Share

Chapter 3: Meet The Stepbrother

SOPHIA’S POV.

Nakaimpaki na lahat ng gamit namin ni mama dahil kagabi pa namin inayos ang mga ito. Sabado ngayon at ngayong araw din kami lilipat sa bahay ni tito Donny. Hindi ako sigurado kung hindi niya lolokohin si mama. Wala akong tiwala sa mga lalaki pero para kay mama ay susuportahan ko siya kung saan siya masaya kagaya ng pagsuporta niya sakin.

“Sophia, tara na lumabas ka na dyan. Nasa labas na si tito Donny mo.”

“Mauna na po kayo, susunod na po ako.” Narinig ko ang paghakbang ni mama paalis at saka ako tumingin ulit sa salamin. Inayos ko muna ang suot kong itim na damit na pinares ko sa fitted jeans. Inayos ko rin ang buhok ko at pinusod ito.

Naglagay lang ako ng polbo sa mukha at lip gloss sa labi. Hindi naman ako pala-ayos saka, di rin ako mahilig sa mga make-ups like foundations or ka-ek-ekan sa mukha. Mas prefer ko kasi ang natural na beauty.

Pagkatapos ko mag-ayos ay kinuha ko na ang backpack ko kung nasaan ang mga gamit ko. Kaunti lang naman mga damit ko, nilalabhan ko agad para di ako nauubusan ng damit lalo ang uniform ko. Sayang pera kapag bibili pa ako ng mga damit, eh ayos na sakin gantong kadaming damit.

Lumabas na ako at nadatnan kong kinukuha ng driver ni tito Donny ang mga gamit namin ni mama para ilagay sa kotse. Ang kotseng nakita ko kahapon. Gaano ba siya kayaman?

“Wala ka na bang naiwan?” Umiling ako sa tanong ni mama sakin. “Wala na po.”

“Manong Troy, pakikuha ang bag ni Sophia. Palagay na lang sa backseat.” Utos ni Tito kay Manong driver kaya binigay ko kay Manong ang bag ko na dala-dala ko.

Lumabas na kami at sinarado ni mama ang pinto ng bahay. Pinagbuksan kami ni Manong Troy sa may backseat at sa passenger seat naman si Tito Donny.

Umalis na kami at ilang minuto lang daw ang itatagal bago kami makarating sa bahay nila. Malapit lang daw kasi bahay nila samin. Mas mabuti yun para di ako masyadong makalayo sa school ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na ang kotse na sinasakyan namin. Mukhang andito na kami. Tumingin ako sa bintana at nabigla ako sa laki at ganda ng bahay nila. Hindi na to bahay eh, mansyon na to.

Mukhang nakajackpot si mama, chariz. Hindi naman kami mukhang pera no.

Bumaba na kami sa kotse at mapapanganga ka talaga sa ganda ng mansyon. Marami ring kotse ang nakahilira dito sa may binabaan namin at may mga nakakalat na bodyguards sa labas ng bahay.

“Welcome home!” Masayang bati samin ni tito saka kami pinapasok. Pagpasok namin ay nakahilira ang mga maids at sabay-sabay ang pagbati nila samin kaya nginitian ko sila.

Nilibot ko ng tingin ang kinaroroonan namin, sa tingin ko nasa sala kami. Sala palang sobrang laki na paano pa kaya sa mga kwarto. Kompleto lahat ng gamit dito, may couch may salaming table at ang bintana sobrang taas mahahalata kasi sa kurtina na mataas ang pinakabitan.

Siguro kasya ang pang-barangay dito baka sobra pa sa barangay.

Pero ang pinaka-umagaw sa atensyon ko ay ang staircase nila. Yung style niya is pang palasyo talaga kung saan bababa ang prinsesa na sobrang haba ng gown. Palasyong-palasyo ang datingan.

Hindi na to bahay o mansyon, isa na tong palasyo dahil mukhang lahat ng gamit dito ay parang gawa sa ginto dahil halatang ang mamahal ng mga gamit, grabe.

Sobrang linis at sobrang kintab ng sahig kahit ang mga dingding na para bang nakakahiyang hawakan ng isang katulad kong mahirap lamang. Para silang kumikinang sa paningin ko sa sobrang linis at kahit alikabok nahihiyang dumapo.

Para akong nananaginip. Prinsesa na ba ako? Gaano ba sila kayaman? Kung dito pa lang pang palasyo na pano pa kaya sa iba nilang bahay – I mean mansyon.

“Manang Sally, please accompany them to their respective rooms.”

“Sige po sir.” Lumapit samin ang nangangalang Sally, isa sa mga maids dito pero siya lang ang pinakamatandang nakikita ko compared sa mga ibang maids na kasama niya. Siguro nasa 60’s na ang edad niya.

Siya ata ang mayor doma dito. Mukha naman siyang mabait di kagaya ng ibang mayor doma na masusungit akala mo sila ang boss. Saan ko nalaman ‘yan? Napapanood ko lang sa mga drama sa tv.

“Halika po kayo ma’am. Sunod po kayo sakin.” Iginaya na kami nito sa second-floor ng mansyon. Syempre aakyat kami sa hagdan na binaggit ko kanina habang ang dalawang bodyguards ay nakasunod samin, dala-dala ang mga gamit namin ni mama.

Mukhang mapapagod kami sa hagdan na to, ang haba tapos paikot pa.

Pagkarating namin sa second floor ay bumungad samin ang tatlong pinto ng kwarto. Isa sa gitna at magkatapat naman ang nasa gilid nito.

Ngunit sa may kaliwang pinto at gitnang pinto sa gitna ng dalawang pinto ay may hagdan papuntang third floor. Pero di naman gaanong kahaba katulad ng naunang hagdan.

Malawak naman dito kaya nasisiguro kong malawak din ang bawat kwarto dito.

Huminto kami sa dalawang pintong magkatapat. “Dito ang kwarto ni sir Magnus, ang nag-iisang anak ni sir Donny.” Tinuro ni Manang Sally ang nasa kaliwang pinto.

Halata nga kasi design pa lang ng pinto ay panglalaki talaga katulad ng nasa gitnang pinto. Pero ang kanan naman na pinto ay pang babae ang design nito.

“Dito po kayo ma’am-” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sumagot na sa kanya si mama.

“Emma na lang po Manang” Ngumiti ang matanda at itinuro kay mama ang gitnang pinto kung saan ang magiging kwarto nilang dalawa ni tito Donny.

Ibinigay ni Manang ang susi kay mama at pumasok na siya. Sumunod naman ang isang bodyguard na dala-dala ang gamit ni mama.

Bumaling naman sakin si Manang. “Sa iyo naman ang kwartong natitira Ineng.”

“Sophia po.”

“Manang Sally.” Ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako pabalik. Inabot niya sakin ang susi ng kwarto ko. Pagkabukas ko ng kwarto ay napanganga ako sa sobrang ganda at sobrang lawak.

Kulay violet at pink ito na may halong black na kulay sa ibang details. Sobrang ganda talaga para siyang high tech kung titignan sa kabuuan ng kwarto.

Mas malaki pa ata ‘to sa bahay namin. Nasa gitna ang Queen size bed at gilid nito ang mini cabinet kung saan nakapatong ang lampshade at alarm clock. Kabila naman nito ang study table at may bintana na natatabunan ng pink na kurtina.

“Andito lahat ng kakailanganin mo, kung may kakailangan ka pwedi mo kaming tawagin sa pamamagitan nito.” Itinuro niya sakin ang isang maliit na touch screen na nakadikit sa gilid ng kama sa may uluhan katabi ng lampshade.

Ang galing. High tech na ang mga gamit dito, grabe.

Nagpaalam na siya sakin na aalis na dahil tutulong pa daw siya sa paghahanda ng makakain sa kusina kaya nagpasalamat na ako sa kanya.

Nilibot ko ang tingin ko at may dalawang pinto akong nakita malapit sa may study table. Binuksan ko ang unang pinto at ito pala ay closet room.

Wow! Sobrang dami ng damit, dress, heels, sandals at sapatos. Para akong nagbebenta sa mall sa sobrang dami at gaganda. Sana pala di na ako nagdala ng damit. May nakita akong isang pintuan sa loob nito at ito ay ang cr. Kumpleto rin and nasa loob may bathtub, may lababo kasama ang malaking salamit sa harap, shower, toilet at dressing area.

Lumabas na ako sa closet room at tinignan ang isa pang pinto. Napanganga ako ng sobra nang malaman kung anong laman nito, mga computers! Para siyang gaming room. Kumpleto lahat ng gamit, OMG! Ang gaganda lalo na at kulay pink at black ang nakikita kung kulay dito sa loob pati ang gaming chair. Kung sa gamers panigurado ito ang dream room nila.

Nang makuntento ako sa view ng kwarto ko ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko at inilagay ito sa closet saka nahiga sa kama. Humikab ako at nakatulog.

Nagising akong kinakatok ni Manang Sally ang pinto dahil kakain na daw. Bumaba na ako at nakita si tito at mama na nakaupo na. Naupo ako sa tabi ni tito at katapat ko naman si mama.

Ang daming pagkain, mauubos pa kaya namin ‘to? Wala namang piyesta or birthday para sa gantong kasarap at kadaming ihanda.

“Nasan pala ang anak mo?” biglang tanong ni mama kaya napatingin ako sa kanila. Oo nga pala, di ba may anak siya? Sabi pa ni tito mas matanda ito sakin ng tatlong taon. Nasaan yun?

“Nasa company, may inaayos daw na files at baka late na daw siya makauwi.” Napatango naman si Mama at nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos kong kumain ay sasamahan ko sana ang mga maids sa paghuhugas ng pinggan pero sabi nila, sila na daw gagawa dahil trabaho nila yun kaya wala akong nagawa at pumunta na lang sa garden. Sa gitna nito ay may fountain at maraming bulaklak. Nakita ko ang isang bench na andun at umupo ako doon.

Binuksan ko ang cellphone ko at naghanap ng kanta. Iidlip muna ako dahil bitin ang tulog ko kanina.

“Who the hell are you?” Bigla akong nagising sa lalaking nagsalita. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago siya tignan. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito habang nakatitig sakin. Gwapo siya ang kaso lang mukhang masungit. Bumagay sa kanya ang itim na buhok nito at brownish na mga mata. May matangos na ilong at mahahabang pilik-mata. Pero sino siya?

“Sino ka?” Ngunit wrong move ata na nagtanong pa ako. Nakakatakot siya parang nangangain ng tao, geez. “Don’t answer my question in a question.” Ma-awtoridad na kanyang sinabi.

“I am Sophia Isabe-”

“Are you one of the maids? You’re not allowed here.” Tignan mo to, nagsasalita pa ang tao tapos magtatanong ulit. At ano daw sabi? Maids? Siguro ito yung anak ni tito Donny. Tsk! Magkaiba ang ugali nilang dalawa.

“Hindi po-” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumabat si tito na nandito na pala ng hindi namin namamalayan.

“She's your stepsister.”

“WHAT?!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status