Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition."
"Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.
Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.
Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, bawat spot ay mahalaga.
"Kapag hindi ako nagpunta ngayon, hindi na kita kakausapin ulit," hamon niya rito. Hindi naman na nagsalita ang kausap niya at pinutol na ang tawag. Alam na kaagad ni Mikaela na sumasang-ayon na ito sa kung ano ang napag-usapan nila. Napangiti na lang siya dahil doon.
Sa katunayan, ang hindi niya lang sinabi ay nais niyang bumalik sa kompanya. May partnership siya sa kompanyang iyon ngunit pinili niyang magpakasal kay Benedict at magkaroon ng anak dito nang mga panahong nagsisimula pa lang ang kompanya. Mas pinili niyang bumaba sa pwesto at mag-focus na lang sa kaniyang pamilya na siya namang naging dahilan para magkagulo at masira ang mga plano na binubuo na sana ng kompanya. Dahil doon ang daming opportunities and napalampas ng kompanya. Lahat ay nainis at nagalit dahil sa ginawa niya. Sa mga nagdaang taon, nawala siya ng contact sa mga ito. Totoo namang gusto niyang bumalik sa kompanya pero masyado siyang na-focus sa kaniyang pamilya matapos ang kanilang kasal ng asawa.
Napag-iwanan talaga siya ng matagal na panahon dahil doon. Hindi niya maiwasang mag-alala na kapag bumalik siya sa kompanya ng walang paghahanda, ay pumalapak ang mga gawa niya at hindi siya makahabol sa kanilang kompanya. Kaya naman nagpasya siya kinakailangan niyang maghanda at alamin ang kasalukuyang kalagayan ng kompanya bago gumawa ng panibagong plano.
Sa mga sumunod na araw, pinagbutihan ni Mikaela ang pagtatrabaho samantalang ang pansariling bagay naman ay inilulugar niya na pagkatapos ng trabaho. Hindi na siya nagtangka pang tawagan o magkaroon ng kahit anong contact kay Benedict maging sa kanilang anak. Sa katunayan, ganoon din naman ang ginawa ng mga ito sa kaniya. Hindi na iyon bago sa kaniya. Sadyang wala lang choice ang mga ito noon kundi sagutin ang tawag niya kahit pa napipilitan lang.
***
United States of America
Nakasanayan na ni Lilia na tawagan si Aireen tuwing umaga pagkagising niya. Nang araw na iyon ay tumawag siya kay Aireen gaya ng nakagawian pero bago pa man humaba ang kanilang usapan ay nagsimula na siyang umiyak dahil sa isang masamang balita. Hindi siya makapaniwala sa balitang natanggap lalo pa at nagmula iyon kay Aireen.
"Babalik na si Tita Aireen sa Pilipinas!"
Nalungkot si Lilia dahil doon. Nasanay na siyang nakakasama si Aireen palagi. Hindi niya na rin kayang malayo rito lalo pa at ito na ang nagsilbing ina sa kaniya sa mga panahong wala ang tunay niyang ina sa tabi niya. Gusto niyang sa lahat ng oras ay makasama lang ito. Kung maaari lang siyang papiliin ng magiging ina ay mas nanaisin niya nang maging mommy niya si Aireen kaysa kay Mikaela. Kaya naman ganoon na lang lungkot niya nang malamang iiwan na sila nito at babalik na ng Pilipinas upang doon na manirahan. Matapos ang usapan nila ni Aireen ay kaagad nitong tinawagan si Benedict upang kumpirmahin ang nalaman niya. "Dad, alam mo na ba ang tungkol dito?"
Habang abala naman si Benedict sa pagbabasa ng mga dokumentong hawak niya, hindi na siya nagdalawang isip na sagutin ang anak, "Yeah! I know."
"Kailan mo pa alam? Why didn't you tell me, Dad?" tanong ni Lilia kay Benedict habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"For some time," kalmadong tugon lang nito na para bang hindi man lamang ito apektado sa pag-alis ni Aireen sa buhay nilang mag-ama.
"You are so bad, Dad..." napayakap na lang si Lilia sa kaniyang maliit na pink pig doll at doon ibinuhos ang kaniyang mga luha. "Why didn't you tell me? Hindi ko kayang umalis si Tita Aireen. I don't want to go to school anymore without Tita Aireen. Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas. I want to be with Tita Aireen"
Kalmado lang na nagsalita si Benedict sa anak, "it's already being processed, Lilia, so don't be sad."
Hindi naman naintindihan ni Lilia ang nais sabihin ng kaniyang ama, "w-what do you mean by that?"
"We will return to the Philippines next week."
Kinabukasan, pagdating pa lang ni Benedict sa kumpanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Mikaela.Wala namang kaalam-alam si Mikaela na nakabalik na ng Pilipinas ang kaniyang asawa na si Benedict kasama ang kanilang anak na si Lilia. Hindi akalain ni Mikaela na sa dinami-dami ng maaari niyang makabangga ay ang kaniyang asawa pa kaya naman napahinto siya sa paglalakad.Bakas naman sa mukha ni Benedict ang pagkabigla nang mapagsino ang nakabangga niya ngunit kahit ganoon ay inisip niya na lang na marahil ay nakabalik na ito mula sa business trip nito kaya hindi na siya nag-isip pa ng kung ano. Katulad ng dati ay parang wala lang sa kaniya ang makita ito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad nang walang lingong-likod.Noon, kapag nalalaman ni Mikaela ang pagbalik ni Benedict ng Pilipinas ay natutuwa talaga siya at hindi niya maiwasang masorpresa. Kahit pa gaano ito ka-cold sa kaniya at patuloy ang pambabalewala nito ay masaya pa rin siyang makita ito. Ngingitian niya pa rin
Dahil alam ni Bea na gustung-gusto ng anak niya ang luto ni Mikaela, nakasanayan niya nang pinasasamahan si Luigi sa kanilang mga katiwala para pumunta sa bahay ni Mikaela upang matikman ang luto nito sa dalawang taong nakalilipas. Bagaman gusto ni Luigi ang luto nito, hindi pa rin patas at maganda ang tingin niya rito. Hindi niya man lang tinatrato na asawa ni Benedict si Mikaela, bagkus ay tila utusan at yaya lang ang tingin niya rito na kahit kailan ay maaari niyang utus-utusan kailan niya man naisin.Noon, dahil kay Benedict, inalagaan ni Mikaela nang mabuti ang anak ni Bea na si Luigi. Hindi niya masyadong dinidibdib ang pagtrato nito sa kaniya. Ngunit iba na ngayon, naghahanda na siya para sa divorce nilang dalawa ni Benedict, at ayaw niya nang maugnay pa sa asawa kahit na kailan.Kaya naman, kaagad na ring dineretsa ni Mikaela si Bea at tinanggihan, "sorry, Ate Bea, medyo abala kasi ako kaya hindi ako pwede bukas."Ngayon babalik na siya sa pangarap na tinatahak niya noon, ang
Masasabing bihira lang magkita sina Lucas at Mikaela sa nakaraang mga taon. Ngunit sa ilang pagtatagpo lamang na iyon ng kanilang landas, masasabi ni Lucas na napakalaki na ng ipinagbago ni Mikaela kumpara sa pagkakakilala niya rito noon. Dati ay puno ng pag-asa lagi si Mikaela. Masayahin, masigla at walang pagsubok na hindi inaatrasan, ngunit iba na ito mula nang nagpakasal ito. Maisip niya pa lang kung ano si Mikaela noon, hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging malulungkutin ito at parang walang buhay sa mga bagay bagay. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong naging buhay nito at ng asawang si Benedict. Kung meron man ay kakaunti lang. May ilan siyang kutob na mas minabuti niya na lang sarilinin. Sinabi niya na lang kay Mikaela, "ayos lang naman na bumagsak paminsan-minsan. 'Yong talent at abilidad mo ay sapat na. Hindi ka basta-basta maikukumpara sa ilang mga matatalinong tao r'yan. Mikaela, hindi pa huli ang lahat as long as ito ang pangarap mong gusto mong makamit
Dahil sa tawag ni Lilia ay hindi na nagawa pa ni Mikaela na makabalik pa sa pagtulog nang araw na 'yon. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na para bang wala siya sa kundisyon. Hindi rin maganda ang mood niya at parang wala siyang ganang magtrabaho.Sa kabilang banda, hindi naman na naalala ni Benedict ang tungkol sa envelope na naglalaman ng divorce agreement after ng tawag sa kaniya ni Aireen.Nang makauwi, sinigurado ni Benedict na lahat ng importanteng dokumento ay nailagay niya sa kaniyang briefcase. Sinigurado niyang walang kulang iyon at kumpleto bago siya bumaba."Okay, let's go."Kaagad na pinaandar ng driver ang sinasakyan nila paalis ng mansyon at nagtungo sa airport.***Walang kaalam-alam si Mikaela na bumalik na si Benedict at Lilia sa Pilipinas. Walang nagsabi sa kaniya. Halos kalahating buwan na rin ang nakalilipas nang magdesisyon si Mikaela na umalis na ng Amerika at iwan ang kaniyang mag-ama. Sa mga nagdaang araw na iyon, kahit paano ay nasasanay na rin siya paunti
Napatalon naman sa kama si Lilia nang marinig iyon mula sa kaniyang ama na si Benedict, "really?""Yes," diretsong tugon ni Benedict sa anak."Pero bakit hindi sinabi ni Tita Aireen?" nagtatakang tanong ni Lilia."Ngayon lang kasi naging maayos ang lahat at hindi ko pa nasasabi sa kaniya."Natuwa naman si Lilia sa nalaman, "Dad, huwag mo munang sabihin kay Tita Aireen about this for now. Kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas, isurprise natin siya, okay?""Sure. I won't tell her.""Thank you, Dad. You're the best. I love you so much!"Matapos ibaba ang tawag, hindi mapagsadlakan ang tuwa ni Lilia. Napakanta pa siya habang sumasayaw sa ibabaw ng kaniyang kama. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang ina na si Mikaela. Ilang araw na rin itong hindi tumatawag sa kaniya dahilan para mas gumanda lalo ang mood niya. Sa katunayan, sinasadya niya talagang umalis ng maaga ilang araw na ang nakalilipas nang sa ganun maiwasan niyang makausap ang ina sa telepono. Inilalayo niya rin ang kaniyang cel
Matapos ang trabaho sa gabi, nagpasya si Mikaela na magtungo sa palengke upang bumili ng gulay at ilang paso ng green plants bago inuwi sa bahay. After dinner naman ay nag-check si Mikaela online about sa balita tungkol sa technology exhibition. Matapos na mabasa iyon, kaagad niyang dinampot ang cellphone at may tinawagan. "Please, save me a ticket for next month's technology exhibition.""Are you sure about it? You already have done this before. After reserving a tickets for two times, you never once showed up. Ang daming gustong bumili ng tickets pero sinasayang mo lang," panenermon ng lalake sa kabilang linya. Narinig pa ni Mikaela ang pagbuntong-hininga nito.Ang annual domestic science and technology exhibition ay isa sa mga major event sa larangan ng teknolohiya at hindi lahat ay pinapalad na makakuha ng ticket.Nakakatanggap naman ang kanilang kompanya ng ilang exhibition spots at karamihan sa kanilang mga elites ay nagnanais na mapabilang sa naturang event. Para sa kanila, baw