KABANATA 33 LUMIPAS pa ang ilang buwan, kahit na pinapayuhan ako ni JC ay hindi ako nakinig. Patuloy akong nagpanggap bilang si OLIVIA, habang nasa masayang bakasyon ang kapatid kong si Olivia, ako naman patuloy na naghahanap ng mga ibedensiyang makukuha ko para isiwalat ang katotohanan. Hindi alam ng marami na si JC ay isang pulis, isa siyang detective na na na-asign sa kasong ito. Simula ng pabuksan kong muli ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Olivia, si JC na ang humawak nito, kaya lang nasa ilalim rin siya ng isang under operation kaya walang nakakakaalam. Ako lang at Si Bong ang nakakaalam ng lahat. Sadyang maraming asset si Bong, nakakakilos siya at nagagawa niya ang ilang bagay na hindi ko inaakalang magagawa niya. Dahil din doon kaya ako tuluyang nahulog sa mga kamay niya. Kaya lang hindi ko makakayang maging masaya sa piling niya, kung ganitong hindi ko pa nakakamit ang tunay na hustisya para sa mga magulang ko. " HELLO, masyado ka yatang busy nitong mga hulin
KABANATA 34 ANG ISANG KATOTOHANAN NAKARATING kami sa isang mamahaling restaurant na si Bong ang nag-sugest, sinunod ko na lang para hindi na madagdagan pa ang init ng ulo nito sa aming dalawa ni JC. Ito naman si JC ay tila natutuwa sa kanyang nakikitang inaasal ni Bong. "Well, ang gusto kong pag-usapan natin ay iyong sinabi mo kanina, may nalaman kang lead? Saan mo nalaman ang impormasyon?" tanong ko, sobrang excited ako na malaman ang tungkol sa mga sinasabi nito. "Nalaman ko lang mula sa isang kaibigan ko na ang ama niya ay dating naging empleyado ng mga Carlos, matagal na panahon na," panimula ni JC. Naka-order na rin kami ng lunch namin kaya naghihintay na lang kami para ihatid iyon sa amin. Ako tutok na tutok sa mga sasabihin ni JC. Nang bigla kong maramdaman ang pagkiskis ng mga daliri ng paa ni Bong sa ilalim ng lamesa. Kaya napatitig ako sa kanya. “Wait! Excuse me, I need to go to the bathroom,” sabi ko kahit na gustong-gusto ko nang marinig ang mga salitang sasabihin n
KABANATA 35 KAMATAYAN PARA KAY SOPHIA Parehong nanlalaki ang mga mata namin ng makita at mapagsino ang kumakatok sa salamin ng kotse. Masamang titig ng mga mata ang nakita naming pareho ni Bong, at sa hindi inaasahang pagkakataon, laking gulat pa namin ng may dala na pala itong napakalaking maso, malakas nito inihampas ang maso sa harap ng salaming ng kotseng kinalululanan namin. Mabilis akong niyakap ni Bong upang maprotektahan sa mga nabasag na bubog. Matapos noon ay agad na nabuksan ni Jeffrey ang pintuan ng kotse at malakas na hinila si Bong palabas ng sasakyan. Galit na galit ito kay Bong. Biglang inundayan ng suntok sa sikmura. Hindi nakailag si Bong dahil sa labis na pagkabigla sa mga pangyayari. Dahil doon ay sinamantala iyon ni Jeffrey. Sinundan kaagad nito ng malakas na sipa, at tadyak upang hindi makabangon si Bong. Ngunit nang makabangon si Bong ay gumanti ito ng suntok at sipa, kaya natumba si Jeffrey. Kaya lang ay may dala pala itong baril at agad na binaril si Bon
KABANATA 36 SI OLIVIA AY NAGPANGGAP NA SI SOPHIA "Hello John, okay, I'll be right there in a few minutes...." malambing na sabi ko sa kabilang linya. "Okay Honey, palagi mong iingatan ang sarili mo, huwag kang magpapalipas ng gutom," tugon ni John habang nagkikipag-usap sa kanya buhat sa kabilang linya. Okay na sila ni John, inanunsiyo na rin nito ang pagkakaayos nila sa buong pamilya ng mga Carlos, kahit na hindi magawang palayasin ni John si Helena dahil may anak daw sila, hinayaan na lang namin, isa pa ang mahalaga sa akin ay ang kapakanan ng relasyon namin ni John. Ang mahalaga sa akin ay ang pagkakaayos at pagiging malinaw ng status namin sa isa't isa. Nagulat pa ako ng may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Mabilis akong napalingon, inakala ko kasing si John iyon, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Jeffrey pala iyon. Napatayo ako sa kinauup
Gabi na naman at mag-isa na naman ako sa aking silid habang nakatingin sa liwanag ng buwan na aking nasisilayan mula sa labas ng aking bintana. Tulad ng dati ay hindi na naman dito matutulog ang aking asawang si John. Simula ng ikasal kami ay hindi ko pa naranasang makasama siya ng mahigit sa limang minuto sa bahay na ito.Ang akala ko ay ako na ang magiging pinaka masayang tao sa buong mundo matapos ang aming kasal ni John Carlos. Pero ang lahat ng iyon ay ang simula pala ng aking malawakang bangungot. Hindi ko alam na doon mismo sa araw na iyon magsisimula ang aking kalbaryo.Naaalala ko pa ang aming unang gabing pagsasama, "Ano sa akala mo, tatratuhin kita bilang isang asawa?" malamig ang tinig na sambit sa akin ni John, ng nasa hotel na kami ng lugar nang aming honeymoon."B-bakit John, ano bang kasalanang aking nagawa, kanina lamang ay okay ang pakitungo mo sa akin, ngunit ngayong nandito na tayo sa Hongkong ay nagbago kana sa akin ng pakitungo?" nagtatatka kong tanong sa kanya.
Isinagawa ko pa rin ang libing ng aking mga magulang sa memorial park kahit na hindi ko nakuha ang mga labi nila. Ipinasunog ko ang mga natitirang labi ng mga eroplano na nakuha nila sa pinagbagsakan nito at iyon ang ipinalagay ko sa isang kabaong, kung saan itinuturing ko iyong mga labi ng mga magulang ko. Nasa memorial park pa ako ng mga sandaling iyon, umiiyak at kahit ako na lamang mag-isa roon ay nanatili pa rin ako sa lugar na iyon. Umiiyak. Hindi ko alam na nasa di kalayuan sina Yaya Adella at Atty. Bong Villegas. Si Atty. Bong Villegas ang abogado ng aming pamilya. Siya rin ang isa sa mga matatalik kong kaibigan ay pinagkakatiwalaan ng aking pamilya. Si Yaya Adella na simula pa noong isilang ako ay kasama ko na at halos ikalawang ina ko na.Sila na lamang ang nakakaunawa sa akin. At alam kong kakampi ko pa rin sa kabila ng lahat ng mga naganap sa akin. "Hindi ka pa ba tatayo riyan?" tanong sa akin ni Bong.Nakasalampak pa kasi ako damuhan habang nakamasid pa rin sa lapida ng
Natapos nga ang aming hapunan, at sumambulat sa aking harapan ang hayagan at harap-harapang pangbabae ng aking asawa. At ang masakit pa ron ni wala manlang sa kanyang pamilya ang kumontra at pinagsabihan ang ginawang iyon ni John. Para silang mga bulag at pipi sa maling ginagawa ni anak nila. At ang pakiramdam ko pa nga ay ako ang sampid sa mga ito. Ngunit wala na akong pakialam don, ang pinaka masakit sa akin ay ang makitang napaka sweet nila sa isa't isa. Na para bang ang Helenang iyon ang kanyang asawang pinakasalan at hindi ako. Masakit na parang dinudurog ang puso ko. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Ano bang pagkakamali ko? Mali ba na minahal ko siya ng buong puso at buong buhay ko? Mali ba iyon? Nakadapa ako sa kama ko at patuloy na humihikbi. Narinig ko ang katok ni Yaya, at pumasok siya sa aking silid."Olivia, mahal kong alaga, bakit mo hinahayaang gawin nila sa iyo ang bagay na ito? Marangal kang babae," sambit ni Yaya, at naririnig ko na rin ang paghikbi nito."Y
Kabanata 4Matapos maihayag ang rebelasyon sa aking yaman, hinimok na ako ni Bong na kunin ang pamamahala ng buong kumpanya, malaki raw ang share ko, at may karapatan akong humawak ng malaking posisyon sa kumpanya ng mga Carlos, kung saan nakipag merge ang kumpanya ng aking Papa. OFA FOOD CORPORATION PHILIPINES ang dating pangalan nito, ngunit ng mag-merge ito sa kumpanya ng mga Carlos ay nailagay ang C sa pangalan nito. Na ngayon ay COFA na ang bagong pangalan. Dahil doon ay hinihikayat nila akong kumuha ng posisyon sa bagong kumpanya na halos lahat ay pamilya nina John ang namamahala."Olivia, bakit hindi mo kunin ang posisyong CEO o kaya President, tiyak na mananalo ka sa botohan, ikaw ang may pinka malaking shares, kaya malaki rin ang karapatan mo." Paghihikayat pa sa akin ni Bong."Hindi ko pwedeng gawin iyan Bong, ang posisyong iyon ay kay John, ayokong maging dahilan pa ito ng lalo naming pagkakasira," sambit ko sa kanya."Look, kahit kailan ba ay itinuring kang asawa ng lalak