"Tsss asa siya. Yabang niyang iyun." Nilingon ako ni Mrs. Santos na nakangiti bago sumubo ulit ng pagkain. Kumain na lang din ako dahil baka bigla siyang may ipagawa hindi pa ako nakakakain.
Inayos na namin ni Mrs. Santos ang mga pinagkainan namin saka ibinalik sa mga staff ng cafeteria.
"Siya nga pala sumunod ka sakin at may mga papel na kailangang ireview ni Sir." Sumunod na lang ako kay Mrs. Santos at pumasok sa isang opisina na per cubicle ang table. Kita sa mga mukha nila ang pagkaseryoso sa mga trabaho nila. Sa papel at computer lang nakatuon ang mga atensyon nila. May mga nasa mid 30's na at parang mga kagragraduate ang mga nandito meron ring mga nakaOJT. Kita ko kasi sa mga ID nila,nakalagay na OJT at intern.
"Pakisabi kay Sir na ireview ang lahat ng ito tapos pirmahan niya na rin kung approve ba sa kaniya lahat iyan." Iniabot niya na sa akin ang ilang mga kapirasong papel at kinuha ko. Tinanguan ko na lang si Mrs. Santos at inutusan na akong lumakad na.
Pagkapasok ko sa office ni Sir naabutan ko siyang nakatutok pa rin sa laptop niya. Kumain man lang ba ang lalaking ito.
"Excuse me Sir?" agaw atensyon ko sa kaniya nilingon niya lang ako saglit pero ibinalik din agad ang atensyon sa laptop. Ibinaba ko ang mga papel na binigay sakin ni Mrs. Santos.
"Sabi ni Mrs. Santos na pakireview daw po Sir tapos pakipirmahan na rin daw po kapag approve sa inyo." Sinagot niya lang ako ng okay at patuloy na sa ginagawa niya.
"May kailangan ka pa?" tanong niya sakin ng mapansing hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko.
"Kumain ka na ba Sir?" tanong ko sa kaniya. Tumigil siya panandali sa ginagawa niya at tiningala ako.
"None of your business." Tanging sagot niya at humarap nanaman sa laptop niya. Sungit talaga paano ako magkakagusto sa kaniya kung ang pangit ng ugali. Lumabas na lang ako ng office niya at nagpuntang cafeteria.
Bakit ko pa nga ba pakikialamanan kung kumain na ba siya o hindi pa. Tiningnan ko na lang ang dala dala kong pagkain at pabalik na ng office niya.
"What is that?" tanong niya ng ibaba ko sa table niya ang dala kong pagkain na nakalagay sa mga plastic na baunan.
"Pagkain Sir malamang. Ano ba sa tingin mo?" pilosopo kong sabi. Bakit ko pa ba kasi ito kinuhanan ng pagkain eh.
"Hindi kita inutusan na ipagkuha ako ng pagkain." Ani nito sa malamig na boses. Alam ko naman eh sa hindi ko kayang magtrabaho ng hindi kumakain yung kasama ko eh.
"Pwede ba Sir kumain ka na lang. Sa tingin mo ba makakapagtrabaho ka ng maayos kung walang laman ang tiyan mo. Tsss." Pagtataray kong sabi sa kaniya. Tiningnan niya lang ang pagkain na nasa mesa niya saka sakin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil dun.
"Ano bang pakialam mo?" masungit niyang sambit. Wow grabe ako na nga itong concern sa kaniya siya pa itong mataas ang pride.
"Sabi ko kainin mo na lang. Makakapag-isip ka ba ng maayos sa ginagawa mo kung yang tiyan mo kanina pa nagrereklamo kaya hindi ka natatapos tapos eh. Dinadaig pa ang kulog kung tumunog."
Napahawak na lang siya sa tiyan niyang katatapos lang ulit magreklamo. Bahala siya eat it or leave it. Tinalikuran ko na siya at umupo na lang sa table ko. Hindi ko na siya pinansin pa ng mapansin kong nakatingin siya sa gawi ko. Kita ko sa peripheral view ko na ginalaw niya na ang pagkaing dala ko. Napangiti naman ako dahil dun hindi naman pala mahirap pakisamahan kahit na dinaig pa ang babaeng may dalaw.
Mabilis ko ng inayos ang table ko ng makita ko sa wall clock ang oras na siyang uwian na. Isasakbit ko na sana ang bag ko ng tanungin ako ni Sir Kyler."Where are you going?"
"Ah ano po Sir uuwi na?" medyo nag-aalinlangan kong sabi sa kaniya.
"Oh I see. I'm sorry if I didn't tell lately na mag-oovertime ka." Dahan dahan kong ibinalik sa sabitan ang bag ko ng sabihin niya iyun. Bakit kailangan ko pang mag-overtime. Napatigil na lang ako sa sarili kong tanong ng maalala kong nakalagay nga pala dun sa papel na lagi akong mag-oovertime.
Ano naman sanang gagawin ko kung mag-oovertime ako ngayon? Umupo na lang ako sa upuan ko at hinintay pa si Sir para umalis. Mag-oovertime ba siya dito at mag-oovertime din ako para may kasama siya?
Hinintay ko pa siya at nagpangalumbaba na lang sa table ko.
"Let's go" sambit nito at mabilis na isinuot ang coat niya. Mabilis ko ring kinuha ang bag ko at sumunod na sa kaniya palabas ng office niya. Pansin kong halos wala ng mga tao dito sa building na ito bukod sa security guard na nakikita kong nagpapatrol. Nakalabas na kami at diretsong basement isang kotse na lang ang nakaparada dito siguro kotse niya na lang base sa gandang modelo nito.
"Sakay." Napataas ang kilay ko dahil dun at tiningnan siya sa mga mata na nagtataka.
"I have meeting now right?"tanong niya sa akin na mabilis ko ring tinanguhan.
"Kaya sakay. Sasama ka sakin sa meeting to take note all the topics that we discuss." Mabilis niyang sabi. Pumasok na siya sa driver seat at sumakay na rin ako sa likod.
"Dito ka sa harap, hindi mo ako driver." Ani niya at hindi na lang ako umangal pa at lumipat na sa harap. Pinaandar niya na ang kotse niya hindi ko na alam kung san ang tungo nito.
Pumasok kami sa isang hotel at enescortan kami ng dalawang staff dito at pinapasok sa isang kwartong parang council hall.
"Good evening." Bati niya sa mga taong nasa loob na. Yumuko lang ako at sumunod sa kaniya. Umupo na siya sa pangalawang upuan at tumayo ako sa gilid niya.
"Bakit hindi mo paupuin ang secretary mo Mr. Stanford?" nilingon ko ang nagsabi nun at isang matandang nasa 40s na. Nang napansin niyang tumingin ako sa kaniya ay ginawaran niya lang ako ng ngiti at nginitian ko na lang din siya.
"Sit down Ms. Beautiful." Nginitian ko ang isang lalaking parang nasa mid 20s pa lang parang kasing edad ni Sir Kyler. Umupo na ako sa upuang binigay niya sa akin.
"Salamat." Tanging nasabi ko. Tiningnan lang ako ni Sir Kyler at ibinalik ang paningin sa mga kasama niya. Halos lahat ng mga kasama niya sa meeting ay mga nasa 30s or 40s, sila lang bata, si Sir Kyler at ang lalaking nagbigay sakin ng upuan. Nag-umpisa na silang magdiscuss about their meeting. Nakinig lang ako sa kanila at tinake notes ang mga mahahalagang napagmeetingan nila.
"Mauna na po ako Sir." Paalam ko ng matapos ang meeting nila at tinanguhan na lang ako. Sabay sabay na kaming lumabas ng building at kakaliwa na sana ko ng habulin at harangan ako ng kasama ni Sir Kyler sa meeting."May kailangan po kayo Sir?" tanong ko sa kaniya ng huminto siya sa harapan ko.
"Hayaan mong ihatid kita Pretty." Pag-aalok niya sa akin. Pansin ko ang paglingon niya sa likod ko kaya tiningnan ko rin kung ano ba yun.
"Sir." Tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang nandun pa sa exit. Hindi niya ako pinansin at dirediretsong umalis.Napakibit balikat na lamang ako ng mawala na siya sa paningin ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan ko. “Ano let’s go?” pag-aalok niya ulit. Inilingan ko na lang siya dahil hindi ako mabilis magtiwala sa mga tao.“Hindi pa kita kilala Sir. Sorry.” Pagpapaumanhin ko saka nilampasan na siya pero hinarangan pa rin ako kaya napahinto na lang ako sa paglalakad ko. “Ihahatid lang naman ganda eh. Saka kilala ako ni Kyler ang boss mo pinsan ko yun So don’t worry by the way my name is Louie.” Inilahad niya sa akin ang kamay niya na siyang tiningnan ko lang hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yun o hindi pero wala naman sigurong masama at ikabahala dahil pinsan niya naman pal
“Ok lang naman atleast siya ang pumirma sa amount ng cost.” Pinaalis na ako Mrs. Santos at bumalik naman ako sa office ni Sir. Pagdating ko dun hindi ko na siya naabutan baka pumunta na para sa lunch nila. -- Mabilis na lumipas ang oras at bumalik din agad si Sir ng 12:30 sa office niya. Ginawa ko na lang ang mga pinapagawa niya sa akin pero natigil ito ng may kumatok sa pintuan niya. Mabilis kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan kung sino man yung kumakatok. “Good afternoon po Sir, nandito na po pala yung record of the transactions this month.” Masiglang sambit nung babae. Lumapit siya sa table ni Sir at bumalik naman na ako sa upuan ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko ng magulat ako dahil sa hampas ni Sir sa lamesa niya.
Hinarap ko siya at nginitian. “Maraming salamat Sir pero-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ang sasabihin ko. “Aalis ka lang sa kompanya ko kung terminated ang kontrata mo. Fine kung yan ang gusto mo hindi ko na aalisin si Mrs. Cruz. Now go back to your work and Keisha let’s go to my office.” Tumalikod na siya at nanatili pa akong nakatayo dito. “Ang swerte niya si Sir pa parang nakikiusap sa kaniya manatili samantalang yung mga naging secretary niyang iba nagmakaawa kay Sir.” Rinig kong bulong sa gilid ko. Nagkibit balikat na lang ako dun. “Maraming salamat iha dahil sayo hindi na ako naalis sa trabaho, sige na sundan mo na si Sir.” Nakangiti niya ng sabi sa akin pero halata sa mga mata niya na umiyak ito. Nginitian ko na lang siya at tumango. Bumalik na ako sa office ni Sir at naabutan ko siyang nagpipirma sa mga papeles na nasa harapan niya. Umupo ako na parang walang nangyari. Nilingon ko s
Pagpasok namin sa loob ay tilian ng mga babae ang narinig ko. May artista ba? Nilibot ko ang paningin ko at pati sa likod ko pero wala naman akong makita.“May God artista ba siya?” rinig kong bulong ng isang bakla sa gilid namin.“Sino kaya yung girl na kasama niya?”“Baka PA niya.” sagot naman ng isa. Sino bang binabanggit nila? Wala naman akong makita.“Papicture naman po.” Rinig kong sabi ng isang babae at kay Sir Kyler siya lumapit. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi naman artista si Sir. Tiningnan ko ang paligid ko at sa kaniya pala halos nakatingin lahat ng mga tao dito.“Ay teka Miss. Hindi artista si Sir.” Pagharang ko dito dahil baka masigawan siya at baka hindi magustuhan ni Sir Kyler mapag-abutan pa dito ng galit.“Ah picture lang naman.” Pagpipilit ng babae.“Hindi pwede baka magalit girlfriend ko. Selos
“Kanina pa kita hinahanap.” Rinig ko mula sa likod ko kaya agad ko itong nilingon at si Sir Kyler ang nakita ko. “Kayo po pala Sir. Upo po kayo.” Pag-aalok ko sa kaniya. Lumapit naman siya sakin at tumabi. “Do you need something Sir?” tanong ko sa kaniya ng makaupo na siya. “It’s nothing.” Tiningnan ko si Sir at halata sa mga mata nito ang puyat. Maaga nga pala kaming umalis ng Manila at wala pa rin siyang tulog. “Magpahinga po muna kayo Sir.” Sabi ko sa kaniya na siyang ikinalingon niya sakin. “Mainit sa loob.” Mabilis niyang sagot. “You can rest here.” Saka ko itinuro ang mahabang kawayan na inuupuan namin. Kung hihiga siya kasiya naman siya. Tiningnan niya ako ng may kunot ang noo at pag-aalinlangan. Napaikot naman mga mata ko dahil dun. “Don’t worry wala akong gagawin sayo. Asa ka naman.” Sabi ko sa kaniya kung ayaw niya edi wag. Hindi naman ako makakaramdam ng pagod eh. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang a
Pagkatapos naming kumain naghugas na ako ng katawan ko at dumiretso sa kwarto at naabutan si Sir na nagbibihis. Dali dali akong napatalikod dahil dun.“Ok na humarap ka na.” pagkasabi nun ni Sir ay patagilid akong naglakad at kinuha na yung isang kumot at isang unan sa kama.“Anong ginagawa mo?” tanong niya ng makita akong nilalatag ang isang banig sa sahig.“Naglalatag at matutulog na po Sir?” patanong kong sabi sa kaniya. Nakikita niya na nga lang na naglalatag ako eh magtatanong pa.“I know. I mean bakit jan ka hihiga?” malamig nitong sabi sakin. Kahit kelan naman malamig ang pakikipag-usap niya kahit kanino.“Alangan naman na sa kama Sir? Eh dun kayo matutulog.” Taas kilay kong sabi sa kaniya. Nang matapos na akong maglatag mahihiga na sana ako ng bigla niya akong unahan sa paghiga.“Sir! Ano bang ginagawa niyo?” malakas kong sabi sa kaniya dahil sa gulat. Anon
Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil dun. Pagagalitan niya nanaman yung nag-OOJT. Tsss"Sir hindi mo naman kailangang sigawan yung tao kung nagkamali." Sabi ko dito pero tiningnan lang ako sa mga mata ko ng matatalim na tingin."Pwede ba Keisha, huwag mo akong dinidiktahan kung paano ko dinidisiplina ang mga empleyado ko dito." Ani niya sakin."Hindi naman sa dinidiktahan kita Sir. Ang gusto ko lang pakisamahan mo sila ng maayos. Kung hindi sila maturuan ng mga kasamahan nila sa department nila edi ikaw ang magturo.""Hindi ako teacher para turuan ko sila! Marami na akong ginagawa at ayaw ko ng dagdagan ko pa ang gagawin ko at bigyan sila ng panahon para turuan. Kung hindi kayang gawin huwag tanggapin at ang mga regular employee ko ang gagawa!" napahawak na lang din ako sa sintido ko dahil ang hirap niyang kausapin."Fine, kung kaya kong gawin gagawin ko. Iutos niyo na lang sila sakin kapag may mali. Baka sakaling kaya kong gawin." Kinuha ko ang mga p
"Naku Sir ok lang po. Magcocommute na lang po ako sa labas." Pagtatanggi ko pero hindi siya pumayag."Hindi ko na rin kasi namalayan ang oras kaya hatid na kita.""Lagi ka bang late umuwi Sir?" kuryuso kong tanong dahil paano kung iniiwan ko na siya sa opisina niya at nauwi na ako."Sometimes." Maikli niyang sagot. Sumakay na ako sa kotse niya at inihatid niya na ako sa bahay."Maraming salamat po Sir. Nag-abala pa kayo." Sabi ko ng makababa ako ng kotse niya. Tinanguan niya lang ako at umalis din agad.-- "Hey pretty." Rinig kong sigaw mula sa likod ko pero hindi ko na pinansin dahil baka yung ibang kasama kong naglalakad ang tinatawag."Yah." Napahinto na lang ako sa paglalakad ko ng harangin ako ng isang lalaki."Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi mo ako pinapansin." Ani niya. Si Sir Louie pala ang pinsan ni Sir Kyler."Tinawag mo ba ako sa pangalan ko?" tanong ko sa kaniya na inilingan niya naman. Naman pala eh.