad katulad kay mama.

Sino siya? Infairness ah gwapo. Siguro mas gwapo to nung kabataan niya.

Agad na napalingon sila sa gawi ko nang maramdaman nila ang presence ko. “Sophia nak, halika ipapakilala kita.” Lumapit ako at umupo kaharap nila.

Inilagay ko muna bag ko sa isang upuan para makaupo ako ng maayos. “Nga pala, ito ang anak ko si Sophia Isabella.” Ngumiti sakin ang lalaki kaya napangiti na rin ako pabalik sa kanya. “Hi Sophia, nice to meet you.”

“Ah nak” napalingon ako kay mama. Mukhang naalangan pang sabihin sakin kung sino itong lalaking kaharap ko. Kaya tumingin pa siya sa lalaki at tumango naman ang lalaki kay mama. Mukhang sila lang nagkakaintindihan ah. “Si tito Donny mo.” Nagtaka ako sa pakilala sakin ni mama.

Tito ko siya? Bakit ngayon lang pinakilala ni mama? Akala ko nakilala ko na lahat mga tito ko saka siya lang ata ang tito kong mayaman ah saka gwapo, chariz. Pero napatigil ako sa paghinga dahil sa pagkagulat sa sinabi ng lalaki sakin.

“Your future stepdad.”

“ANO?!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rebecca Tamayao
npakagandang kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status