Huminga ng malalim si Analyn. Pagkatapos ay tinanong si Emily.“Alam ba ‘to ni Anthony?” Tumingala sa kisame si Emily na para bang naroroon ang kasagutan sa tanong ni Analyn.“Desisyon ko ito. Dahil alam kong ito ang tama.” Pagkatapos ay muli niyang tiningnan si Analyn. “Anyway, sa tingin ko, kapag pumayag ka, papayag na rin siya.”Tumango-tango si Analyn. Medyo lumuwag ang pakiramdam niya. At least, walang alam si Anthony sa ginagawa ng Mama niya.“Oh, by the way, nagkaroon ka raw ng ectopic pregnancy?” Hindi sumagot si Analyn, sensitibo pa rin sa kanya ang paksa na iyon. Inisip ni Emily na kaya hindi sumagot si Analyn ay dahil nalulungkot ito sa pagkawala ng anak nila sana ni Anthony.“Since tapos na ang operasyon mo, wala ng dahilan para malungkot ka. Anyway, bata ka pa naman. Ingatan mo na lang ang katawan mo, para sa susunod, magkaroon ka na ng malusog na baby sa tiyan mo.”Tahimik pa rin si Analyn. “At narinig ko rin na nagbukas ka ng negosyo. Something to do with your desi
Halos lahat ng pasahero sa eroplano ay nakasuot ng walang manggas na damit at hangga’t maaari ay shorts dahil summer pa. Habang si Analyn ay balot na balot ang katawan sa damit na suot.Sa halip kasi na naiinitan ay nilalamig siya. Siguro nga ay hindi pa ganun kalakas pa ang katawan niya. Hindi pa nakabalik ito sa dating resistensiya niya. Si Elle ang kinontak niya para sumundo sa kanya sa airport. Pagkakita sa kanya ng babae ay agad itong tumakbo papunta sa kanya. “Ang payat mo, ah?”Tipid na ngumiti si Analyn. “Diet ako dun sa Hongkong.”“Ahm, Analyn… okay ka lang ba rito?” tanong ni Jean na hawak pa ang handle ng wheelchair na kinauupuan ni Analyn. Nginitian niya ang babae. “Oo. Salamat sa tulong mo. Kaibigan ko ito, si Elle.” Nginitian ni Jean si Elle, ganun din ang huli. Pagkatapos ay muli niyang binalingan si Analyn. “Paano? Dito na lang ako sa airport. Hindi na ako lalabas. In thirty minutes, sasakay na uli ako ng eroplano pabalik ng Hongkong.”Tumango si Analyn. “Salama
Nakaparada ang sasakyan ni Elle sa di-kalayuan sa bahay ni Sixto. Nasa loob ang dalawang babae habang parehong nakatingin at nagmamasid sa labas ng bahay. Pero sa dalawa, halatang mas kabado at tense si Elle. “Busy na tao si Tito Sixto. Alam mo naman ‘yun, di ba?” reklamo ni Elle.“Basta, dalhin mo lang ako sa loob ng bahay nila.”Hindi sumagot si Elle, tila nag-iisip siya ng isasagot kay Analyn.“Don’t worry, hindi ko aaminin na isinama mo ako. Sasabihin ko na nakita lang kita sa may gate, na doon lang tayo nagkita,” pagbibigay konsolasyon ni Analyn sa babae.Nagbuga ng hangin si Elle.“Hindi na. Hintayin mo ako rito. Papasok muna ako saa loob. Titingnan ko muna kung nandiyan siya, at kung ano ang sitwasyon sa loob.”Bumaba si Elle ng sasakyan at saka naglakad papunta sa gate ng bahay ng mga Esguerra. Nanatili si Analyn sa loob ng sasakyan. Pero nakalipas na ang ilang minuto, wala pa rinh Elle na bumabalik. Nainip na si Analyn. Pakiramdam niya, walang nangyayari sa araw niya. Maya
Walang nagawa si Elle kung hindi samahan si Analyn doon. Naupo naman sa wheelchair si Analyn kaya hindi masyadong nag-alala si Elle para rito. Kaya lang, nang tumatagal na, tumitindi na rin ang sikat ng araw. Kaya ang ginawa ni Elle ay pumasok muna sa loob para humingi ng payong sa kasambahay doon. “Nariyan ba si Brittany sa loob?” tanong ni Analyn ng muling lumabas si Elle. “Ang press release di ba ay may lagnat o siya, o maysakit. Whatsoever. Pero hindi totoo ‘yun. Busy siya. Super busy. Marami siyang pinagkakaabalahan. Umaalis siya ng maagang-maaga at gabi na bumabalik.”Samantala, nasa study room na si Edward, kausap si Sixto. Halos dalawang oras na sila magka-usap. Wala naman silang importanteng pinag-uusapan, kung ano-ano lang. Gusto lang ni Edward na pigilan si Sixto na lumabas ng kuwarto. Kapansin-pansin din na parang lumilipad ang isip ni Sixto at wala sa kuwartong iyon ang isip niya. Manaka-naka rin siyang tumitingin sa labas ng bintana, kung saan mula roon ay kita niya
Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ngayon ni Ailyn. Hindi pa siya napahiya sa buong buhay niya. Dalawa lang sila ni Anthony na nakakaalam sa nangyari, pero pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maiharap sa lalaki ngayon. Aaminin niya, naapektuhan siya kanina sa ginawa ni Anthony. Pero obvious na obvious naman na kay Analyn niya lang gustong gawin ang makamundong pagnanasa niya. “Bakit? Akala mo ba na ako ang asawa mo kaya mo ginawa ‘yun?” Wala na sanang balak si Anthony na sagutin ang tanong ni Ailyn, pero muli itong nagsalita, dahilan para mapahinto siya sa paglabas sa kuwarto. “Huwag ka ng umasang dadating ang asawa mo! Kalat na kalat na ang balita na pumirma na siya ng annulment paper para mapawalang-bisa ang kasal n’yo.” Madilim ang aura na nilingon ni Anthony si Ailyn. Natakot ang babae sa nakita niyang itsura ni Anthony. “Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Tunay na nakakatakot ang boses ni Anthony nang sinabi niya iyon. Napalunok si Ailyn. Parang may biglang bumara sa lalam
Nag-iwas ng tingin si Analyn. Alam naman niya iyon, pero gusto niyang sumugal. Para kay Anthony. Muli niyang tiningnan si Edward.“Pero hindi naman siya ang may idea ng project na iyon. Si Brittany, tama? Kayong dalawa ni Brittany ang nag-tandem, para pabagsakin n’yo si Anthony.”Si Edward naman ang nag-iwas ng tingin sa babae, at saka nagbuga ng hangin.“Analyn, ang larangan ng negosyo ay isa ring larangan ng digmaan. Walang permanenteng kaibigan dito, kung hindi, permanenteng interes lang.”“Oo, nandoon na ako. Kaya nga hindi na ako lumapit sa iyo. Kaya nga si Sir Sixto ang nilapitan ko. Siya na lang ang alam kong pwedeng makatulong sa akin. Siya na lang ang alam kong pwede kong lapitan.”“Alam mo bang pinuntahan ni Anthony si Brittany? Ako na ang nagsasabi sa ‘yo, hindi ka siniseryoso ni Anthony bilang asawa niya. Wala siyang permanenteng interes sa ‘yo, so bakit sa kanya umiikot ang mundo mo?”“Iniisip n’yo siguro na tanga ako. Uto-uto. Bobo. Pero hindi ba dapat iisa lang ang mag
Tatlong araw ng nasa poder ni Edward si Analyn. Kalat na sa mga tao niya sa kusina na may itinatagong babae ang amo nila roon. Madalas naman talaga ay may inuuwing babae ang amo nila, pero kakaiba ang pag-aalaga niya sa babaeng nasa gusali nila ngayon. Ang tatlong pagkain na kailangang ibigay sa maghapon ay may sinusunod na mga espesyal na mga recipe. “Ang sabi, hindi raw okay ang kalusugan ngayon nung babae.” “Talaga ba?” “At take note. Araw-araw siyang pinupuntahan ni boss Edward dun sa kuwarto niya.” “Ano kaya ang itsura? Maganda siguro. Hindi naman siguro pagtutuunan ng pansin ng amo natin kung hindi.” “Malamang.”Nakatunghay muli si Analyn sa labas ng bintana. Eto lang naman kasi ang pinaka-libangan niya rito sa kinaroroonan niya. Hindi nga niya alam kung nasaan siya ngayon. Kung isa ba sa mga bahay ni Edward ito, o isa sa mga negosyo niya. Mahina pa ang katawan ni Analyn. Manaka-naka ay nakakaramdam siya ng pagkahilo. At minsan ay hirap siyang magsalita. Minsan, kapag nap
“Hoy! Bakit ka sumasabat sa usapan namin? Isa ka lang na taga-silbi rito,” sita ng isang lalaki. “Oo nga, alam mo ba kung ano ang pinag-uusapan namin dito?” sabi pa ng isa.Ngumiti si Analyn. Umaayon sa plano niya ang nangyayari ngayon.“Yes, sino ba ang hindi nakakaalam ng kasalukuyang sitwasyon ng DLM Corporation? Nasa krisis ngayon ang nasabing kumpanya, pero sa palagay ko, kayang baligtarin ng DLM ang masamang kapalaran niya ngayon. From defeat to victory. Dati akong nagtatrabaho sa DLM, sa isang mahalagang departamento, kaya alam na alam ko ang financial situation ng kumpanya. At naaalala ko na itinago ni Sir Anthony ang strategy na iyon mula sa ibang mga kalabang kumpanya sa Tierra Nueva para subukan sila.”Napuno ng pagtataka ang mga mukha ng mga lalaking naroroon. “Ano’ng sabi mo? Nagtrabaho ka sa DLM?” tanong ng isang lalaki roon. “Kung ganun, ano’ng ginagawa mo rito bilang isang waiter?” tanong ng isa pa at saka pasimpleng hinagod ng tingin ang unipormeng pang-waiter na s
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d
“Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p
[“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni