Natagalan maghanap sila Analyn at Jean ng taxi driver na marunong magsalita ng Ingles. Halos rush hour na ng nakaalis sila. Matrapik na ang mga kalsadang dinadaanan nila.Medyo madaldal ang driver, at maraming tanong sa kanila. Si Jean na ang sumasagot dito dahil alam niyang wala sa wisyo si Analyn. Mayamaya, nag-ring ang telepono ng driver. Dinukot ng driver ang telepono sa bulsa niya. Nakita ni Analyn nang napangiti ito sa screen ng telepono niya. “Naku, tumatawag ang asawa ko.” “Sige lang po, sagutin n’yo na.” Si Analyn ang sumagot. Base sa pagkakangiti nito ng nakita niya ang pangalan ng asawa sa screen ng telepono nito, obvious na mahal na mahal nito ang asawa. Ganun nga ang ginawa ng driver. Masaya nitong sinagot ang tawag ng asawa. Kaya naman nag-drive ito na isang kamay lang ang may hawak sa manibela at ang isang kamay ay hawak ang telepono niya na nasa tenga. Nasa malalim na pag-iisip si Analyn nang bigla na lang na nakarinig siya ng malakas na tunog at ang sigaw ni Jean
“Tonton! Paano kapag nalaman ni Analyn ang gagawin mong ‘yan? For sure, magagalit ‘yun.”“That’s why there should be no leakage of the information.”“Pero, Anthony–”“Wala na akong choice, Raymond.”Nang gabi ring iyon, sakay na ng eroplano si Anthony pabalik sa Tierra Nueva. Pagkalapag ng eroplano, dumiretso siya sa bahay ng mga Esguerra.Kasalukuyang nagpapahinga si Brittany nang pumasok si Anthony sa loob ng bahay ng mga Esguerra. Nagulat siya ng nakita ang lalaki na naglalakad palapit sa kanya.“Anthony? Bakit ka narito? Akala ko, nasa Hongkong ka?”Ngumiti si Anthony nang malapit na siya kay Brittany. Napatulala naman si Brittany sa ngiti na iyon ng lalaking matagal ng minamahal. Nang nasa tapat na siya ni Brittany, agad niyang sinalat ang noo ng babae. “Oh? Wala ka na agad lagnat? Ang bilis naman?”Namilog ang mga mata ni Brittany. “B-Bumalik ka sa Tierra Nueva dahil sa akin?”“May sakit ka raw kaya nagpa-book agad ako ng flight. Tama ba?” Biglang nag-init ang mukha ni Britta
“Naaksidente?” Muntik ng nabitawan ni Raymond ang hawak na tasa na iaabot sana niya kay Jean ng narinig niya ang balita. “Eh, ikaw? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Jean. “Okay lang ako. Sa side ng kinauupuan ni Analyn ang impact. May konting maliliit na pasa lang ako, pero okay lang ako.”Tumango-tango si Raymond. “Good…”“Kailangang ipaalam mo ito kay Anthony, ngayon na. Nadiskubre ni Analyn na may ectopic pregnancy siya two days ago, tapos ngayon naman, eto. Hindi niya alam na inalis na kanina ang bata sa tiyan niya.”Umalis si Raymond doon. Pagbalik ay hawak na nito ang telepono niya. Idi-nial niya ang numero ni Anthony pero hindi ito sumasagot. Alam niyang abala ito ngayon sa pakikipag-negosasyon sa mga Esguerra. Kilala niya ang kaibigan, kapag nalaman nito kung ano ang nangyari kay Analyn, malamang na iiwan nito kahit sino pa ang kausap at lilipad pabalik ng Hongkong para makita si Analyn. Pinatay na ni Raymond ang tawag. Wala na s
Natulos sa pagkakatayo niya si Emily. “Nakaligtas? Ano’ng ibig mong sabihin na nakaligtas?” Gulong-gulo siya at hindi makapaniwala. “Yes, Madam. Nakaligtas siya sa aksidente. Pero meron din pala siyang ectopic pregnancy kaya isinabay na iyon sa operasyon niya nung maaksidente siya. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya mahina pa ang katawan niya at magtatagal pa siya sa ospital.”Hindi malaman ni Emily kung hahanga siya sa manugang o maaawa rito. Kalat na kalat na ang balita tungkol kina Anthony at Brittany. Idagdag pa na hindi pa nare-resolba ni Anthony ang problema niya sa negosyo.NAPAPANSIN ni Jean na bigla na lang nagbago si Analyn. Hindi na ito madalas nagtatanong tungkol kay Anthony. Hindi na nito inuusisa ang lagay ng problema ni Anthony sa negosyo nito. Lagi itong tahimik at kadalasan ay nakatunghay lang sa labas ng bintana sa kuwarto niya sa ospital. Ngayong araw, may dumating na mga lalaki sa kuwarto ni Analyn, pero hindi naman sila tauhan ni Anthony.“Sino
Huminga ng malalim si Analyn. Pagkatapos ay tinanong si Emily.“Alam ba ‘to ni Anthony?” Tumingala sa kisame si Emily na para bang naroroon ang kasagutan sa tanong ni Analyn.“Desisyon ko ito. Dahil alam kong ito ang tama.” Pagkatapos ay muli niyang tiningnan si Analyn. “Anyway, sa tingin ko, kapag pumayag ka, papayag na rin siya.”Tumango-tango si Analyn. Medyo lumuwag ang pakiramdam niya. At least, walang alam si Anthony sa ginagawa ng Mama niya.“Oh, by the way, nagkaroon ka raw ng ectopic pregnancy?” Hindi sumagot si Analyn, sensitibo pa rin sa kanya ang paksa na iyon. Inisip ni Emily na kaya hindi sumagot si Analyn ay dahil nalulungkot ito sa pagkawala ng anak nila sana ni Anthony.“Since tapos na ang operasyon mo, wala ng dahilan para malungkot ka. Anyway, bata ka pa naman. Ingatan mo na lang ang katawan mo, para sa susunod, magkaroon ka na ng malusog na baby sa tiyan mo.”Tahimik pa rin si Analyn. “At narinig ko rin na nagbukas ka ng negosyo. Something to do with your desi
Halos lahat ng pasahero sa eroplano ay nakasuot ng walang manggas na damit at hangga’t maaari ay shorts dahil summer pa. Habang si Analyn ay balot na balot ang katawan sa damit na suot.Sa halip kasi na naiinitan ay nilalamig siya. Siguro nga ay hindi pa ganun kalakas pa ang katawan niya. Hindi pa nakabalik ito sa dating resistensiya niya. Si Elle ang kinontak niya para sumundo sa kanya sa airport. Pagkakita sa kanya ng babae ay agad itong tumakbo papunta sa kanya. “Ang payat mo, ah?”Tipid na ngumiti si Analyn. “Diet ako dun sa Hongkong.”“Ahm, Analyn… okay ka lang ba rito?” tanong ni Jean na hawak pa ang handle ng wheelchair na kinauupuan ni Analyn. Nginitian niya ang babae. “Oo. Salamat sa tulong mo. Kaibigan ko ito, si Elle.” Nginitian ni Jean si Elle, ganun din ang huli. Pagkatapos ay muli niyang binalingan si Analyn. “Paano? Dito na lang ako sa airport. Hindi na ako lalabas. In thirty minutes, sasakay na uli ako ng eroplano pabalik ng Hongkong.”Tumango si Analyn. “Salama
Nakaparada ang sasakyan ni Elle sa di-kalayuan sa bahay ni Sixto. Nasa loob ang dalawang babae habang parehong nakatingin at nagmamasid sa labas ng bahay. Pero sa dalawa, halatang mas kabado at tense si Elle. “Busy na tao si Tito Sixto. Alam mo naman ‘yun, di ba?” reklamo ni Elle.“Basta, dalhin mo lang ako sa loob ng bahay nila.”Hindi sumagot si Elle, tila nag-iisip siya ng isasagot kay Analyn.“Don’t worry, hindi ko aaminin na isinama mo ako. Sasabihin ko na nakita lang kita sa may gate, na doon lang tayo nagkita,” pagbibigay konsolasyon ni Analyn sa babae.Nagbuga ng hangin si Elle.“Hindi na. Hintayin mo ako rito. Papasok muna ako saa loob. Titingnan ko muna kung nandiyan siya, at kung ano ang sitwasyon sa loob.”Bumaba si Elle ng sasakyan at saka naglakad papunta sa gate ng bahay ng mga Esguerra. Nanatili si Analyn sa loob ng sasakyan. Pero nakalipas na ang ilang minuto, wala pa rinh Elle na bumabalik. Nainip na si Analyn. Pakiramdam niya, walang nangyayari sa araw niya. Maya
Walang nagawa si Elle kung hindi samahan si Analyn doon. Naupo naman sa wheelchair si Analyn kaya hindi masyadong nag-alala si Elle para rito. Kaya lang, nang tumatagal na, tumitindi na rin ang sikat ng araw. Kaya ang ginawa ni Elle ay pumasok muna sa loob para humingi ng payong sa kasambahay doon. “Nariyan ba si Brittany sa loob?” tanong ni Analyn ng muling lumabas si Elle. “Ang press release di ba ay may lagnat o siya, o maysakit. Whatsoever. Pero hindi totoo ‘yun. Busy siya. Super busy. Marami siyang pinagkakaabalahan. Umaalis siya ng maagang-maaga at gabi na bumabalik.”Samantala, nasa study room na si Edward, kausap si Sixto. Halos dalawang oras na sila magka-usap. Wala naman silang importanteng pinag-uusapan, kung ano-ano lang. Gusto lang ni Edward na pigilan si Sixto na lumabas ng kuwarto. Kapansin-pansin din na parang lumilipad ang isip ni Sixto at wala sa kuwartong iyon ang isip niya. Manaka-naka rin siyang tumitingin sa labas ng bintana, kung saan mula roon ay kita niya
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint