LOGINKitang-kita sa mukha ni Dylan ang matinding pagkadismaya.Bakit ba naman kasi pinipilit ng lalaking ito na tapakan ang ego ng kuya niya? Ano ba ang mapapala nito sa ginagawa nito?Ramdam na niya ang sobrang lamig ng presensya ng kuya niya. Parang kayang i-freeze nito ang buong kwarto anumang oras. Pero itong karibal ng kuya niya ay nakaupo lang ng maayos at kalmado na para bang walang nangyayari. Sa sobrang composed nito ay hindi maiwasan ni Dylan na isipin na baka mamaya ay bigla na lang baligtarin ng kuya niya ang mesa dahil sa sobrang galit.At gaya nga ng inaasahan niya ay humakbang si Damon papunta sa bedside table.Napakislot si Dylan at agad na sinulyapan si Walter para bigyan ito ng babala sa posibleng gawin ng kuya niya. Mukhang agad namang nahulaan ni Walter kung ano ang gusto niyang iparating kaya naging alerto na rin ito sa mga kilos ni Damon.Damn it, kuya! Talaga bang babaliktarin mo yang table?!Pero sa sumunod na segundo ay isang napakalamig na tingin ang biglang tumam
Dahan-dahang nanlamig ang mga mata ni Damon habang nakatitig kay Sarina. Tumanggi itong magpakasal ulit sa kanya. Handa naman niyang patunayan na seryoso talaga siya na pakasalan ulit ito kung pagbibigyan siya nito.Bahagyang umawang ang mga labi ni Sarina."There is no reason needed, Damon. Our marriage back then was a mistake and I’ve already paid the consequences of that decision.”Nakatitig siya ng diretso sa mga mata ni Damon habang sinasabi niya iyon.“The moment I signed that divorce agreement, I never had any intention of marrying you again. Wala na akong balak na magpakasal ulit sayo. Ayaw ko nang malagay ulit sa parehong sitwasyon. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para balikan muli ang sitwasyon na nagawa ko nang iwanan.”Limang taon na ang nakalipas nang talikuran niya ang lahat at magdesisyon na tuluyan nang maging estranghero sa buhay ni Damon. Kung hindi dahil sa lolo nito ay hinding-hindi na siya babalik pa sa Zamora mansion. She never intended to get involved with Damon
Pinigilan ni Sarina ang magulong isip niya bago nagsalita. Matalim at malamig ang tono ng boses niya."Why are you here? Are you here to demand justice for Avionna?"Nanatiling tahimik si Damon. Ramdam ni Sarina ang mariin na mariin na titig nito sa kanya na para bang kahit na hindi ito nagsasalita ay tumatagos naman ang mga titig nito sa balat at kaluluwa niya.Bahagyang kumurap si Sarina nang hindi na niya kayanin ang titig ni Damon. May mabigat na pakiramdam na bumalot sa dibdib niya. Sobrang nakakapagod ang mga nangyari sa araw na iyon. Wala na siyang energy para magpaliwanag pa lalo na para sakyan pa ang kung anumang gusto ni Damon ngayong gabi.Kahit kailan ay hindi niya nagawang magpakumbaba sa harap ni Damon para lamang magpaawa o magpakita na siya ang biktima kagaya ng ginagawa ni Avionna. Siguro nga ay hindi na lang sana siya nagtanong. Dahil kapag sinabi ni Damon na pumunta ito doon para sitahin siya sa ginawa nila ni Marie kay Avionna kanina ay baka mas lalo lang na bumiga
"Damon," kagat-labi na tawag ni Avionna kay Damon habang nakatingala rito. Punong-puno ng hinanakit ang mukha niya. "Sarina really wronged me this time. I would never do something so terrible. I don't know why she's accusing me of pushing her. Why does she keep insisting on framing me?"Sadyang ginalingan niya ang pag arte na kawawa para makuha ang tiwala ni Damon. Kilalang kilala niya ito. Hindi ito basta na lang magbibintang ng tao. Kapag may ebidensya ay iyon ang paniniwalaan nito. Kaya nga ginawa niya ang lahat para magkaroon ng kahit papaano na dedepensa sa kanya sa mansyon ng mga Zamora. Kung kinakailangan niyang magbayad ng tao para lamang mapaniwala niya si Damon na inosente siya ay gagawin niya. At hindi naman siya nabigo. Hindi pinaniwalaan ni Damon si Sarina dahil may witness na lumantad para sabihin ang mga inutos niya."Hindi mo kasalanan. Sarina is in a bad emotional state right now, probably because she's just out of the operating room. So don't hold a grudge against he
Bahagyang kumunot ang noo ni Sarina habang ibinababa ang hawak niyang baso. Alam na niya kung anong klaseng drama ang gagawin ni Avionna."Your friend fell down on her own. What does that have to do with me? Bakit ako ang ginagawa ninyong punching bag? I stayed behind out of the goodness of my heart para alagaan si Sarina tapos ito pa ang isusukli ninyo sa akin? Sinisiraan at inaabuso ninyo ako! Tell me, is there any justice left in this world?"Nakaupo sa sahig si Avionna at halos paos na ang boses sa sobrang pag-iyak. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa namamaga niyang mukha na para bang siya ang pinaka walang-sala at pinaka kawawang tao sa buong mundo."What is going on here?"Pumasok si Damon sa silid. Bahagyang naningkit ang madidilim niyang mga mata habang nagsasalita sa malamig at mababang boses. Mas lalong nag inarte si Avionna sa harapan nito.“Damon, what did I ever do wrong? Sarina fell down the stairs all on her own. Why are they blaming me? This is so unfair. I did no
Bahagyang pinaliit ni Damon ang mga mata niya. Hindi mabasa sa mukha niya kung naniniwala ba siya sa sinasabi ni Avionna. Ilang segundo lang siyang nakatitig dito bago muling umiwas ng tingin.Parang tuluyan nang nadurog si Avionna sa nangyari. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa pisngi niya habang nanginginig niyang kinakagat ang ibabang labi. Mukha na naman siyang kawawa dahil sa itsura niya. Kailangan niyang galingan ang pag-arte dahil kung hindi ay siguradong pagdududahan siya ni Damon."Damon... are you suspecting me?"Nang makita ang nakakaawang itsura ni Avionna ay bahagyang lumambot ang malamig na ekspresyon ni Damon.Wala pa namang kumpirmadong ebidensya. Ang alam lang niya ay si Avionna mismo ang nagmamadaling nakiusap sa kanya na iligtas si Sarina. Kung hindi ito agad humingi ng tulong ay baka hindi na nakaligtas si Sarina ngayon.May mga pagdududa pa rin siya sa isip pero wala siyang sapat na dahilan para direktang akusahan ito. Tumango siya ng bahagya."I am not. Thank







