"Tyron, ok na ako. Puwede na ba tayong umuwi?" Paglalambing ni Emily sa binata.No, may kinuha akong bago mong doctor upang masuri nang husto ang sakit mo at mukhang lumala."Biglang kinabahan si Emily, hindi niya alam kung bakit parang lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon ay pinagdududahan na ng binata. Mabilis niyang hinawakan ito sa kamay upang pigilan na tumawag ng doctor. "Tyron, alam kong pagod ka sa beyahe at sinalubong ka pa ng maraming problema sa kompanya kanina kaya ayaw ko na maabala ka pa nang husto dahil sa akin.""It doesn’t matter. Nangako ako sa iyo noon na alagaan ka at tulungan kaya ginagawa ko ito."Pilit na ngumiti si Emily sa binata kahit nasasakta2n sa kaalamang hindi dahil sa pagmamahal. "I know. Pero ok na ako, please I want to go home at para makapagpahinga ka na rin.""Hindi maari dahil hinimatay ka kanina." Matigas na turan ni Tyron. Lalabas na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita kung sino ang caller ay agad niyang sinagot."Nakak
Nangunot ang noo ni Tyron at tumingin kay Emiliy."Hi-hindi ko alam kung bakit ako hinimatay kanina." Defensive na paliwanag ni Emily sa binata. Lalong dumilim ang anyo ni Tyron at hinarap ang kaibigan. "So after the operation noon ay hindi na bumalik ang sakit niyang iyon?"Yes, ito ang result ng laboratory niya. Maari na rin siyang lumabas kung gusto mo." Umalis na si Jay matapos magsalita.Mapahigpit ang hawak ni Tyron sa laboratory results ni Emily. Mariing naglapat ang mga labi niya nang maalala ang sinabi ni Jesabell noon."Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Ginagamit na lang niya ang dating sakit niya upang manatili ka sa tabi niya. Ako ang totoong may sakit hindi siya! Wala rin akong kasalanan sa pagkaing kinain niya kaya sumakit ang tiyan niya!"Mariing naipikit ni Tyron ang mga mata matapos maalala ang hinagpis ni Jesabell noon sa kaniya. Ilang buwan lamang ang nakalipas mula nang magkaroon ng fever si Jesabell. Iniwan niya ito at mas piniling alagaan si Emily dahil nalama
"Wala siya dito at hinatid ko sa dorm niya after naming kumain sa labas."Nakahinga nang maluwag si Tyron at safe ang dalaga."Kapag kinausap ka, huwag mo na sanang hayaang sumama ang loob sa iyo." Sinserong payo ni Timothy sa binata.Wala sa sariling napatango si Tyron sa lalaki. "Salamat!""Dahil kapag lumapit siyang muli sa akin ay baka hindi ko na siya pakawalan pa lalo na at gusto siya ng anak ko na maging ina." "Tinatakot mo ba ako?" Naasar na tanong ni Tyron at sinamaan ng tingin ang kaharap."Honest si Jesabell at totoong magmahal. Kayang magtiis at lumalaban para sa taong mahal niya. Hindi ko pa siya lubusang kilala pero alam kong dumanas siya nang hindi maganda upang ipaglaban ang pagmamahal niya sa iyo." Malayong sagot ni Timothy sa lalaki.Parang may pumiga sa puso ni Tyron dahil sa mga sinabi ni Timothy. Hindi niya maitanggi kung ano ang speculation ng lalaki dahil natauhan na rin siya kanina."Huwag mo na rin sanang hayaang ma bully siya sa mismong kompanya mo." Dugtong
Daig pa ni Tyron ang nakakita ng multo sa narinig. Napailing siya at hindi matanggap ang narinig. "No... hindi ako papayag!""Deserve mo iyan. Ang gago mo kasi at ilang beses na sinaktan ang kaibigan ko. Tama lang na mapagod ang puso niya sa pagmahal sa iyo." Pang aasar pa ni Jason sa lalaki."Kapag hindi mo ako tutulungan na mapatawad niya ay kalimutan mo na rin ang alok kong tulong sa iyo!" Matigas na panakot ni Tyron dito."Hoy, ibang usapan iyan!" Angal ni Jason."Kaya kailangan mo akong tulungan!"Napabuga ng hangin sa bibig si Jason. Ang sama ng tingin niya sa cellphone pero naging mahinagon ang reply niya sa lalaki. "Pare, hayaan mo na muna siya ngayong gabi. Nagseselos lang iyon at nagtampo. Bukas ay maging ok din kayo basta suyuin mo lang. Ipakita mo na mas mahalaga siya sa buhay mo kaysa kay Emily para mahalin ka niyang muli." Napaismid siya matapos ma send ang mahabang payo sa lalaki. Asar pa rin siya dito hangga't hindi ok ang kaibigan niya.Ayaw ni Tyron na pati ang kaib
Galit na galit si Emily nang dumating sa bahay at wala si Tyron. Hindi talaga siya binalikan kanina sa hospital kaya mag isa siyang umuwi. Ang balak na panunuyo sa binata ay hindi magawa at wala si Tyron.Umalis na si Nida sa harapan ng dalaga at baka sa kaniya na naman ibunton ang galit nito. Habang tumatagal ay mukhang nag iba na ang ihip ng hangin kaya nag aalala siya para sa sarili. Kapag bumalik si Jesabell at maging reyna sa mansion ay tiyak na wala na siyang lugar dito. Nakailang buga ng hangin si Emily habang nanlilisik ang mga mata dahil sa galit. Hindi niya matanggap na wala na siyang halaga sa puso ni Tyron ngayon at si Jesabell na lang ang inaalala. Pagkaiwan sa kaniya kanina sa hospital ay hindi na siya binalikan. Ni hindi rin siya kinakamusta ngayon kung nakauwi na ba o nasa hospital pa rin. Malalim na ang gabi kaya siguradong hindi na ito uuwi pa."Relax, hindi ka maaring pumangit dahil sa galit at selos!" Kausap ni Emily sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin.
"Jesabell, what kind of attitude is that? Wala ka sa bahay para umasta ng ganiyan dito. Hindi mo na ba talaga igagalang ang kuya mo?" Mukhang nasasaktan na sermon ni Emily sa babae.Sinamaan ni Jesabell ng tingin si Emily. Hindi siya maaring mawala sa poise niya sa harapan nito at ng iba pa na humuhusga sa character ng pagkatao niya. Bigla siyang ngumiti at nagbago ang isip. "Oh sorry, ang templang kape ko nga lang pala ang gustong inumin ni Mr. CEO." Nanlaki ang mga mata ni Emily nang mabasa ang nasa isipan ni Jesabell. Mabilis siyang humarang sa daraanan nito nang tumayo. "Saan ka pupunta? Oras ng trabaho at hindi ka allowed gawin ang ano mang gusto mo."."Are you sure? Mas pakikinggan ba kita kaysa sa utos ng CEO?" Nang aasar niyang tanong kay Emily."You—""Ms. Emily, please huwag niyo nang e delay ang pag alis niya. Utos ng CEO ang lahat ng ito." Mahinahon na pakiusap nu Julia sa dalaga.Taas noo at binangga ni Jesabell balikat ang dibdib ni Emily upang makadaan. Nilingon pa ni
"What the hell are you doing?" Bulyaw ni Tyron kay Emily.Bumuka ang bibig ni Emily ngunit nanginig ang ibabang labi dahil sa kabang nadarama at galit. "She.... she kissed you!" Naiiyaj niyang turo kay Jesabell. "I kissed her and it's none of your business to interfere!"Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jesabell at hindi makapaniwala sa narinig na sinabi ni Tyron kay Emily. Siguradong durog at duguan ang puso ni Emily sa masakit na salitang binitiwan ni Tyron. Ang sakit niyong nakita na ngang may kahalikang iba ang lalaking mahal ay pagsabihan pa na parang basura sa buhay ng binata."So-sorry, I'm just worried na baka may ibang makakita sa inyo. Alam mong ang alam ng lahat dito ay ako ang fiancee mo." Naiiyak pa rin na paliwanag ni Emily sa binata. Nangunot ang noo ni Tyron at wala siyang matandaang nag announce siya tungkol sa relasyon nila ni Emily sa kompanya."Tyron, ang alam ng lahat dito ay kapatid mo si Jesabell kaya hindi tama na makitang—""Hindi ko kailangan ang opini
"Please, huwag ka nang magalit sa akin. May nangyari lang talagang hindi maganda kahapon kaya—""Hindi mo kailangan mo magpaliwanag at wala tayong relasyon." Putol niya sa pagsasalita at malakas na tinulak ito upang makalayo.Napabuga ng hangin sa bibig si Tyron at ayaw makinig sa kaniya ng dalaga. Nang tatalikod na naman ito ay binuhat na niya ito at pinaupo sa itaas ng lamesa."What the hell, Tyron? Ano ba ang problema mo?" Galit niyang hinampas sa dibdib ang binata at pumagitnan pa ito sa pagitan ng mga hita niya upang hindi siya makagalaw ng maayos. Mabilis niyang iniwas ang tingin sa nangungusap nitong mga mata. Lalambot na naman kasi ang puso niya at bibigay agad kapag ganito sa kaniya si Tyron."Patawarin mo na ako at hayaang makabawi sa kagagohang nagawa ko noon." Pagsusumamo niya sa dalaga."Bakit, ano ba ang kasalanan mo sa akin?" Pang aasar niya rito. Marami itong kasalanan at gusto niyang malaman kung alam din ba nito ang kasalanang nagawa sa kaniya."Marami, pero nagaqa k
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang