Share

Chapter 2

Author: nytfury
last update Huling Na-update: 2025-04-12 10:23:59

Pagkagising pa lang ni Mikaela kinabukasan ay si Benedict kaagad ang pumasok sa isip niya. Naisipan niyang tawagan ito upang magkausap sana silang dalawa ng asawa. Nagbabakasakaling gising na ito dahil masyadong maaga naman ang naging gising niya.

Nasa labindalawa o labintatlo rin ang pagitan sa oras ng Pilipinas at Amerika. Kahit na alam ni Mikaela ang laki sa pagitan ng oras sa bansang iyon ay pinipili niya pa ring magpuyat makausap lang sana ang asawa at anak ngunit ni minsan ay hindi iyon nangyari. May ilang beses na tinatawagan niya ito subalit tila lagi na lang itong nagmamadaling kausap siya at pagkaraan ay binababaan siya ng tawag.

Ang rason kung bakit siya bumalik sa Amerika, bukod sa kagustuhan niyang makasama ang anak at asawa, ay nais niya rin sanang magkaroon silang tatlo ng quality time bilang isang buong pamilya lalo pa at isang mahalagang araw sa kaniya ang araw na iyon. Iyon lang sana ang tanging hiling niya para sa kaniyang kaarawan nang taon na iyon.

Nakailang ring na subalit hindi pa rin sumasagot sa tawag niya si Benedict. Sinubukan niya ulit itong tawagan ngunit ni-reject lang nito ang tawag niya.

Nawawalan na sana siya ng pag-asang matutupad ang hiling niya ngunit kaagad ding tumunog ang cellphone niya at isang mensahe mula rito ang natanggap niya.

[I just woke up. Bakit?]

Kaagad naman niyang sinagot ang mensahe nito pagkabasa noon, [Libre ka ba mamayang lunch? Gusto ko sanang kumain sa labas with Lilia.]

[Okay, itext mo na lang sa akin ang address.] Iyon lang ang tanging naging sagot nito kaya tanging okay na lang din ang naisagot niya rito.

Pagkataps ng palitan nila ng mensahe ay hindi na ito nag-abalang magreply ulit sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagtatampo rito dahil hindi man lang nito naalala na kaarawan niya nang araw na ‘yon. Kahit pa aware na si Mikaela sa bagay na ‘yon ay hindi niya pa rin maiwasang masaktan lalo pa at minahal niya rin naman si Benedict.

Nagsimula siyang ayusin ang kaniyang sarili gaya ng lagi niyang ginagawa. Naghilamos siya ng kaniyang mukha at pagkatapos ay nag-apply siya ng ilang skin care products sa kaniyang mukha upang mapanatili ang kinis nito.

Pababa na sana siya nang marinig niya ang boses ng kaniyang anak at yaya nitong si Ester na nanggagaling mula sa ibaba. Kaagad naman siyang napansin nang mga ito at binati siya.

“Good morning po, Madam. Mukhang malungkot po ata kayo?” puna ni Ester sa kaniya.

Bigla namang nagsalita si Lilia na mas lalong ikinasama ng loob niya. “Daddy and I already agreed to accompany Tita Aireen to the beach tomorrow. Hindi pwedeng sumama si Mommy doon dahil kapag sumama siya, nakakahiya lang.” Ngumuso pa ito kasabay ng pagkunot ng noo. “And Mommy is so mean, lagi na lang siyang nagsusungit kay Tita Aireen—”

“Mam Lilia, bad po iyan. Nandito po ngayon ang mommy mo. Siya pa rin ang mommy mo. You should respect her. I told you ‘di ba na dapat maging good girl ka? Masasaktan ang mommy mo niyan. Gusto mo ba ‘yon?” Pilit mang pinapayuhan ni Ester ang anak ay kita niya pa rin ang pagkadisgusto ng anak niya sa kaniya.

“I know that, but Daddy and I both like Tita Aireen more than Mommy. Hindi ba pwedeng si Tita Aireen na lang ang maging mommy ko?”

Hindi na nakapagsalita pa si Ester. Samantalang hindi na rin matagalan ni Mikaela ang naririnig mula sa anak. Sa dalawang taong nakalipas, silang dalawa palagi ng anak ang laging magkasama. Hindi naglaon ay naging close rin kay Benedict hanggang sa magpasya si Benedict na manatili sa Amerika upang doon itayo ang kanilang negosyo. Labag man sa kalooban niya ay hinayaan niyang manatili ang anak niya rito dahil iyon ang nais ng kaniyang anak. Ayaw niya namang nakikitang malungkot ito kaya pumayag na rin siya.

But then…

Tulala lang si Mikaela na nakatayo roon at kulang na lang mawalan siya ng dugo sa mukha dahil sa pamumutla. Hindi na siya nakagalaw.

Binitawan niya ang trabaho niya sa Pilipinas at tuluyan nang bumalik ng Amerika dahil sa pagnanais na makasama ang kaniyang anak at mabuo ang kanilang pamilya ngunit hindi niya aakalaing hindi na pala siya kailangan ng mga ito. Tila may nakabarang bato sa kaniyang lalamunan habang parang pinipiga naman ang kaniyang dibdib. Kaagad na naglakad si Mikaela pabalik sa kaniyang silid at muling ibinalik ang mga regalong binili niya pa sa Pilipinas sa loob ng kaniyang maleta.

Ilang sandali pa ay nagpaalam si Ester sa kaniya na ipapasyal lang sandali sa labas ang kaniyang anak at kung sakaling may kailangan siya ay tawagan lamang niya ito.

Napaupo naman sa gilid ng kama si Mikaela dahil sa bigat ng nararamdaman. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nag-iisa na lang siya. Binitawan niya ang kaniyang trabaho at bumalik ng Amerika para sa isa sanang masayang pamilya ngunit tila yata wala na siyang halaga pa sa buhay ng mga ito. Para lang siyang isang patapong pilit na isinisiksik ang sarili sa lugar na hindi siya nababagay. Parang isang malaking kahibangan lang ang pagbalik niya roon.

Ilang minuto ang lumipas ay nagpasya na siyang lumabas. Pinili niyang maglakad-lakad kahit na hindi niya alam kung saan siya patutungo.

Halos patanghali na nang maalala niya ang naging usapan nilang dalawa ni Benedict na kakaen silang tatlo bilang isang buong pamilya. Dahil sa narinig niya nang umagang iyon mula sa kaniyang anak ay nagdadalawang isip na tuloy siya kung itutuloy pa ba nila ang kanilang usapan. Bago pa man siya makabuo ng desisyon ay nakatanggap na siya kaagad ng mensahe mula kay Benedict.

[May importante akong gagawin ng tanghali, so lunch is cancelled.]

Hindi na nasurpresa pa si Mikaela sa kaniyang nabasa. Sanay na siya. Alam niya na noon pa man na siya lagi ang least priority nito at kahit na kailan ay hindi siya nito bibigyang halaga.

Ni minsan ay hindi niya ito nakasamang lumabas. Ni minsan ay hindi siya nito niyayang mag-date man lang at ni minsan ay hindi siya nito inalala maging ang kaniyang nararamdaman.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 12

    Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 11

    Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 10

    Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 9

    Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 8

    Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 7

    Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status