Share

I Wanted a Divorce, Benedict!
I Wanted a Divorce, Benedict!
Author: nytfury

Chapter 1

Author: nytfury
last update Huling Na-update: 2025-04-12 10:23:55

Pasado alas nuebe na ng gabi nang makarating si Mikaela sa Orlando International Airport matapos niyang manatili sa Pilipinas para sa kaniyang trabaho.

Ngayon ang araw ng kaniyang kaarawan kaya inaasahan niya na ang dagsa-dagsang mensahe na kaniyang matatanggap mula sa mga kaibigan at ilan pang mga kakilala. Hindi nga siya nagkamali roon dahil pagdukot pa lang niya ng kaniyang cellphone sa kaniyang bag ay sandamakmak na messages na ang naroon at ang ilan pa nga ay missed calls mula sa kaniyang malalapit na kaibigan. Lahat sila ay bumabati ng maligayang kaarawan para sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti dahil doon.

Wala pa sana siyang balak na umuwi subalit balak niya sanang sorpresahin ang anak at makasama ito sa mismong espesyal na araw ng kaniyang buhay. Wala ring kaalam-alam si Benedict sa plano niyang iyon. Nang maalala niya ito ay unti-unti ring naglaho ang kaniyang mga ngiti.

Nang makarating siya sa villa, ay halos mag-aalas onse na ng gabi. Kasalukuyan namang nagliligpit ang mayordomang si Cora habang nakikipagkwentuhan naman ito sa yaya ng kaniyang anak na si Ester. Kaagad na nagitla ang mga ito nang mapansin itong nakatayo sa main door.

“Madam, ano pong… ano pong ginagawa n’yo rito?” gulat na tanong ni Cora.

“Nasaan ang Sir Benedict mo at ang anak kong si Lilia?” Tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng bahay habang sinisipat ng tingin ang buong paligid. Wala pa rin iyong pinagbago maliban sa ilang bagong kagamitang nakadisplay na tiyak niyang binili ng kaniyang asawa.

“Hindi pa po nakakauwi si Sir Benedict, at nasa taas naman po si Mam Lilia, naglalaro sa kaniyang silid,” tugon naman ni Ester.

Himbis na pansinin ang tanong ni Cora sa kaniya ay napataas na lang siya ng kaniyang kilay at saka iniabot ang kaniyang mga maleta rito at kaagad na nagtungo sa itaas upang puntahan ang kaniyang anak sa silid nito. Napangiti siya nang makita ang anak na nakasuot ng paborito nitong pajama habang nakaupo sa harap ng isang maliit na lamesa at may kinukutingting na kung ano. Masyado itong focus at seryosong-seryoso sa ginagawa na hindi na nito napansin ang pagpasok niya sa loob ng silid.

Kumatok siya nang mahina sa pintuan at tinawag ang pangalan ng kaniyang anak.

“Lilia?”

Kaagad itong lumingon at masigla siyang binati. “Mommy!” Iyon nga lang ay kaagad din itong bumalik sa pinagkakaabalahan kaya naman lumapit na lang siya rito upang yakapit ito at saka kinintalan ito ng halik sa pisngi. Ganoon na lang ang kaniyang pananabik sa anak kaya naman hindi niya na napigilang guluhin ito ngunit tila nairita naman ito sa kaniyang ginawa at bahagya siyang itinulak palayo. “Mommy, can’t you see that I am still busy?”

Dalawang buwan ding hindi nakita ni Mikaela ang kaniyang anak kaya ganoon na lang ang pananabik niya rito. Alam niyang kulang ang isang yakap at halik upang maibsan ang lungkot nang mga panahong malayo siya rito. Gusto niya sanang magkaroon sila ng proper bonding ngunit tila hindi ata ito ang nais ng kaniyang anak. Ayaw naman niyang guluhin ang ginagawa nito dahil kitang-kita niya kung gaano ito nag-e-enjoy sa ginagawa. “Lilia, are you making a flower necklace?”

“Yes, Mommy!” KItang-kita ni Mikaela kung gaano ito natutuwa sa ginagawa. “Malapit na ang birthday ni Tita Aireen. Gumagawa ako ng regalo namin ni Daddy para sa kaniya. Kaming dalawa ni Daddy ang pumili ng mga flower beads na ito. Look, Mommy, aren’t they beautiful?”

Tila nanikip ang dibdib ni Mikaela sa narinig. Bago pa man siya muling makapagsalita ay magiliw na namang nagsalita ang kaniyang anak. “Alam mo ba, Mommy, marami pang inihandang regalo si Daddy para kay Tita Aireen. Bukas—”

Napahawak si Mikaela sa kaniyang dibdib dahil hindi niya na kinakaya ang sakit. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay tila hindi siya nag-e-exist sa buhay ng kaniyang anak. “Lilia, naaalala mo ba ang birthday ni Mommy?”

“Ano ‘yon?” Tila hindi nito pinansin ang kaniyang tanong at muling itinuon ang atensyon nito sa ginagawang kwintas. “Mommy, huwag ka munang magulo, please. Naguguluhan na tuloy ako sa pagkakasunud-sunod ng mga flower beads—”

Hindi na siya nakapagsalita pa at binitawan na ang kaniyang anak. Tumayo na siya at saglit na pinakatitigan ang anak. Ramdam niya ang lungkot at pagtatampo sa kaniyang dibdib ngunit hindi niya alam kung paano iyon ilalabas. Hindi na rin siya tinapunan ng tingin pang muli ng kaniyang anak kaya mas lalo siyang nasaktan sa nangyari. Nakagat niya na lang ang kaniyang pang-ibabang labi at umalis sa silid nito nang wala nang sabi-sabi.

Naglalakad na siya patungo sa silid nila ni Benedict nang makasalubong niya si Cora. “Madam, tumawag po pala si Sir Benedict at nasabi kong nakauwi na kayo. Ang sabi lang po niya ay marami pa siyang gagawin kaya mauna na raw po kayong matulog para makapagpahinga kayo.”

“I see,” tugon niya rito at sandaling nag-isip. Naalala niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang anak kaya hindi niya napigilang tawagan ang asawa upang kausapin ito.

Ilang ring din ang itinagal bago ito napagpasyahang sagutin ng nasa kabilang linya. Pagsagot pa lang nito ay hindi na maipinta ang panlalamig sa boses nito. Halata rin na hindi ito natutuwa sa pagtawag niya. “Marami akong ginagawa. Tatawagan na lang kita bukas—”

“Benedict, it’s late. Sino ‘yan?”

Napahigpit ang kapit ni Mikaela sa kaniyang cellphone nang makarinig siya ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

“It’s nothing.”

Bago pa man makapagsalita si Mikaela ay mabilis nang ibinaba ng kaniyang kausap ang tawag.

Sa tagal nilang hindi nagkita – dalawa o tatlong buwan. Kung kailan naman nakabalik na siya, hindi man lang ito nag-atubiling makita siya. Kahit makausap man lang siya ay parang ayaw na nitong gawin.

Sa ilang taon nilang kasal, ganoon lang palagi ang pakikitungo sa kaniya ni Benedict. Pakiramdam niya kahit napakalapit nito ay tila malayo pa rin ito. Nanlalamig din ito palagi sa kaniya at madalas ding magalit sa kaniya.

Sanay na siya sa ganoong trato nito sa kaniya kung tutuusin. Kung kagaya pa siya ng dati paniguradong tatawagan niya itong muli at hahabulin. Pipilitin niya itong umuwi hanggang maaari dahil nais niyang makasama ito.

Pero siguro nang mga oras na iyon ay napagod na lang siya at bigla na lang siyang nagising isang araw na hindi na siya interesadong malaman pa ang kahit na anong tungkol dito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 12

    Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 11

    Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 10

    Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 9

    Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 8

    Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel

  • I Wanted a Divorce, Benedict!   Chapter 7

    Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status