Dalawang buwan na ang nakalipas…Sa unang linggo pa lang ng buwan ay may isang magandang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng DLM Group of Companies. May isang international investor na mula pa sa Germany ang nag-invest ng 500 million US dollars dito. Muling nagbunyi ang buong pamunuan ng DLM. Sa unang pagkakataon mula ng umalis si Analyn, ngayon lang uli humarap sa media si Anthony. Sa tingin ng ibang tao, nakabawi na ito mula sa krisis na kinasadlakan niya dalawang buwan na ang nakakaraan.Sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga media, at pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinasibad ito ni Karl habang mabilis namang nagpahayag ng mga report ang sekretarya. Pero kung titingnan si Anthony, halata mong hindi siya interesado sa mga sinasabi ng sekretarya niya. “May balita na ba?” Tumigil ang sekretarya sa pagsasalita. Huminga ito ng malalim at saka sinagot ang paulit-ulit ng tanong ni Anthony sa loob ng dalawang buwan. “Wala pa po, boss. Hindi pa rin
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit
Araw ng kaarawan ni Brittany. Maliwanag ang buong kabahayan at bakuran ng mga Esguerra dahil marami silang inimbita para iselebra ang araw na iyon. Walang katapusan ang pagdating ng mga bisita. Lahat ay may dalang mahal at importanteng regalo para sa dalaga ng mga Esguerra. Tuwang-tuwa si Brittany sa atensyon na natatanggap niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong dumating, isang tao lang ang hinahanap pa niya. “Bakit wala pa si Anthony?” Tumayo si Brittany at saka muling sumilip sa bakuran sa ibaba kung saan naka-set up ang mga mesa at upuan para sa mga bisita.Iniwan ni Brittany ang bintana at saka wala sa loob na tinanong ang kasama niyang kasambahay sa loob n g kuwarto niya.“Ano’ng oras na ba?” Aware naman si Brittany na maaga pa ang gabi, pero naiinip na kasi siya sa pagdating ni Anthony. Saka naman may pumasok na isa pang kasambahay. “Mam, may dumating pong regalo galing kay Sir Anthony,” sabi nito habang may hawak na maliit na kahon.Hindi malaman ni Brittany kung matutuwa
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
Lumingon si Edward. Napasambit na lang siya ng salamat ng makita na hindi si Brittany iyon. Ngumiti ang babae kay Edward. “Sino siya, Edward?”Kinakabahang nilingon ni Analyn ang babae. Pero ikinagulat ni Analyn ng nakita niya kung sino iyon. Paano’ng napunta si Nanay Mercy dito sa mga Esguerra? Ibang-iba ang itsura nito ngayon kaysa noong kasama niya noong dalawang buwan na ang nakalipas sa kumbento. Maganda at magara ang suot na damit nito ngayon, kabaligtaran sa mga simpleng suot niya doon sa lugar na pinagsamahan nila. Nakadagdag pa sa pagiging sopistikada nito ang bahagyang make up na nasa mukha nito. Tumingin si Mercy kay Analyn. Pero dahil siguro sa may suot itong face mask kaya hindi nakilala ng ginang ang anak-anakan sa loob ng kumbento.“Ah, Tita. Assistant ko. Pinapunta ko rito kasi may emergency sa trabaho. May kailangan lang kaming asikasuhin,” sambot ni Edward. Muling tiningnan ni Mercy si Analyn. “Kawawa ka naman. Ano’ng oras na ng gabi at pinagtatrabaho ka pa rin
Walang nakakaalam sa garden na may dalawang tao sa study room na iba ang motibo. Maingay doon. Puno ng sayawan, halakhakan at kuwentuhan. Na pabor na pabor kina Analyn at Edward. Pero nagulantang na lang sila ng may biglang kumatok sa pintuan ng study room. “Edward!” Napahinto ang dalawa sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay pang napatingin sa direksyon ng pintuan. “Edward! Nandiyan na ba kayo sa loob? Okay lang ba kayo riyan? May problema ba?”Nagkatinginan sila Edward at Analyn. Sa labas, nainip si Mercy sa sagot ni Edward. Naisipan niyang pumasok na sa loobb ng kuwarto. Pero nang akmang pipihitin na niya ang door knob ay saka naman iyon bumukas. Isang nakangiting Edward ang bumungad sa babae. “Tita, hindi pa kami tapos. Medyo masalimuot lang ng konti. Pero sandali na lang siguro ‘to.”Nakangiting tumango si Mercy kay Edward, at saka pasimpleng sumilip sa loob ng kuwarto. Nakita niya si Analyn na may suot pa ring face mask habang nagta-type sa likod ng computer doon.
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.