"Hindi niyo po alam kung gaano sa amin kahalaga yan Ate, atleast bukas po alam naming may malalaman sa kumakalam naming sikmura." Saad ng sa tingin ko ay pinakamatanda sa kanila. Nakaramdam naman ako ng awa at lungkot para sa kanila. Bakit nga ba ang unfair ng mundo, may mga taong gasta ng gasta ng pera nila kahit na hindi naman nila kailangan ang bagay na yun samantalang sila iniisip pa nila ang ilalaman sa kumakalam nilang sikmura.
"Walang anuman."
"Keisha nga po pala." Pakilala ko kay Manong.
"Miko, Miko ang pangalan ko."
"Nice to meet you po." Saad ko saka nagpaalam.
Kinabukasan..
Nagmamadali akong makapasok sa opisina ni Sir dahil dala ko ang ilang mga papeles na galing kay Mrs. Santos ng hindi ko inaasahang may mabangga ako na siyang dahilan ng pagtilapon ng mga papel.
"Ano ba yan. Nag-iingat ka pa ba!" maarteng sigaw s
Pipili na nga lang ng magiging asawa ng anak niya yung maarte at matapobre pa. Sa tingin niyo magugustuhan yan ni Sir Kyler sa suot pa lang niya panigurado aayawan ka na ni Sir. Ang iksi iksi ng skirt mo showy din ang cleavage tsss.Sabagay sino ba naman ako para husgahan ang magugustuhan ni Sir na babae. Maganda naman si Clarrisa saka maputi, mataray at maarte nga lang.“I don’t get it. Bakit pati personal kong buhay pinapakialamanan niyo. Ano bang pakialam niyo sa pagkakaroon ko ng asawa? Ako ang pipili, ako ang magdedesisyon para sa sarili ko hindi para sa inyo mom.”“Para sa ikabubuti mo ito anak, pumipili ako ng babaeng karapat dapat sayo.”“Ako ba talaga iniisip niyo mom o ang negosyo niyo? Dahil alam ko namang may kapalit ang pagiging fiancé ko sa babaeng yan. Anong kapalit? Ang pagcocollab ng negosyo niyo sa ibang negosyo?”“Not like that.”“Then what?!” sigaw n
Papasok na ako at nananalangin na sana hindi ko makita o makasalubong yung Clarrisa’ng yun ngayon. Sana lang pleaseeeee? Halos diretso lang ang tingin ko sa daanan baka kasi biglang mahagip ng mata ko yung babaeng yun eh masira ang umaga ko hahahaha. Nakarating akong office ni Sir at salamat walang Clarrisa ang nasalubong ko. Wala pa rin si Sir Kyler. Habang inaayos ko ang mga gamit ni Sir ay may kumatok. Sino naman kaya itong ang aga aga pumunta dito. Eh paniguradong maya maya pa ang pasok ni Sir. Maaga pa kasi. Binuksan ko na lang ito at nagulat ako sa nakita.“G-good morning ma’am.” medyo utal ko pang sabi sa kaniya. Dirediretso siyang pumasok ng opisina ni Sir.“Wala pa po si Sir Kyler eh.” Saad ko saka pinagpatuloy ang pagpupunas sa mesa ni Sir Kyler.“Hindi naman siya ang pinunta ko dito eh kundi ikaw.” Napatingin ako sa kaniya, bakit ako?“Ah eh bakit po ma’am?” tanong ko sa kaniya.
Bumalik akong office dala dala ang pagkain ni Sir. Pagdating ko dun busy nanaman, lagi naman eh. Dumiretso ako sa table niya at ibinaba ang pagkaing dala ko saka ako dumiretso sa table ko.“What is this?” rinig kong tanong niya.“Food niyo Sir.” Sagot ko ng hindi humaharap sa kaniya. Hindi ko siya narinig na nagsalita. Humarap na lang ako sa laptop at ginawa ang trabaho ko pero hindi ako makapagfocus feeling ko kasi may nakatingin sakin. Tiningnan ko si Sir at halos mapatalon pa ako sa kinauupuan ko ng makita kong nakatingin siya.“What?” kunot noong tanong ko sa kaniya.“What? What?” gaya pa niya sa tono ng pagkakasabi ko nun. Narealize ko naman yung inasal ko. Tumikhim ako.“Pasensya na Sir. Do you need anything?” tanong ko sa kaniya.“Nothing.” Iwas niyang tingin sakin. Nakita ko naman yung pagkain niyang parang tinititigan niya lang.&nbs
“Ano bang problema mo?” tanong ko. Napangisi naman siya.“Oras na matulungan mo siya sabit ka, kapag totoo lahat ng sinabi ko. Aalis ka sa kompanyang ito.” nakangisi niyang sabi.“Eh paano kung tama ako at mali ka? Aalis ka ba?” nawala naman agad ang ngisi sa mukha niya at napalitan ito ng inis.“Hindi mo ako mapapaalis dito.”“Eh madaya ka pala eh, hindi ka patas. Gawin mo na lang ang trabaho mo.” Hinawakan ko na sa kamay si Mang Miko at nilampasan na namin si Clarrisa the bitch.Nagtungo kaming dalawa ni Mang Miko sa baba ng building at umupo sa mga bench dun.“Mang Miko sabihin mo po sa akin ang totoo baka sakaling matulungan ko kayo.” Saad ko kaagad ng makaupo kami.“Hindi ko talaga alam yun iha.”“Eh sino po ba naghahawak ng pera bago ihatid dito?” tanong ko.“Ak
Wala akong ginawa sa maghapon na yun kundi ang asikasuhin iyun.Pagkatapos kong makausap ang dalawa ay pinuntahan ko si Mang Miko sa pinagtatrabahuan niya.“Ano nanaman bang kailangan mo?” bungad na tanong sakin ng matandang nakausap ko kanina. Ano ba pangalan nito?“Ano po pangalan niyo?”“Teodor.” Sagot niya. Napatango naman ako.“Nanjan po ba si Mang Miko?” tanong ko.“Oo nanjan pero nagtatrabaho, hindi mo pwedeng abalahin.” Masungit niyang sabi sa akin.“Utos po ito ni Sir Kyler. Gusto niyo pong mapatawag ni Sir?” sarkastiko ko na ring sabi. Napatikhim naman siya at umiwas ng tingin.“Nandun puntahan mo na lang.” Saad niya bago tumalikod. Ang sungit naman ng matandang ito. Hindi ko na lang iyun pinansin pa at hinanap na si Mang Miko buti na lang mabilis lang siyang hanapin.“Oh iha. Napapunta
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong naman ni Sir.“Natakot po akong magsumbong dahil baka ang pagbintangan ni Sir Teodor ay si Mark, akala ko rin po kasi ay hindi iyun mahahalata kaya pinagsawalang bahala ko na po.” Napahilamos naman sa mukha niya si Sir Kyler.“You may go out now.” Kalmado niyang sabi. Lumabas naman na si Jayrus at si Mang Miko. And Mang Miko mouthed ‘thank you’. Nginitian ko na lang siya.“Ano ba talagang ginawa mo Clarrisa?” baling niya naman kay Clarrisa.“Eh Sir paano naman po kasi ang sabi nila--.”“Sayo ko pinatrabaho pero si Keisha ang nakaayos. And she’s correct bago ka magbintang dapat ay sigurado ka, may ebidensya ka hindi yung bumabase ka sa sumbong lang.” Napayuko naman si Clarrisa.“Ayusin mo ang trabaho mo bago ko maisipang alisin ka rito.” Walang kapreno prenong sabi ni Sir.
Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa opisina ni Sir dahil hindi ko mahanap yung folder na binigay niya sa akin kahapon.Saan ko ba yun nilagay? Ang alam ko talaga naiwan ko dito iyun kahapon bago ako umuwi. Pero bakit hindi ko makita? Hindi kaya kinuha na ni Sir? Pero ibinilin niya sa akin iyun. Sinabing hindi ko dapat ibigay sa iba. Hindi ko naman yun binigay kahit kanino eh pero bakit wala dito sa opisina niya?Hindi ako naghanap sa bahay dahil alam kong hindi ko iyun nakuha kahapon. Naiwan ko dito iyun sa office. Bakit ko pa kasi nakalimutan iyun eh. Sinabi na ngang ingatan ko pero anong ginawa mo? Jusko malalagot ako nito eh.“Nakakainis nasaan ka na?” inis kong sabi habang naghahanap pa rin, halos mabaligtad ko na ang buong office ni Sir lalo na ng table ko kahahanap dun.“Arrrrgh bwisit.” Sabunot ko sa sarili ko dahil hindi ko talaga makita. May pumasok ba dito sa office ni Sir? Pero kung nandito s
“Hi.” Sagot ko ng walang kagana gana.“Parang wala sa timpla ang mood mo ah.” Saad pa rin niya sa akin.“Oo kaya pwede bang huwag muna ngayon? Maghanap ka na lang ng ibang aasarin jan.”“Wala akong aasarin maliban sayo dahil ikaw lang naman ang babaeng nilalapitan ng future fiancé ko.” Napairap na lang ako sa kaniya. Mas matanda siya sa akin pero parang mas matanda pa akong mag-isip sa kaniya.“Future pa lang naman Clarrisa, hindi ka sigurado kung matutuloy ba talaga.” Aalis na sana ako ng magsalita nanaman siya.“Bakit? Kapag ba nangyari yun pipigilan mo siya?” seryoso niya ng sabi sa akin. Hinarap ko siya at sinagot.“Hindi ako nangingialam sa inyo. Wala akong paki kung ikaw ang pakakasalan ni Sir o kung sino ka man. Ano ko ba siya?” taas kilay kong sabi.“Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga