Marahas na tumayo si Tyron nang may kumatok muli sa pintuan. Ayaw niyang makita na lumuluha ang dalaga kaya tumalikod na siya at binuksan ang pinto. "What?" Paangil niyang tanong nang bumungad sa pinto ay si Jay."Tinutulungan ka na nga, ikaw pa ang galit." Natatawang tugon ni Jay sa kaibigan. Tangkang sisilip siya sa loob ng silid ngunit iniharang ng kaibigan ang malaking katawan nito sa pinto."Sa library tayo." Malamig na turan ni Tyron bago isinara ang pinto.Inis na naibato ni Jesabell ang unan sa pinto at umalis na walang paalam ang binata. Alam niyang si Jay ang isturbong kumatok sa pinto. Naiinis na talaga siya sa antipatikong doctor na iyon! Minsan ay parang si Emily ba laging hadlang sa pang aakit niya kay Tyron. Tumigil na siya sa pag iyak at ayaw niyang pumangit. Dapat magsaya siya dahil sa wakas ay hindi pananiginip na lang ang halik niya sa binata. Kinikilig na niyakap niya ang isang unan at naigalaw ang mga paa. Nakalimutan niyang may injury iyon kaya impit siyang napa
"Pag iisipan ko, salamat sa payo!" Sensirong turan ni Tyron sa kaibigan. "Bakit ba kasi salawahan ang puso mo?" Biro niyang muli sa kaibigan at ang seryuso nito."Maintindihan mo rin kapag ikaw na ang nasa sitwasyon ko."Natigilan si Jay at may naalala. "Aalis na ako. Kung may kailangan ka ay tawagan mo na lang ako."Napangisi si Tyron habang sinusundan ng tingin ang kaibigang palabas na ng pinto. Ang galing nitong magpayo sa kaniya pero sarili nitong buhay ay hindi maituwid. Ilang sandali pa ay napabuntong hininga siya bago nagpasyang tumayo at tinahak ang daan patungo sa silid ni Emily. Nadatnan niya itong nakadapa sa kama at hindi makahiga dahil sa injury nito sa likod.Masama ang loob na umiwas ng tingin si Emily kay Tyron. Pero masaya siya dahil dinalaw siya upang tingnan ang injury niya ay kamustahin."Emily, alam kong galit ka pero alam mo ring may kasalanan ka sa nangyari. Mula ngayon ay kalimutan mo na ang napagkasunduan natin."Namilog ang mga mata ni Emily at umiling. Gust
Mabilis na binuhat ni Tyron ang dalaga nang mapansin na isang paa lang nito ang may puwersa. "Mamaya natin pag usapan ang tungkol dito. Kailangan mo pa ng pahinga."Walang reklamong iniyakap niya ang mga kamay sa batok ng binata. Tumingin siya kay Emily na ang talim ng tingin sa kaniya. Kulang na lang ay bugahan siya ng apoy dahil sa galit. Pagod na rin siyang makipag kumpetensya kay Emily at si Tyron ang naiipit sa kanilang dalawa. Ito rin naman ang gusto niya noong nagrereblde ang kalooban niya. Ang umalis sa poder ng binata. Pero ngayon ay walang sama ng loob siyang nararamdaman. Marahang ibinaba ni Tyron sa kama ang dalaga at pinasandal ito sa headboard. "Pinapayagan kita sa gusto mo hindi dahil ayaw na kitang alagaan pa."Pinigilan niya ang sarili na mapangiti dahil sa paliwanag ng binata. "Ayaw ko lang na maulit itong insidente sa pagitan ninyong dalawa lalo na at kailangan kong dalawin sa Australia si Lolo." Paliwanag ni Tyron."Magtatagal ka ba roon?" Parang biglang nakatamd
Tinapos na niya ang pakipag-usap kay Julia saka hinapit sa baywang ang dalaga na parang batang nakayakap sa baywang niya. "Stop being naughty.""Can I kiss you anytime, from now on?" tanong niya sa binata habang nangungusap ang mga matang nakatitig dito.Sa halip na sagutin ang dalaga ay bumaba ang ulo niya at sinalubong halik ang nang-anyayang labi nito. Pero hindi na niya pinalalim ang halik at baka makalimot siya. Mawalan lang ng saysay ang pagpayag na tumira ito pansamanala sa dorm. "Rest, kailangan kong pumunta ng opisina ngayon. Ang lunch mo ay dadalhin na lang dito ng katulong."Napatingin si Jesabell sa orasan. Alas onse lang pala. Mukhang may meeting ito na kailangang puntahan. Alam niyang maging abala ito sa kompanya lalo na at paalis. Sinunod niya ang utos nito at nagpahinga lang sa silid. Tama na muna ang pakipag asaran kay Emily at baka lumala pa ang bale niya sa paa. Hindi rin naman siya makatulog kaya naisip niyang tawagan si Minche. Tuwang tuwa ito nang makilala siya
"Balita ko po ay aalis na siya dito sa bahay?" Biglang umaliwalas ang mukha ni Emily at nakangiting tumango. Siya na ang prinsesa sa bahay na ito at siya na lang ang makikita ni Tyron kapag wala na si Jesabell."Pagkakataon niyo na pong maangkin nang tuluyan si Sir Tyron." Nakangising kumindat si Nida sa dalaga.Napangisi na rin si Emily at nagustohan ang iniisip ni Nida. "Kailangan kong gumaling na agad upang mapaligaya si Tyron.""Kaya kumain na po kayo at nang lumakas agad at gumaling iyang likod mo." Inilapit na ni Nida ang pagkain kay Emily.Kahit walang ganang kumain ay pilit na inubos ni Emily ang pagkain. Excited siyang masolo na si Tyron kapag nakaalis na si Jesabell. Kung kinakailangang gamitan ng dahas si Tyron ay gagawin niya, maangkin lamang ito.Inabot na ng antok si Jesabell sa paghihintay kay Tyron. Malalim na ang gabi ngunit wala pa ito at hindi rin nagpaparamdam kahit sa tawag o text message. Ang akala pa naman niya ay may pagbabago na rin sa communication nila. Mas
"So, totoo ngang pinalayas ka na." Nang aasar na ani Emily habang nakatingin sa maleta ni Jesabell. "Excuse me, ako ang kusang aalis at hindi pinalayas. Dapat kang magpasalamat sa akin dahil sinalo kita na siyang mapatalsik sana sa bahay na ito." Mataray niyang tugon kay Emily."Thank you!" Sa halip na maasar lay Jesabell ay iniinis niya rin ito. "At sana ay hindi ka na malabalik at makalapit pa kay Tyron." Dugtong pa niya."Sorry pero malabong mangyari iyan dahil siya mismo ang lalapit sa akin." Napangisi siya nang tumalim ang tingin sa kaniya ni Emily. "Alam mo bang sa silid ko siya natulog kagabi?""At sa tingin mo ay maniniwala ako sa iyo?" Nakangiti niya ring tanong kay Jesabell pero feep inside ay gusto na niya itong sabunutan."Well, hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla niya akong pinayagang umalis?" Patuloy niyang tanong sa tonong nang aasar.Sandaling natigilan si Emily at napaisip dahil sa tanong ni Jesabell. Ang alam nga niya ay hindi pumapayag si Tyron na umalis ang bab
"Please behave there, ok?" Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaha habang yakap ito."Hindi ba ako matino dito?" Tonong nagtatampong tanong niya sa binata.Napabuntong hininga ang binata at sandaling natahimik. Ilang sandali pa mukhang nahihirapang bigkasin ang laman ng isipan. "Huwag mong hayaang masaktan ang sarili mo dahil sa akin. Kailangan natin maghiwalay sa ngayon para na rin sa kabutihan mo."Napalabi si Jesabell. Gusto niyang kintrahin ang binata ngunit sinarili na lamang niya. Kung alam lang nito na ito ang kaniyang lakas at inspiration. Kaya paano nito nasabing nakabubuting malayo siya rito? Huminga siya nang malalim at tumango na lamang upang mapanatag na ang loob nito."Pinapayagan na kitang maging kaibigan si Jason, pero siya lang at wala nang iba, understand?"Napatikwas ang kilay niya at kumalas sa pagkayakap sa binata. Nagdududang sinalubong niya ang mga titig nitong tila nangungusap. Gusto niyang itanong sa binata kung ano ang nakain nito at ang daming nagbag
"Enough, nakarami ka na ng halik."Inirapan niya ang binata at mukha siyang naging mapagsamantala pa sa kabaitan nito. Pero napangiti rin siya agad at ang saya niya. Sana ay ganito na lang lagi sila ni Tyton kahit walang linaw ang relasyon nilang dalawa. Ganoon niya ito kamahal. Kung kinakailangang lumayo kung iyon ang gusto nito ay gagawin niya rin. Napalabi siya at inirapan ang sarili sa isipan. Ang daling sabibin na kaya niyang layuan binata pero halos madurog naman ang puso niya mapag naiisip iyon.Nang patakbuhin na ni Tyron ang sasakyan ay binuhay niya ang stereo ay pumili ng music. Napangiti siya nang marinig ang kantang 'I Need You.' Tumutugma kasi iyon sa kaniyang buhay para sa binata. Nang mag chorus na ang kanta ay sinabayan niya iyon habang nakatitig sa binata. Nang sumulyap ito sa kaniya ay parang tumalon ang puso niya sa kilig. Kinindatan lang naman kasi siya ng binata. Ang guwapo talaga nito at ang cool. "Baka matunaw na ako sa kakatitig mo." Sita ni Tyron sa dalaga ha
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab
"Prepare ko na ang kasal ninyong dalawa at ang pagpalit ng birth certificate ng mga bata upang kayong dalawa ang legal parents na." Nakangiting lumapit si Minche kanina Janina at hinawakan ito saga kamay."Maraming salamat po, ate!' Niyakap ni Janina ang babae. Hindi na siya nagpakipot pa sa nais mangyari ng pamilya ni Timothy. Nagpasalamat siya dahil kasama na niya ang dalawang anak na napawalay sa kaniya noon. Nalungkot siya para sa batang akala niya ay kaniyang anak. Ilang sandali panay binulabog sila ng ingay mula sa labas ng silid."Janina, lumabas ka riyan at harapin ako!" Sigaw ni Josie at tinutulak ang bantay dahil ayaw siyang papasukin."Dito ka lang at ako na ang haharap sa kaniya," ani Timothy. "No, ako ang hinahanap niya. Tiyak na hindi siya titigil sa panggugulo hangga't hindi ko hinaharap." Pigil ni Janina sa binata at tumayo na.Napabuntong hininga si Timothy at binilin sa kapatid na bantayan muna ang mga anak saka sinundan si Janina."Ano ang kailangan mo?" Pagalit na
Halos manlaki pati ang ulo ni Paul nang makita ang lalaking naka posas at dala ng pulis palapit sa kaniya. Napailing siya at hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakatitig sa pinsan niyang doctor. Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ni Jona nang makita ang pinsna ni Paul. Kahit alam niyang hawak na ito ni Timothy ay nagulat pa rin siya nang makita ito. Wala na talagang pag asawa na malusutan nila ang kasong isasampa sa kanila ni Timothy. "Fuck, bakit nagpahuli ka?" Singhal ni Paul sa pinsan nang makabawi.Sinamaan lang ng doctor ang pinsan at hindi nagsalita. Ayaw na niyang madagdagan ang maging kaso. Nangako si Timothy na kapag tumayo siyang testigo ay bababa ang sentensya niya at makalabas agad sa kulungan."Ipasok na po sa kulungan ang dalawang iyan at huwag hayaang makalabas." Kausap ni Timothy sa pulis."Hayop ka, kapag hindi mo ako pinalabas dito ay hindi mo na makikita ang isa mo pang anak!" Panakot ni Paul sa lalaki at iyon ang naisip na huling alas."Naibalik ko na sa