Napakamot sa ulo niya si Analyn. Hindi pa rin ba tapos ang issue na ‘yun?
“Okay, para matapos na, ikukuwento ko na sa iyo lahat ng nangyari sa akin sa raw na ‘to.”
Umayos ng upo si Analyn at saka inumpisahang ikuwento ni Analyn lahat-lahat.
“So, ako pala ang puno’t dulo ng nangyari sa iyo maghapon?”
Napataas ang isang kilay ni Analyn.
“Hala! Bakit ikaw? Hindi ko naman binanggit ang pangalan mo.”
“The two hundred thousand.”
Nakagat ni Analyn ang ibabang labi niya nang mabanggit ni Anthony ang perang gustong i-refund ng ina-inahan kanina sa ospital.
“Last year, pinlano ng DLM na makipag-collaborate sa Luca Capital for expansion, but it was rejected. Ni-reject nila ng hindi pa nila nababasa ang proposal namin. Ang reason nila sa pag-reject, may other plans ang Project Manager ng Luca Capital at iyon ang gagamitin niya para sa job promotion niya.”
Nagtaka si Analyn kung ano ang kinalaman ng sinasab
“A rough estimate of more than one hundred thousand ang kabuuang utang ni Jiro ngayon. Wala naman siyang trabaho, saan siya kukuha ng pambayad? Magkano ba ang sahod mo ngayon? Nasa kulang-kulang fifteen thousand a month? Kung pakakasalan mo siya, ilang taon n’yo matatapos bayaran ang mga utang niya?”Mabuting tao si Frances. At alam niyang mahal na mahal nito si Jiro. Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng dalaga, walang pagpipilian si Analyn kung hindi sabihin ang totoo rito. Isa pa, ayaw niyang dumagdag pa sa magiging pasanin ni Frances ang Mama niyang si Karla kung sakaling magiging asawa na siya ni Jiro. Sa palagay niya, two birds hitting in one stone itong ginawa niya. Nailigtas na niya ang babae sa pagbabayad ng mga utang ni Jiro, nailigtas pa niya ito sa mukhang pera nilang ina.Nakatulala pa rin si Frances. Tila ina-analisa ang mga sinabi ni Analyn sa kanya.Kumuha si Analyn ng dalawang basong tubig mula sa counter ng coffee shop. Ang isa ay
Pero agad na nawala ang ngiti ni Analyn nang lalapit na siya kay Anthony. Doon niya lang napansin ang masamang tingin nito sa kanya.Awtomatikong napahinto siya sa paglapit sa binata, agad niyang naramdaman na may kakaiba rito ngayon. Mabilis niyang sinulyapan ang kasambahay na nakatayo sa di-kalayuan at saka ito alanganing umiling.Dahil naiintriga, nilakasan ni Analyn ang loob niya para magtanong kay Anthony.“May masama ba akong nagawa, Sir Anthony?”Sa tanong na iyon ni Analyn, lalong tumalim ang tingin ni Anthony sa kanya.“Sige. May ikukwento ka, di ba? Ano’ng ikukuwento mo sa akin? Ikukuwento mo kung saan kayo nag-date nung doktor mo? Kung ano ang kinain n’yo?”Ang excited na itsura ni Analyn ay agad napalitan ng pagkadismaya at inis.“Ano ba’ng problema mo kay Doc Jan? Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na magkaibigan lang kami? Bakit kung sitahin mo ako ngayon para bang lumalabas na may relasyon kami at nagkikita kam
Pakiramdam ni Analyn ay hindi husto ang isang basong tubig. Ramdam pa rin niya ang galilt sa dibdib niya, kaya humingi pa siya ng isa pa.Agad niya uli iyong ininom pagkabalik ng kasambahay. Habang iniinom niya ang tubig, muling nagsalita ang kasambahay.“Mam, huwag ka sanang magagalit. Pero sa tingin ko, concern lang si Sir sa ‘yo. Kasi gabi na nga at kargo niya kung anuman ang masamang mangyari sa iyo sa labas. Saka ngayon lang kasi may ibang taong inaalala si Sir. Ilang taon na rin na sarili lang niya ang iniintindi niya. Iyon nga lang, mali ang paraan niya ng pagsasabi nun sa ‘yo.”Nang hindi nag-react si Analyn, inisip ng kasambahay na baka nga nagalit ang dalaga sa sinabi niya.“Maaga kasing umuwi si Sir kanina. At kapag maaga siyang umuuwi, sinasamantala niya iyon para maagang matulog. Kasi alam mo naman na kadalasan, gabi na siya nakakauwi dahil sa trabaho niya. So, since wala ka pa, hindi siya makatulog agad. Ilang beses siya bumaba rito pa
Pagkatapos makausap ni Analyn si Frances, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib niya. Naniniwala rin siya na makakapag-desisyon ang babae ng tama. Para kay Analyn, kapag hindi natuloy ang kasal ng dalawa, wala na ring dahilan si Karla para hingan siya ng pera at hindi na rin pag-iinitan ng babae ang advance payment ng Papa niya sa ospital.Pero halos magi-isang linggo na. Nagtataka si Analyn kung bakit walang paramdam sa kanya ang dalaga. Kinakabahan siya na baka biglang nagbago ang isip nito at tutuloy pa ring pakasalan si Jiro. Sabi nga nila, love is blind that lovers can not see. Baka sa sobrang pagmamahal ni Frances kay Jiro ay pikit-mata na lang itong tatanggapin ang lalaki. O baka naman hindi pumayag si Jiro na makipag-hiwalay sa kanya si Frances at kung ano ang nagawa ng lalaki sa kanya.Naisipan ni Analyn na i-message na lang si Frances at kumustahin ito, pero biglang may komosyon na nangyari sa unahan ng opisina nila.Nakita n
Kahit na naging okay na si Analyn at Anthony nung umaga bago sila pumasok, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon maghapon na magkita. sa DLM Building.Isa pa, walang oras na makalabas ng opisina nila si Analyn. Masyado siyang tutok sa paghahanap ng kliyente at pagbibigay ng mga design proposal.Hanggang sa halos ang buong isang linggo ay naging ganito ang routine ni Analyn. Mula ng maupo si Fatima bilang manager ng Design Department, nagsimula ng dumami ang trabaho ni Analyn. Hindi na rin para magreklamo si Analyn. Hindi naman siya nakakaranas ng pambu-bully rito at tahimik ang mundo niya, hindi katulad nung si Sir Richie at Vi pa ang mga nakaupo.Kamakailan, may nakuhang collaboration project si Anthony sa isang nangungunang softdrinks na produkto. Hindi pa alam ni Fatima kung kanino ibibigay ang responsibilidada ng design. Pero gustong-gustong makuha ni Analyn iyon para sa kita.Kasabay nun, umalis si Anthony, kasama si Vivian, at iba pang top
“Sandali lang, Frances. Huwag mong ibababa.”Umabante si Analyn palapit sa kotse. Pagtapat niya roon ay agad na bumaba ang salaming bintana.“Sino ba ang kausap mo sa telepono mo at wala kang pakialam sa naghihintay sa ‘yo?”Namilog ang mga mata ni Analyn pagkakita sa sakay nito.“Sir Anthony!”Hindi sinagot ni Analyn ang tanong ni Anthony. Sa halip ay agad niyang binuksan ang pintuan at sumakay roon. Halatang pagod si Anthony base sa mukha niya pero binalewala muna iyon ni Analyn.“Sir Anthony, pwede bang ihatid mo ako ngayon? Emergency lang.”Wala ng nagawa si Anthony at napilitang ibuwelta ang sasakyan. Binalikan naman ni Analyn si Frances sa telepono.“Frances, huwag kang matakot. Ganito. Umalis ka ngayon diyan sa apartment mo. Hindi ka safe diyan. Mas mabuti siguro kung magpunta ka muna sa murang hotel o apartelle. Pupuntahan kita run. I-text mo na lang sa akin ang pangalan at address. Papunta
“Tama! Umalis ka na muna dito sa Tierra Punta.” Pumalakpak pa si Analyn. “Good idea.”Nang narinig ito ni Frances, nag-alanganin siya."Pero nandito ang trabaho ko. Baka hindi ako makahanap agad ng trabahgo sa pupuntahan ko. At saka, paano kung mahanap niya ang mga magulang ko?”"Alin ba ang mas importante? Ang trabaho mo o ang buhay mo?” may pagkayamot na tanong ni Anthony. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng hindi agad makapag-desisyon.“Ikaw na nga ang may sabi na hindi mo akalain na kayang gawin ni Jiro ang saktan ka.”Hindi sumagot si Frances, at sa halip ay yumuko na lang.“As for your parents, kaya nga importante na makapagpa-blotter ka,” dagdag pa ni Anthony, “para hindi lang ikaw ang may proteksyon, pati na ang mga magulang mo.”Mahinang tumango si Frances.“Okay. Sige. Payag na ko. Kung ganon, maagang-maaga bukas, aalis na ako. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon sa mga magulang ko. Ayaw kong mag-alala sila s
Nilingon ni Analyn si Anthony para sana gisingin ito, pero nakita niyang dumilat na rin ito at nakatitig na ngayon sa kanya.“Ah, Sir–”Walang sali-salita na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan niya at saka sinundan ang taxi. Iyon nga sana ang sasabihin ni Analyn kanina pero hindi niya iyon naituloy sabihin sa takot na magalit ang bagong gising lang na si Anthony.Pagkatapos nilang tahimik na ihatid si Frances sa bus station ay umalis na sila roon. Tahimik lang sila pareho sa biyahe at parang walang gustong magsalita. Nagulat na lang si Analyn ng mahalata niya na binabaybay ni Anthony ang daan papunta sa DLM Building.Hindi na nakatiis si Analyn at nagsalita.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon