ROB
Pumasok na kami sa aming silid-aralan sa first subject at naghanap ng bakanteng mga upuan kaso napaka-epal naman ni Seth at inunahan ako sa pag-upo sa tabi ni Enna.
Kita ko ring nag-apiran ang dalawa kaya wala akong choice kundi maupo sa ibang upuan pero dito nalang ako sa may likuran nila.
Hindi nagtagal ay pumasok rin naman ang kauna-unahang guro namin, "Welcome back to school, everyone! What a fresh start and no need na magpapakilala because mostly ay magkakilala na kayo and I believe that 'yung iba dito ay magka-classmates na before," sumagot naman din ang mga kaklase ko ng yes at kilala na rin naman namin ang guro kasi naging guro na namin siya last school year.
"Alam kong refresh na refresh na kayo noong Summer at dahil klase na, all of you know my rules. Firstly, no cellphones allowed in my class."
No cellphones! Ayokong matulad na naman last year. Lalakas ng trip naming magka-barkada, nagsi-text pero nasa tabi lang naman kami. Nahuli niya kami kaya isang linggong na confiscate ng instructor ang phones namin lahat.
"Three consecutive late is marked absent and so on ..."
Napatingin naman ako sa bintanang nasa tabi ko at wala na akong maintindihan sa mga sinabi ng instructor dahil hindi ko parin makakalimutan ang nangyari kanina.
Grabe! Parang dati lang talaga. Hinahawakan niya ang kamay ko at miss niya ako! May pag-asa pa kayang magkabalikan kami?
"Bro, tara na," napalingon ako sa gulat ng biglang bumulong si Tim sa tenga ko.
"Tae ka! Kabute ka ba, ha? Lagi mo nalang akong ginugulat!" singhal ko sa kanya.
Malakas na tawa naman ang sinagot sa'kin ni Tim. Sinamaan ko naman siya ng tingin at mabuti nalang at tumigil na rin siya, "Ayan! Kanina ka pa kasi tulala d'yan. Tingnan mo paligid mo, oh? Lumabas na lahat ng tao sa room."
Napalingon naman ako at nagulat ako nang kami nalang pala ni Tim ang taong naiwan sa classroom, "Asan na sila? Teka, ganun ba ako katagal sa pag-mu-muni-muni dito? Tapos na ba first period?"
"Oo, tapos na. Yun lang naman ang pinasok niya dito. Sa susunod na araw na siya magsimulang mag-discuss sa lessons," kinuha niya naman ang bag ko at kinaladkad na ako palabas ng classroom.
"Saan na ba tayo pupunta?"
"Wala pa atang klase next subject kaya sa tambayan na muna tayo," sagot naman sa'kin ni Tim, "Akalain mo 'yun, bro? Senior high na tayo ngayon. Goal ko lang talaga this year ay ang maka-graduate ako."
Napa-ngisi naman ako, "Lahat naman tayo ay gustong maka-graduate."
Tumingin naman siya sa'kin, "Tama. Ikaw ba, bro? Ano ang goal mo bukod sa grumaduate?"
I smirked at him with confidence, "I will take Enna back in my life. Ardienna Salve is mine."
"Owshi!" sigaw bigla ni Tim at nakipag-fist bump pa sa'kin, "Agree ako d'yan! Support lang kami sa inyong dalawa."
"Dapat lang talaga na support kayo sa'min. Team Pirena ata 'to!" napatawa naman kaming dalawa ni Tim.
Pirena, pinag-samang PIERRE at ENNA. Hindi ko maalala kung sino ang nagpapasimuno ng tawagan na 'yan pero naalala kong nagsimula 'yan dati nung Grade 7 palang kami.
Kami kasi ni Enna ang tipong aso't-pusa sa school dati pero sobrang close namin, hanggang sa I confessed my feelings for her noong nag-grade 8 na kami. After a year, sinagot niya ako first day na first day ng pag-grade 9 namin.
Now, Senior na kami — 12th grade. Malapit na sana kami mag-3 years kung hindi lang sana kami naghiwalay.
Anong petsa ba ngayon? Kinuha ko ang phone ko at pag-tingin ko ay ngayong araw pala dapat ang 3rd year anniversary namin ni Enna.
Napa-buntong hininga na lamang ako at binalik sa loob ng bag ang phone ko. Pumasok na rin kami sa room ng second subject namin.
Nakita kong nandoon na si Enna. How I wish na maibalik pa ang nakaraan.
ENNA
Sa kalagitnaan ng klase ay palagi akong nakasulyap sa inuupuan ni Rob. Hindi ako naka-tsansa na makatabi siya dahil naka-alphabetical ang arrangement.
Ang layo niya dahil sa O siya at S naman ako. Pero ayos lang dahil kitang-kita ko naman siya.
I know that this day should've been our 3rd anniversary and I regretted that I've made a huge mistake na hiwalayan siya.
I don't understand why I did that. Kahit ako mismo ay naguguluhan sa sarili ko. If ever na makikipagbalikan ako ay hindi ko alam kung mababalik ba namin ang dating PIRENA — ang dating kami.
Kinuha ko ang kwintas na ibinigay ni Rob na nakatago sa pitaka ko. Nakita ko lang ang kwintas na ito ay naiiyak na ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong ipakita ang kahinaan ko sa ibang tao.
Naging desisyon ko na hiwalayan siya kaya ayaw ko rin na ako ang mauna sa pagbitaw sa naging desisyon ko.
Sa totoo lang, mahal na mahal ko parin siya at gustong-gusto ko siyang balikan pero pakiramdam ko ay may malaking pader na namumuo sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay may nagbago na, hindi na niya ako mahal o baka may iba na siyang mahal ngayon na hindi niya masabi sa amin.
Ibinalik ko ang kwintas sa pitaka ko at lumingon ulit sa gawi niya. Nabigla na lamang ako na bigla siyang lumingon sa gawi ko at iniwasan ko nalang siya. Mabisto pa akong nakatitig sa kanya.
Sinulyapan ko siya ulit at nakita kong ngumisi siya at kumindat pa sakin.
SHIT! Baka naman bumigay agad ako. Bwiset talaga si Robespierre!
Mga ilang minuto lang din nakalipas ay natapos na din ang subject at nakita kong umalis na din si Rob sa inuupuan niya.
Naalala ko na naman noon na tuwing matapos ang klase o kapag lunch break na ay talagang sasabayan ako ni Rob. Siya ang taga buhat ng mga gamit ko papuntang locker room at sabay pupunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Sobrang maalaga niya rin sa'kin, at 'yun ang hindi ko makakalimutan sa kanya.
Namimiss ko na talaga 'yun lalo na kapag may free time ay may isang mini-garden sa school at sa sobrang ganda ay literal na walang student na pumupunta don kasi siguro napakalayo sa mismong campus at parang natatabunan kaya hindi napapansin.
"Sana mabalik 'yun. Nakakamiss talaga," napasabi ako sa sarili ko nang palabas na ako nang nagulantang ako nang may lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.
"Nagsasalita ka na naman ng mag-isa diyan," napatawa naman siya at kinuha 'yung bag ko, "Tara na nga at alam kong marami ka pang ilalagay sa locker mo."
Napangiti naman ako pero hindi ko iyon pinapahalata sa kanya, "Tangina mo, ginulat mo ako e!"
"Sorry naman kasi, En. Halika na nga," hinawakan niya ang kamay ko at nararamdaman kong tumitibok ng mabilis ang puso ko.
Nang makarating na kami ay binuksan ko na ang locker ko at si Rob naman na chismoso ay nakitingin lang din sa laman ng locker ko.
"Uy! Naalala ko 'to," kinuha niya naman ang picture na nakadikit sa locker ko. Most of the pictures inside my locker are pictures of me and Rob, hindi ko tinanggal 'yun.
"Ang ganda nito. I like this," turo niya naman sa picture namin nila Tim, Chia, at Rob. Nakunan ito nung first day of summer last grade 7. We hang out that time sa isang resort together with other friends.
"Ako rin. I love it," kaagad ko namang sinara ang locker ko at pumunta naman kami sa locker niya.
Hindi naman malayo ang locker niya. Actually, magkatabi lang locker naming dalawa.
Napatingin naman ako sa laman ng locker niya, "Oh. Ang plain naman ng locker mo," wala kasing mga stickers o kahit pictures man lang sa loob. Isang notebook at T-shirt lang ang laman.
"Sorry naman po, Ma'am Enna. Hindi kasi ako babae na mahilig mag-decorate ng kung anu-ano sa locker ko."
"Pinagka-isahan mo naman ako e. Mauna na nga ako," tumalikod naman ako at ngumiti ng pabiro. Ang cute talaga ni Rob kahit kailan.
"Seryoso ka ba? Biro lang naman yun," sabi niya pero hindi parin ako lumingon, "Uyyy," napabilis ang pagtibok ng puso ko nang hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.
Tiningnan ko naman siya, "Alam ko naman that I am not the girl who is wanted here."
"En, I always want you ..." seryosong sabi niya at ako naman napatulala. Parang feeling ko ay pulang-pula na ako lalo na sa sinabi niya. Nakita ko naman na mukhang nagulat siya sa sinabi niya, "Around. Alam mo yun? I always want you around ... Gets mo naman, di ba?"
Napatawa naman ako at kinurot ang pisngi niya, "Ang cute mo. Biro lang 'yun! Tara na nga at hinintay na nila tayo."
We're on our way sa cafeteria nang biglang may yumakap sa kanyang babae.
She's the one and only Dominique Samson, the head cheerleader. If I know ay may gusto siya kay Rob ever since 7th grade.
Take note! Everyone in this school — especially, cheerleaders had a huge crush on him.
Sorry to say, sa'kin nahulog ang one and only Robespierre Olivarez ko.
As to describe Dom, hindi naman siya kagandahan. Masyado rin ata siyang nag-babad sa beach dahil umitim siya, in my honest opinion.
"I missed you so much, Rob!"
Napatawa naman ng peke si Rob, "Hey, Dom. Kumusta?" bati pabalik ni Rob at napasulyap pa sakin si Rob. Alam ko na ayaw na ayaw ni Rob kay Dom kaya I don't worry too much.
Wala naman din sa'kin ang 'yan kasi alam kong super friendly and mabait si Rob. Kahit kaaway niya pa ay super bait talaga niya and I trust him.
"I am doing great. This summer ay nagpa-salon ako tapos naligo rin sa beach with family, and syempre hindi mawawala ang shopping. Grabe —"
"Ah, okay. Sige mauna na ako," pagputol ni Rob sa kanya.
Nakita kong biglang nawala ang mga saya sa mata ni Dom, "Okay. S-see you around, Rob."
Hinawakan naman ni Rob ang mga kamay ko and trust me, nakitang ko ang inis sa mga mukha ni Dom.
"Hayaan mo na 'yung Dom na 'yun. Napaka-clingy talaga noon simula grade seven pa," biglang pag-salita ni Rob
"Yeah, I know. Ayos lang 'yun," I responded and smiled at him.
Once we got inside the cafeteria, nakita namin ang barkada na may kasamang isang babae na tila transferee pa.
"Hi guys. May bago pala tayong kasama," napalingon naman ang lahat sa'min ni Rob.
"Andito na pala kayo!" sambit ni Tim at umusog pa siya para makaupo kaming dalawa, "This is Lycel nga pala, kaklase siya ni Chia sa Earth and Life Science and also a transferee," pinakilala sa amin ni Tim ang bagong salta sa squad, "Ly, ito naman ang best friend kong si Robespierre at ang bestfriend rin ni Chia na si Enna."
Napatingin naman ako sa kanya and I can say that maganda siya at mahiyain rin pero normal lang naman kasi transferee pa lang siya, "Hi, Lycel! It's nice to meet you."
Magsasalita pa sana siya nang nagulat nalang kami nang biglang may sumigaw sa likuran namin, "FORD!"
"Ano ba 'yan, Issa! Ang ingay ng bunganga mo!"
"Tse! Hindi ikaw ang kausap ko, Timothy!"
"Alam ko," napairap na lamang si Tim nang maalalang may bago pala kaming kaibigan na kasama namin, "Oo nga pala. May transferee pala dito and new member of the group na si Lycel. Say hi naman diyan."
"Hi."
Napa-iling na lamang ako nang 'yun lang talaga ang sinabi niya at bumaling na naman kay Ford.
The same-old and typical Issabelle. But in fairness, I can see that nag-bago na siya.
ENNANang nakaalis na sa harapan ko si Seth ay nakita ko naman na palapit sa gawi ko si Aries na parang nanalo pa sa lotto sa sobrang lapad ng ngiti niya. Masigla itong lumapit at tinawag ako, "ENNA! Guess what?!""Ano ba 'yun at parang masayang-masaya ka?" tanong ko sa kanya at pinaupo ko naman siya, "Oh, chill ka lang muna. Ano ba 'yung sasabihin mo sa'kin?""Naalala mo 'yung kinwento ko sayong crush na crush ko? 'Yung si Zephanie?"Napatango naman ako at tila naghihintay sa sasabihin niya, "Oh, bakit? Ano bang meron sa kanya? Mukhang excited ka, ah! I bet maganda 'yang ibabalita mo.""Oo naman! So, ayun na nga! Naglakas loob na akong ayain siya na mag-date and she invited me over!" sigaw niya at halatang masayang-masaya siya sa nararamdaman niya. Tama kayo, hindi ako ang gusto ni Aries. May matagal na siyang nagugustuhan at isa 'yun sa kaklase ko noong elementary. Kaya naman malapit ang loob ni Aries sa'kin ay dahil mag-kaparehas kami ng ugali ng pinsan niyang matagal ng namatay. C
ROBEverything is settled nang napansin namin na parang may kulang sa grupo. Napalingon ako sa kanila at nagtanong na rin, "Chia, nasaan pala si Enna? Magsi-simula na ang party, ah?"Napatingin naman si Chia sa'kin at nag-kibit balikat, "Nandito na 'yun e pero nawala bigla din. Baka nasa loob at iniwan ang ka-date niya dito," sabi niya at napatawa naman sila, pati na rin si Aries."Hindi naman niya ako iniwan kasi," pag-dedepensa ni Aries, "May binili lang siya sa 7/11 at maya-maya ay babalik din 'yun."At hindi nga siya nagkamali at bumalik nga si Enna na may dalang mga supot na galing sa 7/11. Lumapit naman siya at binigay sa amin isa-isa ang dala niya. Nagulat nga ako dahil pati ako ay meron din, "A-Ako rin?"Ngumiti naman siya, "Oo naman at libre ko na 'yan sa inyo. Alam ko na walang dinner mamaya kaya advance na tayong mag-isip."Napatawa naman si Tim, "Oo nga e, ganyang-ganyan na talaga ang school. Napaka-kuripot sa pagkain. Kahit man lang simpleng –""Oops! Tama na ang reklamo,
ENNA Nang sinabi ko ‘yun ay nanginginig ako nang bigla siyang tumayo at dahan-dahang kumapit sa kinatatayuan ko. Naiisip ko na katapusan ko na talaga ngunit laking gulat ko nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at hindi ko inaasahan na ngumiti siya sa’kin at nagsalita, “That’s good because I also thought the same.”Hindi pa rin naaalis ang mga titig niya sa’kin at medyo naiilang pa ako dahil kung tutuusin ay hindi pa kami masyadong okay. Sa kaso naman ngayon, parang bumabalik na siya sa dating Rob and I missed him for that. Hinila ko naman siya patungo sa mga upuan at umupo kaming dalawa at napabuntong-hininga naman ako, “Rob …”Nakita kong napa-iling siya, “No .. ako muna mag-sasalita, En,” hearing him calling me EN gives me the chills and butterflies inside my stomach, “Enna, I wanted to thank you for everything. Sa pagtitiis mo sa ugali ko and mostly, sa ginawa at pag-aalaga mo sa’kin kagabi. About that, naaalala ko lahat-lahat ng ginawa mo at pag-uusap na’tin.”Nanlaki
ENNATinulungan ako ng ibang boys at ni Seth na patayuin at hinatid sa sasakyan si Rob dahil nga sobrang lasing na lasing na niya. Nagpasalamat naman ako sa kanila at sumakay na ako sa kotse niya nang nakalimutan ko kung paano paandarin ang kotse niya, "Shit!" Ipinikit ko ang mga mata at sinusubukang maalala ang technique na 'yun."What's the matter? M-may problema ba?" malumanay na pagtatanong ni Rob habang nakapikit ang isang mata, "En, a-ano ba 'yun?""Wala. Nakalimutan ko lang 'yung technique mo e," sabi ko at napakamot ng ulo. Tinuruan niya ako nun pero ang tagal na nun kaya nakalimutan ko na."Akin na ... I'll drive," sabi niya pa at sinubukan niya pang tanggalin ang seatbelt niya pero dahil nga lasing na siya ay hindi niya mabuksan iyon."Baliw ka ba? Sa tingin mo kaya mo mag-maneho?" napa-irap na ako at binalik ang focus ko sa pag-aalala sa pagtuturo niya. Pinikit ko ang mga mata ko at inaalala ang technique na 'yun, "Pressing down the clutch, in a neutral position and to shif
ENNAWala na akong ibang gagawin kundi ang ayain na lang si Aries na sumayaw para lang makalimutan ko lang ang lahat ng ginawa ni Rob ngayong gabi. Nakakainis talaga ang lalaking 'yun! Ang gusto ko nalang talagang gawin ay ang umiyak ng umiyak at hahayaang tumulo sa ito sa mga mata ko, ngunit hindi ko lang magawa. Kailangan ko na maging malakas para sa'kin at sa'min. Alam ko na dadarating ang panahon na magkakaayos din kami ni Rob.Napansin naman din ata ni Aries na tila wala na ako sa sarili kaya inaya niya akong umupo sa may gilid. "Ayos ka lang ba, Enna? You look ..."Umiling naman ako at pilit na ngumiti, "I'm fine. Don't worry about me.""No, you're not. Baka gusto mo, ihahatid na kita pauwi. Alam ko na Rob is really having you a hard time right now. Kahit alam ko na hindi makatarungan ang ginagawa niya, lasing naman siya at alam ko na mahal na mahal ka niya."I just smiled at him, "Thank you, Aries. You are really a true friend," I said and sighed, "Sana mag-kaayos na kami. I wa
ROBTiningnan ko ang relo ko at napagtanto ko na 6:34 na ng gabi kaya kaagad na ako tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko. Pagbaba ko ng hagdanan ay naroon si mommy at daddy sa may sala at nanonood ng telebisyon.Napansin naman ako ni mommy kaagad, "Anak! Aalis ka na?"Tumango naman ako bilang tugon, "Opo, mom. Dadalhin ko na rin ang kotse ko ngayong gabi para hindi ako mahihirapan sa pag-uwi.""Naayos na ba ang kotse mo?" tanong ni dad, "Hindi ba parang may problema 'yun?""Okay naman po 'yun, dad. May technique na rin naman ako doon para umandar," sagot ko lamang at kaagad na kinuha ang jacket ko sa may likuran ng front door kung saan nakasabit, "Oh siya, aalis na po ako.""Oh, sige. Mag-iingat ka sa pag-maneho."Lumabas na ako ng bahay at sumakay na rin sa kotse ko. Bago ko pinaandar 'yun ay tinawagan ko naman si Tim. Mga ilang ring din 'yun bago niya sinagot ang tawag ko, "Hello, bro! Nasaan ka na?""I am on my way. Ikaw ba? Nasa bahay ka na nila Seth?" Tanong ko at saktong narini