LOGINJean
Nang pulutin ko ang basag na basag kong cellphone. Napasinghap ako at umaasa na sana gumana pa ito. Hindi ko mapigilan bumagsak na pala ang aking luha sa pisngi ko habang hawak ang phone ko. Narinig ko pa ang pag ‘tsk’ ni Kaizer. Ngunit hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kaniya. Abot langit ang galit ko sa kaniya sa mga oras na ito. Simula ng binili ng papa ko ang phone ko. Iningatan kong hindi masira. “Boyfriend mo ba iyon?” may galit ang boses ni Kaizer ng banggitin ang boyfriend ko. Hindi ako sumagot. Sa phone ko ang atensyon ko dahil matagal ko na itong gamit sobrang ingat ko rito sisirain lang ni Kaizer. “Hihingi ng tulong sa boyfriend, huh? Nagsasayang ka lang ng lakas. Wala kang mahihingian ng tulong, ang mama mo lang ang makatutulong sa ‘yo. Kapag hindi siya nagpakita sa ‘kin. Ikaw ang aani ng galit ko.” “Kapag nakakita ako ng pagkakataon. I swear tatakas ako at ikaw ang makukulong sa mali mong paratang. Oo boyfriend ko siya at mahal na mahal ko—” “Tang-na!” nagtagis ang kaniyang bangang. Gustong manuntok dahil nakakuyom ang kamao. Nag-iwas ako ng tingin sa takot na pagbuhatan ako ng kamay ni Kaizer. Binalikan ko ang phone ko. Napansin ko hinugot nito ang phone n'ya sa bulsa ng suot na pants. Tila sa phone niya binunton ang galit dahil gigil sa screen ng phone. Bahala siya sino pa ang i-text niya. Tulad ng sinabi ko. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas dito. Tatakasan ko siya at magbabayad siya sa mali-maling paratang sa mama ko. Kahit gaano pa kagusto ni mama maging mayaman. Hindi nito magagawang pumatay ng tao para lang umangat ang buhay nito. Edi sana, noon pa si mama gumawa ng katarantaduhan sa hirap ng buhay namin. Oo nga malayo ang loob ni mama sa ‘kin. Pero ramdam kong mahal ako nito. Lahat ng mahalagang okasyon noong nag-aaral ako. Nag-aattend si mama. Strict si mama ngunit mabait ito, 'di dahil ina ko siya. Ramdam ko kasi kahit na madalas lagi ako iniiwan sa lolo at lola ko. Sinubukan kong buhayin ang phone ko. Hindi nag-on kaya naman bumigat ang aking paghinga sa sobrang sama ng loob kay Kaizer. Narito ang mga contact ko kina lolo at lola. Lalo na sa trabaho ko. Nasa phone ko ang pinagkakiitaan ko. Dahil dito sa demunyu Kaizer. Paano na ang pinagkakakitaan ko wala akong phone. Wala rin akong pera dahil nasa bahay ang wallet ko. Pasalamat pa ako may phone ako ngunit pati phone ko winasak nito. Huminga ako ng malalim upang kumalma. Namula ang mata ko habang nakatingin sa hawak kong phone. Siguro pwede ko itong ipaayos. Mayroon naman siguro akong mapapaayusan sa pupuntahan namin ng kasama kong demunyu. Naulinigan ko pa may kumatok sa pinto. Bahagya lang binaba ni Kaizer ang bintana sa tagiliran niya upang makita niya ang kausap. Tumango si Kaizer sa lalaking nasa labas bilang senyales na p'wede na itong magsalita. “Boss wala talaga roon ang hinanap mo,” ani nito. Walang narinig na tugon ni Kaizer tumango lang sa kausap niya. Pero mabuti rin na roon napunta ang atensyon ni Kaizer sa kausap. Dahil napakalma ko ang sarili ko sa labis na sama ng loob sa kaniya. Maingat kong ibinalik sa bulsa ko ang phone ko. Inutusan ni Kaizer ang Driver, na umalis na raw kami ng mag-report ang mga tauhan niya walang nakitang tao sa bahay. Lihim ko na lang hiniling sana maayos na ni locked ang bahay namin bago iwanan ng mga tauhan niya. Nanatili sa labas ang tingin ko. Ni isang beses hindi ako tumingin sa kaniya. Marami itong katawagan habang tumatakbo ang sasakyan. Sino kaya itong Kaizer na ito. Ang daming tauhan hindi ito basta bastang tao kung paano igalang ng mga kasama nito. Nagsama sama na ang sama ng loob ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Kung hindi ko pa naramdaman ang pangaligkig sa ginaw. Ang lamig kaya dumilat ako. Palinga-linga ako sa paligid. Napunta ang atensyon ko sa wall clock. Luh! Umaga na pala? Alas-sais na ng umaga. Hindi ako nagising kagabi? Sumugod si Kaizer sa bahay hapon na iyon. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagbyahe patungo rito. Nakabibinging katahimikan ang bumungad sa akin. Shit, baka kay Kaizer itong silid? May kumot naman ako hanggang dibdib. Sinilip ko kung may ginawa bang katarantaduhan ang lalaking iyon sa akin kapag may ginawa siyang masama sa akin. Baka totohanin ko na lang ang mali n'yang paratang sa 'kin. Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Suot ko pa rin ang damit ko kahapon. Dahil doon nakahinga ako ng maluwag at least sigurado akong wala itong ginawa sa katawan ko. Saan kaya lugar ako nito dinala? Ang laki ng kuwarto kinaroroonan ko. Halos katumbas ng bahay namin itong kinaroroonan kong kuwarto. Sigurado aka sa nakikita kong wallpaper. Lalaki ang gumagamit ng kuwarto. Ang bango parang binuhusan ng isang galon na fabric softener ang kama na kinahihigaan ko. Hindi ko maappreciate ang nakikita kong kagandahan ng silid na kinaroroonan ko. Iniisip ko pa lang ang boyfriend kong si Noel, na. nag-antay sa akin kagabi. Nasasaktan na ako. Iniisip ko lang sina lolo at lola. Inaantay rin ako sa linggo na dadalaw roon naiiyak na ako. Napahilmos ako sa mukha ko dahil sa inis kay Kaizer. Kailangan kong makatakas dito hindi ako pu-puwedeng magtagal sa bahay na ito, kailangan kong hanapin si mama para makausap tungkol sa binebentang ni Kaizer sa kaniya. Speaking of the devil. Bumukas ang pinto at pumasok ang kinaiinisan kong si Kaizer. Seryoso ang mukha. Akala ko siya lang ang pumasok. May nakasunod pala rito may-edad na babae. Ngumiti sa akin ang may-edad na babae. Dahil naalala ko rito ang Lola ko. Magalang akong ngumiti at bumaba pa ako sa kama nagulat sila pareho ni Kaizer, ng lumapit ako sa matanda at nagmano rito. Narinig ko ang pagtikhim ni Kaizer umirap ako sa kanya pumaling ng tingin sa 'kin walang emosyon na tiningnan lang ako nito. “Manang pagkatapos po magbihis. Bumaba rin agad kayo. Pakibilisan po at sa living room ko kayo aantayin,” bilin nito at hindi rin ako tinapunan ng tingin lumabas na ng k'warto. “Hija, magbihis ka na ito ang damit mo. Ako nga pala si Manang Rosa," nakangiti si manang ng sabihin niyon. “Ang ganda-ganda mo. Kaya pala hindi nagdalawang isip agaran ang kasal n'yo ng alaga ko," ani nito labis ang katuwaan sa boses nito. "Kasal?!" bulalas ko. "Nasa living room na nga pati si Judge. Iyon ang magkakasal sa inyo," natutuwa na sagot ni Manang sa akin. Ang hindi nito alam gusto ko ng sakalin ang paladesisyon n'yang amo. Ano ba ang akala ni Kaizer sa 'kin? Isang de remote na laruan na kayang-kaya n'yang pasunurin? "Ouch...." anang ko sinapo ko ang aking tiyan. Nataranta pa si manang ngunit kailangan kong panindigan ang arte ko. "M-manang. M-masakit po ang t-tiyan ko. Ma-maari po bang pakitawag si Kaizer?" pakiusap ko pa sa kaniya sabay umaarte ako sobrang masakit ang tiyan. Napangiwi ang mukha ko. Na-guilty ako dahil nataranta ang may-edad na babae dali-daling lumabas ng k'warto.Vera After four years… Apat taon na ang nakalipas mula noong unang beses kong nasilayan si Rizelle, ang munting anghel na lalong nagapasaya sa buhay namin ni Sean. Ngayon, nandito kami muli sa parehong eksena halos kapareho ng apat na taong ang nakalipas. Kaibahan lang, ngayon ay umaga ako nag-la-labor sa pangalawa namin anak. Hindi ko pa masasabi na bunso baka magdagdag pa ng isa o dalawa. Kahit Ilan naman kung iyon ang kaloob sa ‘min. Mamahalin ko at buong puso ko iyon tatanggapin. Nakahawak ako sa tiyan ko dahil panay na ang sakit. Tinawagan ko na sina mama sabi ko sa ospital na kami magkita doon na sila pumunta. Paalis na dapat kami inaantay lang namin sina mommy baka magkasalisi. Pupunta kasi ngayon, dadalaw kay Rizelle. Sabi ko total pupunta ngayon at on the way na. Antayin na lang namin ni Sean. Pero kung ganitong sunod-sunod na ang hilab. Mukhang hindi na kami mag-a-antay sa mommy at daddy ni, Sean. Pinakuha lang ni Sean, ang mga gamit ni Russia Eula, sa k'warto nam
Sean Leon Madaling araw na pero gising pa ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa excitement, hindi ako mapakali o makatulog. Tumabi ako kay Vera sa kama. Nakalipat na kami sa pinagawa kong sariling bahay dalawang buwan na kaming dito nakatira. Dati sa condo ko kami nakatira nang matapos ang bahay na ito agad kaming lumipat. Due date na ni Vera ngayon buwan, inaantay na lang namin dumating ang panganay namin at baby girl iyon. Rizelle Eunice La Torre. Iyan ang naisip na pangalan ni Vera. Whatever it is, as long as my wife gives it, I have no objection to it. Pinagmasdan ko ang bawat paghinga niya. Hinalikan ko ang noo niya. Napahawak ako sa tiyan niya, ramdam ang banayad na galaw ng baby naming si Rizelle, malikot. Napangiti ako. Lahat ng hirap at pagod, parang nawawala tuwing naiisip kong magiging daddy na ako, at ilang araw na lang aantayin. Pero hindi ko maiwasang matakot. Kasi nga sabi nila mahirap manganak ayaw rin ng asawa ko caesarian gusto lang niya ay normal deli
Sean Leon “Boss, tumawag po si Madam Anabel, ni-remind ang dinner mamaya,” saad ng assistant kong si Teddy. Tamad akong sumandal sa swivel chair ko at hinilot ang aking noo. Nakangiti si Teddy, kaya naningkit ang aking mata. “Teddy, is something funny?” asik ko sa kaniya. “Boss, wala naman po. Saglit na tumigil. Bakit hindi mo na lang pagbigyan ang mommy mo? Sabik na iyon na mag-asawa ka. Inaalala lang nila ang tagapagmana mo, baka nga hindi magkaroon kung wala kang seneryosong babae.” “Kung sa babaeng napipisil nila kahit maging matandang binata na ako,” seryoso kong sabi. “Sayang naman ang lahi boss, baka kalawangin ang k*****a mo," biro nito kaya binato ko ng nahawakan kong folder malakas lang humalakhak. “Idiot! Sa spoiled brat na iyon? No way.” Tinatawanan lang ako ni Teddy. Dati pa akong COO siya na ang assistant ko. Si Daddy pa ang tumatayong CEO, assistant ko na si Teddy. Mapagkakatiwalaan ko at masipag din ito sa trabaho. Para ko ng kuya si Teddy, may asawa na ito at d
Vera Dalawang buwang puno ng pag-aantay, pag-aayos ng bawat detalye ng araw na matagal na naming pinangarap. Walang iba kun'di ang church wedding namin ni Sean. Napatili ako habang nakatingin ako sa harapan ng salamin.Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ngayon araw na ang kasal namin. “Ang cute mo po pagmasdan ma'am,” saad ng babaeng nag-a-ayos sa ‘kin. Simpleng ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya at naging tahimik na lang hanggang matapos ang pag-aayos nila sa akin. “Ready ka na ba anak?” tanong ni mama sa ‘kin paglabas ko ng k'warto. Masaya niya akong pinasadahan ng tingin. “Lalo kang gumanda at ang wedding dress mo bagay na bagay sa ‘yo hindi halata ang malaki mo ng sinapupunan,” aniya habang hinahaplos ang balikat ko. Napangiti ako at pinatong ko ang palad sa tiyan ko at marahan iyon hinaplos. Humagikhik kami pareho ni mama ng gumalaw iyon. “Excited din siya sa kasal ng mommy at daddy niya,” bulong ni mama. “Tara na po baka kabado na po nag-aantay si Sean,” niyaya ko
Vera “Sean anong kabastusan ito?!” galit na galit ang dad ni, Alma. “Malaki po ang paggalang ko sa inyo pero hindi po ako papayag na makasal sa anak niyo.” “Nasisiraan ka na ba ng bait? Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko! Hindi ka kilalanin na ama ng apo ko.” “Hindi naman po talaga ako ang ama n'yang apo mo. Maayos n'yo po ba kinausap si Alma? Binayaran niya ang gumawa ng DNA test para lang masabi na positive?” “No! Dad, hindi po ‘yan totoo. Si Sean po and ama ng anak ko,” “Gusto mo ba talaga sabihin ngayon kung sino? Don't push me, Alma; if you keep demanding what you want, perhaps even your parents will feel ashamed.” Gusto kong tumawa dahil namutla si Alma. Madlim ang mukha ng daddy nito pinagmasdan si Alma. Ngunit nagmatigas pa rin si Alma, parang saglit lang na kinabahan ngayon ay balik na naman ang ginigiit nito. Sino nga kaya ang ama ng pinagbubuntis nito. Para kasi nga kanina ay namutla si Alam. Mamaya ko malalaman dahil sasabihin tiyak ni Sean sa akin. “O
Vera “Anak, tawagan mo agad ako kung may problema roon," bilin ni mama sa ‘kin habang inaantay ko si Sean. “Sa totoo lang po natatakot po ako mama,” pag-amin ko. Ngumiti si mama at inayos ang buhok ko kahit na maayos naman naka isahang tali sa likuran ko pero inayos pa rin niya. “May tiwala ako kay Sean,” wika niya kaya nabawasan ang aking kaba. Kung hindi lang ako magiging advance mag-isip. Parang may sekreto si Sean, at sina Mama at Victor lang ang sinabihan niya. Five minutes lang ako nag-antay dumating din agad si Sean. Kay pogi nito sa suot na black tuxedo. Para kaming ikakasal kasi naka puti rin akong dress, at siya ang bumili nito dinala kahapon ng Mommy Anabel at Daddy Kenneth. Nakakatuwa nga suportado nila si Sean, ako ang gusto nila para sa anak nila at proud ako roon, imbis na si Alma ako ang gusto nila para kay Sean, kahit na engagement nila ngayon ni Alma at ni Sean. “Tita Maricel, lalakad na po kami,” “Magi-ingat kayo hijo,” tugon ni mama. “Relax! Hindi







