Share

4

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-09-08 19:46:06

Narinig ni Ernest ang sinabi ni Francesca, at halos mahulog ang panga niya sa sobrang gulat. Sanay na siyang makakita ng mga babaeng sumusunod at naghahabol sa kanyang boss, pero ngayon lang siya nakakita ng babaeng unang bungad pa lang ay kasal agad ang hinihingi.

Nabigla rin si Elton. Bahagya siyang napakurap, at ang malamig niyang mga mata ay tila naglalim pa lalo habang pinag-iisipan ang kaharap na babae. Hindi niya inaasahan ang ganoong kahilingang wala sa ayos. Ngunit naalala niya ang background check na ginawa niya. Maliban sa isang boyfriend na hindi maaasahan, wala naman siyang nakitang masamang record kay Francesca. Wala siyang bisyo, wala ring anong kapintasan. Kaya’t bakit siya biglang naglabas ng ganoong kahibang na kondisyon?

Bago pa siya makasagot o makatanggi, agad na nagpatuloy si Francesca, halos nagmamadali sa kanyang paliwanag.

“I'm serious,” aniya, habang nananatiling matatag ang titig sa kanya. “But I have my reasons. Una, hindi ko naman talaga nakasama si Mr. Campos, iyon ngang tiyuhin ko raw. Kahit pa sa akin ipapasa ang mga mana, hindi pa rin ako panatag. Mas nakikita kong mas karapat-dapat ka, Atty. Campos, kaysa sa akin.”

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy, puno ng kabigatan ang bawat salita. “Kung pakakasalan mo ako, magiging common property na ang lahat ng mana. Hindi mo na kailangang ibunyag ang totoong pagkakakilanlan ko. Sa mata ng lahat, asawa mo lang ako. Alam naman ng buong mundo na ikaw ang tanging lehitimong tagapagmana ng family. Kung hindi dahil sa iyo, siguradong matagal nang may naghabol sa mana, tama ba ako?”

Pinilit niyang ngumiti kahit nanginginig ang kanyang labi. “And I boldly guess na wala pa silang alam tungkol sa akin. Kung alam na nila, siguradong may lumapit na sa akin bago pa kayo. Pero kapag nalaman nila at ipinamigay mo lahat ng mana sa akin, hindi na matatago ang katotohanan na hindi ka tunay na anak ni Mr. Campos. Hindi sila papayag na isang malayong kamag-anak na bigla lang lumitaw ang magmamana ng lahat. Siguradong pipigilan nila ako, baka pati buhay ko bawiin nila.”

Sandaling natahimik si Francesca, saka muling tumingin kay Elton, puno ng tapang ang kanyang tinig. “I'm most afraid of getting into trouble. Kaya sa halip na mabuhay sa takot, mas mabuting may taong may bigat ang paprotekta sa akin. At ikaw, Atty. Campos... ikaw ang pinakabagay na tao.”

Muli niyang inayos ang kanyang pagkakaupo, parang sinusubukan niyang ipakita ang paninindigan. “Sa ganitong paraan, ikaw pa rin ang kilala ng lahat bilang heir ng Campos. At ikaw ang magdedesisyon kung paano hahatiin ang mana pagkatapos ng kasal. Kung gusto mo, bahala ka na. Kahit wala kang ibigay, okay lang. Ang tanging hihingin ko lang, ibalik mo sa akin ang tatlong milyong binayad ko bilang down payment sa Glory Washington. Pera iyon mula sa bahay na pinabagsak sa baryo namin, pera ng lola ko. Naging hangal ako dahil ginamit ko iyon para itali ang isang lalaki sa akin...”

Dito na bumigat ang kanyang boses, puno ng pait. “Pero mabilis akong nagsisi. Dahil niloko niya ako. Nagpaluwal siya ng anak sa ibang babae. Kaya hindi na kami pwedeng bumalik sa dati. Ngayon, bumalik lang ako rito para kunin ang mga gamit ko. Hindi na ako makakatira sa apartment na punong-puno ng alaala naming dalawa.” Muli siyang tumingin kay Elton, diretso at buo ang loob. “So... do you think about it? Hindi ka malulugi kung pakakasalan mo ako. Magiging mag-asawa nga lang tayo sa papel, pero kung ayaw mong tawagin kitang ‘husband,’ I can call you ‘cousin,’ or ‘uncle,’ or even Mr. Campos o Atty.Campos. Your choice.”

Pagkatapos niyang sabihin ang lahat, tila naubos ang lahat ng lakas at tapang na naipon niya. Unti-unti niyang ibinaba ang ulo, halos hindi na makatingin kay Elton. Sa loob-loob niya, parang isa itong pagsusugal na sobrang bawal, pero kailangan niyang sumugal.

Tahimik si Elton nang matagal, na para bang muling sinusukat ang buong pagkatao nito. Sa sandaling iyon, naramdaman niyang iba talaga ang babaeng ito, iba sa lahat ng babaeng nakilala niya noon.

Si Ernest naman ay napatingin sa dalawa, halatang naguguluhan. Sa totoo lang, sa dami ng narinig niyang dahilan mula kay Francesca, kahit siya ay natitinag. Kung siya ang papipiliin, baka pumayag na rin siya. Tatlong bagay ang panalo kaagad, hindi na mabubunyag ang sikreto na adopted lang si Elton, hawak pa rin ang yaman ng pamilya, at may asawa pa siya nang libre.

Napatingin siyang muli kay Francesca. Sa simpleng ganda nito at likas na tikas ng mukha, alam niyang hindi mahirap mabighani ang kahit sinong lalaki. Pero iba ang boss niya. Napakataas ng standards ni Elton. Kahit ang isa sa kasali sa Ms. Universe, na hayagang nagpapakita ng interes, ay hindi man lang nito pinansin. Paano pa kaya ang isang babaeng biglang sumulpot, dala lang ng kapalaran, at may madilim na nakaraan sa relasyon?

Kahit pa sabihin na kasal sa papel lang ito, para kay Ernest, napaka-absurd ng ideya. Alam niya, base sa karanasan niya sa kanyang boss, hindi ito basta-basta pumapayag sa ganitong bagay, hindi kahit pa gaano kaganda ang mga dahilan.

Habang nakaupo roon, halos mabingi si Francesca sa malakas na tibok ng kanyang dibdib. Ramdam niya ang kaba na parang may tambol na walang tigil sa kanyang puso habang hinihintay ang magiging sagot ng lalaki. Wala na siyang ibang naiisip na paraan maliban sa alok na iyon.

Ang tanging hangarin niya ay iparating kay Elton na hindi siya interesado sa mana. Wala siyang balak na maging banta sa kanya. Gusto lang niyang mabawi ang perang dapat ay sa kanya at mabuhay nang payapa. Kung maiintindihan siya ng lalaki, tiyak na hindi siya nito pahihirapan sa hinaharap.

Iniisip niya na kung sakali, maaari siyang umalis sa Manila, iwan ang lahat at magsimula muli sa ibang lugar.

Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo ng katahimikan, mas lalo siyang natotormento. Ang bawat paghihintay ay tila parusa. Nagsimula siyang kabahan na baka biglang bumalik si Matheo at madiskubre ang lahat ng ito. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na may koneksyon siya sa Campos at nakatanggap ng napakalaking mana?

Noon, akala niya’y puro negosyo lang ang laman ng isip ni Matheo, ngunit ngayon alam na niyang may ibang babae na rin itong iniingatan sa puso. Sa kabila ng lahat, wala siyang puwang doon. At ngayon lang, sa unang pagkakataon, ninais niyang itago na sa lalaki ang lahat. Pati ang mga bagay na mangyayari pa sa hinaharap, hindi na niya muling ibabahagi rito.

Sa sobrang kaba, halos gusto na niyang pwersahin si Elton na magdesisyon. Kung hindi man, nais niyang sabihing aalis muna siya at hintayin na lang ang sagot nito kapag nakapag-isip na. Hindi siya maaaring manatili roon nang matagal.

Ngunit bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang mabigat at malalim na tinig ng lalaki.

“Okay,” ani ni Elton, malamig pero tiyak ang boses, “let’s get married first, and we’ll talk about the rest later.”

Nagulat si Francesca sa narinig. Hindi siya makapaniwala na pumayag ito.

Pagkatapos ay lumingon si Elton kay Ernest at malamig na nag-utos, “Sabihin mo sa mga tao sa City Hall, bukas ng umaga, pupunta kami ni Miss Arevalo para kunin ang certificate. The media must block the news for now. Ipalabas na lang kapag naresolba na ang usapin tungkol sa mana.”

Halos hindi pa lubos na maunawaan ni Ernest ang bilis ng mga pangyayari. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kanyang boss. Totoo bang pumayag ito? At ngayon, narito sa harap niya ang isang babaeng kayang kumbinsihin ang taong halos walang makapapabago ng isip.

Nilingon niya si Francesca, at sa kanyang tingin ay halata ang paghanga at pag-usisa.

Samantala, napabuntong-hininga ng malalim si Francesca. ‘He actually agreed!’ sigaw niya sa isipan.

Ngunit kasabay ng ginhawang naramdaman, may halo pa ring kaba at hindi makapaniwalang emosyon sa kanyang puso. Ang biro lamang kanina, ang paglalakas-loob na hindi niya inasahan, ngayon ay isa nang reyalidad. Ikakasal siya sa lalaking pinakamalayo sa kanyang abot-tanaw, sa lalaking kinatatakutan at iginagalang ng lahat.

Itinago niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon, at maingat na nagtanong, halos pabulong, “What… can you arrange a place for me now? Natatakot akong baka wala akong mapuntahan kapag umalis ako rito…”

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Elton, isang ngiti na mabilis din niyang tinakpan. Pagkatapos ay lumingon siya muli kay Ernest at malamig na nag-utos, “Tulungan mo siyang buhatin ang gamit niya. She’ll stay in my villa.”

Sa sandaling iyon, ramdam ni Francesca na tuluyang nagbago ang direksyon ng kanyang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Love You, My Attorney    121

    Mabigat ang simoy ng hangin sa mansyon ng Campos kinabukasan. Maaga pa lang, abala na ang mga tauhan sa paghahanda ng malaking silid kung saan gaganapin ang pagbabasa ng Last Will and Testament ni Don Eliot Campos.Ang bawat miyembro ng pamilya ay naroon na.Ngunit kahit sa katahimikan, ramdam ni Francesca ang bigat ng mga mata ng iba. Mula nang lumabas ang katotohanan tungkol kay Samantha at sa kanya, tila lahat ay naging mapanuri, lalo na kay Elton.“Sigurado ba tayo na kung anong iniwan na will ay iyon pa rin?” biglang tanong ni Russel, habang nakatingin kay Elton na tahimik lang na nakaupo sa harapan, hawak ang makapal na sobre ng dokumento. “Paano tayo nakakasigurado na hindi mo ‘yan pinalitan, Elton? You’re the family lawyer, after all.”Biglang natahimik ang silid.“Russel…” mahinahong saway ni Flora, ngunit halata ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Napatingin si Francesca kay Elton. Tahimik lang ito, pero mababakas sa kanyang mga mata ang pigil na inis.“I understand your c

  • I Love You, My Attorney    120

    Makalipas ang ilang linggo mula nang lumabas ang katotohanan, nagbago ang ihip ng hangin sa mansyon ng Campos. Tahimik na tila may lamat sa bawat halakhak, at malamig ang mga tingin ng ilang kamag-anak tuwing dumaraan sina Francesca at Elton.Kung dati ay may ngiti at pagbati silang natatanggap sa umaga, ngayon ay puro sulyap at bulungan na lang. Para bang ang bawat yapak ni Francesca sa bulwagan ay paalala sa lahat ng nakaraan, isang lihim na dapat sanang hindi nabunyag.Hindi rin nalalayo si Elton sa sitwasyon. Madalas ay iwas sa kanya ang ilang miyembro ng pamilya, lalo na ang mga tiyuhin at pinsan niyang minsang pumuri sa kanyang mga tagumpay bilang abogado. Ngayon, iba na ang tingin nila. Sa kanila, isa na lamang siyang bastardo, isang anak sa labas na hindi dapat nakaupo sa parehong mesa ng mga totoong Campos.Ngunit sa kabila ng malamig na trato, patuloy pa rin nilang ginampanan ang kani-kanilang buhay. Si Elton ay abala sa mga kaso sa korte, at si Francesca naman ay tuloy sa p

  • I Love You, My Attorney    119

    Tumahimik ang buong silid matapos ang sinabi ni Elton. Tila huminto ang oras sa bawat isa roon, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang hikbi ni Francesca at ang mabigat na paghinga ni Flora. Ilang sandali pa’y unti-unting napaluhod si Flora sa silya, parang tinanggalan ng lakas. Kaagad siyang inalalayan ni Francesca, nanginginig pa ang mga kamay.“Lola, please... makinig po muna kayo,” garalgal na sabi ni Francesca, habang pinupunasan ang sariling luha. “Hindi ko po gustong manloko. Hindi ko po ginusto na malaman ninyo sa ganitong paraan. Ayaw ko lang po na maging dahilan ng gulo.”“Pero gulo pa rin ang naging dulo,” mariing sabi ng anak ni Flora, halatang pinipigilan ang galit. “Hindi mo man gustong malaman namin, Francesca, pero niloko mo pa rin kami sa loob ng bahay na ‘to. Pinaglaruan mo kami!”“Hindi!” halos pasigaw na tanggi ni Francesca. “Araw-araw, sinusubukan kong maging mabuting asawa kay Elton, at mabuting miyembro ng pamilyang ito. Pero lahat ng ‘yon... lagi kong tin

  • I Love You, My Attorney    118

    Napatigil si Francesca, umawang ang kanyang bibig at hindi alam kung ano ang sasabihin. Parang tumigil ang oras sa pagitan nila. Hindi niya inasahan ang mga salitang binitiwan ni Elton, mabigat, diretso, at puno ng determinasyon.“Elton… a-ano bang—” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang tinig.“We need to tell them the truth,” putol ni Elton, matatag at puno ng kumpiyansa ang tono.Naramdaman ni Francesca ang biglang pag-igting ng hangin sa paligid. Parang may malamig na dumaan sa pagitan nila. Ngunit bago pa man siya makasagot, isang tinig ang bumasag sa tensyon.“And now, you want a happy ending sa gulong pinasok niyo?” madiin na wika ni Samantha, tumatawa nang mapakla. “Panindigan niyo ang paggamit sa’kin.”Namilog ang mga mata ni Francesca, hindi makapaniwala sa lakas ng loob ng babae. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Samantha, ang kasunduang matagal na niyang gustong kalimutan. Pero sa harap ng lahat, biglang sumiklab muli ang mga lihim na pilit niyang nililibing.“Watc

  • I Love You, My Attorney    117

    Tahimik ang buong mansyon ng Campos nang dumating ang araw na kailangan na nilang malaman ang katotohan tungkol kay Samantha. Ang liwanag ng araw ay marahang pumapasok sa malalaking bintana, sumasalubong sa malamig na hangin ng Oktubre. Ngunit sa kabila ng ganda ng umaga, ramdam ni Francesca ang bigat ng araw na darating.Ang araw ng DNA test.Nasa malaking receiving area sila, si Elton, Francesca, Flora, at ang ilang pamilya na hindi mapakali. Nasa kabilang sofa naman si Samantha, balisa, hawak ang sariling mga kamay na tila gustong itago ang panginginig.“Are you ready?” tanong ng doctor, habang hawak ang isang envelope na may nakasulat na Confidential Result – Campos Family.Walang sumagot. Tanging mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig.Umupo si Flora nang tuwid, pilit pinapakalma ang sarili. “Give it to me,” utos niya, malamig ang tinig. Inabot ng doctor ang sobre, sabay bahagyang yumuko bago umalis.Dahan-dahang binuksan ni Flora ang envelope. Sa bawat paggalaw ng

  • I Love You, My Attorney    116

    Ang tanging tunog na naririnig ngayon ni Francesca ay ang agos ng tubig at ang mahina niyang ungol na napigilan niya nang sandali.Ngunit sa mismong sandali ding iyon, dumulas ang mga halik ni Elton mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang mga labi, mainit, mabagal, at puno ng pananabik. Parang ang bawat halik ay may dalang emosyon na matagal nang nakulong sa pagitan nila.Tumugon si Francesca nang hindi na nag-aalinlangan. Ang mga kamay niya ay umakyat sa batok ni Elton, hinila siya palapit, gustong mapawi ang lahat ng distansya. Ang init ng kanilang mga labi ay tila lalong nagpalalim sa bawat hinga.Marahang binuhat ni Elton si Francesca at iniharap sa kanya. Ang kanilang mga balat ay nagdikit, at sa pagitan ng dumadaloy na tubig, naging isa ang bawat galaw. Bawat halik, bawat haplos, ay puno ng damdamin, parang nagbubura ng lahat ng distansya nila dati.Hinigpitan ni Francesca ang yakap sa kanya habang ang mga kamay ni Elton ay marahang gumuhit sa kurba ng kanyang katawan, sa kanyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status