Share

5

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-09-12 21:21:18

Matagal na nakatitig si Matheo sa kontrata ng pagbili ng bahay na nakapatong sa mesa. Kanina lang ito iniwan ni Francesca sa may pinto bago umalis. Hindi niya akalaing seryoso itong bibili ng bahay… at higit pa roon, sa mismong Glory Washington pa.

Napakuyom siya ng kamao habang unti-unting sumisingaw ang bigat ng guilt sa dibdib niya. Kung hindi niya lang sinira ang relasyon nila ni Francesca, malamang ay masaya sana itong pumunta sa kanya ngayon, dala ang kontrata, at ibinahagi ang magandang balita. Maaaring iyon na rin sana ang naging daan para matapos na ang matagal nilang tampuhan tungkol sa isyu ng bahay.

Sa huli, ang ugat ng problema nila ay ang pera.

Dahil sa sobrang gastos niya sa mga investment, lumiliit ang perang naitatabi nila. Kaya tuwing may usapin tungkol sa pera, nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Pero sa puso niya, alam niyang ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon ay para sa mas magandang kinabukasan nila ni Francesca. Ang plano niya ay mabilis na palaguin ang yaman nila para maibigay ang buhay na pinapangarap niya para sa kanila.

Wala namang mali sa pangarap na iyon… ang mali lang, ay ang pagbibigay niya sa tukso, ang pagkakamaling kadalasang nagagawa ng mga lalaki.

Napahawak siya sa sentido habang pinipigil ang kirot ng ulo at bigat ng konsensya.

Tinignan ni Leah ang kontrata at mapang-uyam na nagsalita. "Glory Washington? Hindi ba property iyon ng tito ko? Kung ako ang magsabi, baka bigyan pa niya ako ng isang unit for free!"

Hindi siya sinagot ni Matheo.

Para kay Leah, isa lang itong bahay, isang bagay na madaling makuha kung gugustuhin. Pero para sa kanya at kay Francesca… alam na alam niya kung gaano ito kahalaga.

Maingat niyang itinupi ang kontrata at tumayo na, handang umalis, ngunit bigla siyang hinila ni Leah sa braso.

"Mat, what are your plans now? Since she already knows everything, what are you going back for? Para makipag-showdown sa kanya?"

Mariin ang tinig nito, puno ng pagmamakaawa at pang-uudyok. "Think clearly! Recently, the Eunantech Group added another investment to Belland. That means my family has started to take notice of Belland. At kahit secretary lang ako rito, I'm still a Campos family member, and I can help you get what you want!" Tumalim ang tingin ni Matheo sa kanya  nang marinig ang sunod nitong sinabi. "And what about your mother? If she finds out about our relationship, do you think she will continue to support you the way she does now?"

Muling lumambot ang boses nito, tila sinusubukang pukawin ang puso niya. "I know you miss the past, Mat, but sometimes… you have to face reality."

At iyon nga ang masakit na katotohanan.

Kung nais niyang umangat at makamit ang pangarap niyang posisyon, hindi siya maaaring kumalas kay Leah.

Magkaiba sila ni Francesca.

Lumaki siyang walang matibay na pamilya. Bata pa lamang nang maghiwalay ang mga magulang niya at iniwan siyang alagaan ng kanyang mga lolo’t lola. Maharlika at masagana ang pagpapalaki sa kanya ng dalawa, habang ang mga magulang naman niya ay nagbibigay ng buwanang allowance para sa kanya.

Ngunit nang pumanaw ang kanyang mga lolo’t lola habang nasa high school siya, tuluyan nang nagbago ang mundo niya. Nakuha ng ibang kamag-anak sa panig ng ina ang lumang bahay, at dahil sa edad niya, tinigil na ng kanyang mga magulang ang pagbibigay ng anumang suporta.

Sa isang iglap, nawala ang lahat. Walang bahay. Walang pamilyang masasandalan. Walang pera.

Doon niya naranasan ang pinakamadilim na yugto ng buhay niya.

Sa mga panahong iyon, si Francesca at ang lola nito ang kumupkop sa kanya. Tinulungan siya sa pag-aaral at binigyan ng kaunting seguridad para makapagsimula muli.

Mula noon, ipinangako niya sa sarili na patutunayan niyang kaya niyang umangat, na hindi siya magiging dehado kanino man. Kaya noong sophomore pa lang siya sa kolehiyo, pinasok na niya ang mundo ng investment banking at doon niya nakuha ang una niyang malaking kita. Mula roon, nagsimula ang kanyang pag-angat.

Pagkatapos niyang grumadweyt, sinuwerte siyang matanggap sa Belland Venture Capital. Doon siya muling napansin ng kanyang ina, na sa panahong iyon ay nakapangasawa na ng isang mayamang negosyante. Nakita nitong may potensyal si Matheo at muling bumalik sa buhay niya, nagbigay ng pondo para sa ilang proyekto, dahilan upang lalo siyang umangat.

Sa bawat yugto ng kanyang buhay, mayroong babaeng dumadating upang tulungan siya. Una, si Francesca at ang lola nito. Pangalawa, ang kanyang ina. At ngayon… si Leah.

Dahil sa kanila, nakaupo siya ngayon bilang Bise Presidente ng Investment Department ng Belland Venture Capital, isang posisyong pinangarap lamang niya noon. Ngunit hindi pa rin iyon sapat.

Ang Belland ay panimulang hakbang lang para sa mas mataas na pangarap niya. Ang tunay niyang target ay makapasok sa pinakamalaking kompanya ng venture capital sa bansa, ang Eunantech Group, na pagmamay-ari ng pinakamayamang tao sa Manila. At hindi aksidente na ipinadala si Leah ng Eunantech Group upang maging personal niyang secretary.

Kita ni Leah ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Matheo. Lumapit ito at bumulong, puno ng panunukso at pang-uudyok. "Even if you go back and explain, how can you be sure that after seeing us like this, she will still be willing to forgive you?"

Pagkatapos sabihin iyon, tumayo ito sa dulo ng mga paa, iniunat ang braso at inangkla sa leeg niya, sinusubukang halikan siya sa labi.

Agad siyang umatras, iwas sa halik nito. Dalawang hakbang ang layo niya nang magsalita, malamig ang tinig. "I'm not asking for her forgiveness… pero makikipag-usap ako sa kanya. I owe her that much." Sandaling tumigil siya, saka nagdagdag ng mas mabigat na salita. "Si Francesca ang taong tumulong sa akin noong walang-wala ako. She has a very special place in my life, at hindi ko kayang maging ganap na malupit sa kanya. I hope you understand that."

Mula nang madiskubre ni Francesca ang katotohanan hanggang ngayon, ni minsan ay hindi pa niya ito naipaliwanag sa kanya. Alam niyang sa bawat segundong lumilipas nang walang paliwanag mula sa kanya, lalo niya lamang itong sinasaktan.

At iyon ang pinakamatinding bigat na dinadala niya ngayon.

Napakagat ng labi si Leah nang mapagtantong hindi na niya pwedeng pilitin pa si Matheo. Alam niyang kung pipilitin pa niya ito ngayon, baka lalo lang itong lumayo. Kaya, sa huli, napilitan siyang bitiwan ito at hinayaan na lang siyang umalis.

Alas-siyete y medya na ng gabi nang makarating si Matheo sa kanilang apartment. Pagpasok niya, agad siyang kinutuban.

Tahimik ang buong lugar. Wala ni isang ilaw ang bukas.

Agad siyang nag-abot ng kamay at pinindot ang switch sa tabi ng pinto. Sumindi ang ilaw, at saka siya tumawag. "Summer?" sigaw niya, gamit ang palayaw ni Francesca.

Walang sumagot.

Bahagyang kumunot ang noo niya habang naglakad papasok. Inisa-isa niya ang mga lugar. Sala, kusina, silid… pero wala. Wala rin ito sa balkonahe.

Lumapit siya sa banyo, binuksan ang pinto, at napabuntong-hininga. Wala rin.

Agad niyang kinuha ang cellphone at nagpadala ng mensahe

[Where are you?]

Ilang segundo lang ang lumipas, may lumabas na system message

[The message has been sent, but it has been rejected by the other party.]

Napatitig siya sa screen, hindi makapaniwala. "What…?"

Hindi pa niya naranasan ito kahit kailan, kahit sa mga nakaraang tampuhan o away nila. Kahit nagkakagalit sila, hindi siya kailanman na-block ni Francesca.

Hindi siya makapaniwala. Sinubukan niyang magpadala ng pera rito, umaasang makakadaan siya sa ganitong paraan. Ngunit ang lumabas na notification ay lalo lang nagpabigat ng dibdib niya.

[You are not a friend of the recipient. The other party must add you first before you can initiate a transfer.]

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi siya makapaniwalang umabot sila sa ganito.

"Damn it!" galit na bulalas niya habang ibinagsak ang cellphone sa sofa. Mabilis niyang tinanggal ang necktie niya, sabay napahawak sa sentido. Kailangan niyang kumalma. Kaya nagpasya muna siyang maligo bago mag-isip ng susunod na hakbang.

Pagpasok sa banyo, bumuhos ang maligamgam na tubig mula sa shower, hinahaplos ang balat niya. Pumikit siya sandali, humihinga nang malalim habang hinahanap ng kamay ang shampoo.

Ngunit ilang segundo na ang lumipas, wala pa rin siyang mahawakan. Dumilat siya, at agad na nanlaki ang mga mata.

Walang laman ang shelf kung saan nakalagay ang mga toiletries nila. Ang natira lang ay isang lumang soap dish na tila iniwang mag-isa.

Lumabas siya mula sa shower at sumilip sa sink cabinet. Napansin niyang pati ang couple cups nila ay wala na. Pati ang toothbrush ni Francesca, na dati'y nakapatong doon, ay nawala na rin.

Bumaling siya sa towel rack. Isa lang ang nakasabit na tuwalya, ang kanya. Ang kulay-rosas na tuwalya ni Francesca ay wala na. At hindi lang iyon ang nawala; pati lahat ng mga gamit nito, facial cleanser, toner, makeup remover, at iba pang produkto, tila naglaho na parang bula.

Habang tumitingin siya sa paligid, unti-unting bumibigat ang dibdib niya. May malamig na kaba na sumisingit sa bawat paghinga niya.

"No… this doesn’t feel like our usual fights," bulong niya sa sarili, kinakabahan.

Agad niyang pinatay ang shower, mabilis na pinunasan ang sarili, at halos patakbo siyang bumalik sa silid. Binuksan niya ang wardrobe at sinilip ang loob nito, pero halos mawalan siya ng lakas nang makita niya.

Wala na ang mga damit ni Francesca. Maging ang mga maleta nito, wala na rin. Pati ang mga librong pag-aari nito sa bookshelf ay nawala. Nang silipin niya ang shoe cabinet, wala na rin kahit isang pares ng sapatos nito.

Parang binagsakan siya ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa. May masamang kutob na sumirit sa dibdib niya, na tila isang bagyo na unti-unting lumalamon sa kanya.

Sa lahat ng tampuhan nila noon, kahit gaano sila nagkagalit, hindi kailanman ginawa ni Francesca ang ganitong bagay. Ngunit ngayon… iba ang kilos nito. Mas malalim. Mas seryoso.

Nangingitim ang mukha niyang bumalik sa sofa at kinuha ang cellphone. Agad siyang tumawag kay Francesca.

At doon niya naalala, blocked na siya nito.

"Damn it!" Isinubsob niya ang mukha sa palad bago mabilis na naghanap ng ibang numero. Tinawagan niya ang matalik na kaibigan ni Francesca, si Charlie.

Ngunit wala ring sumagot.

"Hell! Why aren’t you answering?!" galit na sigaw niya. Muling bumigat ang dibdib niya. Nagdududa siya kung sinasadya ba ni Charlie na hindi sagutin ang tawag niya.

Ngayon, wala na siyang ibang pwedeng lapitan. Mula nang pumanaw ang lola ni Francesca, wala na itong ibang kamag-anak na pwedeng tawagan.

Sa sobrang panghihina at pagkabalisa, napilitan siyang tawagan ang ina niya, si Narissa. Pagkaangat pa lang ng tawag, agad siyang nagsalita, halatang nanginginig ang boses.

"Mom… si Francesca, umalis siya sa apartment. I don’t know where she went. She even blocked me. Can you help me call and check on her? Please… I'm really worried she might do something reckless..."

Habang sinasabi niya iyon, dama niya ang matinding takot at kaba. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang tunay na pangamba na baka tuluyan na siyang iwan ni Francesca.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Love You, My Attorney    121

    Mabigat ang simoy ng hangin sa mansyon ng Campos kinabukasan. Maaga pa lang, abala na ang mga tauhan sa paghahanda ng malaking silid kung saan gaganapin ang pagbabasa ng Last Will and Testament ni Don Eliot Campos.Ang bawat miyembro ng pamilya ay naroon na.Ngunit kahit sa katahimikan, ramdam ni Francesca ang bigat ng mga mata ng iba. Mula nang lumabas ang katotohanan tungkol kay Samantha at sa kanya, tila lahat ay naging mapanuri, lalo na kay Elton.“Sigurado ba tayo na kung anong iniwan na will ay iyon pa rin?” biglang tanong ni Russel, habang nakatingin kay Elton na tahimik lang na nakaupo sa harapan, hawak ang makapal na sobre ng dokumento. “Paano tayo nakakasigurado na hindi mo ‘yan pinalitan, Elton? You’re the family lawyer, after all.”Biglang natahimik ang silid.“Russel…” mahinahong saway ni Flora, ngunit halata ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Napatingin si Francesca kay Elton. Tahimik lang ito, pero mababakas sa kanyang mga mata ang pigil na inis.“I understand your c

  • I Love You, My Attorney    120

    Makalipas ang ilang linggo mula nang lumabas ang katotohanan, nagbago ang ihip ng hangin sa mansyon ng Campos. Tahimik na tila may lamat sa bawat halakhak, at malamig ang mga tingin ng ilang kamag-anak tuwing dumaraan sina Francesca at Elton.Kung dati ay may ngiti at pagbati silang natatanggap sa umaga, ngayon ay puro sulyap at bulungan na lang. Para bang ang bawat yapak ni Francesca sa bulwagan ay paalala sa lahat ng nakaraan, isang lihim na dapat sanang hindi nabunyag.Hindi rin nalalayo si Elton sa sitwasyon. Madalas ay iwas sa kanya ang ilang miyembro ng pamilya, lalo na ang mga tiyuhin at pinsan niyang minsang pumuri sa kanyang mga tagumpay bilang abogado. Ngayon, iba na ang tingin nila. Sa kanila, isa na lamang siyang bastardo, isang anak sa labas na hindi dapat nakaupo sa parehong mesa ng mga totoong Campos.Ngunit sa kabila ng malamig na trato, patuloy pa rin nilang ginampanan ang kani-kanilang buhay. Si Elton ay abala sa mga kaso sa korte, at si Francesca naman ay tuloy sa p

  • I Love You, My Attorney    119

    Tumahimik ang buong silid matapos ang sinabi ni Elton. Tila huminto ang oras sa bawat isa roon, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang hikbi ni Francesca at ang mabigat na paghinga ni Flora. Ilang sandali pa’y unti-unting napaluhod si Flora sa silya, parang tinanggalan ng lakas. Kaagad siyang inalalayan ni Francesca, nanginginig pa ang mga kamay.“Lola, please... makinig po muna kayo,” garalgal na sabi ni Francesca, habang pinupunasan ang sariling luha. “Hindi ko po gustong manloko. Hindi ko po ginusto na malaman ninyo sa ganitong paraan. Ayaw ko lang po na maging dahilan ng gulo.”“Pero gulo pa rin ang naging dulo,” mariing sabi ng anak ni Flora, halatang pinipigilan ang galit. “Hindi mo man gustong malaman namin, Francesca, pero niloko mo pa rin kami sa loob ng bahay na ‘to. Pinaglaruan mo kami!”“Hindi!” halos pasigaw na tanggi ni Francesca. “Araw-araw, sinusubukan kong maging mabuting asawa kay Elton, at mabuting miyembro ng pamilyang ito. Pero lahat ng ‘yon... lagi kong tin

  • I Love You, My Attorney    118

    Napatigil si Francesca, umawang ang kanyang bibig at hindi alam kung ano ang sasabihin. Parang tumigil ang oras sa pagitan nila. Hindi niya inasahan ang mga salitang binitiwan ni Elton, mabigat, diretso, at puno ng determinasyon.“Elton… a-ano bang—” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang tinig.“We need to tell them the truth,” putol ni Elton, matatag at puno ng kumpiyansa ang tono.Naramdaman ni Francesca ang biglang pag-igting ng hangin sa paligid. Parang may malamig na dumaan sa pagitan nila. Ngunit bago pa man siya makasagot, isang tinig ang bumasag sa tensyon.“And now, you want a happy ending sa gulong pinasok niyo?” madiin na wika ni Samantha, tumatawa nang mapakla. “Panindigan niyo ang paggamit sa’kin.”Namilog ang mga mata ni Francesca, hindi makapaniwala sa lakas ng loob ng babae. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Samantha, ang kasunduang matagal na niyang gustong kalimutan. Pero sa harap ng lahat, biglang sumiklab muli ang mga lihim na pilit niyang nililibing.“Watc

  • I Love You, My Attorney    117

    Tahimik ang buong mansyon ng Campos nang dumating ang araw na kailangan na nilang malaman ang katotohan tungkol kay Samantha. Ang liwanag ng araw ay marahang pumapasok sa malalaking bintana, sumasalubong sa malamig na hangin ng Oktubre. Ngunit sa kabila ng ganda ng umaga, ramdam ni Francesca ang bigat ng araw na darating.Ang araw ng DNA test.Nasa malaking receiving area sila, si Elton, Francesca, Flora, at ang ilang pamilya na hindi mapakali. Nasa kabilang sofa naman si Samantha, balisa, hawak ang sariling mga kamay na tila gustong itago ang panginginig.“Are you ready?” tanong ng doctor, habang hawak ang isang envelope na may nakasulat na Confidential Result – Campos Family.Walang sumagot. Tanging mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig.Umupo si Flora nang tuwid, pilit pinapakalma ang sarili. “Give it to me,” utos niya, malamig ang tinig. Inabot ng doctor ang sobre, sabay bahagyang yumuko bago umalis.Dahan-dahang binuksan ni Flora ang envelope. Sa bawat paggalaw ng

  • I Love You, My Attorney    116

    Ang tanging tunog na naririnig ngayon ni Francesca ay ang agos ng tubig at ang mahina niyang ungol na napigilan niya nang sandali.Ngunit sa mismong sandali ding iyon, dumulas ang mga halik ni Elton mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang mga labi, mainit, mabagal, at puno ng pananabik. Parang ang bawat halik ay may dalang emosyon na matagal nang nakulong sa pagitan nila.Tumugon si Francesca nang hindi na nag-aalinlangan. Ang mga kamay niya ay umakyat sa batok ni Elton, hinila siya palapit, gustong mapawi ang lahat ng distansya. Ang init ng kanilang mga labi ay tila lalong nagpalalim sa bawat hinga.Marahang binuhat ni Elton si Francesca at iniharap sa kanya. Ang kanilang mga balat ay nagdikit, at sa pagitan ng dumadaloy na tubig, naging isa ang bawat galaw. Bawat halik, bawat haplos, ay puno ng damdamin, parang nagbubura ng lahat ng distansya nila dati.Hinigpitan ni Francesca ang yakap sa kanya habang ang mga kamay ni Elton ay marahang gumuhit sa kurba ng kanyang katawan, sa kanyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status