Share

Chapter 6: The Dress

Hindi ito ang unang beses na nagkita kami na ganun ang awra niya. Galit na galit siyang pumunta sa kinaroroonan namin.

Ang matangos na ilong niya na umuusok na sa galit at ang magaganda niyang mga mata. Ang suot niyang business suit na mas lalong bumagay sa awra at itsura niya.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko nasa Manila siya para asikasuhin ang business nila? Bakit siya andito ngayon? Kailan pa siya umuwi? Wait! Bakit ba ako nagtatanong? Eh wala naman akong pakialam sa aroganteng lalaking 'to.

"Hi babe!" Lumapit sa kanya ang babaeng kaagaw ko kanina sa dress na ngayon ay nakapulupot na ang mga kamay sa braso ni Magnus na akala mo'y linta.

Teka ano sabi niya, babe? So girlfriend niya 'yang clown na 'yan. Pigil ang pagtawa ko. Pfft! Bagay sila, isang aroganteng lalaki at isang clown na babaeng feelingera.

"Thank you babe for being here. That girl, she don't want to give me that dress." Nakapout pa na sabi ni Blair the clown kay Magnus.

Tumingin sakin si Magnus nang ituro ako ni Blair kaya seryoso akong nakipagtitigan rin. Nawala na ang galit sa mukha ni Magnus pero nakikita ko pa rin ang awrang pagiging bossy nito na hindi mo basta-basta kinakalaban dahil sa taas na posisyon na mayroon ito.

Habang nakikipagtitigan kami sa isa't isa, may kung anong naramdaman akong kakaiba na para bang nag-slow motion ang lahat o sadyang nakafocus lang ako sa kanya.

Umiwas na ako ng tingin dahil nakakailang na rin. Ibibigay ko na lang ito sa girlfriend niya baka may masabi na naman siya at mag-away na naman kami.

"Oh ito! Sa inyo na!" Pagkabigay ko sa kanila ang dress ay umalis na ako 'dun at lumabas. Bumuntong-hininga na lang ako sa intense kanina na naramdaman ko. Dito ko na lang hihintayin si Nanna sa labas.

"Oh bell, why are you here? Kanina pa kita hinahanap sa loob hindi kita makita." Nakabusangot na sabi ni Nanna paglabas niya habang bitbit ang mga paper bag na naglalaman ng mga dress. Sayang 'yung kaisa-isang dress na nagustuhan ko, hindi ko nabili dahil sa dalawang bwiset na 'yun.

"Bakit ganyan mukha mo halos hindi maiguhit?" Umiling lang ako sa tanong niya. "Wala nabagot lang ako sa loob."

Lumabas na kami at pumunta sa parking lot. Nang makita namin ang kotse nila ay sumakay na kami. "Kuya, punta muna tayo sa ice cream shop. Mukhang badmood si bell eh."

"Sige po, ma'am."

Ice cream! Lumiwanag ang mukha ko nang marinig ko ang ice cream. Alam na alam talaga ni Nanna ang nagpapagaan sa loob ko. Kapag kasi kumakain ako ng ice cream nalilimutan ko lahat ng problema ko. Para bang gumagaan ang lahat.

Huminto na kami sa isang ice cream shop na malapit lang sa mall na pinagbilhan namin ng dress. Lumabas kaming dalawa ni Nanna para bumili. May iba't ibang flavor dito at syempre ang pipiliin ko ay ang cookies and cream. Ito ang pinakapaborito kong flavor. Si Nanna naman ang binili niya para sa kanya ay chocolate flavor.

"Oh ano, satisfied ka na?" Tumango ako. Having this kind of bestfriend, I am satisfied kahit kaisa-isa lang niya okay lang sakin kaysa naman sa marami di ba na maraming hindi totoo sayo. Kumbaga ginagamit ka lang para sa sarili nila. Kung may kailangan sila, sayo lalapit kapag ikaw naman ang nangailangan, wala kang malapitan. Andyan lang sila sayo kapag sa kasiyahan pero sa pagdurusa at kalungkutan wala sila. Para bang nag-iisa ka.

Inubos na namin ang kinain namin saka kami pumasok sa kotse. Syempre binilhan rin namin ang driver nila Nanna nakakahiya kung hindi di ba?

Tinignan ko ang oras, alas kwatro na pala. "Ihahatid ka na namin sa inyo bell, para alam ko kung saan ako tatambay hahaha." Natawa na lang ako sa kanya. "Ikaw bahala pero hindi samin ang bahay na iyon kaya ipapaalam ko muna kapag pupunta ka."

"Yan ang gusto ko sayo eh, saka gusto ko makita iyong sinasabi mong stepbrother mo." Napailing na lang ako sa kanya. Ano bang nagustuhan niya sa mokong na 'yun at gustong-gusto niya makita? Kung ako sa kanya ayoko siyang makita.

Sinabi ko sa driver nila Nanna ang daan patungo sa mansyon. Nang makarating kami ay nakita kong napanganga at napatulala si Nanna sa nakikita niya. Alam ko ganyan rin ang reaction ko noong unang kita ko 'tong mansyon.

"O! M! G! KA GIRL! Bahay pa ba 'to? Di mo naman nasabi sakin na sa isang palasyo ka nakatira na ngayon." Yugyog sakin ni Nanna sa loob ng kotse niya. Di pa kami lumalabas nakasilip lang siya sa bintana ng sasakyan. At mula dito sa pwesto namin ay kitang-kita ang mansyon nila tito.

"Teka! Teka! Teka! Nahihilo ako sa ginagawa mo!" Nahihilo ako sa ginagawa niyang pagyugyog sakin, minsan sinasabunutan pa ako ng gaga.

"Bakit di mo kasi nasabi? OMG! Ang yaman mo na ngayon! Mas mayaman pa sakin! Kung sa amin mansyon sa inyo palasyo! " Nagniningning ang mga mata habang nakatitig sa labas saka niyugyog ulit ako. Kanina pa ako nahihilo sa ginagawa niya sakin kaya naaasar na ako.

"Nanna!" Masama na ang paraan ng tingin ko sa kanya kaya tumigil siya at nagpeace sign saka nagsorry. Lumabas na ako ng sasakyan at isinarado ito. Hindi na rin lumabas si Nanna para pumasok sa loob ng mansyon dahil may gagawin pa daw siya saka na lang daw siya pupunta dito kahit na gustong-gusto niya daw pumasok ngayon kaya't nagpaalam na kami sa isa't isa. Hinintay ko pa na mawala sa paningin ko ang sasakyan nila bago ako pumasok sa gate.

"Good evening ma'am." Bati sakin ng guard na si Kuya Dong. Halos lahat ng mga nandito sa bahay ay kilala ko na. Ang mga maids na sina Cecelia, Iyang, Ate Doria at si Manang Sally. Iba ang bodyguards sa guards ng bahay. Ang mga bodyguards ay mga kasama mo kahit saan ka magpunta samanatalang ang guard naman kagaya ni Kuya Dong ay sa bahay lang. Nasa gate msimo siya nakatambay. Meron namang guard house sa malapit sa gate at doon siya namamalagi.

Dalawa ang guard dito sa bahay salitan lang sila. Si Kuya Dong sa buong gabi at si Kuya Kristian naman sa umaga at hapon ng 4pm kaya si Kuya Dong na ang naabutan ko kasi 4:30 na.

"Good evening din Kuya Dong. Andito na po ba sila mama?"

Umiling siya. "Wala pa sila." Napatango naman ako sa sinabi niya at nagpaalam na ako na papasok na ako sa loob.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at saktong-sakto ata pagdating ko dahil katatapos lang maghanda ng pananghalian sina Ate Doria. Amoy na amoy ko ang adobong niluto nila. "Oh andyan ka na pala Iha. Halika na rito para makakain kana." Nakita ako ni Manang Sally na dumaan kaya tinawag niya ako.

"Magpapalit muna po ako medyo nanlalagkit po ako eh." Pumayag naman sila kaya pumunta muna ako sa kwarto ko para makapagbihis. Pagbukas ko ng pinto ay may nakita ako sa kama ko na paper bag na nakapatong.

Sino naman ang mag-iiwan ng paper bag dito? Baka si mama, wala na kasi siya kaninang umaga bago ako pumasok dahil may date daw sila ni tito kaya hinayaan ko muna. So, baka binigyan niya ako ng pasalubong.

Binuksan ko ang paper bag at laking gulat ko sa nakita ko. Ito yung dress kanina sa mall na nakaagaw sa atensyon ko. Pinag-aagawan pa namin nagngangalang Blair ang dress na 'to. Pero paano ito napunta dito? Ang pagkakaalala ko binigay ko na 'to sa kanila. Ayaw ba ni Blair ang dress na 'to kaya binigay na lang sakin? Pero imposible kasi halata naman sa ugali ng Blair na yun na hindi basta-basta ibibigay ang dress na 'to. Si Magnus ba ang naglagay dito? Pero bakit?

Pagkahugot ko ng dress ay may nakita akong nahulog na papel. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.

'This is what you wear to the party and don't assume that we're okay because I give it to you. I just obey my dad's command.' -Magnus

Party? What party? Wala naman sinasabi sakin sila mama about this or kahit si tito. May magaganap bang party?

Itatapon ko na sana ang paper bag na pinaglagyan ng dress nang may mapansin akong isang invitation na black and silver ang design. Kaya pala di ko napansin kanina dahil sa kulay nito. Buti na lang talaga matalas ang paningin ko.

"Engagement Party?" Party nila mama, ang bilis naman. Buti pumayag na si Magnus na magpakasal ang daddy niya sa mama ko. Binilhan pa ako ng dress na dapat ay sa gf niya. Ahyy oo nga pala, inutusan lang siya ng daddy niya. Bakit ko nakalimutan agad?

Nabasa ko sa invitation na gaganapin ito sa saturday. This week lang, kaya pala andito si Magnusungot!

Nagpalit na ako ng damit pangbahay at bumaba na para pumunta sa kusina. Nakita ko si Magnus na kumakain na.

Umupo na ako at nagsimulang kumain pero di ako makakain ng maayos dahil feeling ko nakatingin sakin ang kaharap ko. "Manang, Iyang, Cecelia at Ate Doria samahan niyo na po kami kumain." Tawag ko sa kanila pero umiling sila.

"Naku iha, busog pa kami. Mamaya pa kami kakain pagkatapos ninyo ni sir." Napanguso na lang ako sa kanila at hindi na sila pinilit. Tumingin ako sa kaharap ko. Nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya bigla siyang umiwas ng tingin sakin. Problema niya? tsk!

Ms_Abby03

Hello! This is my first book/story, sana suportahan niyo po ako at samahan ako hanggang matapos ang story ko. Maganda po ito, lalo na sa malalaman nilang katutuhanan tungkol sa kanilang mga magulang. Asahan niyo po na mag-aupdate ako araw-araw. Thank you for reading!

| 2
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Tita Salazar
nice story po umpisa lang
goodnovel comment avatar
Xian Jan Tumaroy
Nice story ma'am ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status