Share

Chapter 5: The Clown Bitch

Kinabukasan ay hindi ko na nakita si Magnus pagkatapos noong sagutan namin kahapon. Simula noon, hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ni tito samin na si Magnus ang nag-aasikaso ng company nila at nasa Manila ito. Kaya't wala siya dito sa mansyon. Madalang lang daw umuwi dito si Magnus.

Mas mabuti na 'yung wala siya dito, ayokong makita ang pagmumukha ng mokong na 'yun. Nakakaasar siya akala mo kasi kung sino porket mayaman siya, akala niya madadala na niya lahat sa pera.

"Uyy! Bell, ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako kay Nanna. Iniharap niya sakin ang upuang nasa harap ko saka siya umupo. Hindi ko pala alam na kanina pa pala ako natulala at hindi ko napansin ang pagdating ng babaitang ito kung 'di lang ito nagsalita ay hindi ko siya mapapansin.

Lunes kasi ngayon at nasa room kami. Hinihintay lang namin ang susunod na magtuturo samin.

"Ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala eh." Umiling lang ako lang sa sinabi niya. "Wala."

"Balita ko magpapakasal daw ulit nanay mo? Dahil ba 'dun?" Tignan mo nga naman ang balita kung saan-saan nakakarating. Di ko pa nga nasasabi sa kanya pero nakarating na agad.

"Wait, teka nga. Saan mo naman nakuha yung balita na 'yan?" Napakamot naman siya sa batok niya dahil sa tanong ko.

"Narinig ko lang sa kapitbhay namin na kausap ni mama, hehe. So, ano nga?"

"Wala, kumukulo lang dugo ko sa anak nung magiging stepfather ko. Ang sama ng ugali, ang yabang! Di ko ata siya matatagalan." Nanggigil na sabi ko. Kapag naaalala ko talaga ang ginawa niya, kumukulo dugo ko.

"Bakit ano ba ginawa niya?"

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari nung sabado. Kahit siya ay naasar sa ginawa ng mokong na 'yun pero nang idescribe ko ang itsura ng mokong na 'yun, ayun bigla na lang nawala galit niya 'dun sa bwiset na 'yun. Kung ako siya, ma-ooffend ako.

Aaminin ko, oo nakakaattract siya noong una ko siyang nakita pero nang malaman ko ugali niya bigla akong na-offend. Nakakaattract naman kasi talaga siya, kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. Pero para sakin mas mahalaga ang ugali ng isang tao kaysa sa panlabas na anyo.

Natapos lang ang kwentuhan namin ni Nanna nang dumating na ang prof. namin. Nagdiscuss lang sila kahit ang mga sumunod na klase namin, ganun lang rin ginawa kaya si Nanna as usual nakakatulog na naman at hindi nakikinig sa klase tapos magrereklamo kung bakit mababa nakukuha niya sa exams at quizzes.

Ilang beses ko siyang siniko kanina para magising pero waley pa rin ang gaga. Kaya nang mag-lunch time na niyugyog ko na.

"Na! Gising maglunch na tayo." Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata at humikab. Nag-inat siya ng katawan at tumayo na rin.

"Sarap ng tulog ah?" Pang-aasar ko sa kanya. "Kanina pa kita sinisiko para magising at makinig ka sa klase pero himbing ng tulog mo." Nag-aayos naman siya ng mga gamit niya at inilalagay sa loob ng bag.

"Nakakaantok talaga sila magturo, nakakabagot."

"Kaya ka bumabagsak eh, tara na nga. Gutom na ako." Lumabas na kami sa room at nagsimula ng maglakad papuntang canteen.

Nang makarating kami ay naghanap na agad ako ng available na table and as usual si Nanna na ang nag-oorder ng pagkain namin. Habang naghihintay ako sa kanya ay bigla na lang lumapag na tray sa harapan ko. Akala ko si Nanna na pero hindi pala siya.

"Hello, pweding makitable?" Umangat ang tingin ko papunta sa lalaking kaharap ko. Matangkad siya at bumagay sa kanya ang kulay itim niyang buhok na umaabot hanggang mata niya. Naka-uniform siya ng pang-chef. Cute! Parang koreano lang peg ang itsura niya. Koreanong chef.

"Sure." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako sa kanya. Hinila na niya ang upuan saka siya umupo. Pagkaupo niya ay saka naman dumating si Nanna.

"Uyy, hi cutiee! Nawala lang ako saglit may nabingwit ka ng pogi, ikaw bell ha." Natawa kami sa sinabi ni Nanna. Grabe talaga bunganga ng babaitang to. Di na nahiya.

"You're funny, by the way I am Ethan Rodriguez." Nilahad niya kamay niya sakin kaya tinanggap ko. "Sophia and she is Nanna, my bestfriend."

"Hi, Ethan."

Pagkatapos niyang makipagkamay sakin ay sumunod naman si Nanna. "Nice to mee the two of you." Sabi niya saka ngumiti.

Pagkatapos namin makipagkilala dito kay Ethan ay kumain na kami. Syempre hindi mawawala ng kwentuhan habang kumakain. Pero 'di ako madalas magsalita 'pag kumakain kaya halos lahat nagsasalita para sakin ay si Nanna. Silang dalawa lang nag-uusap at minsan lang ako sumali sa kanilang dalawa.

Si Nanna lang kasi mas madaldal saming dalawa. Saka 'di ko hilig ang magsalita nang magsalita habang kumakain.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Ethan para bumalik na siya sa room nila. Habang kami naman ni Nanna ay pumunta na rin sa room namin.

Natapos ang hapon ng walang klase. May meeting daw kasi lahat ng prof. ng 1pm hanggang 5pm kaya umuwi na kami ng maaga. Syempre ang mga classmates ko naghiyawan akala mo hindi sila college at ang ugali parang high school pa.

Maaga na kaming umuwi. As usual sabay kami naglalakad ni Nanna papuntang labasan. "Ang aga pa para umuwi tayo. You want magshopping tayo?" Masigla niyang tanong sakin pero umiling lang ako. "Wala akong pera." Napanguso pa siya sa sinabi ko.

"Libre ko naman eh, saka mayaman ka na ngayon."

"Hindi ko pera yun, pera nila. Ayokong humingi or gumastos ng pera nila. Saka ayokong patunayan sa kanila na mukhang pera kami lalo na 'yung Magnus na 'yun." Naalala ko na naman ang lalaking 'yun. Ayokong maging pabigat sa kanila kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi ako manghingi ng pera sa kanila. Kapag nagkataon magkakaroon pa ako ng utang na loob sa pamilya ng mokong na 'yun.

Ayoko lang na ipamukha niya sakin na mukha talaga kaming pera at habol lang namin ang pera nila. Kaya ko buhayin sarili ko at makapagtapos. Katulad ng ginagawa ko pag walang pasok naghahanap ako ng part time job para lang maiambag ako kay mama kahit papaano. Pero nang lumipat kami ng bahay ay pinagquit nila ako sa partime na ginagawa ko.

Di ko kayang maging pabigat sa kanila lalo na't hindi ko nakakasundo ang anak ni tito. Masyadong matapobre. "Bell! Okay ka lang? Naalala mo na naman siguro 'yung stepbrother mo no?" Napatingin ako sa kanya at umiling. "Don't worry about that bell, wag mo na isipin 'yun. Basta ngayon samahan mo ko magshopping. Hindi ako papayag na 'di ka sasama sakin." Hinila na niya ako papasok sa kotse nila.

Nandito na pala ang sundo niya, masyado ata akong lutang kaya pati sa paligid ko hindi ko alam ang nangyayari.

"Kuya, sa Metro Central Mall po tayo."

"Yes, ma'am."

"Yiehh! I'm so excited!" Yumakap sa braso ko si Nanna halatang excited siya. Para siyang bata talaga na sa isang candy lang ang kaligayan niya. "Para ka namang hindi nakapagmall sa tanang ng buhay mo." Lumayo siya sakin at saka hinampas ng mahina ang braso ko.

"You don't know?!"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong hindi ko alam?

"Sabagay, hindi ka mahilig magshopping kaya hindi ka updated. Ngayon kasi ang mga bagong dating ng mga magagandang klase ng damit." Ayun lang pala. Akala ko kung ano. Well, mahilig naman siya sa fashion kaya sobrang hilig niya sa mga damit. Pero bakit hindi na lang 'yun ang kinuha niyang course ang maging fashion designer? Kapag tinatanong ko siya about 'dun hindi naman siya umiimik.

Siguro mabigat ang dahilan niya kaya same kami ng course kinuha niya. Ayoko naman siyang pilitin tungkol doon dahil nahahalata ko naman na hindi siya komportable na pag-usapan iyon kaya pinagsawalang bahala ko na. Sasabihin 'din niya sakin iyan sa tamang panahon. Hindi lang siguro siya handa na sabihin sakin kung ano man ang dahilan niya. Pero maghihintay ako hanggang masabi na niya sakin lahat.

Mahirap kasi kapag kinikimkim mo lang problema mo. Baka iyan pa ang ikamatay mo dahil sa depression. Pero naiintindihan ko naman siya kung hindi niya masabi. Alam kong alam niya na andito lang para sa kanya.

"We're here, let's go bell!" Excited siyang lumabas sa kotse kaya lumabas na rin ako. Hinila na niya ako papasok ng mall at pumunta kami sa may bilihan ng mga dress. Tumingin-tingin na si Nanna ng mga dress na gusto niya at nang makuha lahat ng nagustuhan niya ay agad na nagpaalam ito sakin para isukat sa dressing room ang mga nabili niya.

Habang nagtitingin ako dito ay may nakaagaw sa paningin ko na dress. Isa itong kulay itim na dress na sobrang ganda ng design. May belt itong maladyamante na nakapalibot dito. Simple lang siya kung titignan pero elegante at komportable pa isuot dahil hindi siya reaveling. Ang marereveal lang siguro ay ang hugis ng katawan mo.

Nang mahawakan ko ito ay may nakasunod pang kamay na humawak rin sa dress na iyon. Tumaas ang kilay ng babaeng sopistikada nang tumingin ako sa kanya. "This is mine." What? Halatang-halata naman na sa kamay kung sino naka-unang nakahawak sa dress.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "You're crazy" natatawa ko pang banggit sa kanya. "What?!" Bigla namang nalukot ang mukha niya na ikinatawa ko. Ang panget niya mukha siyang galit na clown. "You called me crazy, you bitch!"

"Eh nakikita mo naman, hindi ba? Kung sino ang nauna dito sa dress." But she just rolled her eyes of what I say. "I don't care kung ikaw ang nauna. If I said this is mine, this is mine. And I think based on your looks, it's looks like you can't afford this kind of dress." Tumaas ang kilay ko nang tumaas baba ang tingin niya sakin mula ulo hanggang paa. Judgemental ang isang 'to ah. Eh mukha namang clown sa kapal ng make up niya.

"Blair!"

Napalingon kami sa sumigaw. Ang awra nitong nakakatakot na nakita ko na noong unang pagkikita namin. Bakit andito siya? Bakit kilala niya ang babaeng nasa harap ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status