Nang nakarating na si Analyn sa CR, hindi siya pumasok doon. Sa halip, lumabas siya sa katabing labasan, kung saan maraming nakatambay na mga taxi at mga pribadong sasakyan. Nilampasan niya ang mga nakaparadang sasakyan, at nilakad hanggang sa dulo ng kalye habang tinatantiya kung gaano kabilis siyang masusundan ng mga tauhan ni Anthony. Habang naghihintay sa sasakyan na susundo sa kanya, nakahinga nang maluwag si Analyn. Nakawala siya nang walang kahirap-hirap mula sa mga tauhan ni Anthony. Mabuti na lang at maaasahan niya sa mga ganung bagay si Eric na nag-ayos ng taong magpapanggap na may bomba at ang nag-ayos ng sasakyan na susundo sa kanya. Pero may ilang minuto na siyang nakatayo sa lugar ay wala pa ring dumadating na sasakyan. Hindi daanin ang lugar na iyon at tago, kaya walang ibang sasakyan ang dumadaan doon. Nang biglang may humintong sasakyan sa tapat niya. Muling nakahinga si Analyn. Sa wakas ay makakaalis na siya roon. Pero nang lumabas ang mga lalaki mula sa loob n
Pinagmamasdan ni Anthony ang mukha ng natutulog na si Analyn. Kung pwede lang na hindi na mawala ang tingin niya sa mukha na iyon. Sigurado siyang hahanap-hanapin niya ang maamong mukha nito, ang kakulitan ng babae, at ang pagkamatigas ng ulo nito. Nagtaka nga siya na biglang pumayag si Analyn sa plano niya. Siguro, ang kailangan lang ay buksan niya ang sarili sa babae, ang malaman nito ang mga plano at balakin niya. Marahil, iyon ang kulang sa kanya, sa kanila. Ang magkaroon ng magandanng komunikasyon para hindi sila laging nagtatalo at nag-aaway dalawa. Nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang tumunog ang telepono niya.[“Sir, ang flight po pa-New Zealand ngayong araw ay isang alsa-tres ng hapon at alas-siyete ng gabi.”]Iyon agad ang bungad ng sekretarya ni Anthony. Muling nilingon ni Anthony ang tulog na si Analyn. “Iyong 7pm ang kunin mo.”Gusto niyang makatulog pa ng konting oras si Analyn bago ito bumiyahe.[“Yes, Sir.”]Pagkatapos ay naputol na ang tawag. Dahan-dahang tumayo s
Kausap ni Anthony ang sekretarya niya sa study room. Wala silang alam na parating si Analyn. Kakatok na sana si Analyn sa pintuan pero napansin niyang nakaawang iyon at may narinig siyang dalawang boses na nag-uusap sa loob.Na-curious si Analyn kung sino ang kasusap ni Anthony kaya sinubukan niya munang pakinggan ang usapan sa loob. “Okay na ang lahat, boss. Naiayos ko na. Wala ka ng dapat ipag-alala.”Nakilala ni Analyn ang boses ng sekretarya ni Anthony.“Siguraduhin mong mabuti. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng ma-involve.”“May kausap na rin ako sa airport. Hindi siya makikita roon, okay na ang ruta na dadaanan niya papunta sa flight niya. Pero boss, wala ka pang ibinigay na bansa na pagdadalhan natin sa kanya.”May ilang minutong katahimikan bago sumagot si Anthony. Napaisip naman si Analyn sa takbo ng usapan ng dalawang lalaki. “New Zealand. Sure akong magugustuhan niya roon. At sa pamamagitan ng perang ibinigay ko sa kanya at yung pamana sa
May ilang minuto na ring nakahiga si Analyn nang may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Bumangon siya para tingnan kung sino ang nasa labas. Ang alam niya ay mag-isa lang siya sa bahay na iyon at sumasaglit lang ang tagaluto sa umaga para ipagluto siya ng pagkain sa maghapon niya. Ang taga-linis naman ay lingguhan lang pumupunta ayon kay Anthony. “Manang Edna!”Malapad na ngumiti si Edna. “Masaya ako na makita ka uli, Mam.”“Bakit ka nandito?”“Pinapunta ako ni Sir dito kasi nga nandito ka nga raw. Tara sa ibaba, nagluto ako.” Wala ng nagawa si Analyn kung hindi ang sumama sa matanda. Nakahain na nga sa mesa ang mga pagkain. Agad na naupo si Analyn at saka nagsimulang kumain. “Nag-aalala kasi si Sir na baka hindi mo gusto ang niluluto n chef kaya ako ang pinapunta niya rito para lutuan ka, Mam.”Nilunok muna ni Analyn ang pagkain sa bibig bago nagsalita. “Manang, hindi na ako asawa ni Anthony. Hindi mo na ako dapat na tinatawag na Mam.”Nahihiyang ngumiti si Edna. “Pase
“Dito muna ako, hihintayin ko si Doc Jan.”“Ha? Naku… ano’ng sasabihin ko kay boss? Baka kapag sinabi kong nandito tayo sa dating karibal niya, biglang sumugod iyon dito.”Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. “Ang OA, ha?” “Totoo! Feeling ko, ganun ang mangyayari.”“Bahala kayong dalawa ng amo mo. Matutulog muna ako rito,” sagot ni Analyn at saka yumuko sa mesa ni Jan. Pero sa totoo, nakadilat naman si Analyn habang nakayukyok sa mesa. Nang naramdaman niya na umalis si Karl sa tabi niya at naupo sa harapan ng mesa, maingat niyang kinuha ang lapis sa mesa ni Jan at saka mabilis na nagsulat sa sticky note doon. Tamang-tama ng lumingon si Karl sa kanya ay mabilis na tumayo si Analyn. “Tara na! Nagbago na isip ko. Hindi ko na siya hihintayin.” Nagtatakang tiningnan ni Karl si Analyn, pero wala naman siyang magawa kung hindi ang sumunod dito palabas ng klinika. Pasakay na sila ng elevator nang biglang may nakabangga si Analyn na isang lalaki na may suot na baseball cap. “Hey!” “Mam,
“Dito ka muna titira at bawal kang umalis dito.”Tapos ng linisan ni Analyn ang sugat ng lalaki ng sabihin ni Anthony iyon. Napamaang si Analyn. “Bakit? Natatakot ka ba na baka pigilan ko ang kasal mo?”“Lagi kang may pasabog sa mga event ni Ailyn.”Bigla tuloy naalala ni Analyn ang kaguluhang nangyari sa selebrasyon ng kaarawan ni Ailyn a.k.a Anna.“Kung wala namang gagawing kaaiba ang bride mo, eh di walang issue. Walang pasabog.”“Basta. Dito ka lang.”“Oh, sige. Ganito na lang… mag-stay ako dito, pero after ng 15 papayagan mo na akong umalis?”“Saan ka pupunta? Sa ibang bansa?” “Oo.”“Subukan mo lang!”Mapang-asar na ngumiti si Analyn at saka naupo sa ibabaw ng hita ni Anthony at saka iniyakap ang isang braso sa leeg nito. Nanigas naman ang katawan ni Anthony sa ginawa ni Analyn. “Napapansin ko lang, Mr. De la Merced, Ayaw na ayaw mo akong mawala sa paningin mo. Tapatin mo nga ako, gusto mo ba akong maging kabit? Pwes, hinding-hindi ko papayagang gawin mo sa akin ‘yun.” “