"Binilhan na rin kita ng pamalit mo, nakita mo ba?" Tinig ni Tyron mula sa labas ng pinto. "Ye-yes, thank you!" Nautal pa siya at napalunok ng sariling laway. Lalong namula ang pisngi niya nang makumpirmang para sa kaniya iyon at ang binata pa ang bumili. Pero ang alam niya ay dinalhan siya ni Nida ng bihisan kahapon. Hindi niya akalaing kayang bumili ng binata ng undies. Pagtingin niya sa size ng bra niya ay tama rin na cup c. Kung ganoon ay alam nitong malusog ang dibdib niya?"Are you done?"Napasimangot siya at mukhang hindi na umalis sa harap ng pinto ang binata. Mabilis siyang umupo sa trono at bigla siyang naiihi. "Not yet!" Pasigaw niyang sagot sa binata.Minadali na niya ang lahat, pagkahilamos at nag brush ng teeth saka nagpalit ng damit. Nilabhan niya ang undies na hinubad pero itinapon din sa basurahan. Pagbukas niya ng pinto ay naroon pa rin talaga ang binata at mukhang hindi naiinip sa paghihintay sa kaniya.Naging magana siya sa pagkain at kasalo ang binata. Ang alam n
Awang ang bibig at hindi makapaniwala si Jesabell nang siya ang nilapitan ni Tyron upang tulungan. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang namalikmata ito habang pinapanood ang ginagawang paghaplos ni Tyron sa ankle niya."Ito ba ang masakit?" Mukhang natauhan si Jesabell nang marinig ang malagom na tinig ni Tyron. "Ah, oo.. ouch!" Mukhang tanga siya at late reaction sa pag aray. Nag iwas siya ng tingin sa binata dahil lalong halatang nagda drama lamang siya."Ouch!" Muling daing ni Emily habang hawak ang tiyan upang mapansin siya ng binata. Ngunit laking dismaya niya nang hindi siya nagawang sulyapan ng binata."Nida, tulungan mo si Emily at painumin ng gamot niya." Malakas na tawag ni Tyron sa katulong bago binuhat si Jesabell at dinala sa sofa.Nakagat ni Jesabell ang loob ng labi at sobrang saya niya. Ang buong akala niya ay mapahiya na naman siya kay Emily kanina. Nang mainbaba na siya nito sa sofa at pinigilan niya itong lumayo sa kaniya."Kukuha lang ako ng cream." Lumapat ang lik
."Are you stupid? Alam mong masakit ang paa ni Jesabell at wala kang alam sa paghihilot kaya bakit mo pa rin ginawa?"Nanlaki ang mga mata ni Emily nang pagkamulat ay sa kaniya nakatutok ang galit na mga titig ni Tyron. Para rin siyang nabingi sa narinig. Napatingin siya kay Nida, mukhang takot itong mag ingay at dumistansya sa kaniya sa takot na madamay sa galit ng binata.Umawang ang bibig ni Jesabell at nag angat ng mukha nang malinaw na narinig ang sinabi ng binata. And there, hindi nga siya dinadaya ng pandinig niya. Kay Emily ito galit at hindi sa kaniya. Pakiramdam ni Emily ay dumoble ang sakit na nadarama niya sa likod at maging ang puso niya ay kumikirot na rin. Hindi niya inaasahan na ganoon ang reaction ng binata lalo na at siya ang mukhang mas nasaktan sa kanila ni Jesabell.Naaawang nilapitan ni Tyron ang dalaga nang makitang lumuluha na ito. "I'm sorry, hindi sana kita iniwan dito. Please stop crying, you'll be ok." Hinalos niya ang pisngi ng dalaga upang punasan ang lu
"Dadalhin na kita sa silid mo at doon hinatayin ang doctor.""Wait." Pigil niya sa binata. "Kailangan din ni Emily ng medicine. Please put the cream on her back."Napatingin si Tyron sa gawi ni Emily, napabuntong hininga siya at naawa bigla sa dalaga nang makitang mukhang iniinda ang sakit sa likod nito. Muling bumalik ang tingin niya kay Jesabell. "Gusto mong lagyan ko ng cream ang likod niya?" Masuyo niyang tanong dito.Natigilan si Jesabell at parang gusto niyang pagsisihan ang sinabi sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi at nahihiyang umiling pero ibang salita ang lumabas sa bibig niya. "Ikaw ang bahala."Umangat ang isang sulok ng labi ni Tyron at amused na pinagmasdan ang reaction ng dalaga. Natuwa siya sa isiping nagseselos ito dahil mababaling kay Emily ang atensyon niya. "Nida, come here."Nagmamadali si Nida na lumapit sa amo at kabado pa rin siya na baka madamay sa galit nito kay Emily."Take this and apply on her back." Ibinigay niya kay Nida ang cream na gamit kanina
"Magpahinga ka na, labasin ko lang si Jay." Paalam ni Tyron sa dalaga habang inaayos ang kumot nito.Napalabi si Jesabell at tumango sa binata. Sino ba siya para pigilan ito sa pagtingin kay Emily. Alam niyang nag aalala rin ito sa babaeng iyon kahit siya ang mas piniling alagaan.Napabuntong hininga si Tyron nang mapansin na nag iba na naman ang mood ng dalaga. Hindi niya itatanggi na tama ito sa iniisip na titingnan niya ang kalagayan ni Emily. Ganoon ka transparent sa kaniya ang saloobin ng dalaga. Gusto niyang ipaliwanag sa dalaga na responsibilidad niya si Emily at tumatanaw siya ng utang na loob dito.Ipinikit na ni Jesabell ang mga mata at ayaw niyang mabasa ni Tyron ang kung ano ang iniisip niya. Ang akala niya ay umalis na ang binata kasi natahimik na. Nagulat na lang siya nang may malambot at mainit na bagay ang lumapat sa kaniyang mga labi. Alam naman niyang hindi pa siya nakatulog kaya imposibleng nanaginip siya tulad sa hospital? Napasinghap siya nang kagatin ng mapanga
Marahas na tumayo si Tyron nang may kumatok muli sa pintuan. Ayaw niyang makita na lumuluha ang dalaga kaya tumalikod na siya at binuksan ang pinto. "What?" Paangil niyang tanong nang bumungad sa pinto ay si Jay."Tinutulungan ka na nga, ikaw pa ang galit." Natatawang tugon ni Jay sa kaibigan. Tangkang sisilip siya sa loob ng silid ngunit iniharang ng kaibigan ang malaking katawan nito sa pinto."Sa library tayo." Malamig na turan ni Tyron bago isinara ang pinto.Inis na naibato ni Jesabell ang unan sa pinto at umalis na walang paalam ang binata. Alam niyang si Jay ang isturbong kumatok sa pinto. Naiinis na talaga siya sa antipatikong doctor na iyon! Minsan ay parang si Emily ba laging hadlang sa pang aakit niya kay Tyron. Tumigil na siya sa pag iyak at ayaw niyang pumangit. Dapat magsaya siya dahil sa wakas ay hindi pananiginip na lang ang halik niya sa binata. Kinikilig na niyakap niya ang isang unan at naigalaw ang mga paa. Nakalimutan niyang may injury iyon kaya impit siyang napa
"Pag iisipan ko, salamat sa payo!" Sensirong turan ni Tyron sa kaibigan. "Bakit ba kasi salawahan ang puso mo?" Biro niyang muli sa kaibigan at ang seryuso nito."Maintindihan mo rin kapag ikaw na ang nasa sitwasyon ko."Natigilan si Jay at may naalala. "Aalis na ako. Kung may kailangan ka ay tawagan mo na lang ako."Napangisi si Tyron habang sinusundan ng tingin ang kaibigang palabas na ng pinto. Ang galing nitong magpayo sa kaniya pero sarili nitong buhay ay hindi maituwid. Ilang sandali pa ay napabuntong hininga siya bago nagpasyang tumayo at tinahak ang daan patungo sa silid ni Emily. Nadatnan niya itong nakadapa sa kama at hindi makahiga dahil sa injury nito sa likod.Masama ang loob na umiwas ng tingin si Emily kay Tyron. Pero masaya siya dahil dinalaw siya upang tingnan ang injury niya ay kamustahin."Emily, alam kong galit ka pero alam mo ring may kasalanan ka sa nangyari. Mula ngayon ay kalimutan mo na ang napagkasunduan natin."Namilog ang mga mata ni Emily at umiling. Gust
Mabilis na binuhat ni Tyron ang dalaga nang mapansin na isang paa lang nito ang may puwersa. "Mamaya natin pag usapan ang tungkol dito. Kailangan mo pa ng pahinga."Walang reklamong iniyakap niya ang mga kamay sa batok ng binata. Tumingin siya kay Emily na ang talim ng tingin sa kaniya. Kulang na lang ay bugahan siya ng apoy dahil sa galit. Pagod na rin siyang makipag kumpetensya kay Emily at si Tyron ang naiipit sa kanilang dalawa. Ito rin naman ang gusto niya noong nagrereblde ang kalooban niya. Ang umalis sa poder ng binata. Pero ngayon ay walang sama ng loob siyang nararamdaman. Marahang ibinaba ni Tyron sa kama ang dalaga at pinasandal ito sa headboard. "Pinapayagan kita sa gusto mo hindi dahil ayaw na kitang alagaan pa."Pinigilan niya ang sarili na mapangiti dahil sa paliwanag ng binata. "Ayaw ko lang na maulit itong insidente sa pagitan ninyong dalawa lalo na at kailangan kong dalawin sa Australia si Lolo." Paliwanag ni Tyron."Magtatagal ka ba roon?" Parang biglang nakatamd
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang