Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 386 - TAKOT AT KABA

Share

386 - TAKOT AT KABA

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-05-25 10:37:38

Nasa labas na si Analyn ng kuwarto ni Greg. Pero hindi siya makapasok. Natatakot siya. Natatakot siya sa posible niyang makita sa loob ng kuwarto. Natatakot siya na baka mawala na si Greg. Kung sakaling mawawala nga ang matanda, hindi niya alam kung paano niya tatanggapin iyon.

Sa huli, napagpasyahan niyang hindi muna pumasok. Naupo muna siya sa upuan na nasa labas ng kuwarto nito. Sa pagkakaupo niya roon, marami siyang naiisip. Maraming pumapasok na mga senaryo sa isip niya.

Nakatulala lang si Analyn. Hindi alam ni Karl kung ano ang mga tumatakbo sa isip nito. Nag-aalala rin siya para rito.

“Bakit hindi ka pa pumasok?” tanong ni Karl.

“Natatakot ako.”

“Paano mo malalaman kung ano ang kundisyon niya kung hindi ka papasok?”

“Magpapalakas muna ako ng loob.”

“Ibibili muna kita ng kahit anong makakain mo. Dito ka muna. Sandali lang ako.”

“Dito ka lang. Alam ko namang pinapabantayan ako sa iyo ni Anthony. Dito ka lang, huwag kang aalis.”

Hindi alam ni Karl kung itatanggi o aaminin kay A
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Gloria Ignacio Beo
ano ba yan bkit sinunog paano ang pruweba.
goodnovel comment avatar
Girly Agbunag
Analyn Anong bang gusto mong manyari,,gusto mo nlng bang kawawa kana lng ,,haiist kelan kaya matatapos nakaka stress na ,,wala ng saysay Ang kwento..
goodnovel comment avatar
Fione
Ngeeeeeeeeeeeeeee ang haba nag ikot ikot ikot nga fairyswheel
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   386 - TAKOT AT KABA

    Nasa labas na si Analyn ng kuwarto ni Greg. Pero hindi siya makapasok. Natatakot siya. Natatakot siya sa posible niyang makita sa loob ng kuwarto. Natatakot siya na baka mawala na si Greg. Kung sakaling mawawala nga ang matanda, hindi niya alam kung paano niya tatanggapin iyon. Sa huli, napagpasyahan niyang hindi muna pumasok. Naupo muna siya sa upuan na nasa labas ng kuwarto nito. Sa pagkakaupo niya roon, marami siyang naiisip. Maraming pumapasok na mga senaryo sa isip niya. Nakatulala lang si Analyn. Hindi alam ni Karl kung ano ang mga tumatakbo sa isip nito. Nag-aalala rin siya para rito. “Bakit hindi ka pa pumasok?” tanong ni Karl.“Natatakot ako.”“Paano mo malalaman kung ano ang kundisyon niya kung hindi ka papasok?”“Magpapalakas muna ako ng loob.”“Ibibili muna kita ng kahit anong makakain mo. Dito ka muna. Sandali lang ako.”“Dito ka lang. Alam ko namang pinapabantayan ako sa iyo ni Anthony. Dito ka lang, huwag kang aalis.”Hindi alam ni Karl kung itatanggi o aaminin kay A

  • I SECRETLY WED the BOSS   385 - NASAAN KA?

    “Mama…”Pinilit ni Mercy na bawiin ang tingin kina Analyn at Chili, at saka tiningnan si Ailyn. “Okay lang, huwag mong pilitin. Hayaan mo na muna si Chili dito sa likod-bahay.” Napabuga ng hangin si Ailyn. “Salamat, Mama. Hayaan mo, pipilitin ko na araw-araw puntahan at makita si Chili dito.”Nakangiting tumango si Mercy, pero hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Analyn na kung pet lover ka noong bata ka ay hindi iyon pwedeng magbago hanggang sa pagtanda, at mananatili kang pet lover. Pero ang nakita niya kanina kay Ailyn tungo sa alaga nitong aso ay punong-puno ng takot at disgusto sa aso. Ayaw man niya, pero nakaramdam ng lungkot si Mercy sa inasal ng anak.“Tara na,” yaya ni Mercy kay Ailyn at saka siya nagpatiuna ng naglakad palabas doon. Agad namang sumunod si Ailyn. Pero pagtapat niya sa puwesto ng aso ay galit na tinahulan na naman siya nito, kaiba sa trato niya kay Mercy at Analyn. Samantala, nagpalit na si Analyn ng damit niya. Muli niyang isinuot ang damit na suot n

  • I SECRETLY WED the BOSS   384 - CHILI

    Dahan-dahang inangat ni Analyn ang isang kamay at saka hinawakan ang ulo ng aso. Marahan niyang kinamot-kamot iyon. Mahina namang umingit ang aso na tila nagustuhan ang ginagawa sa kanya ni Analyn. “Kumusta naman si Chili?” tanong ni Mercy habang pinagmamasdan ang aso at si Analyn.“Okay naman po siya,” sagot ng kasambahay, peo kagabi po maligalig siya. Parang may gustong puntahan.”“‘Yan si Chili. Lagi kasi kaming nasa biyahe ni Sixto noon. Naaawa ako sa anak ko na nag-iisa lang siyang naiiwan sa bahay. Kaya binili ko si Chili. Mahilig siya sa mga sili kaya Chili ang naging pangalan niya. Pero hindi niya kinakain ang mga sili. Inaamoy-amoy lang niya. May mga tanim kasi kaming sili sa likod-bahay. Lagi niyang pinupuntahan ang mga tanim tapos aamuyin niya hanggang sa magsawa siya.”Ang aso ay bumitaw kay Analyn at saka nahiga sa lapag nang patihaya na tila nagpapakamot ng kanyang tiyan. Kaya naman si Analyn ay bumaba at tumalungko para pagbigyan ang aso.“Kaya lang… mula ng nawala si

  • I SECRETLY WED the BOSS   383 - A CHILD'S PAINTING

    Para maisalba si Analyn, agad na nagyaya na si Mercy sa babae. “Tara na.” Sumunod na si Analyn kay Mercy. Pero bago siya tuluyang lumabas doon ay sinulyapan niya ng tingin si Anthony at Sixto. NAPANSIN ni Analyn na ang bahay ng mga Esguerra ay lubhang malaki. Kakaiba rin ang mga disenyong makikita mo sa loob at labas nito. “Iyong mga nakikita mo, hindi ‘yan ang original design nitong bahay. Pero noong ni-renovate ito, marami akong naging suggestion na mga designs,” komento ni Mercy habang naglilibot sila ni Analyn. “Ibig n’yo pong sabihin, nagde-design din kayo by profession?” Kaya siguro gusto niyang siya ang sumama sa akin sa paglilibot sa bahay nila…Tumango si Mercy. “Oo, pero hindi ako nakatapos ng kurso. Pero iyan ang hilig ko maski noong bata pa ako.”Nagulat naman si Analyn sa pagkakahalintulad nila ni Mercy sa hilig nila.Nasa likod-bahay sila ng napansin ni Analyn ang mga maliliit na mga punong-kahoy doon na may mga kulay puti at pink na mga bulaklak. Napakarami ng mga

  • I SECRETLY WED the BOSS   382 - HOUSE TOUR

    Sa loob ng kuwarto ni Elle, nakahiga na si Analyn habang nasa loob ng banyo si Elle. Wala pa ring tigil ang pag-ulan at tila lalo pa itong lumakas. Matagal-tagal na ring nasa loob ng banyo si Elle at naiinip na si Analyn. Naisipan niyang lumabas muna ng kuwarto.Nilakad ni Analyn hanggang sa dulo ng pasilyo. Pero napahinto siya ng may nakitang bulto ng lalaki sa madilim na parte ng beranda. Babalik na sana siya ng magsalita ang lalaki. “Nasa kanan ang study room ni Papa Sixto, iyon ba ang hinahanap mo?” Pagkasabi ni Edward nun ay lumapit siya kay Analyn.“Bakit ko naman hahanapin ‘yun?” sagot ni Analyn.“Huwag mong sabihin na napadaan ka lang?”“Bakit hindi ka pa natutulog?” sa halip ay sagot ni Analyn sa lalaki.“Kalalabas ko lang mula sa study room ni Papa Sixto, tapos nanigarilyo na ako.” Ininguso pa niya ang pinagtayuan niya kung saan siya nakita ni Analyn.“Bakit? Ano’ng pinag-usapan n’yo?”Ngumisi si Edward. “Bakit mo gustong malaman? Alam mo, bilib ako sa tapang mo. Hindi mo

  • I SECRETLY WED the BOSS   381 - BAKIT KA NANDITO?

    “Pumunta ako para kumustahin ang kalagayan mo. Hindi ba ako welcome?” Bago pa makasagot si Brittany ay narinig nila ang pagbukas ng pintuan kaya sabay-sabay na lumingon doon ang lahat. Iniluwa ng pintuan si Sixto. Tahimik ang lahat habang lumalapit si Sixto sa kama ni Brittany. Napansin ni Sixto si Analyn na naroroon sa kuwarto. Mataman niya itong tinignan pero hindi naman niya kinuwestiyon ang babae. “I’m sorry, anak… patawarin mo ako. Huwag mo ng uulitin ‘yan. Pangako, uunahin ko munang intindihin ka…” Seryosong sabi ni Sixto sa anak ng nasa tapat na ito ni Brittany.Pero matigas ang mukha ni Brittany. Mukhang ayaw niyang tanggapin ang paghingi ng tawad ng ama. “Huwag n’yo muna akong kausapin ngayon. Lumabas na kayo. Lumabas na kayong lahat!” “Ganyan ka katigas? Ayaw mo akong kausapin? Ako na ang nagpapakumbaba sa iyo? Ako na ama mo?”“Naglolokohan lang naman kasi tayo, Papa.”“Brittany!” pagsaway ni Mercy sa anak.Nilingon ni Brittany si Mercy, walang makikitang emosyon sa mu

  • I SECRETLY WED the BOSS   380 - GISING NA SI BRITTANY

    Naputol ang pag-iisip ni Analyn ng may kumatok sa pintuan. Tumayo si Elle para buksan ang pinto. Isang kasambahay ang nasa labas nun. “Mam Elle, nagpahanda po ng hapunan ang senyora. Sabay-sabay na raw kumain. Pati si Miss Analyn pinapa-imbitahan ni Senyora sa hapunan.”Nilingon ni Elle si Analyn. “Tara?” Tumango naman si Analyn. Pagdating nila sa kainan ay naroroon na ang lahat ng pamilya Esguerra pati na si Anthony, maliban kay Sixto. Sa kabisera nakaupo si Mercy at nasa magkabilang tabi niya sila Ailyn at Alfie. Katabi naman ni Ailyn si Anthony. May bakanteng upuan sa pagitan nila Alfie at Edward kaya doon naupo si Elle. Wala ng pagpipilian si Analyn kung hindi ang maupo sa tabi ni Anthony. Napansin pa niya ang bahagyang pagsimangot ni Ailyn sa pag-upo niya.Mula ng pumasok sila Analyn at Elle sa dining room hanggang sa paglalakad ni Analyn papunta sa upuan niya ay nakasunod ng tingin sa kanya si Mercy. “Akala ko kanina ay nakaalis ka na, Analyn. Nagulat ako ng sabihin ng kasa

  • I SECRETLY WED the BOSS   379 - ROOF TOP

    Binitiwan ni Anthony ang mga labi ni Analyn, at saka ito pinatalikod sa kanya. “A-Anthony!” pagtawag ni Analyn sa lalaki, “ano’ng binabalak mo?” Bahagyang kinabahan si Analyn, meron siyang naiisip na posibleng gawin ni Anthony ngayon. Nang pilit na itinaas ni Anthony ang ibabang bahagi ng bestida niya at hawakan ang garter ng panloob niya, doon na niya natiyak ang nasa isip niya.“Anthony! Hiwalay na tayo, ano ka ba?!” saway ni Analyn habang pilit nilalabanan ang pagbababa ni Anthony sa panloob niya. Narinig pa ni Analyn ang pagtunog ng bakal ng sinturon ni Anthony. “Para sa akin, asawa pa rin kita.” Pagkasabi nun ay naramdaman na ni Analyn ang pagpasok ni Anthony sa kanya. Napakagat-labi na lang si Analyn. Gustuhin man niyang sawayin pa si Anthony, pero lubha siyang marupok pagdating sa lalaking ito. “Nasaan si Anthony?” Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Kilala niya ang boses na iyon. Si Edward! Bumalik na siya! Humigpit naman bigla ang pagkakahawak ni Anthony sa magkabila

  • I SECRETLY WED the BOSS   378 - REVENGE IN MY BEHALF

    Nang dumating sila Elle at Analyn sa bahay ng mga Esguerra, marami ng sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay hanggang sa labas ng gate. Maaaring sasakyan ng mga doktor o mga kapamilya ng mga Esguerra. Pero ang nakatawag ng atensyon ni Analyn ay ang sasakyan ni Anthony. Dumiretso sila sa isang kuwarto. Malaki iyon, pero hindi alam ni Analyn kung personal na kuwarto iyon ni Brittany o isa sa mga guest room at ipinagamit lang muna kay Brittany dahil malaki ito at nasa bungad lang. Ang unang nakita ni Analyn sa loob ay si Mercy na nakaupo sa tabi ng tila wala pang malay na si Brittany. Nasa kabilang panig naman ng kama si Anthony na may ibinubulong sa katabing si Ailyn. Si Alfie naman na nakasandal sa gilid ng pintuan ay agad na napatuwid ng tayo ng nakita si Analyn na kasunod ni Elle. “Bakit mo isinama rito ‘yang babaeng ‘yan?” Dahil sa pagkakasabi nun ni Alfie ay napalingon ang lahat sa gawi ni Analyn. Matamang tinitigan ni Anthony ang dating asawa."Ipinag-drive ako ni Analyn p

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status