Share

Kabanata 3

"ANO BA kasi ang dahilan kung bakit nag-aaway na naman kayong mag-asawa?"

It was Dwennington Rivera. Ang ama ng amo niya na isang highest payable lawyer dahil sa taglay nitong galing para ipaglaban ang mga kliyente. Nabungaran kasi sila nito na megaphone nalang yata ang kulang para i-public service ang rason kung bakit nagkarambulan na naman sila.

"Hindi ko siya asawa!"

"Hindi ko siya asawa," sabay na bwelta nilang dalawa. Kaya matalim siyang tiningnan ni Dwight habang hawak ang paboritong tuxedo nito na kinain ng plantsa kanina. "Tingnan mo naman ito dad? Ano nalang ang isusuot ko sa opisina nito? E di'ba ay makikipag-meet up ako sa mga BOD ng kompanya sa susunod na linggo?"

"Yes son." Pero kapansin-pansin ang ngiti nito na mukhang may sinabing nakakatuwa ang dakilang amo niya.

Her boss's father was very kind to her, too. Pero kailanman ay hindi niya kayang makipagsagutan rito. Dahil hindi din naman kasi sumama ang kanyang loob rito kahit isang beses.

Nang bumaling ito sa kanya. "Pasensya ka na sa anak ko, Chel. Nagbibinata yata..."

"Daddy! Ako ba ang anak mo o ang Chel na 'yan?"

Pero hindi nito pinansin ang anak.

"How are you today with him?" Now that her boss's father ask her. Inirapan niya ang amo na pinandilatan rin siya ng mata. Bago niya binalingan ang ama nito. "Perwisyo sir Dwennington. Alam mo iyang anak mo? Ginupit ang buhok ko—"

"But you look good though. Ikaw ba ang personal na nagpahighlights niyang buhok mo? Aba! Bumagay sayo—"

"Siya 'yon sir." Tinuro niya si Dwight na nagpang-abot ang kilay at nakapuyos na ang mga braso.

"Ang anak ko ang?"

"Nag-request na ipa-highlights sa parlorista itong buhok ko."

"Ohhh!" Umikot ito para harapin ang anak. "You picked the right style for her son. Mas lalo siyang nag-shine brighter di'ba?"

"Huwag mong mapuri-puri ang babaeng iyan daddy. Dahil mas lalong lalaki ang ulo niyan para sagot-sagutin ako."

"Baka kasi ay napasobra na iyang kasungitan mo kaya hindi na makayanan ni Chel iyang bibig mo. You know you should tone down your voice and pride sometimes. Lalaki ka kaya ikaw dapat ang magparaya." Ngiting tagumpay siyang bumaling sa binata. Dahil malinaw sa kanya na sa side niya pumapanig ang ama nito.

Well. This is not the very first time that sir Dwennington defended her. Lahat ng panahon yata na magkaaway sila ng amo at eksaktong napabisita ito sa hindi inaasahang pagkakataon ay siya talaga ang kakampihan nito.

"Ako naman talaga palagi dad eh," bago ito naglakad at tinungo ang hagdanan pataas.

"Where are you going son?"

"Maghahanap ng matinong mga kausap. Mukhang magkasabwat na naman yata kasi kayong dalawa."

Tuluyan na nga itong nawala sa paningin nila.

"Ganyan ba palagi ang anak ko na 'yan Chel?"

"Hindi po." Seryosong sagot niya rito kaya inangat nito ang tingin sa kanya habang sumisimsim ng tsaa na bigay niya rito. Ayaw kasi nito sa iba't-ibang uri ng flavor ng juices.

"Mabait siya sa'yo ganoon?"

Lihim siyang umirap. "Hindi din po," kaya nakataas na ang kilay ng kaharap nang muling sinulyapan niya ito. "ano kasi iyang anak mo sir Dwen eh. Minsan naman talaga ay mabait siya. Minsan rin ay kumukulo ang dugo ko sa kanya...at ang minsan na 'yon ay napapadalas na yata."

Umangat ang sulok ng labi nito bago inilapag ang baso ng tsaa sa center table. Hindi niya tuloy alam kung na-amazed ba ito sa mga sagot niya o siya talaga ang tinatawanan nito.

"Ikaw na ang umunawa sa anak ko na 'yan Chel. Resulta siguro iyan sa hindi pagkakaroon ng girlfriend. Alam mo na. Dwight becames the most favorable player in the Blue Warrior noong hindi pa siya nag-resign. Hindi ko sinabi na hindi silang lahat magagaling at kahanga-hanga...isa na kasi siya sa naging inaabangan kahit left out na siya sa grupo." Isinandal nito ang likuran sa sofa at malayang nanalamin sa nakaraan habang nakaangat ang mukha sa kanya. "My son was very dependent. Alam mo na iyan dahil matagal ka na rito sa kanya. Wala ka bang napapansing mga babae na nakaka-date niya or even night outs late at night?"

"Wala sir eh," dahil totoo naman talaga. Minsan nga ay napaisip siya kung nagbabalat-kayo lang ba ang amo niya dahil natatakot husgahan ng mga taumbayan.

"Kailan kaya siya magkakaroon ng babae sa buhay?" Pinakatitigan siya nito kaya naging uneasy si Chel sa kinauupuan. Saka ito umiling-iling na parang may naisip na hindi magandang ideya. Bago ito tumayo na.

"Pupunta pa pala ako sa firm dahil may bagong kliyente na naman. It's nice to have some talks with you. Ikaw nalang ang magsabi kay Dwight na nakaalis na ako."

Tumango siya kaya nang makaalis na ito ay napabuntong-hininga si Chel bago tinungo ang kwarto ni Dwight dahil baka naglaslas na iyon sa loob.

"Sir Dwight? Buhay ka pa ba?" She was trying to mock him a joke. Pero never siyang pinagbuksan nito.

"Hoy Dwight? Nakaalis na si sir Dwen!"

Nang may naisip siyang karumal-dumal na baka ginawa nito sa loob. "OMG! Nagbigti na ba siya?" And because she was too preoccupied na maaaring kathang-isip lamang niya iyon.

Halos hikahos siyang binuksan ang pinto na sa katangahan niya ay hindi pala naka-lock. Kaya nagtatakbo siyang tumungo sa loob nang mabangga ang katawan niya sa matigas na bagay. Naging sanhi pa iyon kung bakit napaupo siya sahig.

"...bulag ka ba Chel?"

Nang makita na topless ang amo. Literal na umurong ang dila ni Chel. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.

He then snapped out his fingers at her.

"Hoy! Bulag na nga, bingi pa...lumabas ka nga!"

"H-ha? Ahh...Oo! Oo," doon lang yata siya nahimasmasan. Kaya mabilis siyang tumayo para lalabas sana pero malas talaga siya ngayong araw dahil natisod pa ang paa niya.

"Araaay!" Kagat niya ang labi ng namilipit iyon sa sakit dahil mukhang na-twist yata ang boto ng kanyang paa.

"Alam mo Chel. Gusto talaga kitang pukpokin ngayon eh. Ang angas-angas mong balian ng boto ang customer sa foods and Cafe pero...ikaw lang rin pala ang maglalagay sa sarili mo sa kapahamakan dahil sa katangahan." Pero napasigaw siya nang sinubukan nitong pigain iyon.

"Tiisin mo. Bulag at bingi na nga lampa pa."

"...a-alam mo sir Dwight, kung ayaw mong tumulong. Huwag ka ng mag-aksaya pa ng oras. Kaya ko naman ang sarili ko eh." Nang sinubukan niyang bawiin ang paa ay kinuha muli iyon ng binata. Nakaupo na siya ngayon sa kama nito. And despite the fact that he is topless. Nakasilay na rin siya sa packaging bread ng amo na namumukod tanging napintas ng makasalanan niyang mga mata.

Masyadong pinagpala ang loko.

"Araaay!"

"Sinabing tiisin mo eh. Na-dislocate lang yata 'to. Kaunting hilot at masahe lang. Mababalik na ito sa pwesto." Saka nito inangat ang tingin sa kanya at huling-huli ni Dwight kung paano tumama ang mga mata niya sa tiyan nito.

"Ang mga mata mo kung saan-saan na napunta Chel."

"Hindi ah!" Sabay iwas niya ng tingin. "Walang nakaka-attract sa'yo sir. Para malaman mo. Nagpi-feeling ka yata eh,"

"Hindi naman ako bulag na kagaya mo. Action speaks louder than words ika nga," Saka ito tumayo. "Sir Dwight saan ka pupunta?"

Lumabas kasi ito sa kwarto at hindi man lang nag-abalang sagutin siya. Bumalik ito na may bitbit ng cold compresor at basta nalang itinapat sa paa niyang nagkaproblema.

Another scene of evidence that her boss has a soft heart. Kahit na minsan ay ang sarap sakalin nito. Pero aminado si Chel na kung ganitong kakalmado ang amo niya kapag may mangyayari. Never rin siyang nagpapanic dahil sa gaan ng ambiance kung ito ang kasama niya para gamutin siya.

"Huwag mo munang ilakad iyan. I am a former member of Blue Warrior at marami na akong karanasan sa mga ganito. If you tried to walk a little bit, trust me. Hindi mawawala iyang sakit."

"Pero...paano ako makakauwi?"

"Problema ba 'yon? Edi, dito ka muna matutulog."

Hindi naman niya talaga problema iyon dahil minsan na rin siyang nag-sleepover sa bahay nito. Ang ikinabahala niya lang ay ang katotohanan na nasa loob siya ng kwarto nito na mahigpit nitong ipinagbabawal na pasukin niya noon.

Now that she came to his most invading of privacy. May magbabago kaya? Dwight Rivera was very aloof when someone intervene on his whereabouts.

"L-lilipat lang ako sa kwarto ko."

"Stay still. Sa living room ako matutulog ngayon kung iyan ang ikinakatakot mo."

Nakabihis na ito ng damit. "Sa susunod huwag kang tatanga-tanga. Alam mo naman na hindi ka na bata para gawing playground itong bahay ko na kung saan-saan ka nalang tumatakbo."

"H-hindi ka kasi sumagot nang kinatok ko ang pintuan ng kwarto mo. Sasabihin ko lang sana na umalis na si sir Dwen—"

"You should have known na naliligo ako sa shower room."

Oo nga naman Chel. "Nakalibreng tsansing ka pa sa abs ko na hinahangad ng nakakarami." Gusto niya mang batuhin ang binata sa unan na malapit sa kanya. Nagawa na nitong lumabas sa sariling kwarto at padabog pang isinara ang pinto.

Amoy Dwight Rivera pa nga ang loob ng kwarto nito. Na talagang namumukod tangi sa kanyang ilong.

When she received a text message.

"...You can't hide yourself that long like what you have wanted Chelsea. Iuuwi kita sa bahay sa ayaw at sa gusto mo kapag malalaman ko lang kung nasaan ka ngayon. Napakailap mo this time. If you read this message. Dapat alam mo ng pinapagalaw ko na ang mga private investigator para mas mapadali ang paghahanap sa'yo..."

But she ignored it at hindi nagreply. Sanay na siya sa ganoon. Kaya bumuntong-hininga siya.

"Oras na rin siguro para baguhin na naman ulit ang sim card."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status