Pagkapasok ni Ivy sa loob ng bahay, agad itong napahinto. Napalinga-linga siya sa bawat sulok ng sala, tila ba hindi makapaniwala sa nakikita. “Grabe…” mahina pero mangha niyang bulong. “Ganito pala ang bahay ng mga mayaman. Kahit sampung buhay ko siguro, hindi ko kayang makapagpatayo ng ganito.” Napailing si Brigitte, inilapag ang cellphone sa lamesita. “Bakit ka ba pumunta dito? Pwede bang sabihin mo na agad para makauwi ka na!” malamig na tanong ni Brigitte. Huminga siya ng malalim. Napatingin siya sa mga corner ng kisame. Naalala niya ang mga hidden cameras na naka-install sa bahay nila. Mabuti na lang at napatanggal na niya ito. Umupo si Ivy sa malambot na sofa, para bang sinusubukan pa lalo ang pasensya ng kapatid. “Relax, Ate. Hindi ako nandito para manggulo. Gusto ko lang naman mag bonding tayo, tulad sa ibang magkakapatid!” Napatango-tango si Brigitte. Naalala niya ang huling usapan nila ni Gabriel. Malungkot ito dahil nag-iisang anak siya, kaya mas maswerte pa siya di
Nanigas si Iris sa kinatatayuan niya. Parang biglang tumigil ang oras nang makita niya ang babaeng kaharap niya. “Na…nay?” halos pabulong niyang sambit, nanginginig ang tinig. Dahan-dahang ngumiti si Lorrie, hawak-hawak pa rin ang lumang susi. Tumatagos ang kalungkutan sa mga mata nito. “Iris…” mahina nitong tawag, bago tuluyang tumulo ang luha. “Iris, anak…” Hindi na nakapagpigil si Iris. Humakbang siya papalapit at mahigpit na niyakap ang matanda. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito, parang libo-libong alaala ang biglang sumalubong sa kanilang dalawa. “Kumusta po? Si Ivy? Kasama niyo po ba?” tanong ni Iris, bakas ang pananabik. Umiling lang si Lorrie, mabigat ang ekspresyon. “Ang batang ‘yon… nagpumilit lumuwas ng Maynila. Bibisitahin daw niya ang ate niya.” Nagulat si Iris. ‘Ibig sabihin, nagkita na po sila ng tunay niyang ate?’ “Oo, hija. ‘Yun nga lang… pinagtabuyan naman kami ng ate niya. Hanggang ngayon eh masama pa rin ang loob nito sa akin.” Mahinang buntong-hi
Saglit na natahimik si Alexander, hindi niya alam kung maiinis ba siya sa tanong ni Iris o iintindihin na lamang ito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Iris. Hindi niya inaalis ang titig dito. “Alam kong mahirap paniwalaan, alam kong walang salitang makapagpapatunay kung gaano kita kamahal, Sweetheart. Sa dami ng nangyari… ang gusto ko na lang sa ngayon ay makasama ka hanggang sa pagtanda… o kahit hanggang kamatayan man.” Mahigpit siyang niyakap ni Alexander. “Sa totoo lang, Sweetheart, ilang beses kong pinag-isipan kung tatanggalin ko na nga ba ang kontratang nag-uugnay sa ating dalawa. Kasi natatakot ako… dahil alam ko sa sarili ko na, hindi ko kakayanin na makita ka sa piling ng iba.” “Kahit sabihin pang hindi ako niloko ni Brigitte noon, hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung trauma at sakit na pinagdaanan ko… dala-dala ko ‘yon hanggang ngayon.” Kumalas ito sa pagkakayakap kay Iris at humarap sa kanya. “Pero—handa akong sumugal at magmahal ulit para sa ‘yo, Sweetheart.” Napalun
Pagkatapos mapanood ang balita, agad na pinatay ni Brigitte ang TV. Nanlalambot ang katawan niya habang naglalakad papunta sa kusina. Kumuha siya ng gamit, umorder ng pagkain online at saka hinanda ang mesa. Habang inaayos ang mga plato at kubyertos, kusa nang pumatak ang mga luha niya. “Kasalanan mo ito, Brigitte…” bulong niya sa isipan. “Good morning, babe!” Masiglang bati ni Gabriel mula sa pintuan ng kusina. Wala itong kaalam-alam sa bigat ng dibdib niya. Nakangiti ito, may saya sa mga mata. Nilapitan siya at hinalikan sa noo, saka masayang niyakap mula sa likod. “Wow, ang sarap niyan ah! Ready ka na bang maging wife?” biro pa ni Gabriel, punô ng pag-asa na magiging maayos na ang relasyon nilang dalawa. Tipid na ngumiti lang si Brigitte. Pilit niyang itinago ang kirot na nararamdaman. “Kumain ka na, may pupuntahan tayo.” Nagningning ang mga mata ni Gabriel. Hindi na siya nagtanong pa at mabilis silang kumain. Habang sabay na naghahanda, ramdam ang kasiyahan at excitement sa k
Pagkapasok ni Gabriel sa kuwarto, agad siyang sinalubong ng tingin ni Brigitte. Halata sa mga mata nito ang takot at guilt, parang gusto nitong magpaliwanag ngunit wala nang salitang lumabas sa labi niya. Sa halip, mabilis siyang niyakap ni Gabriel. Mahigpit. Ramdam ni Brigitte ang panginginig ng katawan nito, ang bigat ng mga hikbi na matagal nang pinipigilan. Humagulgol si Gabriel sa balikat niya, tila doon na ibinuhos lahat ng sakit at takot na nararamdaman niya. Pagkatapos ng ilang saglit, humarap siya kay Brigitte. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito, seryosong nakatitig sa kanya. “May ginawa ba siya sa ’yo? Nasaktan ka ba? Natakot ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Gabriel, puno ng pag-aalala. Hindi nakasagot agad si Brigitte. Ngunit sa tanong na iyon, tuluyan nang bumigay ang damdamin niya. Napaiyak siya, ramdam ang tapat na pagmamahal at pag-aalala mula kay Gabriel. Muling nagyakap ang dalawa, mas mahigpit kaysa kanina, muling naggagpo ang mga mata nila, A
Itinayo ni Gabriel si Iris mula sa pagkakaupo sa gilid ng kalsada. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito, maingat na inalalayan papasok sa sasakyan. Hindi na napigilan ni Iris ang pag-iyak—pigil man niya kanina, tuluyan na itong bumigay. Tahimik lang si Gabriel sa una, pinagmamasdan ang bawat patak ng luha niya. Para bang bawat hikbi ni Iris ay mga palaso na tumatagos din sa dibdib niya. “Iris, may… may nangyari kay Brigitte,” bulong ni Gabriel. Natigilan sa paghikbi si Iris. Napalingon siya kay Gabriel, halatang naghihintay ng susunod pang sasabihin, kahit takot siyang marinig. Huminga nang malalim si Gabriel bago nagsalita. “Mabuti na lang at nakarating agad si Alexander. Kung ako siguro ang tinawagan niya… baka huli na ang lahat.” Basag ang tinig na sambit niya, sabay punas ng sariling luha. Itinabi niya ang sasakyan at bahagyang ipinatong ang ulo sa manibela. Ang katahimikan ng kalsada’y nagbigay bigat sa bawat salita niya. “Ang sakit, Iris,” garalgal ang tinig niya. “Na