Sa loob ng kuwarto ni Elle, nakahiga na si Analyn habang nasa loob ng banyo si Elle. Wala pa ring tigil ang pag-ulan at tila lalo pa itong lumakas. Matagal-tagal na ring nasa loob ng banyo si Elle at naiinip na si Analyn. Naisipan niyang lumabas muna ng kuwarto.Nilakad ni Analyn hanggang sa dulo ng pasilyo. Pero napahinto siya ng may nakitang bulto ng lalaki sa madilim na parte ng beranda. Babalik na sana siya ng magsalita ang lalaki. “Nasa kanan ang study room ni Papa Sixto, iyon ba ang hinahanap mo?” Pagkasabi ni Edward nun ay lumapit siya kay Analyn.“Bakit ko naman hahanapin ‘yun?” sagot ni Analyn.“Huwag mong sabihin na napadaan ka lang?”“Bakit hindi ka pa natutulog?” sa halip ay sagot ni Analyn sa lalaki.“Kalalabas ko lang mula sa study room ni Papa Sixto, tapos nanigarilyo na ako.” Ininguso pa niya ang pinagtayuan niya kung saan siya nakita ni Analyn.“Bakit? Ano’ng pinag-usapan n’yo?”Ngumisi si Edward. “Bakit mo gustong malaman? Alam mo, bilib ako sa tapang mo. Hindi mo
“Pumunta ako para kumustahin ang kalagayan mo. Hindi ba ako welcome?” Bago pa makasagot si Brittany ay narinig nila ang pagbukas ng pintuan kaya sabay-sabay na lumingon doon ang lahat. Iniluwa ng pintuan si Sixto. Tahimik ang lahat habang lumalapit si Sixto sa kama ni Brittany. Napansin ni Sixto si Analyn na naroroon sa kuwarto. Mataman niya itong tinignan pero hindi naman niya kinuwestiyon ang babae. “I’m sorry, anak… patawarin mo ako. Huwag mo ng uulitin ‘yan. Pangako, uunahin ko munang intindihin ka…” Seryosong sabi ni Sixto sa anak ng nasa tapat na ito ni Brittany.Pero matigas ang mukha ni Brittany. Mukhang ayaw niyang tanggapin ang paghingi ng tawad ng ama. “Huwag n’yo muna akong kausapin ngayon. Lumabas na kayo. Lumabas na kayong lahat!” “Ganyan ka katigas? Ayaw mo akong kausapin? Ako na ang nagpapakumbaba sa iyo? Ako na ama mo?”“Naglolokohan lang naman kasi tayo, Papa.”“Brittany!” pagsaway ni Mercy sa anak.Nilingon ni Brittany si Mercy, walang makikitang emosyon sa mu
Naputol ang pag-iisip ni Analyn ng may kumatok sa pintuan. Tumayo si Elle para buksan ang pinto. Isang kasambahay ang nasa labas nun. “Mam Elle, nagpahanda po ng hapunan ang senyora. Sabay-sabay na raw kumain. Pati si Miss Analyn pinapa-imbitahan ni Senyora sa hapunan.”Nilingon ni Elle si Analyn. “Tara?” Tumango naman si Analyn. Pagdating nila sa kainan ay naroroon na ang lahat ng pamilya Esguerra pati na si Anthony, maliban kay Sixto. Sa kabisera nakaupo si Mercy at nasa magkabilang tabi niya sila Ailyn at Alfie. Katabi naman ni Ailyn si Anthony. May bakanteng upuan sa pagitan nila Alfie at Edward kaya doon naupo si Elle. Wala ng pagpipilian si Analyn kung hindi ang maupo sa tabi ni Anthony. Napansin pa niya ang bahagyang pagsimangot ni Ailyn sa pag-upo niya.Mula ng pumasok sila Analyn at Elle sa dining room hanggang sa paglalakad ni Analyn papunta sa upuan niya ay nakasunod ng tingin sa kanya si Mercy. “Akala ko kanina ay nakaalis ka na, Analyn. Nagulat ako ng sabihin ng kasa
Binitiwan ni Anthony ang mga labi ni Analyn, at saka ito pinatalikod sa kanya. “A-Anthony!” pagtawag ni Analyn sa lalaki, “ano’ng binabalak mo?” Bahagyang kinabahan si Analyn, meron siyang naiisip na posibleng gawin ni Anthony ngayon. Nang pilit na itinaas ni Anthony ang ibabang bahagi ng bestida niya at hawakan ang garter ng panloob niya, doon na niya natiyak ang nasa isip niya.“Anthony! Hiwalay na tayo, ano ka ba?!” saway ni Analyn habang pilit nilalabanan ang pagbababa ni Anthony sa panloob niya. Narinig pa ni Analyn ang pagtunog ng bakal ng sinturon ni Anthony. “Para sa akin, asawa pa rin kita.” Pagkasabi nun ay naramdaman na ni Analyn ang pagpasok ni Anthony sa kanya. Napakagat-labi na lang si Analyn. Gustuhin man niyang sawayin pa si Anthony, pero lubha siyang marupok pagdating sa lalaking ito. “Nasaan si Anthony?” Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Kilala niya ang boses na iyon. Si Edward! Bumalik na siya! Humigpit naman bigla ang pagkakahawak ni Anthony sa magkabila
Nang dumating sila Elle at Analyn sa bahay ng mga Esguerra, marami ng sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay hanggang sa labas ng gate. Maaaring sasakyan ng mga doktor o mga kapamilya ng mga Esguerra. Pero ang nakatawag ng atensyon ni Analyn ay ang sasakyan ni Anthony. Dumiretso sila sa isang kuwarto. Malaki iyon, pero hindi alam ni Analyn kung personal na kuwarto iyon ni Brittany o isa sa mga guest room at ipinagamit lang muna kay Brittany dahil malaki ito at nasa bungad lang. Ang unang nakita ni Analyn sa loob ay si Mercy na nakaupo sa tabi ng tila wala pang malay na si Brittany. Nasa kabilang panig naman ng kama si Anthony na may ibinubulong sa katabing si Ailyn. Si Alfie naman na nakasandal sa gilid ng pintuan ay agad na napatuwid ng tayo ng nakita si Analyn na kasunod ni Elle. “Bakit mo isinama rito ‘yang babaeng ‘yan?” Dahil sa pagkakasabi nun ni Alfie ay napalingon ang lahat sa gawi ni Analyn. Matamang tinitigan ni Anthony ang dating asawa."Ipinag-drive ako ni Analyn p
Sa pagbalik ni Analyn sa Tierra Nueva, kumuha siya ng maliit na apartment para may matuluyan siya. Nag-concentrate din siya sa kumpanya niya. Inayos niya ang lahat ng project at iniwan niya kay Michelle ang pangangasiwa muna sa Blank. Si Anji ang PIC sa mga proyekto ng DLM Group. Pinili niya na mag-concentrate muna siya sa pagsubaybay sa mga Esguerra.Tinitingnan niya ang litrato nila Anthony at Ailyn sa social media ng dumating si Elle. “Hindi ako nahirapang hanapin itong apartment mo, pero aanhin mo naman ito? Hindi naman kita pina-alis dun sa condo ko. Isa pa, ang laki namang di hamak nun kumpara mo rito.”Pilit na ihiniwalay ni Analyn ang tingin niya sa larawan nila Anthony, na halos magkalapit na magkalapit sa isa’t isa at para sila talagang may relasyon na kung pagbabasehan ang larawan. Ang sabi pa sa article ay namanhikan na si Anthony at pinag-uusapan na ang kasal ng dalawa.Umusod si Analyn sa inuupuang sofa para magbigay ng espasyo kay Elle. “Nakakahiya na sa ‘yo. Pakiramd
Pagkalabas ni Analyn sa airport, agad niyang tinawagan si Elle. Pero pinapatayan siya ng tawag niro. Kaya nagpadala na lang siya ng mensahe rito. To: ElleNasaan ka? May ipapakisuyo sana ako sa ‘yo.Nasa sasakyan na si Analyn ng sumagot si Elle. From: ElleBusy ako. I-message mo na lang kung ano ang sasabihin mo. Or puntahan mo ako ngayon dito sa Grand Hotel kung urgent. Doon nga nagpunta si Analyn sa sinabing lugar ni Elle. Pagbaba ni Analyn sa sasakyan niya ay may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Jean na kabababa lang din ng sasakyan. “Jean! What a coincidence?”Lumingon si Jean sa paligid. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Analyn. ‘“Ikaw lang mag-isa?”“Oo. Bakit?”“Sikat na sikat ka na. Kasing-sikat ka na ng mga artista. Hindi ka ba natatakot na mapictyuran ka rito?”Ngumiti si Analyn. “Nandito ka naman. Lagi ka namang may paraan para ma-protektahan ako, hindi ba?”Kahit mismo si Analyn ay nagtataka. Hindi sila matalik na magkaibigan ng babae, at b
Nagkaroon ng farewell dinner ang summit. Ayaw nga sanang magpunta na ni Analyn, pero narinig kasi niya kanina sa summit na dadalo raw si Anthony at may isasamang babae. Malamang na si Ailyn ‘yun. Kaya naman wala siyang choice kung hindi ang magpunta na rin. At hindi nga siya nagkamali. Nadatnan niya sa venue sila Anthony at Ailyn. As usual, nakabakod na naman ang babae kay Anthony at kung maka-asta ito ay parang siya ang asawa ni Anthony. Kausap ni Anthony si Eric at Mr. Santos. Nang nakita siya ni Eric ay agad siyang tinawag ng lalaki. Nagpa-unlak naman si Analyn at sumama sa umpukan. Manaka-naka siyang sumasagot sa usapan ng tatlong lalaki. Nahalata naman niya na ang hindi mapakali na si Ailyn at tila bagot na bagot na sa tabi ni Anthony. “Wait. Pupunta lang ako sa CR, gentlemen,” paalam ni Analyn at saka tumayo na at naglakad na papunta sa CR. Pagkapasok niya sa CR, nagulat siya ng bumukas uli ang pintuan, tanda na may pumasok uli sa loob. Nalingunan niya si Ailyn. Mabilis na
Tuluyan ng hinubad ni Analyn ang lahat ng suot na damit at saka binuksan ang tubig para punuin ang bathtub. Nang mapuno, sumampa na si Analyn at saka inilubog ang katawan niya roon. Pumikit si Analyn. Pero laman pa rin ng isip niya ang natuklasan, at kasunod ang marami pang tanong.Ang alam niya lang na nakakaalam sa balat niya ay ang Papa niya. Paano’ng nalaman iyon ni Ailyn? Imposibleng pareho lang sila ng balat ng babae. Malaki ang paniniwala niya na ipinagaya lang ni Ailyn iyon. Pero bakit? Bakit niya ipapagaya at bakit siya nagpalagay ng kaaparehong balat?Ang isa pang tanong ni Analyn ay kung siya ang totoong Ailyn Esguerra, paano’ng nag-match ang DNA test nito kina Sixto at Mercy?Mas nabuo ang hinala ni Analyn sa isip niya. Hindi nag-iisa si Ailyn sa ginagawa nitong pagpapanggap. May mga kasabwat ito. Pero sino? O sino-sino sila? Ang isa pang tanong ay bakit? Ano ang dahilan ni Ailyn? Ano ang dahilan ng mga kasabwat niya?Siguro, kung masasagot niya ang mga tanong na iyon, at