LOGIN"Really?" Namimilog sa excitement ang mga mata ni Mrs. Zamora nang marinig ang naging sagot ni Damon. Sinabi nito na gawin nila kung anong gusto nila. Hindi ito tumutol na pag usapan ang tungkol sa kasal nito at ni Avionna!“Damon…” Halata ang hindi maipaliwanag na saya sa mga mata ni Avionna habang nakatingin kay Damon."Wonderful! I'll give instructions to prepare for the engagement party right away!” Masayang masaya na bulalas ni Mrs. Zamora."Kuya, don't joke around!" Tuluyan nang nawalan ng composure si Dylan. Kung talagang magiging sister-in-law niya si Avionna ay lalayas na lang siya sa bahay nila! Hindi niya kayang pakisamahan ang babaeng wala ng ginawa kung hindi ang magpanggap na mabait at mang uto sa buong pamilya nila!Bumaling si Damon sa ina nito na parang nasa ulap dahil sa kaligayahan."Just don't bother notifying me. I won't be attending anyway." Malamig at diretsong sagot ni Damon.Natahimik ang lahat dahil sa sinabi nito. Ang masayang mukha at nagdiriwang na mga tao
"Ano, ikaw lang ba ang pwedeng pumunta rito? Pati ba sarili mong ina ay hindi na puwedeng bumisita?" Natatawang tinakpan ni Fionna ang bibig niya, halatang natutuwa sa pang-aasar sa anak."Look at you! Araw-araw kang abala sa pagtakbo sa hospital. Ni hindi mo na nga iniintindi ang sarili mong kasal! Kaya nga ako pumunta rito ngayon para pag-usapan namin ng Uncle at Auntie mo ang wedding plans ninyo ni Damon."Nakangiting bumaling si Fionna kay Mrs. Zamora."Matagal ko nang pangarap na maging daughter-in-law si Avionna," sambit ni Mrs. Zamora na may magiliw na ngiti. "Hindi na rin naman bumabata ang dalawa. Actually, pinag-uusapan lang namin ng asawa ko kung paano aayusin ang engagement nila."Dahil sa sinabi ni Mrs. Zamora ay sabay na lumuwang ang mang inang Fionna at Avionna."Great minds think alike!" Masayang ngumiti si Fionna habang hinahawakan ang kamay ng anak. "Si Avionna ang pinakamamahal naming anak. Para siyang isang precious treasure na buhay naming mag-asawaa. Inalagaan
Matapos huminga ng malalim ng ilang beses para pakalmahin ang sarili ay ibinaling ni Sarina ang mukha niya kay Harold.“Harold, thank you. But I really do have business to take care of with him at their mansion today.”Dalawang mahabang segundo siyang tinitigan ni Harold pero nanatili itong tahimik.Samantala, unti-unting naglaho ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Damon. Napalitan iyon ng bahagyang ngiti ng tagumpay na sumilay sa malalim at hindi mabasang mga mata niya habang diretsong nakatitig kay Harold.Pagkabalik na pagkabalik ni Director Lee sa ospital ay agad na nakarating sa kanya ang balitang pansamantalang ipinagpaliban ang pagkakatalaga kay Sarina bilang Department Chief. At hindi lang iyon! Ang pinal na desisyon kung sino ang mamumuno sa Cardiothoracic Surgery Department ay ipapaubaya na rin sa isang hospital-wide vote.Parang apoy na mabilis na kumalat ang balita. Wala pang isang oras ay halos lahat ng staff sa ospital ay iyon na ang pinag-uusapan.Noong una itong mari
Bahagyang iniangat ni Avionna ang baba niya at tumingin kay Damon. Nagliliwanag ang ngiti sa mga labi niya habang ang tono ng boses niya ay punong-puno ng lambing at affection.Marahang kumurap si Sarina. Isang bahagyang lungkot ang mabilis na sumilay sa mga mata niya bago niya ito tuluyang naitago.So, Damon only came to the hospital because Avionna was being discharged?Ang pagsundo nito sa kanya ay nagkataon lamang. Kaya pala bigla itong nagkaroon ng maraming free time. Para rin pala kay Avionna ang lahat.Isang malamig at malungkot na emosyon ang dumaan sa mga mata ni Sarina. Biglang sumikip ang dibdib niya pero mabilis niyang iniwas ang mukha sa kabilang direksyon. Pinilit niyang lunukin ang biglaang bugso ng emosyon at ibinaon iyon sa pinaka liblib na sulok ng puso niya, kung saan walang sinuman ang makakatuklas sa nararamdaman niya.Sapat ang laki ng oversized black umbrella para masilungan silang tatlo ng walang problema. Pero sa pakiramdam ni Sarina ay unti-unting bumibigat a
"Sarina."Bahagyang kumunot ang noo ni Sarina dahil sa iritasyon nang mabosesan kung sino ang tumawag sa kanya pero hindi man lang niya binagalan ang paglalakad.Samantala, nagmamadaling humabol si Avionna na nasa likuran niya at nakipagsabayan sa paglalakad. May nakakaloko na ngisi sa mga labi nito habang nagsasalita."Still refusing to admit defeat, huh? Alam mong talo ka na pero nakuha mo pa ring magyabang." Nang iinsulto na komento nito. “You actually reached the highest level of annoying and pathetic insecure woman in the world,” malamig na sagot ni Sarina. Ni hindi man lang nag-abalang lingunin si Avionna."Bìtch! In less than a month, you'll be kicked straight out of this hospital and I won't have to look at your face ever again. Kaya kailangan kitang tingnan nang tingnan kasi pagkatapos ng isang buwan ay hindi ko na maaalala ang mukha mo. Wala ng makakaalala sa mukhang yan.” Humalakhak nang may kayabangan si Avionna. Halos sumasayaw sa tuwa ang mga mata niya habang iniisip an
Tahimik na tumitig si Sarina kay Professor Ramirez habang hindi natinag ang kalmadong mga mata. Isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa labi niya. Magaan iyon kung titingnan pero nagtatago sa likod nito ang matinding panunuya."Very simple. If I win, I require all of you to apologize for today's baseless accusations."Ilang sandaling tinitigan ni Professor Ramirez si Sarina bago siya nagpakawala ng isang makahulugang tawa."My dear, you should worry about actually winning first."Sa kasalukuyang reputasyon ni Sarina ay ang pagbubukas ng posisyon bilang Department Chief sa isang botohan na lalahukan ng lahat ng medical at nursing staff sa buong ospital ay para na rin siyang itinulak sa isang dead end.Alam naman nilang lahat ang katotohanan sa isip nila. Wala ni katiting na pag-asang manalo si Sarina.Isang babaeng doktor na nababalot ng mga eskandalosong tsismis, inaakusahan ng matinding kawalan ng moralidad at pansamantalang sinuspinde sa trabaho matapos pa lamang maupo sa posisyon nito







