Jean
Nang lumabas si manang umupo ako sa gilid ng kama upang antayin si Kaizer. Wala pang limang minuto humahangos itong pumasok sa pinto. May nasilip akong pag-aalala nakalarawan sa mata ni Kaizer, ngunit ng makita akong ayos ang kalagayan bumuntonghininga ito. “Kahit anong gising ko sa ‘yo kagabi hindi ka gumising kaya siguro masakit ang tiyan mo. Sorry, kung 'yan ang paraan mo para payagan kitang makauwi sa bahay mo? Hindi ko mapagbibigyan ang iyong hiling. Ganun pa rin mananatili ka rito sa bahay ko hangga't wala pa ang mama mo," kaswal na sabi ni Kaizer. Humakbang ito palapit sa akin. Tumayo naman ako nagkatitigan kami naging seryoso lalo si Kaizer ng sulyapan nito ang puting dress na iniwan ni manang sa kama. Huminto ito sa tapat ko't nakahalukipkip habang pinanonood ako. Nagbabaga ang mata ko pinukol ng masamang tingin si Kaizer. “Nasisiraan ka na ng bait? Kung ano-ano na lang ang iniisip mong gawin. Kasal? Sa tingin mo may magpapakasal sa ganitong sinapit ko? Kinidnap mo ako ngayon nagdesisyon ka ng lingid sa kaalaman ko?” “Pakakasal ka sa ‘kin sa ayaw at sa gusto mo—” “Kahit na kaladkarin mo pa ako—” “Gagawin ko ‘yan Jean Tejada kung mananatili kang mag mamatigas.” “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” natigilan ako kumuyom ang palad ko. Private kong buhay hinahalukay ba nito. Ang siraulo niya talaga. “Wala kang karapatan na halungkatin ang personal kong buhay.” “Gano'n kalawak ang impluwensya ko sa ilang minuto alam ko na ang pangalan mo pati ang pangalan ng uhugin mong boyfriend at lahat-lahat sa ‘yo,” may loko pang ngisi sa labi nito. “Gago! Mas matino at mabuting tao ang boyfriend ko kaysa sa iyo. Ni kalingkingan wala ka roon kaya ‘wag mong ipagmalaki ang impluwensya na sinasabi mo.” Nawala ang ngisi nito. “Matino huh? Iyan ba ang alam mo?” ayon ulit ang nakakatakot na ngiti ni Kaizer. “Oo dahil kilala ko siya mga bata pa kami.” Hindi lang ako pinansin ni Kaizer. Nilapitan ang puting dress pagkatapos dinampot at bumalik sa harapan ko. “Kapag hind ka nagbihis. Ako ang magbibihis sa ‘yo!” “Gago ka ba o nasisira na ang ulo mo. Sapilitang dinala mo ako rito tapos itong kasal ipipilit mo pa rin.” “Magbihis ka na,” malamig ang boses at para bang pinilit nito maging mahinahon. “No! Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo. May boyfriend ako at siya lang ang gusto kong pakasalan at mahal na mahal ko—” “Kapag hindi ka ngayon magpakasal sa ‘kin. Mas tatagal ka rito sa bahay ko. At alam mo bang nahanap na kung nasaan nagtatago ang mama mo? Gusto mo bang mabulok siya sa kulungan. Pakakasal ka o tatawagan ko na ang mga pulis ngayon para damputin si Claire—” “I hate you!” bulyaw ko sa kanya napansin kong saglit itong natigilan ngunit mabilis talaga si Kaizer makabawi. Dahil nagkibit balikat lang. “Siguro kaya ka namimilit na magpakasal ako sa iyo. Dahil walang nagtitiyaga sa masama mong pagu-ugali. Kaya gustong-gusto mong magpakasal sa akin walang makatiis sa kahambugan mo. Unless na love at first sight ka sa akin—” He softly chuckled. “Really? You have the guts to flatter yourself, huh?” ngisi nito para bang isang kalokohan ang sinabi kong iyon sa kaniya. “Kahit hindi ko alukin ng kasal nagkukumahog sila na sumama sa ‘kin sa kama para lang paligayahin ako.” “Iyon naman pala bakit kailangan mo ako?” “Dahil sa mamanahin ko. Dalawang linggo na lang birthday ko na. Dapat bago sumapit ang birthday ko. Kasal na ako. Iyon ang nakasaad sa last will and testament ni dad,” “Kapag magpakasal ba ako sa ‘yo. Bibigyan mo na ng chance si mama malinis ang pangalan niya? Kilala ko ang mama ko. Hindi siya masamang tao. Nakikiusap ako, Kaizer. Magpapakasal ako sa ‘yo. Pero gusto ko rin after mo makuha ang mana mo. Pauuwin mo na ako sa bahay ko. At makipag tulungan ka na ma annual agad ang kasal natin. Kayang-kaya mo iyan gawan ng paraan sabi mo ‘impluwensya mo’ please? May sarili akong buhay,” anang ko pumiyok na ang boses ko. Humikbi na pala ako at nag-unahan ang luha ko pumatak sa aking pisngi. Humakbang ako malapit kay Kaizer. Kung kailangan kong makiusap at lumuhod sa kaniya. Gagawin ko para makabalik si mama at ako sa buhay ko. Hindi ito ang pinangarap ko. Simple lang ang pangarap ko. Ang makasama ang mama ko ma realize nito na hindi lahat ng kaligayahan ay kayang tumbasan ng salapi. Oo nga’t unang pangunahing ng bawat tao. Ngunit sapat na sa akin ang nabibili ang mga kailangan sa araw-araw. Hindi magarbo ngunit masaya. “K-Kaizer…nakikiusap ako sa ‘yo. Hindi iyon magagawa ni mama,” saad ko pagkatapos lumuhod ako sa harapan niya kaya lang napaigtad ako ng halos mabinngi ako sa lakas ng sigaw niya sa 'kin. Galit na galit ito. “Jean!” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakikiusap ako habang basa ang pisngi ko dahil sa luha ko. “God damnit tumayo ka r’yan!” bulyaw nito sa akin. At dahil hindi ako nakinig siya na ang nagtayo sa akin hinawakan ako sa baywang ko pagkatapos mabilis akong siniil ng halik na mapagparusa. Nabigla ako hindi ko iyon pinaghandaan kaya nakaawang ang labi ko madaling naipasok ni Kaizer ang dila sa loob ng bibig ko at tinudyo tudyo ang labi ko. Hindi ko mapigilang mapaungol sa ekspertong labi at dila ni Kaizer. My God, hindi siya ang first kiss ko at palagi akong hinahalikan ng boyfriend ko ngunit bakit iba ang halik ni Kaizer. Mahigpit niya akong niyakap kulang na lang durugin ako sa paraan ng yakap niya. Malikot din ang palad ni Kaizer sa baywang ko. Nang umakyat ang palad sa boobs ko at pinisil niya iyon. Doon ako natauhan. Mabilis ko siyang naitulak ngunit nanatiling nakapulupot ang magkabila n'yang braso sa baywang ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Namumula ang mukha ko hindi ko kayang labanan ang matiim niyang titig sa ‘kin. Pinasadahan ako ng tingin ni Kaizer sa pisngi ko. Umiigting ang panga nito at hindi ko mabasa ang iniisip nito. Pero para sa mama ko gagawin ko ito. Nanatili pa niya akong yakap. Kung may balak ba akong bitiwan hindi ko alam. “Magbihis ka na. Gusto ko rin ipaalala, kapag may audience normal tayong mag-asawa at walang kasunduan napag-usapan," bulong nito binitiwan niya ako.Jean Parang walang nangyari balik si mommy sa shop at si Vera sa tinatahi niyang evening gown. Deadline raw next week kaya nira-rush ni Vera ngayon. Hindi muna ako lumabas pinanood ko na lang si Vera. Kumakati nga ang kamay ko tulungan siya ngunit design niya iyon ayaw kong makialam sa ginagawa niya. Nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko may pumasok na text galing kay Kaizer. Hubby: Wife, nakaalis na ako sa office patungo na ako r'yan. Nagpalam ka na ba kay mommy aalis tayo agad? Ako: Saan nga pala tayo pupunta? Aba bilis n'yang mag-reply huh! Hubby: Birthday ni doktora Nai. Sa bahay lang naman nila. Ako: Doon tayo pupunta bakit hindi mo naman sinabi!? Kaizer naman wala akong gift at wala rin akong damit. Aba tumawag pa hindi na lang i-text ang reply niya. Talaga naman. Sinagot ko nakatawa sa kabilang linya. Anong nakakatuwa sa sinabi ko hilig ng biglaan dapat kahapon sinabi na niya. “Ano bang problema kung wala kang baon na damit?” iyon agad ang tinanong sa akin.
Jean Madaling araw gising na ako dahil umuwi si mommy hinatid namin ni Kaizer sa labas. Pinahatid ni Kaizer kina kuya Nardo. Dahil alas-kwatro pa ng madaling araw. Ayaw rin ni mommy mapagod daw ako masyado kaya pumayag na lamang ako.Nang makaalis si mommy bumalik kami ni Kaizer matulog. Nagising ako ngayon lang alas diyes na ng umaga tanghali na wala ulit si Kaizer sa tabi ko. Bumango ako nanghihinayang hindi ko na naman naabutan bago pumasok sa office niya. Sana pala hindi ako bumalik matulog. Bulong ko pa sinisi ang sarili ko paglapat lang ng likuran ko sa kama mahimbing agad ang tulog ko.Dahil tinamad pa akong lumabas nanatili muna ako sa loob ng kuwarto. Kinuha ko ang phone ko sa study table at binitbit sa kama. Bumalik ulit ako sa paghiga. Kapag sarado pa ang pinto hindi naman ako gagambalain. Maliban sa manang Rosa na siyang may lakas loob na katukin ako pero ang iba kailangan pa ng pahintulot galing dito o ni Kaizer para gisingin ako.Tatawagan ko si mommy ngunit nakita ko m
Jean Napalingon kami pareho ni Kaizer ng bumukas ang pinto ng CR. Lumabas si lola nakabihis na. “Narito na pala ang asawa mo, apo? Paalis na ba agad kayo niyan? Tulog pa yata ang mommy mo,” ani nito palapit na rin sa amin ni Kaizer. Tumayo si Kaizer at nilapitan si lola. Nagmano rito at sinabayan na si Lola maglakad at nakaalalay pa sa siko ni lola binitiwan lang ng makarating sila sa sofa. “Dito ka po ‘la,” pinagpag ko ang tabi ko. “Ngayon na ba kayo aalis? Parang ang bilis lang, apo," “Opo ‘la. Gigisingin ko na lang po si mommy. Sabi naman noon kapag dumating daw si Kaizer. Gisingin lang daw siya.” “Pinakain mo na ba itong asawa mo ha, apo?” “Opo katatapos lang din po ‘la,” tugon ko. “Bakit nga pala isasama n'yo pa ang mommy mo? Ihahatid n'yo ba muna sa bahay bago kayo tumuloy pauwi?” “Hindi po ‘la. Ummm magtungo po kami sa clinic.” “Sinong maysakit?” gumuhit ang pag-aalala sa mata ng lola pareho niya kaming pinasadahan ng tingin ni Kaizer. Para bang nasa titig n
Jean "Ikaw lang mag-isa? Where are mommy and grandma?" "Nasa k'warto si mommy. Si lola naliligo," tugon ko. Hinagod niya ako ng tingin. Napanguso ako dahil hindi na kami nakaalis sa gitna. "Bakit?" "Kumain ka na?" "Iyon lang pala bakit ang laki ng problema. Oo naman. Gusto mong kumain? Ipaghahain kita. Marami pang natirang ulam. Nagtinola ng manok si lola at mayroon pritong isda." Kumikislap ang mata ni Kaizer. "Kung kakain ka?" "Ahmm busog pa ako pero sige baka hindi ka pa kumain ng tanghalian sasamahan na lang kita." "Kumain pero kaunti lang," tugon niya. "Bakit kaunti dapat marami ang laki mong tao hindi iyon sapat." "Iniisip ko kayo ni baby," "OA mo. Ngumisi lang ayon na naman parang kinikiliti ang tiyan ko sa kilig. "Halika na nga papakainin kita," hinila ko sa kamay niya at nagpahila naman si Kaizer. "Upo ka lang diyan ako," tinuro ko ang upuan. Siya ang naghila. Nakaupo na ngunit bawat galaw ko nakasunod siya ng tingin kaya uminit ang mukha ko. Pinanginiga
Jean May masayang ngiti sa labi paggising ko ngunit pagtingin ko sa tabi ko nabawasan ang aking kasiyahan dahil hindi ko na naman naabutan si Kaizer. Pumasok na naman ng office tulog pa ako. Bukas gigising na talaga ako ng maaga para naman masabayan kahit almusal si Kaizer. Dahil alas-nueve na bumangon na ako para maligo. Pupunta ako sa mommy magpapasama sa check-up ko ngayon. Tiyak magugulat iyon kapag sinabi kong buntis na ako. Pumayag naman si Kaizer na kasama ko si mommy. Doon din niya ako susunduin sa shop ni mommy. Sabi ko roon na siya pumunta hindi na ako uuwi rito hassle rin naman kung babalik pa ako mabuti na lang walang reklamo. Nag-pants pa rin ako kahit na preggy na. Tsaka na lang ako magsuot ng dress kung two months na si baby sa sinapupunan ko. Ngayon susulitin ko muna maong pants suot dahil matagal din ulit makapagsuot nito kaya ngayon gamitin ko na. May dalawang maid nagpapalit ng kurtina pagdating ko sa baba. “Hi,” binati ko sila. “Si manang Rosa po nasaan?”
Jean Pareho kaming tahimik ni Kaizer kahit nakapasok na kami sa k'warto. Inaantay ko siya ang unang magbukas ng pag-uusapan namin subalit wala yata ganang kausapin ako. Nakaisip akong sabihin ang pagbubuntis ko kahit wala akong hawak na PT. Sure naman ako hindi na iyong kailangan dahil confirm na talaga dahil sa nararanasan na morning sickness ko. Umupo ako sa gilid ng kama. Nakatayo si Kaizer sa harapan ko matiim akong tinitigan. Napanguso ako bakit diyan pa siya pumuwesto hindi na lang umupo talaga namang Ezcalante ito. “Maupo ka nga!” sita ko sa kaniya. Ngumiti lang hindi pinansin ang sinabi ko. “Gusto mong sumama sa bahay ni lola Dhebora sa linggo?” “Wala kang lakad?” “I guess wala kaya niyaya kita,” “Nagtatanong lang pilosopo!” “Sinagot ko lang ang tanong mo pilosopo na?” sagot niya naninitig pa rin. “Magbibihis muna ako,” iyon na lang ang sinabi ko para makaiwas sa wala n'yang katapusan na paninitig. Kahit hindi sumagot. Umalis ako sa kinauupuan ko at nagtungo n