Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 400 - EAVES DROPPING

Share

400 - EAVES DROPPING

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-06-04 21:58:53

“Napakatapang mo naman para pasuking mag-isa ang balwarte ni Edward,” seryosong sabi ni Anthony. Halata ang galit sa mukha nito, pero galit na may pag-aalala.

“Paano mo nalamang nandito ako? Sinigurado ko kanina na walang nakakita sa akin ng nagpunta ako sa opisina ni Edward,” sagot ni Analyn habang hinuhubad ang uniporme na pinasuot sa kanya ni Karl.

“Tigilan mo na ang paglalagay ng sarili mo sa panganib. Iyong kumpanya mo ang asikasuhin mo, doon ka mag-concentrate. Hindi ka na maghihirap doon kahit ilang taon pa. Sapat na iyon para mabuhay ka ng marangya. Bakit mo ba kailangang gawin ito?”

Hindi alam ni Analyn kung may alam na si Anthony. Pansamantala, kailangan niya munang mag-ingat. Wala muna siyang dapat pagkatiwalaan kung hindi ang sarili niya lang.

Nanunuya siyang ngumisi.

“Gusto kong gumanti kay Ailyn. Inagaw niya ang asawa ko, kaya kailangan kong sirain siya.”

Nagbuga ng hangin si Anthony. “Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari.”

“Grabe mo talaga siya ipagtanggol ano? Ku
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merlita Regalario Dela Cruz
dear author,manalo mabuti sa masama malaman ng mag asawa Esquerra si Analyn/ailyn ay iisa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   415 - NASAAN SIYA?

    Hindi makasagot si Analyn. Ayaw niyang galitin lalo ang babae at baka maitusok ang hawak na patalim sa leeg niya. “Ano ba ang gusto mong mangyari?” mahinahong tanong ni Analyn. “Wala lang,” pagkatapos ay tumuwid ng pagkakatayo si Ailyn, “na-realize ko lang. Habang nabubuhay ka, hindi ako titingnan ni Anthony sa mga mata ko. Hindi niya ako kakausapin na may paglalambing. Kaya kailangan mo ng mawala.”Agad na nakaramdam ng takot si Analyn. Natakot siyang mawala hindi dahil kay Anthony, pero natakot siyang mamatay na hindi niya mabigyan ng hustisya ang pagnanakaw sa katauhan niya. “Kung papatayin mo ako, hindi ka mapapatawad ni Anthony.” Ngumiti si Ailyn. “Hindi niya malalaman… lahat ng meron ka ngayon ay magiging akin na. Lahat ng tinatamasa mo, matitikman ko na. Isang araw, bigla na lang siyang mai-in love sa akin. Magkaka-anak kami, at tatanda kami ng magkasama.” Pagkatapos ay biglang nawala ang ngiti sa labi nito at tila napa-isip. “Eh, ano naman kung malaman ni Anthony na ako

  • I SECRETLY WED the BOSS   414 - BAKIT

    Samantala, nakarating na kay Anthony ang nangyari sa airport. Galit na galit ito sa nalaman. “Paano ‘yon nangyari?!”“May… May sumigaw ng ‘bomba’ sa loob ng eroplano bago pa iyon maka-take off. Pinababa raw silang lahat, at doon na nawala si Mam,” ninenerbyos na paliwanag ng sekretarya nito.Malakas na tinampal ni Anthony ang ibabaw ng mesa niya. “Tawagan n’yo ang pulis! Hanapin n’yo siya! Kung kinakailangang baligtarin ninyo ang Tierra Nueva, gawin n’yo! Makita n’yo lang agad si Analyn.”“Ito naman,” sabat ni Raymond na naroroon din ngayon, “baka naman tumakas lang talaga si Analyn. Kilala mo naman ‘yung ex mo.”“Okay lang kung tumakas siya. Basta ligtas siya. Ang inaalala ko, paano kung naunahan ako ng mga taong may masamang balak sa kanya?” UNTI-UNTI ng lumiliwanag ang kalangitan. Iyon lang ang tanging palatandaan ni Analyn na umaga na. Mula ng nagsimulang dumilim kagabi, hindi na niya namalayan kung anong oras na ba. Halos hindi rin siya nakatulog. Bukod sa malamok, pakiramdam

  • I SECRETLY WED the BOSS   413 - KIDNAPPED

    Nang nakarating na si Analyn sa CR, hindi siya pumasok doon. Sa halip, lumabas siya sa katabing labasan, kung saan maraming nakatambay na mga taxi at mga pribadong sasakyan. Nilampasan niya ang mga nakaparadang sasakyan, at nilakad hanggang sa dulo ng kalye habang tinatantiya kung gaano kabilis siyang masusundan ng mga tauhan ni Anthony. Habang naghihintay sa sasakyan na susundo sa kanya, nakahinga nang maluwag si Analyn. Nakawala siya nang walang kahirap-hirap mula sa mga tauhan ni Anthony. Mabuti na lang at maaasahan niya sa mga ganung bagay si Eric na nag-ayos ng taong magpapanggap na may bomba at ang nag-ayos ng sasakyan na susundo sa kanya. Pero may ilang minuto na siyang nakatayo sa lugar ay wala pa ring dumadating na sasakyan. Hindi daanin ang lugar na iyon at tago, kaya walang ibang sasakyan ang dumadaan doon. Nang biglang may humintong sasakyan sa tapat niya. Muling nakahinga si Analyn. Sa wakas ay makakaalis na siya roon. Pero nang lumabas ang mga lalaki mula sa loob n

  • I SECRETLY WED the BOSS   412 - BOMBA

    Pinagmamasdan ni Anthony ang mukha ng natutulog na si Analyn. Kung pwede lang na hindi na mawala ang tingin niya sa mukha na iyon. Sigurado siyang hahanap-hanapin niya ang maamong mukha nito, ang kakulitan ng babae, at ang pagkamatigas ng ulo nito. Nagtaka nga siya na biglang pumayag si Analyn sa plano niya. Siguro, ang kailangan lang ay buksan niya ang sarili sa babae, ang malaman nito ang mga plano at balakin niya. Marahil, iyon ang kulang sa kanya, sa kanila. Ang magkaroon ng magandanng komunikasyon para hindi sila laging nagtatalo at nag-aaway dalawa. Nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang tumunog ang telepono niya.[“Sir, ang flight po pa-New Zealand ngayong araw ay isang alsa-tres ng hapon at alas-siyete ng gabi.”]Iyon agad ang bungad ng sekretarya ni Anthony. Muling nilingon ni Anthony ang tulog na si Analyn. “Iyong 7pm ang kunin mo.”Gusto niyang makatulog pa ng konting oras si Analyn bago ito bumiyahe.[“Yes, Sir.”]Pagkatapos ay naputol na ang tawag. Dahan-dahang tumayo s

  • I SECRETLY WED the BOSS    411 - IPAPADALA ABROAD

    Kausap ni Anthony ang sekretarya niya sa study room. Wala silang alam na parating si Analyn. Kakatok na sana si Analyn sa pintuan pero napansin niyang nakaawang iyon at may narinig siyang dalawang boses na nag-uusap sa loob.Na-curious si Analyn kung sino ang kasusap ni Anthony kaya sinubukan niya munang pakinggan ang usapan sa loob. “Okay na ang lahat, boss. Naiayos ko na. Wala ka ng dapat ipag-alala.”Nakilala ni Analyn ang boses ng sekretarya ni Anthony.“Siguraduhin mong mabuti. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng ma-involve.”“May kausap na rin ako sa airport. Hindi siya makikita roon, okay na ang ruta na dadaanan niya papunta sa flight niya. Pero boss, wala ka pang ibinigay na bansa na pagdadalhan natin sa kanya.”May ilang minutong katahimikan bago sumagot si Anthony. Napaisip naman si Analyn sa takbo ng usapan ng dalawang lalaki. “New Zealand. Sure akong magugustuhan niya roon. At sa pamamagitan ng perang ibinigay ko sa kanya at yung pamana sa

  • I SECRETLY WED the BOSS   410 - ANG GUSTONG KASAMA

    May ilang minuto na ring nakahiga si Analyn nang may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Bumangon siya para tingnan kung sino ang nasa labas. Ang alam niya ay mag-isa lang siya sa bahay na iyon at sumasaglit lang ang tagaluto sa umaga para ipagluto siya ng pagkain sa maghapon niya. Ang taga-linis naman ay lingguhan lang pumupunta ayon kay Anthony. “Manang Edna!”Malapad na ngumiti si Edna. “Masaya ako na makita ka uli, Mam.”“Bakit ka nandito?”“Pinapunta ako ni Sir dito kasi nga nandito ka nga raw. Tara sa ibaba, nagluto ako.” Wala ng nagawa si Analyn kung hindi ang sumama sa matanda. Nakahain na nga sa mesa ang mga pagkain. Agad na naupo si Analyn at saka nagsimulang kumain. “Nag-aalala kasi si Sir na baka hindi mo gusto ang niluluto n chef kaya ako ang pinapunta niya rito para lutuan ka, Mam.”Nilunok muna ni Analyn ang pagkain sa bibig bago nagsalita. “Manang, hindi na ako asawa ni Anthony. Hindi mo na ako dapat na tinatawag na Mam.”Nahihiyang ngumiti si Edna. “Pase

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status